Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 12

Alisis.

"No! We need to kill that Devil Lord before he killed us here! Ibang-iba ang kakayahan ng mga Devil Lord sa mga Diyos at Diyosa, ano nalang kaya tayong mga Royal blooded lang?!" His loud but with authority voice is echoing here inside of the office. Hindi ko alam kung anong klaseng opisina ba ito pero nasisiguro akong opisina ito para sa kanilang mga Royal blooded.

After that encounter, nagkagulo ang lahat-lahat at agad-agad na nagsipasok sa kani-kanilang mga dorms na may mga barrier. Hindi bihira ang presensiya ng isang 'yon at masasabi kong makakaya ng demonyo na 'yon na kumitil ng napakaraming inosenteng buhay.

"We need to plan first Daneel! Huwag ka ngang sigaw ng sigaw diyan!" Sigaw narin sa kaniya ni Gemartha, the princess of Satharia Dark Kingdom.

Bago pa kami nagsimulang magpahayag, they introduced theirselves first kaya nakilala na namin sila. Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko na may naiirita naring mga ekspresiyon dahil sa sigawan dito sa loob. Gusto kong matawa dahil sa iisang ekspresiyon lang ang meron sila like they really don't want loud people—I mean specialists rather. Pero hindi nila alam na they are loud din kagaya ng mga nasa harapan namin.

"We can help." Sabat ko sa kanila kaya napatingin sila sa gawi ko.

"God! I'm still wondering who is she and why the heck she looks like Genesis?" Dinig kong bulong ni Yvino, the prince of Satharia Ice Kingdom.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masabi kong anak niya ako at gusto kong humingi ng tulong pero hindi dapat ako magpakampante dahil hindi lahat na nasa paligid namin ay kakampi, mabait at mapagkakatiwalaan. They are still strangers to us, we don't know them so we need to distance ourselves a little away from them.

"Iba ang sitwasiyon niyo sa amin, Alisis. The problem here ay paano namin mapoprotektahan ang mga nasasakupan namin laban sa demonyo na 'yon habang hindi pa nakakabalik ang mga Diyos namin dito." Seryosong turan ni Yvino.


"I know kaya puwedeng-puwede kaming tumulong. You can protect the students here and kami na ang bahala para kunin ang estudyanteng dinagit ng demonyo na 'yon." Turan ko pabalik habang may kaba paring nararamdaman sa damdamin ko. Ewan ko kung bakit pero dapat akong mag-ingat palagi dahil parang delikado palagi ang buhay na meron ako at ang mga kaibigan ko.

"At sa tingin niyo ay hahayaan namin kayo? You are enrolled here kaya obligasyon namin kayo. Ano nalang gagawin namin kung mawawala kayo? Malaki kayong kawalan para sa amin." Satro said and the prince of Satharia Light Kingdom. Binigyan ko siya ng pagtatakang tingin dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Malaking kawalan? Bakit? Alam niya ba ang pagkatao namin? May nalalaman ba siya tungkol sa amin?



"This is a mission, and we can do this. Hindi niyo dapat kami minamaliit Satro." Taas-kilay na turan ni Venedict kaya napansin kong napabuntong-hininga si Satro.

"Hindi sa minamaliit namin kayo, pero trabaho namin ang misyon na sinasabi niyo." Tugon naman ni Gemartha kay Venedict na may malumanay na tono.


"But still, we can do this at male-lessen ang trabaho at problema niyo." Sabat ni Sera. Napasulyap kami kay Zhavia, the princees of Satharia Storm Kingdom dahil sa biglaan nitong pagtayo at seryoso kaming tinignan isa-isa.

"You are new here so you don't have the rights to talk like that as if we can't do this by our own. We are Royal blooded, princes and princesses so better watch all of your mouth before I will turn all of you into ashes." Napalunok naman kaagad ako dahil sa tinuran nito pero pansin ko sa mga kasamahan ko na parang hindi sila apektado sa sinabi ng babae.


"Stop that Zhavia." Sita sa kaniya ni Satro, palibhasa mag-siyota.


"No, they need to know kung ano ang posisyon natin at ano ang kaya nating gawin." Turan parin ni Zhavia at mapapansin mo talaga ang pagiging seryoso niya dahil sa kung paano siya makatingin sa amin like she really wants to punish us individually.

"But remember, enroll kami dito kaya may karapatan kaming sumabat at mangialam. Buhay namin ang nakasalalay dito and we don't care if all of you here are Royal blooded." Napalingon ako kay Venedict dahil sa tinuran niya at halos sapukin ko ang sarili kong noo dahil sa inasal niya.


God! Mapapahamak tayo sa pinaggagawa mo Venedict! Hindi ka na sana pa nagsalita sa kanila.

"How dare you talk to her like tha—" Bigla nalang naputol ang sasabihin sana ni Daneel, the prince of Satharia Metal Kingdom nang maunahan siya ni Venedict.

"Remember, sa dugo at posisyon lang kayo mataas. Pero mas marami kaming nalalaman kesa sa inyo." Turan ni Venedict na ngayon ay nakatingin na sa mga Royal blooded ng seryoso.

Bigla nalang kaming nakarinig ng pagkulog at pagkidlat pero hindi ako nabahala o kinabahan dahil those thunder and bolt are my favorite. Nakarinig din kami ng pagkalampag ng mga metal sa bawat sulok ng opisina na ito kaya napatingin ako sa harapan ko.

Zhavia's eyes are glowing gano'n din kay Daneel kaya naalerto ako dahil akmang aatikihin nila si Venedict nang mapahawak sila sa kani-kanilang puso.

"What happen?!" Sigaw ni Gemartha at inalo si Daneel na namumutla na ngayon at gano'n din si Satro na inalalayan si Zhavia na hirap ng makahinga.


"Venedict is right, posisyon at dugo lang kayo mataas pero hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko kapag sinaktan niyo ang mga kaibigan ko." Seryosong turan ko sa kanilang lahat.


"God! What a psycho." Bulong ni Yvino pero hindi ko nalang siya pinansin at nagkunwaring hindi siya  narinig.


They can call me names whatever they want but I won't let them touch or hurt my friends in front of me.


"Nanghihina na ba ang tibok ng puso niyo? If you don't know, I can stop the beat of your heart." Simpleng turan ko at agad pinabalik ang ordinaryong tibok ng mga puso nila.


Hindi ko na sila hinayaan pang magsalita at lumabas na sa kanilang opisina. Ramdam ko rin na nakasunod lang ang mga kasama ko sa akin kaya don't need to look in my back.


Bigla akong napahinto dahil sa pamilyar na presensiya and its Athena.

Patakbo siyang lumapit sa akin at tinignan ako sa mga mata.

"As long as I want to talk about who you really are and question your friends why the hell they had those legendary powers, kailangan muna nating tulungan si Seyvana. I know where she is and she badly need our help because of that Devil Lord of Lust torturing her."

Napakadelikado ng demonyo na 'yon at hindi ko alam pero kinakabahan ako dahil sa sinabi ni Athena. Oo hindi kami magkakilala ng Seyvana na 'yon at hindi rin kami close ni Athena para tulungan ko siya pero I think this is the first step para makita ko si nanay.


"Hindi ka ba magpapatulong sa mga Royal blooded?" Dinig kong sabat ni Chester kaya napatingin sa likuran ko si Athena.

"They are impossible, useless and they are so slow. Dahil sa pagtatalo nila, marami ng napapahamak kaya gusto kong ako—tayo nalang ang gumawa ng misyon na'to. This is dangerous but I trust all of you, your powers, presences and strengths." Seryosong turan ngayon ni Athena kaya napatango ako.


"Sa isang kondisyon." Sambit ko sa kaniya kaya sa akin naman nadako ang kaniyang tingin.


"Ano 'yon? As long as kaya kong gawin ang sasabihin mo, it would be okay for me." Tugon niya kaya napatango ako.


**********

Walang makakatakas sa kapangyarihan ko, gano'n ito kalakas. Ang eskwelahan na ito ay punong-puno ng mga malalakas na kapangyarihan, binabalot ng malakas na barrier ang kabuuan nito. Pero nakaya ko paring makalabas kasama ang mga kasamahan ko, tumagos kami sa pader ng walang pag-aalinlangan dahil hindi rin kami makakalabas ng Satharia kapag sa gate kami dadaan na may sandamakmak na mga kawal.


Napatingin ako sa likuran kung saan kami tumagos, humawak kasi sila sa mga balikat ko kaya pati sila ay tumagos kasama ko.

"You are really something, Alisis. I am wondering kung kaanu-ano mo si Genesis, you looks like her." Turan ni Athena habang unti-unti na naming hinahakbang ang mga talampakan namin papalayo sa eskwelahan.



"Hindi ito ang oras para diyan, Athena. What we need is to save that friend of yours para wala na tayong poprobelamahin okay? Baka kung ano na ang ginawa ng Devil Lord na 'yon sa kaibigan mo." Turan ko sa kaniya kaya napatango ito tiyaka tumingin sa itaas.



"Kaya niyo bang lumipad? I know na ang mga legendary specialists before ay kaya nilang lumipad." Athena asked pero nagbikit-balikat lang ako dahil wala talaga akong alam pa sa iba kong mga kapangyarihan.


"I don't have any idea about that at hindi nga rin namin alam na legendary pala ang mga kapangyarihan namin." Sagot sa kaniya ni Sera kaya napatango ko.


"Nevermind, lets go."


Habang inililibot ang mga tingin ko ay hindi ko maiwasang hindi mamangha. Punong-puno ng mga bulaklak ang kapaligiran na may iba't-ibang mga kulay, mga damong napakalambot sa talampakan at mga kapunuang nagsasayawan dahil sa lakas ng mabango at preskong hangin. Mga hayop na parang walang mga problema dahil sa laya nila kung maglakad, magtalon-talon at lumipad. Ibang-iba dito sa loob ng Satharia Academia, hindi ko pa natanong kung bakit gano'n nalang ka weird at gloom ang Satharia Academia.



"Matagal-tagal narin akong hindi nakakalabas ng Satharia Academia dahil sa isang misyon." Biglaang salita ni Athena kaya napatingin kami sa kaniya.



"Anong misyon ba ang tinutukoy mo?" Tanong ni Venedict.


"I need to find the last living dragon here in Avalon, kailangan ko siya para masagot ang mga katanungan ko. Bigla ko nalang kasing nalaman na hindi pala totoo ang mga magulang ko, isa akong ampon, walang kapatid na lalaki at hindi taga Natharia."


So she came from Natharia? Kung saan naninirahan sila Auntie at nanay?

"Saan naman natin makikita ang dragon na sinasabi mo?" Tanong ni Chester kaya napa-make face nalang ako.

"Chester hindi nga niya alam, bobo ka talaga kahit kailan." Sita sa kaniya ni Venedict kaya napahagikhik kami ni Athena at ni Sera.


"Tsk! Ako na naman ang nakita mong bakla ka, kotongan kita diyan eh." Napatakip ako kaagad sa bunganga dahil sa tinuran ni Chester, he is speaking human freaking language!

Unti-unti kaming napalingon kay Athena at taka niya naman kaming tinignan isa-isa at bigla nalang itong natawa dahil sa ikinilos namin na ikinataka naming lahat.


"No need to keep your secret, alam kong galing kayo sa mundo ng mga tao. And I know that word 'bakla' but not that 'kotongan'." Ngiting sambit ni Athena kaya para akong nabunutan ng malaking tinik sa kalamnan dahil sa sinabi niya.


"How did you know?" Tanong ko pero ngumiti lang siya.


"Sinabihan ako ng mga Royal blooded, they are all my friends kaya they shared it to me."

Hayst mga talkative naman pala ang mga Royals na 'yon. Hindi talaga mapagkakatiwalaan, baka ano nalang ang mangyari sa amin.


"You know what Venedic—"

"Its Venny." Pagputol ni Venedict sa sasabihin ni Athena.

"O-Okay Venny—I mean you looks like Levinas. Kapareha mo rin siya ng kapangyarihan, related ka ba sa kaniya? Siya kasi ang nagsabi sa akin na ang makakasagot sa katanungan ko ay ang huling natitirang dragon sa Avalon." Tanong sa kaniya ni Athena at napansin kong napatingin sa akin si Venedict pero wala akong sinabi o ikinilos na kakaiba baka kasi maghinala si Athena at kung ano nalang din ang sabihin niya sa mga Royal blooded na 'yon.



"I don't know her and.. I hate her." Hindi na narinig ni Athena ang huling sinabi ni Venedict pero dinig na dinig ko kahit gaano pa ito kahina.


Oo, noon pang gusto ni Venedict na makita ang kaniyang mga magulang pero kapag sumasagi sa isip niya ang mga pangalan nila ay nagbabago ang timpla ng mukha niya kaya hindi ko nababanggit ang pangalan ni Tita Levinas dahil baka mag-alburuto sa galit si Venedict.


Nasa kalagitnaan na kami ng gubat nang may mapansin kaming kakaiba sa pinakadulo ng gubat na ito. Its dark, may mga sumisigaw.


"Shit! Nando'n si Seyvana!" Sigaw ni Athena at agad tumakbo na hindi man lang kami hinintay kaya no choice kami kundi sumunod sa kaniya.


Hindi ko pa natatanong kung bakit gano'n nalang siya ka-close kay Seyvana pero it doesn't matter kung kaanu-ano sila dahil ang gusto ko malaman ay ang kondisyon na ibinigay ko sa kaniya.




"Sa isang kondisyon."

"Ano 'yon? As long as kaya kong gawin ang sasabihin mo, it would be okay for me."

"You will tell us the history about those legendary powers.. At tungkol sa sinasabi nilang kamukha ko na si Genesis."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro