HP 16
Alisis.
"Umalis ka diyan Alisis!" Sigaw sa akin ni Sera mula sa likuran pero hindi ko siya pinakinggan at mas lalong binigyan ng kakaibang tingin si Werrestella, ang nanay-nanayan ni Sera.
Hindi dapat kasama si Sera sa gulo ko kung hindi niya pinatay ang anak niya. Oo hindi niya kadugo pero dapat may respeto man lang siya sa katawan kahit kaunti because they adopt Sera, inangkin kahit alam nilang may totoo siyang mga magulang.
Ang mga butil ng ulan ay unti-unting nabibiyak hanggang sa naging pira-piraso ang mga 'to.
Wala ng ulan, wala ng kapangyarihang bumabalot sa kagubatan na ito at kitang-kita ko ang panghihina ng babaeng nasa likuran ng babaeng nasa harapan namin. Unti-unti na nitong naipipikit ang mga mata niya hanggang sa nawalan na siya ng malay.
"Guess only me and your pathetic comrades huh?" Ngising sambit ni Werrestella na mas lalong nagpatindig ng mga balahibo ko.
I know I'm strong enough to beat her pero may kakaiba parin na nagdadalawang-isip ako dahil nandiyan si Sera. I don't want to hurt her, ayokong makita niya ang gagawin ko sa nanay-nanayan niya.
Naalerto nalang ako nang biglang umatake si Werrestella ng walang pag-aalinlangan. Sinuntok niya ako sa tagiliran ko pero agad kong hinampas ang kamao niya pero hindi 'yon enough para maiwakli ang kamao niya kaya sa huli, natamaan ako.
Napadaing ako sa sakit dahil sa kakaibang lakas ng kamao niya, she is really into battle kung tutuusin. Kamao niyang mabigat na tumama sa tagiliran ko ay masasabi kong para na akong binato ng isang malaking bato na kasing-laki ng din ng kamao niya. Akmang susugod siya sa akin nang bigla nalang pumaharap sa akin si Athena kaya kitang-kita ko ang likurang bahagi niya.
"I really wanted to punch her face, nang dahil sa mga lahi niya ay nagkagulo ang lahat." Bulong ni Athena kaya napaatras ako ng kaunti.
"Oh Athena?" Ngising turan ni Werrestella na parang nababaliw pero hindi natinag si Athena at siya na ngayon ang sumugod.
Nagpalitan sila ng mga suntok at sipa, nakikita ko sa mukha ni Werrestella na nahihirapan siya kay Athena dahil damang-dama ko ang bawat bigat ng suntok ni Athena.
"Athena has the strenth when it comes into physical battle. Bawat suntok niya ay katumbas ng isang sakong bato, that is why nahirapan din ako sa kaniya noon." Napalingon ako kay Wenessa dahil sa sinabi niya at napatingin uli kay Athena.
She is really strong, kakaiba ang presensiya na ipinaparamdam niya ngayon. Kayang-kaya niyang talunin si Werrestella, at nakakagalaw na siya ng maayos dahil wala ng ulan na nakakapagpigil sa kaniya.
Bigla nalang nagpalabas ng naglalagablab na apoy sa palad si Athena at hindi rin nagpahuli si Werrestella dahil nagpalabas din siya ng likido sa kaniyang mga palad. Bigla nalang umatake si Werrestella at gano'n din si Athena habang ang mga kamao nila ay parang naghahanap ng mala-landing-an pero sa huli, ang mga kamao nila mismo ang nagkasanggaan na nagdulot pa ng kaunting usok dahil sa magkasalungat na kapangyarihan.
"Sera." Bulong ko ng mapansin kong seryoso siyang nakatingin sa puwesto ni Werrestella.
"She deserves to die, she killed me. Dahil sa kaniya hindi ko nasundan ang mga magulang ko." Turan niya at hindi nalang ipinahalatang nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi alam na si Werrestella pala ang dahilan kung bakit hindi siya nakasunod. Auntie Azania told us na alam na ni Sera na may totoo siyang magulang pero she stayed parin sa mga peke niyang mga magulang. Sera used her adoptive parents para matulungan siyang hanapin ang mga magulang niya pero hindi siya natulungan.
"Huwag ganiyan Sera, still pinalaki ka parin nila." Turan ko nalang pero parang hindi niya ako narinig dahil nakatingin lang talaga siya ng seryoso kay Werrestella.
"Hindi ko mabasa ang isipan ng babaeng kalaban ni Athena, kontrolado nga siya." Napalingon kami kay Venedict dahil sa sinabi niya.
"Alisis." Napatingin ako kay Wenessa dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko.
"Bakit mommy tawag ng kasama mo kay Werrestella?" Takang tanong ni Wenessa at hindi ako makapagsalita dahil parang hindi ko alam ang sasabihin.
"Mommy? Ang rinig ko ay dammit, mahilig kasing magmura ang babaeng 'yan." Napatingin ako kay Chester at halos lumuhod ako sa harapan niya para pasalamatan siya. God! Malapit na ako do'n! Hindi pa alam ni Wenessa na galing kami sa mundo ng mga tao!
"And you're talking weird language like 'bakla' kanina. Hindi ko lang natanong dahil sa biglaang pagsulpot ng babaeng kalaban natin kanina." Sasagutin ko na sana siya nang may naramdaman akong kakaibang pakiramdam at sa pagharap naming lahat sa puwesto nila Athena ay nakita kong bagsak na si Werrestella.
"Walang silbi!" Nagulat nalang kami sa biglaang paglitaw ng halimaw na kanina pa namin hinahanap.
"Asmodeus! Hahop ka nasaan si Seyvana?!" Sigaw ni Athena pero imbis na sagutin siya ay lumapit ang Devil Lord kay Werrestella na wala ng malay at nanlaki ang mga mata namin dahil sa gulat ng hawakan nito ang ulo ni Werrestella gamit ang malaki nitong palad.
"Shit!" Dinig kong mura ni Chester.
"Bakit parang lumaki ang katawan niya?" Takang tanong ni Sera na para bang hindi nag-aalala kay Werrestella. Hmmm—sino nga ba ang mag-aalala sa isang tao o specialist na walang alam gawin kundi saktan ka lang?
"Anong gagawin mo sa kaniya?!" Sigaw ko kay Asmodeus pero ngumisi lang siya pabalik sa akin.
"Bakit parang alalang-alala ka babae? Alala ko ba kalaban niyo ang babaeng ito?" Ngising turan niya.
"Dahil kontrolado mo siya!" Sigaw ni Wenessa sa kaniya at akmang susugod nang bigla nalang namin napansin na dumudugo na ang labi ni Werrestella dahil sa pagkakadiin ng kuko ng demonyo.
"Huwag!" Sigaw ko.
Bigla nalang namin narinig ang halakhak niya na para bang may nakakatawa akong nasabi.
"Walang nakakatakas sa kapangyarihan ko, kung sino man nakakaramdam ng sarap ay makokontrol ko ang isipan nila."
"He can manipulate specialists when that specialist already experienced sexual desires. Delikado tayo dito." Napatingin ako kay Athena nang sabihin niya ang mga katagang 'yon.
Sexual desires? Ano 'yon? Delikado ba 'yon? Sabi ni Athena na delikado daw kami dahil sa kapangyarihan na meron si Asmodeus.
"What the fuck?!" Sigaw ni Chester kaya agad akong nagtaka dahil sa pamumutla nilang lahat, hindi ko alam kung bakit naging iba ang kilos nila.
"Sugurin si Asmodeus bago pa niya tayo magamitan ng kapangyarihan niya!" Sigaw ni Athena at nabigla ako dahil sumugod din kaagad ang mga kasama ko.
Gumawa si Venedict ng golden portal sa kinahihigaan ng babaeng kalaban namin kanina at hinigop siya nito papasok at ngayo'y nasa tabi ko na siya at ang lambing-lambing ng tulog na parang walang nangyari kaninang labanan.
Bigla nalang nagpalabas ng kulay ubeng apoy si Chester at ibinato ito kay Asmodeus na ngayo'y hawak-hawak parin ang ulo ni Werrestella na nagdurugo na. Nakaiwas lang si Asmodeus sa atake ni Chester pero agad itong sinundan ng mga yelong palaso galing kay Sera at napasinghap ako dahil isinangga ni Asmodeus ang katawan ni Werrestella like his using her body as a shield.
Napasigaw ako ng sunod-sunod na lumapat ang mga yelong palaso ni Sera sa katawan ni Werrestella kaya nagsimula ng lumabas ang mga dugo sa bawat parte ng katawan nito. Pero hindi parin huminto ang mga kasama ko, tumalon galing sa ere si Wenessa at may kung anong lakas ang kaniyang kamao. Napansin ko din na tumalon galing din sa ere si Athena ay may naglalagablab na apoy sa kamao nito pero hindi nila inasahan ang pagtalon din ni Asmodeus kaya ang mga kamao nina Wenessa at Athena ang nagkasalubong.
Napaatras silang lahat na hingal na hingal.
"Sumugod tayo ng sabay!" Sigaw ni Venedict at tumango naman sila.
Sabay-sabay silang tumakbo na may lakas sa kani-kanilang mga kamao at sari-saring kapangyarihan ang bumabalot sa kanila ngayon. Pero ang susunod na pangyayari ay ang hindi namin inaasahan.
Bigla nalang itinapon sa ere ni Asmodeus ang walang malay na katawan ni Werrestella at sa pagbagsak nito ay sinaksak ang tiyan nito gamit lamang ang kamay na may mga mahahaba at matutulis na mga kuko.
Kasabay no'n ay hindi na makagalaw ang mga kasama ko na siyang ipinagtaka ko. Nakaluhod silang lahat ngayon habang nakaharap kay Asmodeus na nasa kamay parin ang wala ng buhay na si Werrestella. Napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ko inaasahan na ganito pala ka-brutal sa lugar na'to, gusto ko ng bumalik sa mundo ng mga tao, gusto ko ng maging normal. Nakikita ko pa lang ang sarili ko sa mga ganitong klaseng sitwasiyon ay nanghihina na ako. Hindi ko masikmura, hindi ko makayang tignan ang mga specialist o kaibigan na nasa paligid kong nahihirapan.
"Bakit hindi tumalab ang kapangyarihan ko sa'yo babae?" Kunot-noong tanong sa akin ni Asmodeus.
Tinignan ko ang mga kasama kong nakaluhod sa kaniya at ngayo'y unti-unti ng tumatayo hanggang sa humarap silang lahat sa akin na may galit at poot sa kani-kanilang mga mata.
"Siguro hindi mo pa nararanasan ang sarap na aking tinutukoy kaya maghanda ka na, mismong mga kaibigan mo ang magpapalasap sayo ng hirap. Hindi man sarap pero alam kong pagsisisihan mong hinanap niyo pa ako." Ngising turan niya sa akin kaya hindi ko maiwasang hindi mapalunok at kabahan hindi dahil sa sinabi niya kundi sa mga nag-aapoy na mga matang nakatingin sa akin.
"Ibalik mo sila sa dati halimaw ka!" Sigaw ko pero tumawa lang siya na para bang isang biro lang ang sinabi ko.
Gusto kong maiyak, gusto kong sumigaw pero pinipigilan ako ng sarili ko. Ayoko ipakita sa kaniya na mahina ang kalooban ko, ayokong makita niya na gaano ako kahina sa loob ko, ayokong makita niya na nahihirapan ako dahil ang mga kaibigan ko ang nasa harapan ko ngayon.
Nay, tulungan mo ako, tulungan mo ako kung nasaan ka man ngayon. Sana proteksiyonan mo ako at bigyan mo ako ng ideya kung ano ang gagawin ko na hindi sila nasasaktan.
"Babae, maghanda ka na." Ngising turan niya sa akin at dahil sa kaniya ay may napagtanto ako.
Hindi ka dapat maging mabait sa kalaban, hindi ka dapat magdalawang-isip dahil ikaw rin ang mapapahamak, ikaw rin ang maaagrabyado. Huwag ka din magpapadala sa emosyon.
Paglunok ko ay kasabay no'n ang pagtibok ng mabilis ng puso ko dahil sa sabay silang lahat sumugod sa akin maliban kay Asmodeus na natutuwang nanunuod sa akin na nahihirapan. He really loves watching specialist na nakokontrol niya na naghihirap.
Wala akong ibang magagawa, isa lang ang kaya kong gawin na tiyak na magpapatigil sa kanila. Kailangan nilang kumalma, kailangan nilang manghina para hindi nila ako maatake.
Bigla nalang tumigil ang hangin, pagsayaw ng puno at mga bulaklak. Mararamdaman mo ang lamig hindi galing sa hangin kundi galing sa sistema ko. Nagsisimula ng magdilim ulit ang kalangitan, lamig ng aking mga palad at pagliwanag ng aking katawan.
Pagpikit ng aking mga mata ay kasabay no'n ang pagpaparamdam ng matinding lamig galing sa katawan ko at sa pagdilat ng mga mata ko ay siyang pagyelo ng mga paa ng mga kaibigan ko. Ang mga yelong bumabalot sa kani-kanilang mga paa ay unti-unting gumagapang hanggang na nasa katawan na nila malapit at hanggang hindi na sila makagalaw.
Takang napatingin si Asmodeus sa mga kasamahan ko kung bakit hindi sila makagalaw sa kani-kanilang mga puwesto, kung bakit parang nanghihina sila.
"Sorry guys, hindi ko sinasadyang gawin 'to." Bulong ko at tumingin uli kay Asmodeus na nanggagalaiting nakatingin sa akin.
"Kung hindi mo pa alam, nakakapaghina ang aking mga yelo. Hinihigop nito ang lakas ng 'yong katawan kaya ganiyan nalang sila kung manghina at hinding-hindi nila ako masasaktan." Seryoso ko ng sabi sa kaniya at nabigla ako nang lumapit siya sa mga kasamahan ko. Bigla nalang lumabas ang apoy sa palad nito at akmang ibabato sa mga kaibigan ko nang gumawa ako ng barrier para hindi sila matamaan.
Nanghihina na ang mga kasamahan ko, wala na silang lakas at ramdam ko na ang kanilang mga presensiyang pahina ng pahina dahil sa yelong bumabalot sa kanila.
"Puwes! Hangal! Ako ang kikitil sa maliit mong buhay babae!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro