New Story alert!
Kapag makapangyarihan ka at talentado, lahat ay sasambahin ka at ituturing kang mas mataas. Kapag magaling ka sa pakikipaglaban, lahat ay titingala sa'yo at hahangaan ka.
Siya si Melliona. Hindi lang maganda ang boses niya, at hindi lang rin sa pagtugtog ng mga instrumento siya magaling, isa rin siya sa pinakamaganda at tinitingalang estudyante sa akademya dahil sa angking talento at talino nito sa pakikipaglaban.
Pero ang akala ng iba ay doon lang natatapos ang kakayahan niya, na sa pagkanta at ang pagtugtog ng iba't ibang instrumento. Ang iba sa kanila ay minamaliit si Melliona dahil sa ganoon lang ang kaniyang kapangyarihan, ang paamuhin ang mga mababangis na hayop gamit ang kaniyang boses at ang pagtugtog.
Hindi nila alam, may itinatago pa itong kakaibang kakayahan na pati si Melliona na sarili niya ay hindi makapaniwalang kaya niya itong gawin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro