Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 71

Third Person.


Unti-unti ng dumidilat ang mga mata ni Menesis at nakikita ng kaniyang mga mata ang mga usok, mga apoy na nakapaligid sa buong Battle Arena at amoy ng mga malalansang dugo. Napaayos ito ng upo na inalalayan kaagad ni Mebill at Senny na ngayo'y nag-aalalang nakatingin sa kaniyang mga mata.

"Ayos ka lang po ba? Wala na bang masakit sa'yo?" Agad na alalang tanong ni Mebill, napatingin sa kaniya si Menesis pero umiling lang ito at ngumiti.

"Ayos lang ako, wala naman akong ginawa diba? I didn't kill anyone? Hindi ako nakontrol?" Sunod-sunod na tanong ni Menesis na ikinailing naman ni Senny.

"Nakontrol kayo ni Xyraluna pero hindi natuloy ang lahat, Ate Sarionaya did a ritual para makabalik kayo sa dati. At Ate Menesis, ang kaluluwa na nasa katawan ni Ate Wenessa ay nasa kapatid ni Kuya Enzyme." Agad namang nagtaka si Menesis at kaagad napalingon sa babaeng tinuturo niya, agad naman siyang nakaramdam ng kaginhawaan dahil sa wala naman siyang nagawa nang ito ay mahimbing na natutulog. Agad hinanap ng kaniyang mata ang kapatid ni Enzyme na si Jaffna na ngayo'y kausap na ang isa sa mga kaibigan nito.



Ang kapangyarihan niya ay umaapaw bilang isang Diyosa, presensiya na katulad na katulad nang kay Wenessa noon. Agad siyang natigilan dahil sa malaking bilog na buwan na kulay ube habang katabi nito ang araw na natatabunan ng dilim.


"What's happening? Araw at buwan ay magkasama?" Nagtatakang tanong ni Menesis, agad namang tumango si Senny dahil sa sinabi nito.

"Mas maganda kung magkatabi ang araw at buwan para sabay nilang maialis ang dilim na siyang bumabalot ngayon sa araw. Ang ubeng buwan na 'yan na tinawag noong Royal Moonlight na siyang Diyosa lang ang nakakagawa. Napapaalis nito ang kadiliman kaya ngayon ay nababalanse na nito ang liwanag at dilim sa kapangyarihan ni Xyaluna. Malabo na itong makahingi ng tulong sa dilim at malabo na ring may dumating na mga halimaw." Paliwanag ni Senny, agad namang napatango si Menesis.

Agad itong napalingon kay Sarionaya na walang malay, ang mga buhok nito ay naging puti na siyang ipinag-alala niya.

"Kung 'yon ang katotohanan, wala tayong magagawa kund—Teka nasaan si Genesis?!" Biglang nanlaki ang mga mata ng lahat dahil sa nawawala nga pala si Genesis. Agad nanlaki ang mga mata ni Senny dahil sa baka naiwan ito sa ilalim ng lugar na iyon.

"Nagpaiwan siya sa ilalim kung nasaan nando'n din si A-Alisis, sabi niya ay lumabas na daw kami kaagad dahil baka mapahamak pa kami. Ate M-Menesis, kasalan—"


"No, wala kang kasalanan. Niligtas mo lang din naman ang sarili mo at nakasama mo si Sarionaya. Ako na ang babalik sa kaniya, ituro mo sa akin kung saang pinto kayo lumabas." Turan ni Menesis na agad naman tinuro ni Senny ang pintuan kung saan sila lumabas kanina. Tumayo si Menesis at akmang tatakbo na ng hawakan siya sa kamay ni Bill na ngayo'y seryoso ng nakatingin sa kaniyang mga mata, hindi niya napansin na may malay na pala ito.

"Where do you think you're going? Delikado para sa—"

"So hahayaan ko si Genesis na mapahamak? Just stay here and I will do the rest, hindi maaaring hindi ako tutulong dahil malaki na ang naitulong sa atin ni Genesis noon. Ngayon, ako naman ang magliligtas sa kapatid ko kahit kamatayan pa ang kapalit." Walang nagawa si Bill at pinanuod lang ang likuran ni Menesis na ngayo'y tumatakbo papalayo sa kaniya. Napabuntong-hininga ito at kaagad nilingon ang kaniyang anak na nag-aalala ding nakatingin kay Menesis.

"Magiging maayos din siya Dad, just trust her. Hindi siya ang Menesis na minahal mo at hindi siya ang Nanay ko kung hindi siya makulit. At ikaw na rin nagsabi sa akin noon na hindi talaga sila napaghihiwalay." Ngiting pilit na sabi ni Mebill.

Agad napalingon ang lahat kay Xyraluna na ngayo'y tumatawa na parang walang katapusang biro ang nangyayari ngayon. Hindi makapaniwala ang lahat na nakakatawa parin ito kahit alam ni Xyraluna na siya nalang mag-isa. Hindi na siya makakatawag pa ng mga halimaw dahil sa paglitaw ng ubeng buwan, wala na din ang mga Executioner na tinawag niya para sana ay matulungan siya.

"Wala ka ng takas Xyraluna, dito na ang bagsak mo at kami ang maglilibing sa katawan mo sa impyerno." Seryosong turan ni Alfalla.

"Kahit anong sabihin mo, hindi mo mababago ang pananaw namin na paglahuin ka sa mundong 'to. Hindi mo mababago ang utak namin, hindi mo malalason ang isipan namin na siyang ginawa mo sa lahat ng nilalang na dumaan sa'yo. Dito na ang katapusan mo Xyra, wala ka ng magagawa pa." Segunda naman ni Avzora.

Agad namang napataas ng kilay si Xyraluna at bigla nalang nagliwanag ulit ang mga mata niya ng kulay ube at nagsisimula na naman itong umusok. Agad namang napahanda ang lahat dahil sa kakaibang kapangyarihan na naman nitong pinapalabas.

"Hindi niyo ako matatalo, ilang beses ko bang sasabihin na isa akong Immortal at hindi mamamatay sa mga kapangyarihan niyo lamang. Hindi kayo gano'n kalakas para talunin ako, hindi niyo ako mapapatumba gamit lang ng mga kapangyarihan niyo dahil nasa akin ang kalahati sa makapangyarihang bato." Ngisi nitong sabi at kaagad lumiwanag ang buo nitong katawan ng kulay ube, lumayo ang lahat at ang iba naman ay naghanda sa baka kung ano ang mangyayari. Agad naramdaman ng lahat ang paglakas pa ng kapangyarihan nito, ang pagbago ng ekspresiyon at kakaibang boses na parang hindi na pagmamay-ari ni Xyraluna dahil sa dalawa ng boses ang naririnig galing dito.



Agad napadilat ang lahat at agad silang natuod dahil sa itsura ngayon ni Xyraluna habang suot-suot ang napakahabang kulay ubeng bestida na halos abutin ang lupa habang siya ay nakalutang sa ere. Ang kanina nitong Katana ay isa ng mahabang spear na kulay ginto at masiyadong matalim ang pinakadulo nito. Ang mahaba nitong buhok na kanina ay itim, ngayo'y kulay ube na at sumasabay sa malakas na hangin na lumilibot lamang sa kaniyang paligid. At mapapansin ang dalawang mahahabang sungay na parang sungay ng isang toro na mahaba sa magkabilang sentido nito. Pagdilat ng mga mata ni Xyraluna ay siyang paglikha ng matinding pagsabog sa buong paligid na ikinapikit ng lahat.


"Meet the Demon Goddess of Immortal, meet the real me, creatures!" Sigaw nito gamit ang dalawang boses na ikinatindig ng balahibo ng lahat.

Agad naging seryoso ang mga eskpresiyon ni Alfalla at Avzora, naghanda sila pati na ang mga kasamahan nito. Naging seryoso ang lahat dahil sa kapangyarihan nito, ang totoong kapangyarihan. Kailangan nilang magtulungan, kailangan nilang magkaisa.


"Ito na ang tunay na laban, Avzora. Kailangan na natin siyang pabagsakin." Sambit ni Alfalla na ikinatango ni Avzora, bigla nalang lumiwanag ang paligid at sabay na lumitaw sa kanilang likuran sina Maleah at Mever. The Titan God and Goddess of Time.

"Tulungan niyo kaming puksain siya, kailangan namin siyang ibalik sa nakaraan at hindi na makabalik pa sa kasalukuyan." Agad namang tumango sina Maleah at Mever na may seryosong ekspresiyon na nakaukit sa kani-kanilang mga mukha. Agad itong nagsilutangan at agad sinugod si Xyraluna na namangha dahil sa dalawang bagong Diyos at Diyosa sa kaniyang harapan.

"Ayan nga, tawagin niyo silang lahat at para sila ay maubos ng aking kapangyarihan!" Sigaw ni Xyraluna.


Kinabahan ang lahat dahil sa kapangyarihan na bumabalot ngayon kay Xyraluna, masiyado siyang malakas at hindi nila ma-imagine kung pati ang kaluluwa na nasa katawan ni Wenessa ay makukuha din nito. Sa pangalan pa lang ng responsibilidad nito ay nakakapanindig balahibo na, paano nalang kaya kung inilabas na niya ang kaniyang kapangyarihan.


"Controlling other's mind and heart, reviving all the dead and summon all the monsters, hindi pa 'yon ang tunay niyang k-kapangyarihan?" Utal na bulong ni Mebill pero kaagad niyang napansin si Zemma na lumulutang na sa ere, taka niya naman itong pinanuod at nang mapagtanto niya kung anong ginagawa nito ay lumutang din siya sa ere.


"Mebill!" Hindi pinakinggan ni Mebill ang tawag ng kaniyang Ama at pati si Brooch ay napasabunot nalang sa buhok nito. Nagkatinginan si Mebill at Zemma pero agad silang natigilan dahil sa biglang paglitaw ni Jaffna sa kanilang gitna.

"Kailangan natin silang tulungan, 'yon ang silbi natin bilang isang Diyosa, may dugong Diyosa at napasahan ng responsibilidad bilang Diyosa. Hindi tayo aatras at kahit kamatayan man ang kapalit mabalik lang ang mundo na'to sa dati, magsasakripisyo tayo. Naiintindihan niyo?" Agad tumango ang dalawa sa seryosong sinabi ni Jaffna at kaagad silang lumutang papalapit kina Alfalla at Avzora.


Nagpalitan ng atake sina Maleah at Xyraluna habang si Mever naman ay pinupuntirya ang tiyan nito pero hindi nila ito magawang mahawakan dahil sa bilis ng kilos nito. Sinipa ni Maleah si Xyraluna pero agad niya itong naiwasan at bigla nalang siyang nahampas sa likuran gamit ang mahabang spear na ikinabulusok nito sa lupa. Agad namang rumespunde si Mever at kaagad hinawakan si Xyraluna sa balikat pero kaagad napapikit si Mever dahil sa nasilaw siya sa mga mata nito. Ang pagkakataon na 'yon ay siyang kinuha ni Xyraluna para masaksak ito sa gilid ng tiyan ni Mever.

"Tito Mever!" Sigaw ng sabay nina Alfalla at Avzora at kaagad dinalo ang papabagsak na katawan ni Mever. Agad namang tumayo si Maleah at kaagad tinutok ang kaniyang palad sa puwesto ni Xyraluna at nagdulot 'yon ng maliwanag na atake pero agad itong sinangga ng mahabang spear ni Xyraluna at napunta sa ibang direksiyon ang atake nito.

"M-Masiyadong malakas ang kapangyarihan niya, hindi namin sila kakayanin." Hirap na saad ni Mever, agad ginamot ni Avzora ang katawan nito na may saksak pero nagtaka siya dahil sa hindi ito naghilom.

"Ganiyan kalakas kapangyarihan niya, even cuts can't be healed." Napalingon si Avzora kay Maleah na ngayo'y wala ng ibang makikita sa ekspresiyon kundi kaba.

"Hindi namin kayo matutulungan, hindi kami makakapagtagal dito pero may alam kaming isang paraan para matahimik ang kaniyang kaluluwa." Agad natigilan sina Avzora at Alfalla dahil sa nasa palad ngayon ni Mever, may lumulutang na bilog na kakulay ng bahaghari mismo.

"This is the Time Rift, ang kapangyarihan na siyang magdadala sa kaniya kung saan man siya nagmula at hindi na makakabalik pa sa nakaraan kahit ang oras ay paglaruan. Makukulong ang kaniyang katawan at kaluluwa at hindi na makakalabas pa. Ang dapat niyo lang gawin, ipasok ito sa kaniyang dibdib." Nahihirapan na saad ni Mever, agad namang tumango si Maleah at kaagad niyakap ang kaniyang kambal.


"Patawad mga bata, hanggang dito nalang ang kaya namin." Sa sinabing 'yon ni Maleah ay kaagad silang naglaho ng kaniyang kambal at iniwang nakatulala ang magkapatid. Napatingin si Avzora sa Time Rift na nasa palad ngayon ni Alfalla habang seryoso lang itong tinititigan ng kaniyang kambal.

Nagtaka naman si Xyraluna dahil sa biglaang paglaho ng magkambal na siyang kakayahan ding patigilin ang oras, akmang susugurin niya na ang magkambal na ngayo'y nagkakatinginan lang nang mapahinto sa ere si Xyraluna dahil sa tatlong babaeng nakaharap sa kaniya ngayon. Napangisi naman ito dahil sa tatlong determinadong babae na pabagsakin siya.

"Kailangan natin itong idikit sa puso ni Xyraluna at 'yon lang ang tamang paraan para matigil ang labanan at kadiliman na'to." Sambit ni Alfalla habang nakatingin sa magandang bilog na kakulay ng pakpak ng mga Phenoserous, kulay bahaghari.

"Kailangan niyo ng ipakita kung sino kayo, kailangan niyo ng ipakita ang tunay niyong kapangyarihan." Agad napalingon ang dalawa sa bagong dating, nanlaki ang mga mata ni Avzora habang nakatingin sa imaheng seryosong nakatingin sa kanila ngayon. Seryoso namang sinuri ni Alfalla ang katauhan nito.

"H-Headmistress, a-anon—"

"Wala ng oras, kailangan ng gumising ng totoo niyong kapngyarihan." Bigla nalang napatayo ang dalawa dahil sa biglaan silang kinontrol ni Layresa at ngayo'y tuwid na silang nakatayo habang nakatingin sa mga mata nito.


Pumikit si Layresa at agad nagliwanag ang kaniyang katawan, nagulat sina Alfalla at Avzora dahil sa lakas ng kapangyarihan nito. Ang kapangyarihan nito na ngayon lang nila naramdaman, ngayon lang nila nasilayan. Kasabay no'n ang pagliwanag ng buong katawan ng dalawa at lumutang sila sa ere habang umiikot-ikot ang kanilang katawan. Hindi nila alam kung ano ang ire-react nila dahil sa ganito pala kalakas ang totoong kapangyarihan ng bagong Headmistress ng Natharia Academia, na ganito pala kalakas ang kaniyang presensiya pero wala na dapat pang ikabahala. Ramdam nila ang pagbabago ng kanilang kapangyarihan at ang paglakas pa lalo ng kanilang mga katawan. Nagdulot ito ng malakas na hangin at hinihigop nito ang buong lakas ng kapaligiran, natigilan ang lahat pati si Xyraluna ay nanlaki ang mga mata. Hindi siya makapaniwala na ang presensiya na nararamdaman niya ngayon ay mas malakas pa kaysa sa kaniya. Hindi ito nanggagaling sa kambal ngunit galing ito sa pamilyar na babae na hindi niya alam kung bakit nangialam ito na alam nitong may malaking kaparusahan kapag nangialam ang isang tulad niya.


Biglang ngumiti si Layresa, ang babaeng nagpanggap bilang Headmistress sa Natharia Academia. Ang pangalan na hindi naman talaga kaniya, ang katauhan na hindi niya pag-aari at ang babaeng ngayo'y gagawin ang lahat para lang matulungan ang mahal niya, ang mga mahal niya na kahit buhay niya ang kapalit. Napangiti ito at napatingin sa nagliliwanag na ngayong buwan, ang liwanag na ito na ngayo'y tumatama sa dalawang nagpapalit ng kapangyarihan at anyo.

"As the real Titan Goddess of Universe, I, Benefiyar, the ruler of different worlds will help her children to find their true powers within their chosen bodies and conquer all the darkness."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro