Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 13

Venedict.


Hindi ko alam kung bakit ang pangit ng pakiramdam ko dito sa lugar na'to, na parang may kapangyarihang bumabalot sa buong bahay.

"Tunganga ka na naman Venny, what's happening to you?" Naalimpungatan ako ng biglang magsalita si Serafina kaya napalingon ako sa kaniya.

Umiling lang ako para sabihing wala namang problema kahit meron pero ayoko ng ipakita o sabihin pa sa kanila dahil alam kong matatapos din 'to.

Ngayon ay nakatayo kami sa tapat ng kakaibang bahay, its not that old but its like a modernized one storey house kung sa mundo pa ng mga tao. Ewan ko kung ganito na ang mga bahay dito, their walls are made of marmol-like na pinapalibutan ng mga kakaibang kulay ng mga bulaklak na parang isang pitcher flower, tinted sliding windows with color gray outline on it.

"Pumasok na tayo! Baka kung ano na ang nangyari sa kaibigan mo Athena!" Sigaw ni Alisis na siyang ikinatango kaagad ni Athena at agad inihakbang ang mga paa.

"Hindi kayo papasok sa bahay na 'yan kung gusto niyong mabuhay ang kaibigan niyo." Bigla akong napaatras ng kilabutan ako sa boses ng isang nilalang na bigla nalang lumitaw sa bubong ng bahay.


His face is so creepy like nakakakilabot talaga. First time naming maka-engkuwentro ng mga ganitong sitwasiyon and I really wanted to tell myself kung bakit hindi kaya magkatulad ang mundo nila sa mundo namin? Yes we have monsters their, white ladies, tiyanak, manananggal, tikbalang o kahit ano pang klaseng halimaw. But not like this one, they have powers like us so they can protect theirselves againts us too.


"Asmodeus." Diing bulong ni Athena at galit na tinignan si Asmodeus, the Devil Lord of Lust.


"Ibalik mo sa amin si Seyvana! O baka gusto mong ako mismo ang magpapabalik sa'yo sa impyerno?" Turan ni Serafina kaya nasa kaniya na ngayon nakatutok ang dalawang mapupulang mga mata kaya ako ang kinilabutan.

Ako ang natatakot kay Serafina pero kailangan naming lumaban, kailangan kong lumaban to protect them from enemies.

"Huwag mo akong takutin babae at baka ikaw ang dalhin ko sa impyerno." Nakakatakot na sabi ng demonyo kaya napansin kong napalunok si Serafina pero pinipigilan niya paring matakot at taas-noong hinarap ang demonyo.

"Pakawalan mo si Seyvana, Asmodeus. Pakawalan mo na siya at bumalik ka na sa pinanggalingan mo." Turan ni Athena habang nililipad ang kaniyang mahabang buhok like she is really an actress of action movie sa mundo namin. Oo, hindi ako makapagsalita kapag nasa harapan namin siya, not because I like her because it so eww na baka 'yon pa ang ikamatay ko—hindi ako makapagsalita kasi she is an epitome of beauty, well lahat naman dito na mga babae pero may umaangat talaga.


"Hindi na aalis sa tabi ko si Sarah, hindi na siya mag-aasawa ng marami para ipagpalit ako. Papatayin at papatayin ko sila paulit-ulit para lang mapa sa'kin si Sarah." Tugon naman ni Asmodeus na nakaluhod pa ang isang tuhod para suportahan ang kaniyang posisyon niya ngayon habang ang kaniyang tuhod ay nakapatong sa isa pa niyang tuhod na para bang hindi siya nahihirapang magsalita.

"Pero hindi siya si Sarah!" Sigaw ni Alisis kaya nagulat kami nang bigla nalang tumalon galing bubong ang demonyo at seryosong tinignan si Alisis.


"Sino ka para sabihin sa aking harapan ang mga katagang iyan?! Hangal!" Sigaw ng demonyo at naalerto kami ng bigla nalang itong umatake.

Nagpalabas ito ng apoy sa kaniyang mga palad at agad ibinato ito kay Alisis pero bago pa nito matamaan si Alisis ay nakagawa na ako ng liwanag—the golden light of portal— sa harapan ni Alisis kaya do'n pumasok ang apoy. May lumabas na portal sa likuran ng demonyo at do'n lumabas ang apoy na binato niya kaya natamaan siya sa likod. Nakita kong napangiwi siya. So, sarili niyang apoy ang makakapagpasakit sa kaniya? Kung hindi sa apoy ni Athena at ni Chester, dapat galing sa kaniya.

"Chester! Hindi ka gagawa ng kung anong aksiyon dahil hindi tatalab ang apoy mo." Sigaw ko kay Chester kaya agad akong kinunotan ng noo nito. Tignan mo 'to, sinabihan lang kung ano ang dapat gawin, agad akong sinamaan ng tingin.

Bigla nalang humakbang si Serafina at agad pinagdikit ang dalawang palad niya like parang sa anime do'n sa mundo ng mga tao, yo'ng Dragon Balls.

Agad nagdulot ng malakas na hangin ang pagdikit ng kaniyang mga palad at lumiwanag ng asul.

"Tanggapin mo 'tong hayop ka!" Sigaw ni Serafina at kasabay no'n ay ang paglabas ng mga yelong palaso galing sa kaniyang mga palad at agad inatake ang kinapupuwestuhan ni Asmodeus.

Hindi ko na napansin ang nangyari, pagsabog at nagdulot ng malaking usok. Wala akong naramdamang kakaiba at tumalon ako paatras kaya katabi ko na si Athena.

Hanggang sa lumiliit ang usok ay unti-unti din naming nakikita ang anino na parang bilog ang porma.


"Shit! He made a barrier." Turan ko at kitang-kita ko ang ngisi sa labi ng demonyo.

At agad kami naalerto ng bigla nalang nagpalabas ng mga apoy, malalaking apoy galing sa kaniyang palad at walang pag-aalinlangang ibinato sa direksiyon namin. Wala akong magawa dahil parang napatunganga ako dahil sa hindi ko alam ang susunod na gagawin.

Napapikit nalang ako, hope mabubuhay pa ako after this one. I believe in God of heaven kaya alam kong hindi ako mapapahamak, maliligtas ako.

Nakapikit ang mga mata ko pero wala akong naramdamang tumama sa katawan ko kaya unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Namangha ako dahil para kaming nasa isang bula and I know its a barrier made by who?

"Not them you Devil Lord!" Napalingon kami sa likuran at kitang-kita namin kung paano tumindig ang isang babae na may color violet short hair. Her presence is incredible, magkasing-lakas sila ng demonyo na nasa harapan namin.

"As the Goddess of Moon, the heat of the light, the power of eclipse and the strength on it, give me the power to defeat one of the Devil Lord of Hell." Bigkas ng babae na hindi ko man lang malaman kung anong ibig-sabihin niya do'n pero isa lang ang nalalaman ko ngayon.

God! She is a Goddess of Moon! This is the first time na naka-engkuwentro ako ng Diyosa! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil ligtas na kami sa malakas na demonyo na'to o dahil baka may kakaiba sa babaeng 'to? I need to answer my question.

Pagkatapos bigkasin ng babae ang mga salita na 'yon ay biglang nagliwanag ang katawan niya at akmang aatakihin niya na ang demonyo nang agad itong maglaho kasabay ang pagkawala ng sigaw ni Seyvana.


Natakasan na naman kami. Bullshit!


Lumapit sa amin ang babae, her smile and figure, curves and face really dragging me down. Ang ganda din niya, saan nalang ako ilulugar diba? Bakit ba parang walang pangit sa lugar na'to? Well depende nalang sa mga halimaw, lahat maganda na.

"Pinaglaruan ang oras, ang nakaraan ay napunta sa kasalukuyan kaya mag-iingat kayo dahil hindi lang mga gano'ng klaseng halimaw ang mae-engkuwentro niyo." Turan ng babae at tinignan kami isa-isa at sa inaasahan, napansin ko ang gulat sa mga mata ng babae nang madako ang mata niya kay Alisis.


"G-Genesis?"



"No she's not." Napalingon kami kay Athena nang sumabat siya.


"Ako nga pala si Alisis and still wondering why almost of specialists here calling me Genesis."  Pagsisinungaling ni Alisis.

Ako na talaga ang nahihirapan sa sitwasiyon ni Alisis dahil sa mga nae-engkuwentro namin like duh? Sikat ata si Tita Genesis dito sa mundong 'to. Nakakaloka naman talaga ang life na meron sila dahil pati life ng anak niya ay napapahamak.



"Hindi ako makapaniwala, you really looks like her. It could be—"


"Lady, nagmamadali kami. We need to save Athena's friend from that Devil Lord so if you will excuse us, we badly need to go." Turan ni Serafina at halos pumalakpak ako sa harapan niya dahil sa ideya na nagawa niya. Malapit na si Alisis no'n, nanghihinala na ang babaeng nasa harapan namin.


"Puwede bang makilala ang pangalan mo?" Tanong ni Chester kaya narolyo ako sa mga mata ko dahil sa kalandian na naman niya sa katawan. Buti nalang hindi siya bully dito, kung naging bully pa siya dito ay baka sa sementeryo nila dito siya aabutin. Teka may sementeryo ba sila dito?




"Paumanhin, ako nga pala si Wenessa, the Goddess of Moon."


**********



Alisis.



Naglalakad kami ngayon papunta sa kung saan at hinahanap ang presensiya ni Seyvana and still avoiding myself from Wenessa's questions. Naghihinala na siya sa akin and I really don't know kung kaya ko pa bang umiwas ng umiwas. Hindi ko na kaya, nalilito na ako sa pangyayari.

Wenessa is one of the target na kailangan ko daw tulungan. Isa siya sa nasa libro ng Heiress kaya kinakabahan ako na baka kung ano ang magawa ko na hindi ikakagusto.

Kung titignan si Wenessa, parang wala naman siyang problemang dinadala pero seryosong-seryoso siya. She insisted na sumama sa amin kahit nagdadalawang-isip kami kung papayagan ba namin. She could be threat or an enemy dahil walang-wala talaga akong kaide-ideya kung sino siya sa buhay ni nanay. Hindi rin nagsasalita si Athena kaya naghihinala na talaga ako sa dalawang 'to na para bang may nakaraan.



"Paano mo nalaman na ang nakaraan ay napunta sa kasalukuyan?" Tanong ko nalang para at least hindi ga'no katahimik ang atmosphere naming anim.


"Most of them ay na-engkuwentro ko na, at ibinalita lang sa akin ng isang kaibigan na ganito ang nangyayari. Her power is to enter other worlds, and she has the Book of Heiress." Nagulat naman ako kaagad dahil sa tinuran niya, ang babaeng tinutukoy niya ay siguradong ang nanay ni Venedict kaya napalingon ako sa kaniya at napansin ang pagkaseryoso ng ekspresiyon nito.


And I know, hindi Book of Heiress ang hawak ng nanay ni Levinas dahil nasa akin ang totoong Book of Heiress.


Kung ilalagay natin sa sitwasyon na hinahanap namin ang mga magulang namin, mas madaling mahahanap ang kay Venedict dahil na sa lugar-lugar lang siya at nagbabantay. Si Tita Levinas ata ang nagbibigay babala sa mga nasasakupan niya—o sa mga kaibigan niya.



"I think its Levinas right?" Napalingon kami kay Athena nang banggitin niya ang pangalan ni Tita at hindi ko inasahan na kilala niya pala ito.

"You know here Athena?" Tanong kaagad ni Venedict at tumango naman ito.


"Siya ang nagsabi sa akin na hanapin ang natitirang dragon sa Avalon, pumunta na ako sa bulkan ng Azpayr pero ang naabutan ko do'n ay ang anak ng dragon. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang hanapin ang dragon na 'yon, simula kasing malaman kong hindi ko pala totoong magulang ang mga nakalakihan kong magulang, nang malaman kong hindi ko pala tunay na kapatid si Enexx, ang kapatid ko—ay gumuho na lahat-lahat." Pagpapaliwanag nito kaya agad namang kumirot ang puso ko dahil sa mga sinabi niya.

Si Athena, isa siya sa mga specialist na nasa libro na kailangan kong tulungan. Hindi ako binigyan ng mga clues ni Auntie at ngayon ay alam ko na, hindi mo nakukuha kaagad ang mga sagot dahil kailangan mo munang dumaan sa maraming bundok at ilog.



And I know now how to help Athena..


"Si Levinas din nagsabi sa akin na kailangan kong magpakatatag." Sabat ni Wenessa.

"At bakit naman kailangan mong magpakatatag?" Ewan ko ba pero natotonohan ko ang pagkamaldita ni Venedict.


"Simula nang maging Diyosa ako ng buwan, hindi ko na nakokontrol ang sarili ko. Hindi ko makontrol ang kapangyarihan na nasa katawan ko, na para bang hinihintay nitong lumakas ang katawan ko para lang magpaubaya. Maniwala man kayo o sa hindi, kinausap ako ng buwan. Kinausap niya ako tungkol sa kapangyarihan ko na kapag hindi ko ito makokontrol, lilipat siya sa ibang katawan na siyang ayokong mangyari." Dagdag na paliwanag ni Wenessa kaya napatango nalang kaming lahat maliban kay Venedict.




Ngayon ay naiintindihan ko na, hindi sa lahat ng oras ay matutulungan mo ang lahat ng tao o specialist o kung ano pang mga halimaw na nasa paligid mo. Kailangan mong mag-tanong, mag-obserba, mag-aral kung papaano mo sila matutulungan.



Madaling tumulong sa kapwa pero hindi madaling tulungan ang problema.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro