Chapter 68
Third Person.
"I-Immortal? Ibig-sabihin hindi siya mamamatay? Ibig bang sabihin no'n ay wala tayong magagawa kundi hintayin na patayin niya tayo lahat?" Kinakabahang turan ni Zemma pero biglang hinawakan ni Mebill ang braso nito at galit na pinaharap sa kaniya.
"Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan! Lakasan mo loob mo dahil hindi lang naman ikaw ang natatakot at kinakabahan ng ganiyan, madami tayo sa buong mundo na'to na nakikipagsapalaran sa kadiliman na dinulot niya. Zemma, prove yourself that you are a real princess of your kingdom dahil ako? Nagdadalawang-isip ako kung isa ka nga ba talagang prinsesa ng isang kaharian." Agad natigilan si Zemma sa sinabi nito at natahimik, binitawan ni Mebill ang braso nito at inis na tinignan si Xyraluna na ngayo'y unti-unti ng tumatayo ng maayos.
Napaisip naman si Zemma sa sinabi ni Mebill at malakas na sampal 'yon para sa kaniya, this is her first time hearing those words to Mebill na hindi niya alam na kaya din nitong sabihin. Mebill is kind of bad-mouthed at hindi alam kung ano ang salitang 'hinahon' dahil sa mabilis nitong mang-insulto pero minsan naiintindihan niya nalang na mas magandang isinasampal sa isang nilalang ang isang katotohanan para magising ito sa kahibangan.
"I'm Immortal, I was bound to live again and again and I'm waiting for this time to tell you all the truth. Hindi ako namamatay, hinding-hindi ako mamamatay kaya maghanda na kayo dahil uubusin ko kayong lahat hanggang sa balutin ang buong mundo na'to sa kadiliman!" Sigaw ni Xyraluna na ikinainis naman ni Alfalla, hindi niya na alam ngayon kung ano ang gagawin niya pero isa lang ang naiisip niya at 'yon ang kung paano malulutusan ang napakalaking gulo na ito.
"Mahihirapan tayo Ate, kailangan nating gumawa ng paraan." Bulong ni Avzora, nag-iisip naman ng paraan si Alfalla dahil kahit ito ay nalilito kung anong susunod nilang hakbang.
"Immortal, hindi maaari. Ito na ba ang katapusan ng lahat?" Bigla nalang natigilan si Helbram dahil sa ibinulong ng Ina ni Senny, hindi niya maintindihan kung bakit parang lagi itong wala sa kaniyang huwisyo at parang may gumugulo sa kaniyang isipan.
"Ayos ka lang po ba?" Magalang na tanong ni Helbram kay Senny, nilingon naman siya kaagad ni Senny at binigyan ng matamis na ngiti pero alam ni Helbram na peke ang klaseng ngiti na 'yon. Kapag nasisilayan nito ang mukha ng Ina ng kaniyang mahal ay kabisado na nito kung paano magbigay ng totoong ngiti at ng pekeng ngiti.
"Ayos lang ako Iho, ikaw maayos ka na ba?" Ganting tanong naman ni Senny na ikinatango naman ni Helbram at ngumiti ng pilit.
"Hindi dapat ako ang tinatanong niyo niyan, ang mga kasamahan niyo po dapat ang tinatanong niyo. Lalo na si Avzora na kailangan na lakas at pagmamahal galing sa inyo." Agad namang napangiti si Senny at kahit sa kalagitnaan ng kadiliman na labanan ay nagawa niyang makangiti ng totoo dahil sa sinabi ng lalaking nasa kaniyang harapan ngayon.
"Masuwerte ang anak ko sa'yo Iho dahil nagmahal siya ng totoong lalaki na nag-aalala at nagmahahal ng tunay." Agad namang napapikit si Helbram dahil sa sinabi ni Senny, parang isang magandang balita para sa kaniya na gusto siya ng kaniyang Ina at nang maidilat nito ang mga mata ay napabuntong-hininga ito at napatingin kay Avzora na nakatalikod mula sa kaniya.
"Ako po ang suwerte sa kaniya, dahil sa kaniya nagbago ang pananaw ko sa mga bagay-bagay. Nagbago ang lahat sa akin at ang pagbabago na 'yon ang nagdala sa akin para mahalin ang kapaligiran at ang mga nilalang na malapit sa akin. Nang dahil sa kaniya, natutunan ko kung paano maging seryoso sa isang bagay na walang pag-aalinlangan, nang dahil sa kaniya ay natuto akong magmahal ng tunay na walang pangamba." Sa sinabi na iyon ni Helbram ay ensaktong napalingon si Avzora sa kaniya, ang mga mata nito na ngayon na nagtatanong kung ayos lang ba siya. Nginitian naman ni Helbram at tinanguan si Avzora na ngayo'y napangiti ng pilit at kaagad ibinalik ang mga mata sa babaeng kaharap nila.
Nakaramdam ng kakaibang presensiya si Jaffna, na parang may humihila sa kaniya sa isang direksiyon pero hindi niya matukoy kung saang parte ng lugar na ito nagsisimula ang puwersa. Inilibot niya ang kaniyang mga mata at parang may kung anong nag-udyok sa kaniya nang madako ang mga mata niya sa isang katawan na nakalutang sa ere habang mahimbing itong natutulog. Ang katawan ni Wenessa.
"Ayos ka lang ba Jaffna?" Tanong ni Pauros, nilingon naman siya ni Jaffna at tinanguan pero kaagad din nitong ibinalik sa katawang nakalutang.
"Hindi ko alam pero parang hinihila ako ng kapangyarihan niya Pauros, parang may nag-uudyok sa akin na kunin siya sa pagkakalutang." Sambit ni Jaffna, napatingin naman sa itaas si Pauros at kaagad namang kinabahan dahil sa sinambit ni Jaffna.
"Huwag kang gagawa ng kilos na hindi natin nalalaman ang posibilidad nito, Jaffna. Baka mapahamak ka kapag nilapitan mo ang katawan ng babaeng 'yan na hindi man lang natin kilala. Baka isa siyang kalaban na natutulog lang at naghihintay ng tamang oras para gumising." Mahabang turan ni Pauros pero parang walang narinig si Jaffna sa sinabi nito dahil ngayon ay tulala na siya sa ganda ng mukha ni Wenessa, batang-bata ang balat at ang mukha nito na parang kasing-edad niya lamang. Ang presensiya naman nito na nang-aakit sa kaniya na gusto nitong kunin mula sa pagkakalutang.
Agad lumitaw ang mga naglalakihang mga ugat dahil sa pagkontrol ni Jaffna at kaagad nitong tinungo ang katawan ni Wenessa na nakalutang sa ere. Hindi napansin ang lahat kahit si Xyraluna ay hindi niya napansin ang unti-unting pagkuha ng mga ugat sa katawan ng babaeng binabantayan niya matagal ng panahon. Hinay-hinay na pumulupot ang mga ugat sa katawan ni Wenessa at parang isang mamahaling bagay na iniingat-ingatang ibaba mula sa ere, agad nanlaki ang mga mata ni Pauros dahil hindi nakinig si Jaffna sa sinabi nito.
"Jaffna! Anong ginagawa mo?!" Diing bulong ni Pauros pero hindi siya pinakinggan ni Jaffna, hanggang sa nasa harapan na nila ang katawan ni Wenessa. Nagsilbing higaan ang mga naglalakihang ugat ng katawan ni Wenessa habang unti-unting humihiwalay ang mga ugat na nakayakap sa katawan nito. Agad nasilaw si Jaffna sa mukha nito habang si Pauros naman ay walang ibang naramdaman kundi kaba at takot na baka lusubin sila ng babaeng nasa kanilang harapan.
"Don't be scared Pauros, may kakaiba sa kaniya at alam kong hindi tayo ipapahamak nito." Ngiti na ngayong turan ni Jaffna, agad namang kumunot ang noo ni Pauros dahil sa sinabi nito.
"Huwag kang pasisiguro Jaffna, iba na ang panahon ngayon kaya mag-iingat ka parin. Nag-aalala ako sa ginagawa mo." Seryosong sambit ni Pauros na ikinalingon sa kaniya ni Jaffna, nagkatitigan sila at parang may namuo do'ng kuryente na ikinaiwas kaagad ni Jaffna dahil sa biglaang pagtibok ng mabilis ng kaniyang puso.
Hinaplos ni Jaffna ang buong mukha ni Wenessa at bigla nalang siyang nakaramdam ng tuwa na hindi niya nalalaman. Nang madako ang palad nito sa dibdib ni Wenessa ay bigla nalang dumiin ang kamay nito sa bandang puso na ikinagulat ni Jaffna. Hindi siya sumigaw at pilit na nilalabanan ang pagdiin ng kamay niya habang si Pauros naman ay nagtataka na dahil sa ekapresiyon nitong parang nahihirapan.
Kinabahan kaagad si Jaffna dahil sa kapangyarihang bumabalot sa katawan ni Wenessa na ngayo'y parang lumilipat sa kaniyang katawan. Agad napapikit si Jaffna dahil sa kakaibang sensasiyon na dulot nito at mas lalong naging maginhawa ang katawan niya ng magliwanag ang mga mata nito habang nakatingin sa pulang kalangitan. Napaatars si Pauros dahil sa pagliwanag ng mga mata ni Jaffna pero hindi kasing-liwanag ng buwan, parang liwanag lang ito ng isang alitaptap na hindi napansin ng lahat at tanging siya lang ang nakapansin.
"Ngayon, tignan natin kung paano niyo matatakasan ang nakaraan. Tignan natin kung paano niyo kakaharapin ang nakaraan!" Sigaw ni Xyraluna at agad na namang nagliwanag ang Katana nito, sabay-sabay lahat sa pagpikit dahil sa ubeng liwanag na idinulot ng Katana nito, napaatras ang iba pati sina Avzora at Alfalla dahil sa baka biglaang pag-atake ni Xyraluna sa kanila.
Agad na may naramdaman si Alfalla at si Avzora na pamilyar na mga presensiya, pilit nilang idinilat ang kani-kanilang mga mata at pilit kinaklaro ang mga imahe ngayon na nasa kanilang harapan. Agad napatakip si Avzora dahil sa imahe na nasa harapan niya ngayon habang seryoso naman si Alfalla dahil sa dalawa pang imahe na ngayo'y nakangisi sa kaniya.
"Corp de Historia." Ngising bulong ni Xyraluna na ikinagulat ni Senny.
"Corp de Historia, History of the dead enemies. Ang mga namayapang kalaban ng lahat ay siyang bumalik sa l-lupa." Sambit ni Senny habang nakatingin sa mga imahe ng mga namatay na noon at hindi inaasahang babalik ngayon.
"Sayatus, Devos, Nhelina at Werrestella." Bulong ni Senny.
"A-Amang Cylechter." Nahihirapang bulong ni Avzora habang nakatanaw kay Cylechter na nakangisi na ngayong nakatingin sa kaniya.
"Nagkita ulit tayo Avzora, ngayon hindi na kita hahayaang mapaslang ako. Diba? Mahal mo ako? Ako ang nag-alaga at nagpalaki sa'yo ng maayos." Agad naluha si Avzora dahil sa sinabi nito, umupo ng maayos si Helbram dahil hindi niya nakayanan ang pagluha ni Avzora dahil sa lalaking nasa harapan nito.
"It's good to be back, how are you Alfalla?" Agad namang naging seryoso ang mga mata ni Alfalla dahil sa nakangising sina Seyvana at Minerva sa kaniya.
"It's good to be back ah? But still, you will go back to hell." Bulong ni Alfalla at kaagad lumitaw ang dalawa nitong espada na gawa sa apoy. Agad itong lumusob sa dalawa at kaagad iwinasiwas ang mga espada na ikinaiwas naman ng dalawang Executioner. Gumanti sila ng atake pagkatapos nilang umiwas pero kaagad din namang nasangga ng mga espada ni Alfalla ang mga Katana ng dalawa.
Agad namang tumalon ng mataas si Avzora ng tirahin siya ng bolang tubig ni Cylechter, natuwa naman ito dahil sa parang sumasayaw na katawan ni Avzora sa ere.
"Anak, hindi mo pa ba pabibigyan ang iyong Ama na makasama ka? Sumama ka na sa akin, mabubuhay tayo ng masaya." Agad nanghina si Avzora dahil sa sinabi nito pero pinipigilan niyang hindi maiyak at manghina dahil lang sa walang kuwentang sinabi nito.
"Patay ka na at wala ka ng buhay, isa ka nalang katawan na dapat ilibing ulit!" Sigaw ni Avzora at inatake si Cylechter ng buong lakas, nagkasanggaan ang espada ni Avzora na gawa sa tubig at ang Katana ni Cylechter na namumuo na din ang tubig.
"How about we play games, children?" Agad namang napalingon si Pauros sa babaeng nasa harapan niya ngayon habang nakangisi. Napatingin si Pauros kay Jaffna na wala ng malay ngayon habang nakayakap sa mga ugat na gawa niya at kung saan nagsisilbing higaan ni Wenessa.
"Then let's play, kung 'yan ang gusto mo." Seryosong sambit ni Pauros kay Werrestella, napangisi lang si Werrestella at bigla nalang namuo ang bolang tubig sa mga kamay nito at agad inatake ang puwesto ni Pauros pero agad niya 'yong naiwasan. Pero halos manlaki ang mga mata niya na papunta ito sa direksiyon ni Jaffna kaya agad niyang ginawang yelo ang tubig kaya agad itong bumagsak sa lupa at nabasag.
Agad namang natigilan si Venom dahil sa babaeng nakaharap sa kaniya ngayon, hindi niya man lang alam kung paano ito napunta sa harapan niya eh wala naman ito kanina.
"Hello there, kalaban ka ba?" Agad na tanong ni Venom kay Nhelina na ngayo'y nakangisi lang at walang atubiling inatake ito ng mga ugat, agad namang napaiwas si Venom dahil sa isa pala itong Elementalist. Agad namang natuwa si Venom kaya gumawa siya ng salamin gamit ang kaniyang hologram.
Seryoso namang nakatingin si Brooch sa lalaking nakaharap sa kaniya habang nag-aapoy ang mga kamay nito, hindi namalayan ni Brooch na may nasagi na siya na isa ding likuran. Napalingon si Brooch kay Venedict na nakaharap sa babaeng nakangisi din sa kaniya.
"I heard they are dead friends of Tita Genesis and Tita Menesis before and they are here again because of a spell that was casted by that witch." Sabi ni Venedict na ikinatango naman ni Brooch.
"We don't have choice but to kill their friends to be dead again."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro