Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 17

Someone's POV.



Pagpasok ko sa kaharian, iba't-ibang presensiya siyang aking naramdaman. Mga kapangyarihan na siyang parang nagpapakilala, walang katapusang tawanan na para bang wala ng bukas. Sa likod ng mga tawa nila, hindi mo aakalaing may demonyo sa mga anino nila.

"Oh? Ang aga naman ata ng pagdating mo sa kaharian? Akala ko ba may trabaho ka pang tatapusin?" Tanong ng isa sa mga demonyo dito. Hindi ko siya pinansin at umupo nalang sa isang bakanteng upuan kung saan makakatabi ko ang isa pang mapagpanggap na demonyo.

"Kinakausap ka ng seryoso kaya sumagot ka." Dagdag nitong sambit pero tinignan ko lang siya ng seryoso at napansin ko siyang napalunok dahil sa titig ko.

"Huwag mo akong kinakausap na para bang ikaw ang mas malakas kaysa sa akin, hangal." Walang emosyong turan ko sa kaniya at dali-dali naman itong napatango na parang isang maamong halimaw.

"I didn't expect that you are one of us." Napatingin ako sa katabi ko at napangisi dahil sa sinabi niya.

"Kahit ako, hindi ko aakalain na isa ka palang kalaban. Ay hindi, traydor pala." Balik kong turan sa kaniya pero inikutan niya lang ako ng mata.

Sa mundong 'to, hindi ka dapat magtiwala sa iba na akala mo ay kaibigan. Maraming kaibigan na namamatay dahil sa kataksilan, karangyaan ng isa at inggit. Sa sitwasiyon naming ito, kataksilan ang rason. Hindi, hindi pala kataksilan kundi kasagutan ang siyang hanap namin.

"Sa ngayon, bukas lahat ang mga lagusan papasok sa iba't-ibang mundo kaya puwede tayong atakihin ng kahit na anong lahi." Napalingon kami sa bagong dating, ang tinitingala naming mas malakas pa sa amin dito.

Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin, ang kaniyang tindig na may kaakibat na lakas at tapang. Ang kaniyang tindig-babae ay siyang nagbibigay sa amin ng kakaibang pakiramdam, kapangyarihan niyang napakalakas at kaniyang presensiyang nakakaakit. She is really incredible, fierce and beautiful. Maotoridad kung makatayo, magsalita at kumilos.

"At may nakapasok galing sa mundo ng mga tao." Narinig ko ang ibang bulungan kasabay ng pagsinghap dahil sa narinig nilang balita.


They are not just ordinary kung gano'n, may kapangyarihan sila dahil hindi sila makakapasok sa mundo ng Avalon kung walang kapangyarihan silang taglay.


Ewan ko pero napalingon ako sa puwesto ng katabi ko at napansin ko ang pagngitngit ng kaniyang mga ngipin at biglaang pagseryoso ng kaniyang ekspresiyon.


"Ang gusto ko ay alamin niyo ang kanilang kapangyarihan, ang mga presensiya nila ay kakaiba. Pero mag-ingat kayo, may mga malalakas na nilalang na galing sa nakaraan ang napunta sa kasalukuyan dahil sa magkambal na Diyos at Diyosang pinaglaruan ang oras."


Matagal ko ng alam ang tungkol sa magkambal na Diyos at Diyosa, hindi ko alam kung bakit nila pinaglaruan ang oras na siyang alam ng lahat kung ano ang magiging kapalit. Isang kaparusahan na siyang hindi ko pa nasasaksihan pero malalaman naman namin sa hinaharap.

"Kailangan na nating mahanap ang libro ng Heiress, importante ang libro na 'yon dahil ito ang magtuturo sa atin para mahanap ang mga Diyos at maangkin ang mga kapangyarihan nila."

**********

Alisis.


Nabigla ako dahil sa biglaan nitong pag-atake, hindi ako makakilos dahil sa gulat at sa bilis nito kung kumilos.

Akmang susuntukin niya na ako ng bigla akong napaiwas, nagtaka naman pero sinunod ko nalang ang bawat kilos ng aking katawan. Pana'y suntok ni Asmodeus sa akin pero nakakaiwas naman ang katawan ko, hindi ako mismo ang kumokontrol sa katawan ko. Nagtataka man, patuloy ko paring sinusunod ang bawat kilos nito.

Nang nagising ako sa katotohanan, hindi ko alam kung magiging tama ba o mali ang mga gagawin ko. Sa pagpasok namin sa mundo ng Avalon ay tiyak na siyang kaligtasan namin ang kapalit. Napakadelikado ng lugar na'to, napakadelikado para sa aming hindi pa mulat sa katotohanan.

Iniyuko ko ang ulo ko nang magbigay ng isang atake si Asmodeus at sa pag-iwas kong 'yon ay ramdam ko ang init ng kamao niya sa uluhan ko malapit. Kung natamaan ako siguro ng kamao niya ay baka tumalsik na ako sa malayo.

Napalingon ako sa mga kasamahan kong wala parin sa kani-kanilang huwisyo dahil sa kapangyarihan ni Asmodeus. Hindi rin sila makakilos dahil sa yelong bumabalot sa buong katawan nila.

"Babae!" Nagulat ako sa sigaw at one thing I knew ay nakahiga na ako sa sahig dahil sa tulak ng kung sino. Sa pag-angat ng ulo ko ay gulat akong napatakip sa bibig ko nang mapagtanto kung sino ang lalaking nagpatigil sa kamao ni Asmodeus para atakihin ako.

"O-Olcor?"

Siya 'yong lalaking nakaharap ko, siya 'yong may asidong kapangyarihan na kayang tunawin kung ano mang bagay ang gusto niyang tunawin.

Napansin ko ang pag-ngiwi ng demonyo nang mahawakan niya ang kamay ni Olcor. Biglang lumayo si Asmodeus kay Olcor at kaagad itong umatake agad.

Biglang nagpaulan si Olcor ng asido galing sa kaniyang mga kamay na siyang iniiwasan naman ni Asmodeus. Seeing Olcor on this situation? Nakakahiya para sa kaniya na tulungan ako, ayokong tinitulungan ako na wala din akong nagagawa.

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy at kaagad tumulong, napansin kong busy si Asmodeus sa pakikipaglaban kay Olcor kaya do'n na ako kumuha ng buwelo at agad dinamdam ang lamig sa aking katawan.

Agad lumitaw ang yelo sa paanan ni Asmodeus na siyang ikinagulat nito, nabibiyak pa ng bahagya ang yelo ko dahil sa init ng kaniyang kapangyarihan pero hindi ito nagpapatalo at patuloy na gumagapang sa kaniyang katawan. Napansin kong unti-unti ng humihina ang kapangyarihan na meron siya, unti-unti ng nanghihina ang kaniyang presensiya kaya do'n na ako kumuha ng lakas para umatake sa kaniya.

"Hiyaaaa!" Sigaw ko habang papalapit sa kaniya pero agad naman akong napaatras dahil sa nanlilisik niyang mga matang nakatingin sa akin.

"Oh bakit huminto ka?" Walang ekspresiyong tanong ni Olcor sa akin, nginuso ko nalang ang mata ni Asmodeus na masamang nakatingin sa akin.

"Duwag ka pala?" Agad naman akong nag-pout dahil sa sinabi niya.

Kung tutuusin, mas malaki talaga si Asmodeus kay Olcor at masasabi kong walang-wala si Olcor sa lakas na meron si Asmodeus.

"Hindi ako duwag, hindi mo matatalo ang isang 'yan kung hindi dahil sa kapangyarihan na meron ako!" Sigaw ko sa kaniya at nagulat ako dahil sa biglaang pagsuntok niya sa mukha ni Asmodeus na ikinawala ng malay nito. Hindi na yata nakaya ang panghihina dahil sa kapangyarihang yelo na bumabalot sa buo niyang katawan.

I need to end his life para hindi na siya makaperwisyo.

I snap my fingers, sa isang pitik ay hindi ko na narinig ang tibok ng puso niya, presensiya niyang naglaho na.

"S-Sorry Asmodeus."

Totoo ba 'to? Pumatay talaga ako ng tao? I mean hindi siya tao but still I killed him, Lord Jesus, patawarin niyo po ako.

"Kakaiba ka talaga babae, ikaw na ang nakilala kong pumatay na nanghingi pa ng kapatawaran. What a psycho." Turan niya na siyang ikinaikot ng mata ko.

I'm starting to hate his attitude, hindi ko naman siya inaano pero pana'y kung asarin niya ako sa harap ng mga kaibigan ko.

Narinig ko nalang ang musika ng pagbiyak ng mga yelo ko at kasabay ng pagsinghap ng mga kasamahan ko. Lumingon ako sa kanila at kitang-kita ko ang pagod sa kanilang ekspresiyon, nagtataka sila sa aming dalawa ni Olcor kung bakit kami magkasama pero hindi na sila nagsalita pa at napahiga nalang sa putikan.




**********

"Patawad sa aking nagawa kung pinahirapan ko kayong lahat gamit ang aking kapangyarihang ulan, hindi ko mawari kung paano ako nakontrol ng isang nilalang na hindi ko man lang napansin." Pagpapaumanhin niya.

She is Soltear, she who can manipulate raindrops and she who can make powerful typhoons.

"Ang demonyong aming nakalaban ay isa sa mga prinsipe ng impyerno at isa sa pinakamalakas na demonyo. Hindi pa dapat tayo maging komportable sa buhay dahil hindi pa natin alam ang susunod na mangyayari o mga kalaban na darating." Turan ni Athena habang seryoso lang na palipat-lipat ang tingin sa amin.

"That Devil Lord ay kayang kumontrol ng mga God, Manipulators, Elementalists even specialists kapag nakaranas na ng isang bagay na nagpapasarap sa ating mga sistema. That Devil Lord symbolizing possessiveness and his fire symbolizing lust." Dagdag na turan ni Athena.

Nasa bahay kami ngayon ni Soltear at namamahinga, nagpasalamat pa kami sa kaniya dahil pinahiram pa niya kami ng mga damit at iba pang kagamitan sa katawan.

"I wonder kung paano tayo nasundan ng lalakeng 'yan?" Turo ni Venedict kay Olcor na ngayo'y mahimbing na natutulog habang nakaupo sa sofa.

"Hindi ko rin alam kung paano pero isa lang ang alam ko, his senses are sensitive." Sabi nalang ni Sera habang nakayuko ang ulo sa lamesa.

Kakatapos lang namin mag-hapunan at nasa lamesa kami ngayon na para bang isang conference meeting. We are making plans kung saan namin mahahanap si Seyvana, hindi namin mahagilap ang presensiya niya.

Napalingon ako kay Athena na para bang atat na atat siyang hanapin si Seyvana. Siya talaga ang nag-insist na gumawa ng plano, mahal na mahal niya nga talaga ang kaibigan niya.

"Athena calm down okay? Mahahanap din natin ang kaibigan mo." Turan ko sa kaniya pero taka ko lang siyang tinignan dahil kunot-noo niya akong hinarap.

"Sinong nagsabi sa'yong kaibigan ko siya?" Gulat akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya.


"A-Anong ibig mong sanihin Athena?" Utal kong tanong sa kaniya.

"Hindi mo siya kaibigan? 'Yon ba ang gusto mong sabihin sa amin Athena? Eh bakit parang atat na atat kang hanapin 'yang babaeng 'yan? Nilapitan mo pa talaga kami para lang magpatulong hanapin siya?" Taas-kilay na turan sa kaniya ni Venedict.

"Hindi ko siya kaibigan, kailangan ko lang siya para sa misyon ko."

Parang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Hindi kaibigan ang tingin niya kay Seyvana kundi isang susi para lang sa misyon niyang hanapin ang isang dragon na hindi pa siya sigurado kung meron pa bang natitira. Kahit ako, kung nalaman ko na hinahanap ako para lang gamitin ay masasaktan ako.

"Manggagamit ka Athena." Bulong ko nalang pero hindi niya ako pinansin at seryoso lang siyang napaisip.

"Simula nang magbago ang lahat Alisis, kung ikaw lang ang nasa posisyon ko ay magagawa mo din ang ginagawa ko ngayon. Wala na akong tinuring pang kaibigan, wala na." Turan niya kaya malungkot akong napatango.


"Hindi ka rin pala nagbabago Athena, user ka pa rin." Turan sa kaniya ni Wenessa at bigla nalang tumayo at lumabas ng bahay.

Gusto ko na sanang maging kaibigan si Athena, she is fierce at kakaiba siya. Pero minsan kasi ay may mga bagay na hindi pa dapat alamin, hindi pa dapat pagbigyan ng pagkakataon. Hintay lang, parang kailangan ko pang hanapin ang totoong Athena.


"Kahit ako Athena? Kung malalaman kong hinahanap mo lang ako para gamitin? Hindi ako magpapakita sa'yo." Turan din sa kaniya ni Chester na napapailing-iling pa.



"Ahmm—hindi naman kasi tayo ang nasa posisyon ni Athena kaya hindi dapat ganiyan ang itinuturan niyo sa kaniya." Napalingon kami kay Soltear dahil sa sinabi nito. Taka namin siyang tinignan pero ngumiti lang siya sa amin ng matamis.




"Hindi kasi tayo ang nasa talampakan niya kaya nasasabi niyo ang mga ganiyang klaseng salita. Kung kayo na ang nasa sitwasiyon niya, siguro naman ay malalaman niyo kung ano ang rason niya. Hindi kasi kayo ang nasaktan sa nakaraan, hindi kayo ang iniwan at niloko." Sabi nito at nakita kong napalunok nalang si Chester dahil parang na-guilty ata siya.


"P-Paano mo nalaman 'yan?" Takang tanong ni Athena kaya pati din ako ay nagtaka dahil ni walang nasabi si Athena tungkol sa nakaraan niya.

Tumayo lang si Soltear at humarap sa amin.



"Isa ako sa tagapagbantay ng kagubatan sa buong Avalon, kontrolado ko ang ulan sa bawat distrito. Nagpalago ako ng kagubatan malapit sa aking tahanan hanggang sa marami ng specialist na nangangailangan ng tulong kaya pinatuloy ko sila dito sa aking lungsod. Pinoprotektahan ko sila, pinapakain at tinutulungan dahil alam ko ang hirap na maabandona ng sariling pamilya at lugar. Tinawag kong Town of Rain o Lungsod ng Ulan dahil gusto kong malaman nila o maisip man lang na ang ulan ay nagsisimbolo din ng kaligtasan at bagong pag-asa." Mahabang paliwanag nito.


"Hindi mo sinagot ang tanong ko Soltear, paano mo nalaman ang tungkol sa aking nakaraan?" Tanong ulit ni Athena sa kaniya.


"Tatlo kaming tagabantay ng buong kagubatan sa Avalon at likas na sa aming kapangyarihan ang malaman ang nakaraan ng isang tulad niyo. Tatapak pa lang kayo, alam na namin ang katauhan niyo." Ngiti nitong turan kaya hindi ko maiwasang hindi mamangha kung paano niya i-deliver ang words niya towards us. She is calm, malayong-malayo siya sa nakalaban namin kanina, at kahit kontrolado siya ni Asmodeus ay kapakanan parin ng kagubatan at ng lungsod niya ang kaniyang iniisip.



"Pero Athena, bakit hindi mo subukang buksan ulit ang puso mo para hindi ka napagsabihan pa ng masasamang salita? Isa na do'n si Seyvana, diba malakas ang kaniyang kapangyarihan? Napakalakas niya bilang isang babae."

Hindi ko alam pero sa lahat ng sinabi ni Soltear, ang kapangyarihan ni Seyvana ako napaisip, na-curious. Sino ba si Seyvana? Hindi ko siya kilala, pero Athena knows her.


"Ako na ba ang magsasabi sa kani—"

"Ako na, ang dami mo ng sinabi." Seryosong turan ni Athena at humarap sa amin, hindi man lang pinansin si Soltear na parang nahiya dahil sa tinuran niya.


Huminga pa ng malalim si Athena na para bang nagdadalawang-isip siya.



"I need Seyvana. She is the Goddess of all living beasts, siya lang ang makakatulong sa akin para kapag nahanap ko na ang dragon, siya ang magpapaamo nito."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro