EPILOGUE
Third Person.
Tapos na ang kanilang kinakatakutan, bumabalik na sa dati ang kulay ng araw dahil nawawala na ang bumabalot ditong dilim. Unti-unti na ring naglalaho ang ubeng buwan at kasabay no'n ang pagbungad sa kanila ng liwanag ng araw na walang halong pangamba, ang paglitaw ng preskong hangin habang hinahawi nito ang kani-kanilang mga buhok. Ang lahat ngayon ay nasa maayos ng kalagayan, wala na silang ibang naiisip pa kundi balikan ang mga alaala, ang mga namayapa, ang mga nagsakripisyo. Napangiti ang lahat dahil sa bagong liwanag na dulot ng araw, ang kalangitan nitong maaliwalas at hindi na pula ang kulay. Ang mga dugo at katawan ng mga halimaw ay unti-unti na ring nagsisilaho kasabay ang masamang bangungot na dala nito.
Ang presensiya ni Xyraluna ay tuluyan ng nawala at naglaho, ang kapangyarihan ni Alisis na siyang nabaon na rin sa kaliwanagan.
"M-Mama!" Sigaw ni Senny at kaagad tinakbo ang puwesto ni Sanye, ang kaniyang Ina. Napatakip naman si Sanye sa kaniyang bibig dahil hindi niya inakalang buhay pa ito dahil saksi sila sa ginawa ng mga demonyo sa kaniya noon. Kung paano ito ipasok sa isang kapsula at kung paano ito bawian ng responsibilidad ng mga demonyong iyon.
"A-Anak, buhay ka!" Naiiyak na turan ni Sanye at kaagad niyakap ng mahigpit ang kaniyang anak. Agad namang humagulhol si Senny sa iyak na siyang ikinatigil ni Alfalla at Avzora, nagkatinginan sila at ngumiti naman ng pilit si Alfalla.
"A-Akala ko ay wala na kayo, akala ko naglaho kayo kasama ng mga demonyo noon." Iyak na sabi ni Senny, agad siyang hinarap ni Sanye sa kaniya at nginitian ito ng matamis.
"Hindi lahat ng demonyo Senny ay masama." Sambit ni Sanye at kasabay no'n ang pagliwanag ng likuran ni Alfalla at lumitaw doon ang imahe na hindi inaasahan ng lahat.
"E-Enexx?" Utal na tawag ni Athena sa imahe, agad naman siyang nilingon nito at binigyan ng matamis na ngiti. Napangiti nalang si Athena dahil sa proud siya dito, naging malapit na din ito sa kaniya at naging kapatid pa. Hindi niya inakala noon na ang itinuturing niyang kapatid ay isa sa mga prinsipe ng impyerno.
Agag natigilan si Senny dahil sa napakapamilyar na presensiya. Ang presensiya nito na hinding-hindi niya makakalimutan kaya agad nitong nilingon at halos manghina ang kaniyang buong katawan dahil sa ngiti na nasisilayan niya sa mukha ni Enexx.
"E-Enexx, n-nandito ka?" Utal na tanong ni Senny na hindi makapaniwala sa nasisilayan ng kaniyang mga mata, tumango lang si Enexx at agad siyang niyakap ng mahigpit.
"How I fucking miss this, I fucking miss you Senny." Bulong ni Enexx sa kaniya.
"Nito ko lang nalaman na ang Devil Lord of Envy ay siya palang nobyo mo noon anak at ang posibilidad na ikaw ang Ina ng kaniyang anak. Ngayon, mas nakakagulat pa do'n ay kambal pala ang iyong mga anak, hindi ko alam na may isa pa palang Alfalla sa buhay mo." Agad napalingon si Sanye sa kaniyang apo na si Avzora na nakangiti na ng matamis habang nakatanaw sa kaniyang mga magulang na nagyayakapan, agad namang natigilan si Senny dahil sa sinabi ng kaniyang Ina.
"Kambal? A-Aka—"
Biglang lumapit si Brooch sa kaniya at agad idiniin ang hintuturo nito na walang pahintulot na siyang ikinapikit ng mga mata ni Senny at doon nalang pumasok sa kaniya ang mga alaala na siyang nagpatulala sa kaniya. Kambal ang anak niya! Dalawa at puro babae! May magagandang mukha, magagandang mga mata. Agad siyang napaluhod dahil sa nalaman, agad namang tumabi si Brooch at napayuko pero agad siyang hinawakan ni Avzora sa balikat na siyang ikinalingon nito.
"Alfalla already forgive you, hindi siya gano'n kasama tulad ng iniisip ng lahat. Matabil dila niya pero may respeto siya at maunawain, kahit hindi halata." Ngiting bulong ni Avzora na ikinangiti nalang ni Brooch ng tipid.
"Masiyado ng malayo ang narating natin, masiyado ng malalim ang napagdaanan natin lahat kaya sana ito na ang katapusan ng kaguluhan sa Avalon. Sana wala ng susunod pa." Turan ni Devonna na napatingin sa itaas, agad niyang naalala si Devon at Devos, ang mga mahal niya sa buhay.
"Matagal kaming prinotektahan ni Leviathan, Senny. Matagal niya kaming itinago dahil alam niyang darating ang panahon na ito, na babalik ang kaluluwa ng isa sa mga naging traydor na kasamahan niyo noon. Itinago niya kami matapos ang labanan sa Publiko Encantado, itinago niya kami at hindi pinabayaan. Nagpapasalamat kami sa kabutihan niya Senny anak, nagmahal ka ng totoong lalaki na nagpapakita ng halaga sa bagay-bagay na nakapaligid at importante para sa'yo." Ngiting sambit ni Sanye habang maluha-luha itong nakatingin sa nakaluhod na ngayon na si Senny.
Itinayo ni Enexx ang kaniyang mahal at agad tinignan ang mga anak niya. Agad namang lumapit si Avzora pero nagdadalawang-isip pa si Alfalla kung lalapit siya. Tinignan ni Senny na maluha-luha si Alfalla at sinenyasan nito na lumapit na siyang ikinatigil niya at para siyang natuod dahil sa mga mata ni Senny na nakatingin sa kaniya. Walang nagawa si Alfalla at nakayuko itong lumapit sa kaniyang Ina at nagulat nalang ito dahil sa mahigpit na pagkakayakap sa kaniya ni Senny.
"Kaya hindi ko maatim na nakikita kang nasasaktan, kaya hindi ko magawang hindi mag-alala sa'yo. Dahil anak kita, kung anong nararamdaman kong pag-aalala kay Avzora ay gano'n din ang nararamdaman ko sa'yo. Patawarin mo ako Alfalla, hindi ko nagampanan ang pagiging Ina sa matagal na panahon na wala ako sa tabi mo, sa tabi ninyo ni Avzora. Patawarin niyo ako." Naluluhang sambit ni Senny na siyang ikinatulo ng mga luha ni Alfalla at siya ding paghagulhol ni Avzora ng iyak. Napangiti naman ng matamis si Enexx habang nanunuod sa pagyayakapan ng mga mag-i-Ina niya, agad hinaplos ang puso nito dahil isa ito sa mga pangarap niyang masilayan.
Tumingin sa kaniya si Senny, hanggang ngayon ay malabo parin sa kaniya kung bakit ito nakalabas sa impyerno sapagkat sinarado na niya ito matagal na ang panahon.
"H-How did you get out from your land? I-I was the one who close—"
"Your daughter Alfalla, may malakas na koneksiyon siya sa mundo ng mga demonyo at nakaya niyang tawagin ang Devil Lord of Envy. Hindi ko aakalain na gagana ang spell na matagal kong itinuro sa'yo noon Senny kay Alfalla, malakas ang iyong mga anak." Si Sanye na ang sumagot na siyang ikinatango naman ni Enexx at kaagad hinaplos ang mukha ni Senny.
"Destiny will find ways for us, Senny. Diba sinabi ko sa'yo noon? Nasa paligid mo lang ako, binabantayan kita kahit saan ka magpunta, inaalagaan kita ng patago at pinoprotektahan kita kahit nasa malayo. And I will do the same, again and again just to make you feel happy and contented. Mahal kita, mahal ko kayo ng mga anak natin." Turan nito.
Buhat na buhat naman ngayon ni Olcor ang kaniyang asawa na si Genesis, si Bill naman sa kaniyang asawa na si Menesis at gano'n din si Enzyme sa kaniyang asawa na si Sarionaya. Walang nagawa sina Zemma, Mebill at Alkar sa pagkawala ng kani-kanilang Ina.
"Hindi na nakayanan ni Sarionaya ang hirap at paghihina ng kaniyang katawan, she p-passed away." Bulong ni Athena na parang may sumasakit sa puso niya dahil sa dinanas ng kaniyang mga matatalik na kaibigan.
Napalingon naman ang lahat sa bitbit na katawan ni Yvinno, ang katawan ni Wenessa.
"Matagal ng patay ang katawan nito at tanging ang kaluluwa na nasa katawan ngayon ng kapatid ni Enzyme ang siyang bumubuhay sa kaniya sa matagal na panahon. Wenessa is already dead." Sambit ni Yvinno habang seryoso ang mga mata nito, hindi niya parin tanggap na wala na si Sonata. Tulala naman si Sallino habang nakatanaw sa kalangitan, agad niyang nilabas ang plawta na siyang paboritong instrumento ng kaniyang Ina. Habang si Daneel naman ay nasa gilid lang habang akbay niya si Danoa na ngayo'y iyak ng iyak dahil sa hindi makapaniwalang pinatay niya ang sarili niyang Ina.
"Wala kang kasalanan anak, ito talaga ang kapalaran natin." Bulong sa kaniya ni Daneel na siyang nagpayuko nalang kay Danoa. Agad ding niyakap ni Zharo ang kaniya Ina at Ama na ngayo'y malungkot din sa dinanas ng lahat.
"I'm weak, I'm not like the both of you. I was under contro—"
"No Zharo, malakas ka kaya nakontrol ka. Ginamit ka nilang instrumento dahil sa kakayahan mo. Now, just be thankful na nabuhay ka pa. Alalang-alala kami sa'yo ng Ama mo." Turan sa kaniya ni Zhavia na ikinatango ni Zharo at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa kaniyang mga magulang. Nagkatinginan nalang si Zhavia at Satro dahil sa wakas, wala ng magiging hadlang sa kanilang pamumuhay.
"Kailangan na natin silang ipagdasal." Agad napatango ang lahat sa tinuran ni Sanye, agad namang lumitaw ang mga ugat na kinokontrol ngayon ni Zemma, Jaffna at Enzyme. Gumawa sila ng higaan at doon ipinatong ang mga katawan ng namayapa nilang mahal, biglang nagsilitawan ang iba't ibang bulaklak sa bawat katawan ng mga ugat hanggang sa nagbago ang kasuotan ng mga natutulog ngayon sa ugat na higaan.
Nagtabi sina Mebill, Zemm at Alkar habang magkayakap naman si Leera at Jaffna. Nasa likuran naman nito sina Brooch, Pauros, Venedict at Venom. Nag-iiyakan naman si Serafina at Venny dahil sa wala na ang kanilang matalik na kaibigan. Inalo naman sila ni Wyeth at Chester habang si Athena naman ay pasikretong naluluha habang nakayakap sa kaniya si Igneous mula sa likuran. Si Levinas naman ay naluluha na rin dahil sa mga alaala na pinagsamahan nila ng mga namayapa, malaking parte sila sa buhay nito. Naging mahalaga at malaki ang pagbabago nila dahil sa mga namayapa na nasa harapan nila.
"It will be okay, maiibsan din natin lahat ang sakit na nararamdaman natin ngayon." Bulong ni Demeter kay Levinas na ikinatango lang nito.
Agad lumitaw ang mga paru-paro, ang siyang tagahatid sa katawan at kaluluwa sa magkabilang mundo. Ang pagkislap ng mga paru-paro ang siyang nagbibigay pa sa kanila ng matinding sakit dahil wala ng pag-asa para ibalik pa ang kani-kanilang buhay.
"Ngayon, wala na tayong gulong kakaharapin at tanging sakit nalang ang ating iisipin kung paano ito mawawala sa ating mga dibdib. Ang kadiliman na ngayo'y naglaho na at sumikat na ang bagong kabanata ng ating mga buhay. Uusbong ang liwanag at hindi na muling hahayaan ang dilim na makapasok pa sa ating buhay. Ngayon, bukas at sa magiging hinaharap ay siyang ating hindi kakalimutan ang mga alaala na iniwan ng mga nagsakripisyo, ang mga memorya na siyang nagpalakas sa ating mga damdamin at ang mga paalala na nag-udyok sa atin para tapusin ang madugong labanan. Ngayon, ipagpapaalam natin ang mga naging tapat sa atin, naging bayani at magigiting na mga Diyosang namumuhay sa Gampenun. Ngayon, saksihan natin kung paano sila mahalin ng may kapal at sila ay bibigyan ng pangalawang buhay sa ibang mundo na kanilang tatahakin." Sa mahabang dasal na tinuran ni Sanye ay kaagad nagliwanag ang mga katawan na nakahiga sa higaang ugat. Unti-unti ng lumalapit ang mga paru-paro ng kamatayan at unti-unti hinihila sa ere hanggang sa naglaho na ang mga katawan nito, nag-iwan na lamang ng mga kumikislap na mga maliliit na liwanag ang mga paru-paro.
Hagulhol, iyak, lungkot, pait, hinagpis, sakit, poot at galit ay ngayo'y iisahing kakalabanin ng lahat. Sabay-sabay nilang aalisin ang lahat ng kadiliman na naiwan sa kani-kanilang mga puso at isipan. Ang kanilang bangungot na siyang ibabaon nila sa limot at magsisimula ng panibagong kabanata at isusulat ang bagong istorya sa bagong pahina ng tadhana.
Nakamit na ang tagumpay, nabawi na ulit ang tadhana at winasak na ang kadiliman na namumuo sa kanilang mundo.
Nagkatinginan sina Avzora at Alfalla habang ang kanilang mga magulang ay masinsinan na nag-uusap iilang distansiya ang layo sa kanila.
"Hayst, tapos na ang lahat. Wala na ang dilim, wala na ang magdadala sa atin ng sakit. Ngayon, nasa atin na ang kapayapaan na matagal na nating hiling, Ate Alfalla." Ngumiti si Alfalla sa sinabi ni Avzora at sabay silang napatingin sa kalangitan.
"At least we saved the world together, even the hidden histories made us suffer big time but still we manage to surpass them and now look at them, kahit malungkot at may sakit pa sa mga mata at puso nila, alam kong makakaya nila ang lahat tulad ng pinagdaanan natin pareho." Sambit nito. Tumango si Avzora at bigla nalang silang natigilan dahil sa kaluluwa na unti-unti nilang nakikita mula sa malayo, nagulat sila dahil sa hindi pamilyar ang mga imahe nito pero nakangiting nagpapaalam ito sa kanila habang papalapit.
Natuod ang dalawa dahil sa kapangyarihan na bumabalot dito, akmang susugod na sila ng lumitaw ang Diyosa ng lahat, si Benefiyar na inakala ng lahat na si Layresa na isang hamak na Headmistress.
"Ngayon, magkakasama na kami nang dahil sa inyo. Hindi ako nagsisi na ginawa kong pagtulong sa inyo, dahil do'n nakasama ko na ang mga anak ko at mabibigyan ko na sila ng maraming oras. Salamat at kailangan na naming magpaalam, kami ay dadalhin na sa ibang mundo para mamuhay ng payapa." Ngiting sambit ni Benefiyar hanggang sa naglaho na silang tatlo na ikinatigil nina Avzora at Alfalla. Namatay ito dahil sa pagtulong nito sa kanilang dalawa, at ang mga kasama nito na kambal ay siyang kaluluwa na nasa katawan nila kani-kanina lang. Ibig-sabihin ay wala na ang kaluluwa ng mga batang iyon sa katawan nila kaya nagkatinginan silang Alfalla at Avzora.
"We can now live freely as the wind, without fear from the hidden histories."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro