Chapter 75
Third Person.
Namangha ang lahat sa paglitaw ng Diyosa na siyang matagal na nilang hindi nakita. Ang Diyosa na siyang nagpatupad sa kanilang iisang hiling, ang Diyosa na siyang pinakamalakas sa buong mundo na ito. Ang Diyosa ng lahat ng Gampenun.
"S-Sino ka?!" Sigaw ni Alisis, hindi siya makakilos dahil sa parang may pumipigil sa kaniyang kapangyarihan. Hindi siya makagalaw dahil sa parang kinokontrol ang kaniyang presensiya, inis na napatingin ito sa apat na may mga makukulay na pakpak habang mataman na nakatingin sa kaniya. Ang kani-kanilang mga presensiya na mas lumakas kaysa sa kanina, ang pagdoble ng kanilang lakas at kapangyarihan ang siyang nagpakaba sa kaniya ngayon.
"I am the Titan Goddess of Universe of Gampenun, and I'm here to take all the darkness within this world." Ngiting sambit ni Xysoness, ang babaeng may magandang ngiti at mahinahon na ugali. Mas nagpumiglas pa si Alisis at kaagad tumingin sa itaas, agad nagliwanag ang kaniyang mga mata na pula at kaagad nadinig ang buong pagsabog sa kapaligiran. Napapikit ang lahat dahil sa nakakabinging pagsabog, halatang-halata na galit si Alisis dahil sa pinagkaisahan siya ngayon ng lahat.
"And now, you need to rest Alisis. Masiyado ng masakit ang naranasan ng mundong 'to, masiyado ng maraming pinagdaanan ang mundo na siyang nagbigay saya sa lahat ng nilalang. Ngayon Alisis, ang dilim na nasa katawan mo at ang kaluluwa na siyang magdadala sa buong mundo ng Gampenun ng kaguluhan ay mawawala na at maglalaho." Sabi pa ni Xysoness, nadako ang mga mata ni Xysoness sa babaeng masama ang tingin sa kaniya pero kitang-kita na ang pagod sa kaniyang mga mata sa katawan narin nito mismo.
"Binigyan kita ng pagkakataon Xyraluna, ibinigay ko sa'yo ang kapangyarihan na gusto mo na baka nagbabakasakali akong magbago ang iyong pananaw at ugali. Pero niloko mo lang ang laha—"
"Anong pinagsasabi mo?! Ako mismo ang naghirap para kunin lahat ng kapangyarihan na 'yon! Ako ang nagpakahirap, ako ang nagdusa pero ano? Gan—" Agad natigilan si Xyraluna dahil sa ngiti na namang iginawad ni Xysoness, hindi niya alam pero naiinis siya kasabay ng pagkatigil dahil sa ngiting 'yon.
"Hindi ka ba nagtataka na walang pumigil sa'yo? Walang humarang, walang nag-aksaya ng panahon para alamin kung sino ka? Ako, alam kong mangyayari ang lahat ng ito kaya hindi ko kinuha ang mga responsibilidad na nasa loob ng batang ito." Napatingin si Xysoness kay Alisis na seryoso lang na nakatingin sa kaniya, agad din namang binalik ni Xysoness ang kaniyang tingin kay Xyraluna.
"Kambal tayo, kaya kung ano ang nararamdaman mo ay gano'n din ang narara—"
"Anong pakialam mo sa nararamdaman ko?! Hinayaan mo akong mabulag sa katangahan at sa kasuklaman ang mga Diyos at Diyosa, hindi mo man lang ako tinulungan na maging mas malakas sa iba pang nilalang. Wala kang kuwentang kambal! Wala kang kuwentang kapatid! Wala kang kuwenta!" Agad nagulat ang lahat dahil sa pagluha ni Xyraluna at sa rebelesasiyon na sila ay magkapatid. Natulala ang lahat at tama ang kanilang narinig, sinuri nila ang mga mukha nito at sila nga ay magkamukha. Pero ang pinagkaiba lang ay laging mahinahon at mabait si Xysoness habang si Xyraluna naman ay laging seryoso, nakangisi at may ugali talagang demonyo.
"I didn't expect this coming, magkambal sila?" Bulong ni Athena, agad naman siyang nilingon ni Devonna na napatango nalang.
"Ngayon, hindi na dapat natin patagalin pa ang lahat." Tumingin si Xysoness sa apat na Diyosa na ngayo'y tumango na habanag nakatingin sa mga mata ni Alisis. Agad naman itong napalutang paatras pero hindi na siya makagalaw pa dahil sa namumuong puwersa sa kaniyang likuran.
"You cant just vanish me! I still have my Father's soul and power and I will do everything just to get what I want!" Sisigaw na sabi ni Alisis pero hindi siya pinakinggan ng lahat dahil seryoso lang itong nakatingin sa kaniya na hindi makapaniwala, inilibot ni Alisis ang tingin niya and seeing her brother disgusted with her attitude right now ay siyang napahina din sa kaniya. She didn't know that she will still feel the pain, hindi niya alam na mararamdaman niya parin ang sakit na hindi niya aakalain.
"You want to get everything that you want? Hindi na ba sapat na kinuha mo ang buhay ni Ina?" Agad natigilan si Alisis sa biglaang pagsalita ni Alkar na ngayo'y hindi maintindihan ang ekspresiyon, galit na may lungkot sa mga mata. Agad namang inalo ni Leera si Alkar na ngayo'y hindi na napigilan ang luha dahil sakit ng kaniyang nararamdaman, napapikit din at napaiwas ng tingin si Olcor and seeing his son like this is like he wanted to kill all of creatures.
"D-Diba? Nakuha mo na ang gusto mo, nakaganti ka na, patay na sila kaya ano pa bang kailangan mo?! Ano pa ba gusto mo?! Papatayin mo rin ba kami? Sina Ama, at ang lahat pa?!" Sigaw ni Alkar, napalingon si Alfalla sa puwesto nito at agad napahinga nga malalim. Ganiyan na ganiyan din ang naramdaman niya noon no'ng nag-iisa pa lang siya at walang kaagabay sa buhay. Ganiyan na ganiyan ang kaniyang ekspresiyon habang galit sa mundo dahil sa kung bakit sa dami-dami ng mga nilalang ay siya pa ang pinagkaitan ng pamilya at kasiyahan. Nakakaawa siya no'n, nakakaawa. Pero agad niya din natutunan ang maghintay, natutunan niya kung paano maging malakas at masaya sa sarili niyang paraan.
"Ngayon Iha, ano pa bang gusto mong mangyari? Gusto mong magbago? Pagbibigyan kita, bibigyan kita ng magandang damdamin at bagong pus—" Agad natigilan si Xysoness dahil sa biglaang pagngiti ni Alisis ng matamis, unti-unting bumabalik ang dati niyang kaanyuhan. Nawala na ang apat na pakpak nito sa likuran, wala na ang buntot nito at ang balat nito ay bumalik narin sa dati. Hindi na din pula ang mga mata at bumalik na ito sa pagkagintong kulay. Bumalik rin sa dati ang kulay ng kaniyang buhok na itim at kaunting puting hibla sa buhok niya.
Natigilan ang lahat dahil sa pagbalik ng dating Alisis, natigilan si Xyraluna dahil hindi niya gusto ang kaniyang nakikita.
"Anong ginagawa mo Alisis?! Tumakas ka, patayin mo sila!" Sigaw ni Xyraluna pero hindi nakinig sa kaniya si Alisis at tumingin lang sa kapatid nito na ngayo'y seryoso lang na nakatingin sa kaniya.
"Kung bibigyan niyo ako ng bagong puso at damdamin, hindi niyo rin naman mababago ang katauhan ko. Hindi mababago ang katotohanan na pinatay ko ang mga naging importante sa buhay ko, hindi mababago ang katotohanan na nagtaksil ako at hindi magbabago ang katotohanan na naging madilim ang puso ko dahil sa paghihiganti. Ano pang silbi ng pagbabago? Na alam ko ring dadalhin ko sa habang-buhay." Sabi nito habang nakaharap kay Alkar, napatagis ang panga ni Alkar at tila nasasaktan siya sa sinasabi ng kaniyang Ate. Tumingin si Alisis sa katawan ng Ina niya na nasa lupa, katabi nito ang katawan ni Menesis na wala ng mga buhay.
"Tadhana ang nagbigay kamatayan sa iyong mga mahal sa buhay at ikaw ang naging tadhana nila Alisis." Ngiting sambit ni Xysoness.
"Kill me now." Nagulat ang lahat sa sinabi ni Alisis, bigla nalang nagwala si Xyraluna dahil ito nalang ang pag-asa niya pero hindi na siya makagalaw dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniya ni Demeter.
Napalingon si Alisis kay Avzora at Alfalla na nakaharap lang sa kaniya, ngumiti lang ito.
"Galit ako sa inyo dahil nakuha niyong kunin ang atensiyon ni Ina, galit ako sa inyo dahil sa nakuha niyo ang loob niya ng gano'n nalang kadali. Pero alam ko na ngayon kung bakit nahulog ang loob niya sa inyo dahil sa kabaitan at katapangan ninyong dalawa." Natigilan sina Avzora at Alfalla dahil sa sinabi nito, agad din namang tumingin si Alisis kay Mebill na seryosong nakatingin sa kaniya.
"Patawad Mebill, I disappointed you at hindi ko alam kung paano mo ako mapapatawad dahil sa malaking kasalanan na ginawa ko. But still, don't be brat and spoiled." Natigilan si Mebill do'n sa sinabi ni Alisis at kasabay no'n ay ang pagliwanag ng buong katawan ni Xysoness kasabay ng apat pa na Diyosa.
"Ang huling oras para sa kaniya ay tapos na, siya na mismo ang nagdesisyon sa kaniyang kapalaran. Ang apat na Diyosa, ang liwanag sa inyong mga katawan ang siyang magdadala sa kaniya sa mundo ng kapayapaan at mamumuhay ng walang hanggan." Sabi ni Xysoness at napapikit nalang ang lahat dahil sa pagliwanag ng buong katawan ng apat na Diyosa at katawan ni Xysoness.
"Hindi!" Sigaw ni Xyraluna pero huli na dahil nilamon na ng liwanag galing sa limang Diyosa ang katawan ni Alisis na ngayo'y nakangiting nakatingin sa kaniyang kapatid na nakatingin din sa kaniya.
"Paalam Alkar, patawarin mo si Ate." Ngiting pagpapaalam ni Alisis na siyang ikinabuhos kaagad ng luha ni Alkar at akmang lalapit ito nang matigilan siya dahil sa nakayakap sa kaniya ngayon mula sa likuran.
"Tama na Alkar, tama na ang sakit na nararamdaman mo." Bulong ni Leera, doon na mas lalong bumuhos ang luha ni Alkar at kaagad itong napaluhod. Napaluha din si Venedict dahil sa alaala na pinagsamahan nila ni Alisis no'ng mga bata pa sila, agad ding naluha ang iba pa dahil sa taglay na kabaitan at katapangan noon ni Alisis.
Ngayon wala na si Alisis, wala ng maghihiganti pa para sa kaniyang Ama. Wala na ang tatapos sa gulo, wala na ang kinakatakutan ng lahat na mangyari. Magiging maayos na ulit ang lahat.
Nawala na ang liwanag kasabay ang katawan ni Alisis na siyang ikinagaan ng mundo.
"Ang kaluluwa na nasa katawan ni Alisis ay hindi na makakabalik dahil sa kapangyarihan ng mga Phenoserous na nasa katawan ninyo. Sila ang mga nilalang na kayang i-wala ang bisa ang kapangyarihan ng kaluluwa ng isang tunay na Diyos at Diyosa sa ibang katawan. Ngayon, malaya na ang inyong mundo sa kadilima—"
"Anong malaya?! Habang nabubuhay pa ako, hindi magiging malaya ang mundong ito. Makasarili ka Xysoness! Makasarili ka! You took all the powers, you took advantage for the real Gods and Goddesses dahil ikaw ang pinagbantay ng makapangyarihang bato. Gusto mo ikaw lagi ang makapangyarihan, gusto mo ikaw laging ang nagmumukhang mabait!" Sigaw sa kaniya ni Xyraluna, napailing nalang si Xysoness at tumingin sa mga mata ng kaniyang kapatid.
"Kung naging makasarili ako, bakit kita hinayaang makuha ang iba pang hiyas sa makapangyarihang bato na nasa katawan ng ibang Diyos at Diyosa, Xyraluna? Bakit hinayaan kitang gawin itong gulo na ito kung makasarili ako? Alam mo ang nakapagtanto sa akin? Na sana na hindi na pala kita binigyan ng pagkakataong magbago at sumaya dahil gano'n din pala ang kalalabasan, magiging madamot ka parin at magiging hayok sa pagpatay. Nasilaw ka sa paghihiganti na pati ang mga inosente ay dinamay mo sa iyong walang kuwentang galit." Lumutang pababa sina Avzora at Alfalla na ngayo'y nakabalik na sa kani-kanilang anyo, lumabas na sa kani-kanilng katawan ang mga Phenoserous.
Bumagsak mula sa ere katawan ni Mebill dahil sa mahinang-mahina na talaga ang katawan nito pero agad din itong nasalo ni Brooch, tumalon din ng mataas si Venom to catch Zemma.
"Now, you need to go back wherever you came form Xyraluna. Kailangan mo ng bumalik sa pinanggalingan mo." Seryosong sambit ni Alfalla at lumitaw na naman sa kaniya ang bilog na kakulay ng bahaghari.
Itinapat ni Alfalla ang bilog sa dibdib ni Xyraluna pero pilit paring nilalabanan ng lakas ni Xyraluna ang kapangyarihan na ito. Mas lalong nahirapan si Alfalla kaya agad siyang tinulungan ni Avzora para ipasok ang Time Rift sa puso ni Xyraluna. Habang si Xysoness naman ay napapailing nalang sa katigasan ng ulo ng kaniyang kapatid, lumutang ito sa ere na siyang ikinatingin ng iba.
"Hanggang dito nalang ako mga kaibigan, kayang-kaya niyo na siyang ibalik sa nakaraan dahil sa wala ng kapangyarihan ang nananalaytay sa buong kapaligiran. Hanggang sa muli nating pagkikita." Ngiting pagpapaalam ni Xysoness at agad siyang naging libro at naglaho sa ere.
Still, lumalaban parin si Xyraluna pero agad natigilan ang lahat dahil sa may parang nagdadasal sa kanilang likuran kaya agad napalingon ang lahat at agad naman silang nagtaka dahil sa mga uniporme ito ng mga Enchanters at Enchantress na ngayo'y nakayuko at magkadikit ang kani-kanilang mga palad habang nakapikit. Pinapangunahan ito ni Sanye, ang pinakamatandang Enchantress na siyang ikinatakip ng bibig ni Senny.
"M-Mama!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Senny dahil hindi niya inaakalang buhay pa pala ito at ang kasamahan niya noon sa Publiko Encantado, agad nagliwanag ang Time Rift na siyang ipinagtaka nila Alfalla at Avzora at parang mas lumakas ang kapangyarihan nito.
"Ang kadiliman ay magwawakas, liwanag ay siyang darating ulit sa mundo. Ang kadiliman ay aalis, liwanag ay siyang papasok ulit." Dasal ng mga Enchanters at Enchantress at bigla nalang may malaking Magic Circle ang lumitaw sa Time Rift at kaagad itong bumulusok papasok sa dibdib ni Xyraluna na ikinasigaw nito ng napakalakas.
Malakas na sigaw ang narinig sa buong Battle Arena hanggang sa nilamon na ng Time Rift ang buong katawan ni Xyraluna at tanging ang mahabang spear nalang nito ang natira.
"Sa wakas, tapos na ang kinakatakutan nating kadiliman."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro