Chapter 67
Third Person.
"Bantayan silang lahat, hindi maaaring makontrol sila ulit ng babaeng 'yan." Seryosong turan ni Avzora, agad namang napatango ang iba sa sinabi nito. Agad namang gumawa ng mga Shield Barrier si Zemma sa mga walang malay para hindi makalanghap ng kung anong mga usok at nang maiwasan ding may makalapit na dilim sa kani-kanilang mga katawan. Agad napalingon si Zemma sa kaniyang Ina na siyang ikinalambot kaagad ng ekspresiyon nito. Nanghihina ang katawan ni Sarionaya habang mahimbing na natutulog, ang kaninang itim na mga buhok ay ngayo'y puti na lahat, lumapit si Zemma sa kaniyang Ina at kaagad hinaplos ang noo nito at pisngi.
"Ang dami niyo ng pinagdaanan, Ina. Ngayon hayaan mong kami naman ang tumapos ng gulong 'to para sa inyo." Malungkot na sabi ni Zemma, agad itong napalingon sa itaas kung saan nakalutang si Alfalla habang nakaharap ito kay Xyraluna.
Sinaksak ni Jaffna gamit ang kaniyang espada na gawa sa ugat ang isang halimaw na sumugod sa kaniya, agad siyang tumalon ng namataan pa niya ang isa na paparating sa kaniya. Agad siyang nag-landing sa balikat nito habang nakayakap ang mga binti, agad nitong inikot hanggang sa naipit ang leeg ng halimaw at ng ikinabali nito at pareho silang natumba. Tumayo kaagad si Jaffna at napatingin kay Pauros na ngayo'y nauubo dahil sa atake kanina sa kanila ni Xyraluna. Agad nitong nilapitan si Pauros at kaagad hinawakan ang balikat nito, nakaramdam ng kaginhawaan si Pauros dahil sa parang nadadagdagan ang kaniyang lakas.
"Salamat." Pagpapasalamat ni Pauros, nginitian naman siya ni Jaffna at agad ding lumapit kay Venom na gano'n din ang sinapit, agad din nitong hinawakan ang balikat at gano'n din ang naramdaman ni Venom at bigla itong ngumiti ng matamis.
"Salamat kaibigan!" Sigaw ni Venom, kaagad namang humarap si Venom at Pauros sa puwesto ni Venedict na ngayo'y binubugbog na ang isang halimaw. Kaagad nitong binato ng enerhiyang bolang itim sa huli na ikinahiyaw ng halimaw. Agad tumayo si Venedict sa pagkakaluhod nito, nakakaramdam na siya ng pagod pero pilit niyang kinakaya ang hirap at hingal. Hindi dito tatapos ang laban para sa kaniya.
Agad sinipa ni Brooch ang isang halimaw na umatake sa kaniya, nasa likuran naman nito si Mebill na agad binato ang isang halimaw ng bolang liwanag na ikinahiyaw nito. Nagkatinginan ang dalawa at tumango sa isa't isa, lumutang sa ere si Mebill at kaagad nagliwanag ang katawan nito na ikinasilaw ng lahat. Umaksiyon naman si Brooch at agad pinag-aatake ang mga nasisilaw na mga halimaw. Hinihingal itong pinagsasaksak ang mga halimaw, bigla nalang naglaho ang liwanag sa katawan ni Mebill at agad itong bumulusok pababa pero agad din namang naalerto si Brooch at sinalo ito. Napansin ni Brooch ang paghinga ni Mebill ng malalim, hinihingal na ito dahil sa dami na ng kaniyang kapangyarihan na nagamit.
"We need to rest first, kaunti nalang ang mga halimaw and I think they can kill it for us Mebill." Napatango si Mebill, ibinaba ito ni Brooch mula sa pagkakabuhat at agad na inalalayan. Pinaupo niya ito sa gilid katabi si Senny na binabantayan ang mga Mahaharlika at ang iba pa nitong kasamahan.
"Hallowed Fire!" Sigaw ni Leera at bigla nalang nagbuga ang kaniyang bibig ng naglalagablab na apoy na kulay itim at agad nitong tinamaan ang mga halimaw, iyak ng mga halimaw ay kaagad narinig ni Leera. Bigla namang lumitaw si Alkar at kaagad nagpalabas ng mga itim at puting laser na galing sa mga mata nito. Napangiti si Leera sa ginawa ng kaniyang kaibigan, sumugod ulit si Leera at nagpalit na naman ng anyo at ngayon ay isa na siyang Sacred Flame. Ang kapangyarihan na galing sa isang Sacred Demon na regalo pa sa kaniya ni Alkar, kaagad ding napangiti si Alkar dahil sa pagbago ng anyo nito. Mas lumakas ang presensiya at ang kapangyarihan nito.
Naging mabilis ang kilos ni Leera at kaagad ibinagsak ang mga halimaw gamit ang lakas ng suntok nito at sipa, hindi din nagpahuli si Alkar na ngayo'y nakalitaw na ang mga pakpak sa kaniyang mga sentido at nagliliwanag na ang katawan nito na may halong dilim. Nagbanggaan ang likod nina Alkar at Leera at napatingin sa isa't isa, parang may sinasabi ang kanilang mga mata at agad nilang naintindihan ang kanilang gustong mangyari. Nagliwanag ang buong katawan ni Alkar at agad sinugod ang mga halimaw na nasa harapan ni Leera at si Leera naman ay sinugod ang mga halimaw na nasa puwesto ni Alkar.
"Sa tingin mo, matatalo mo nalang ako ng gano'n-gano'n nalang babae? Hindi mo kakayanin ang lakas ng kapangyarihan na meron ako dahil alam kong wal—" Hindi na natapos ni Xyraluna ang kaniyang sinabi dahil bigla agad nag-teleport si Alfalla sa kaniyang likuran at agad sinipa ito mula sa likod. Nanlaki ang mga mata ni Xyraluna pero bago pa niya maabot ang lupang naghihintay sa kaniya ay bigla nalang lumitaw si Avzora at agad din siyang sinuntok ng malakas na mas lalong ikinabulusok nito papunta sa isang direksiyon. Pero hindi pa natatapos dahil bigla nalang lumitaw si Helbram at kaagad sinaksak ang katawan ni Xyraluna ng mga mahahaba at matutulis na kuko.
"Argh!" Napaubo si Xyraluna ng dugo at agad itong bumagsak sa lupa nang mahugot na ni Helbram ang mga kuko nito.
Hinay-hinay na tumayo si Xyraluna habang inis itong nakatingin sa tatlo na ngayo'y nakabantay lang sa kaniyang ikikilos. Napangisi lang si Xyraluna dahil minaliit niya ang kakayahan ng mga nilalang na nasa harapan niya, na hindi niya ito ginawang malaking bagay. Agad nawala ang mga sugat na natamo nito dahil sa paghilom. Agad namang nainis si Alfalla dahil nakakaya nitong gamutin ang sarili.
"She is not really a joke, she is the strongest creature I've ecountered." Bulong ni Alfalla, agad namang napaatras si Avzora dahil sa sinabi ng kaniyang Ate habang si Helbram naman ay mas lalong naging seryoso ang ekspresiyon nito.
"Not that fast." Bulong ni Xyraluna, agad itong nawala sa paningin ng tatlo at agad natigilan sina Avzora at Alfalla dahil sa biglang pagbagsak ng katawan ni Helbram na ngayo'y namimilipit na sa sakit. Agad naalerto si Avzora at kaagad sinugod si Xyraluna na nakapatong sa likuran ni Helbram habang nakasaksak ang Katana nito sa likuran nito. Agad umalis si Xyraluna sa puwesto nito nang makalapit na si Avzora. Agad niyakap ni Avzora ang katawan ni Helbram at agad nag-teleport sa lugar kung saan nanatiling nakabantay si Senny.
"Ingatan niyo po siya." Bulong ni Avzora, agad namang napatango si Senny, bigla nalang itong napangiti dahil sa nakikita ni Senny ang sarili niya sa kaniyang anak na nagmamahal ng tunay sa isang lalaki. Agad pumikit si Senny at nagbigkas ng mga salita na siyang ikinalitaw ng Magic Circle sa kaniyang mga palad at agad itong itinapat sa katawan ni Helbram. Naginhawaan naman si Helbram sa ginawa ng Ina ni Avzora at tanging ngiti lang ang naibigay nito dito.
Hindi namalayan ni Senny na dinadala na ang kaniyang mga mata sa presensiya ni Alfalla, hindi niya alam pero ramdam niya ang nararamdamang pag-alala katulad ng nararamdaman niya kay Avzora. Hindi niya maipaliwanag ang lahat dahil sa kakaibang nararamdaman nito, na kung bakit ganito nalang siya kung mag-alala habang kaharap nito ang pinakamalakas na nilalang.
"Mag-iingat ka Alfalla, ewan ko pero sana mapagtagumpayan mo 'to." Bulong ni Senny pero lingid sa kaalaman niya ay narinig iyon ni Alfalla at walang itong nagawa kundi napangiti nalang.
"I will, Mom." Bulong pabalik ni Alfalla at bigla nalang lumiwanag ang buong katawan ni Alfalla ng pula at mas lalong naging mapupula ang mga mata nito, nag-aapoy na ngayon ang mga mata nito habang nakatingin sa mga mata ni Xyraluna.
"You will regret getting in to our lives, you will regret that you meet us all." Seryosong nitong sabi at nabigla si Xyraluna dahil iba na ang boses nito, ang boses nito ay kakaiba sa lahat dahil mas nagpapakita ng lakas ng kapangyarihan. Napalutang paatras si Xyraluna pero agad itong natigilan dahil sa kakaibang puwersa na ngayo'y humihila sa kaniya. Napatingin siya kay Avzora na gano'n na din ang mga mata katulad ng kay Alfalla at nagliliwanag na din ang katawan nito ng pulang liwanag. Nagsasayawan ang mga buhok nila habang sumasabay sa malakas ng pagbulusok ng hangin, agad naramdaman ni Xyraluna ang takot at kaba ngayong namumuo sa kaniyang dibdib.
"You will regret keeping us alive." Gano'n din ang boses ni Avzora dahil hindi na ito ang tunay na boses, magkatulad na magkatulad na ang boses nilang dalawa.
Agad namang naalerto si Mebill dahil sa magkaparehang presensiya sa kanilang itaas, hindi niya alam pero agad siyang lumutang sa ere na hindi niya namamalayan. Gusto niyang makatulong, hindi niya pinansin ang mga sigaw ni Brooch sa kaniya sapagkat pumagitna si Mebill sa magkambal na sina Avzora at Alfalla na ngayo'y napatingin sa kaniya.
"You will have now your destiny, your dark soul will be eaten forever by the light and light is our sword." Sabay na napatango ang magkambal sa sinabi ni Mebill na ngayo'y nagliliwanag na ang buong mga mata. Mas lalong natakot si Xyraluna at mas lalo itong kinabahan dahil baka ito na nga ang magiging katapusan ng kaniyang buhay.
"No! Kailangan kong makatakas, kailangan kong makatakas!" Sisigaw nito pero agad siyang natigilan dahil sa sabay na napangisi ang tatlong babaeng nasa harapan niya, at natuod si Xyraluna dahil sa isa pang presensiya sa kaniyang likuran.
"You took many innocent lives before that will never happen again in the future because you will no longer belong in this world." Seryosong sambit ni Zemma at bigla nalang gumawa ito ng barrier na nakapalibot ngayon kay Xyraluna.
"You bitches!" Sigaw ni Xyraluna, kaagad niyang inilabas ang kaniyang Katana at pinag-aatake niya ang barrier na nakapalibot sa kaniya pero mas lalo lang itong lumalakas dahil sa presensiya ng apat.
"It's now to say goodbye, Xyra." Bulong ni Avzora at kaagad lumiwanag ang buong katawan ni Xyraluna. Nagsusumigaw ito sa loob ng barrier dahil sa matinding init na kaniyang nararamdaman, ang mga sakit na parang sinasaksak siya paulit-ulit ng mga espada sa kaniyang ulo at katawan. Napahawak si Xyraluna sa kaniyang ulo at nababaliw itong sumisigaw, hanggang sa mas lalong lumaki ang liwanag hanggang sa kinain na ng buo si Xyraluna na siyang ikinasilaw ng lahat.
"Ito na ba ang katapusan? Ito na ba ang huling kabanata para sa kadiliman?" Bulong ni Senny habang nakatingin sa kaniyang mga kasamahan na mahimbing na natutulog. Kinabahan si Senny dahil may iba pa siyang nararamdaman, ang kaniyang pakiramdam ngayon ay parang sinasabi na hindi pa dapat maging kompiyansa.
Sa paglaho ng liwanag ay ang siyang pagbaba ng apat na Diyosa sa pagkakalutang, nagkatinginan lang ang apat at nagsitanguan. Napangiti naman si Avzora dahil sa tapos na pero agad nanlaki ang mga mata nito dahil sa naramdaman, pati si Alfalla ay naging seryoso ulit ang ekspresiyon. Sina Zemma naman at Mebill ay napatakip sa kani-kanilang mga bibig dahil sa presensiya na akala nilang naglaho at patay na.
"Akala niyo ba, gano'n niyo nalang ako m-mapapatay? N-Nagkakamali kayo." Sabay silang napalingon sa likuran at kitang-kita nila ang nakatayong si Xyraluna habang nakahawak sa kaniyang tiyan at ang isa ay nakaalalay sa Katana na ngayo'y nakasaksak sa lupa. Kahit nahihirapan si Xyraluna ay nakangisi parin ito na siyang nagpatindig ng balahibo nina Zemma at Mebill.
"B-Buhay pa siya? H-How?" Utal nitong bulong, pero ngumisi lang si Alfalla.
"Kahit buhay ka pa, hindi mawawala ang katotohanan na mahina ka na at hindi mo kami kakayanin. Isa ka lang, apat kami at may dugong Diyosa kami kaya wala ka paring magagawa." Natawa naman si Xyraluna dahil sa sinabi ni Alfalla na napataas lang ang kilay.
"Masiyado mo akong minamaliit, hindi ko alam na magkakapalit ang puwesto natin at ako na ang inyong minaliit. Kahit anong gawin niyo, mabubuhay at mabubuhay ako, bakit?" Agad natigilan ang lahat dahil sa pambibitin nito, hindi makapagsalita sina Alfalla dahil sa gusto din nitong malaman ang katotohanan kung bakit buhay pa ito sa malakas na atakeng ginawa nila kanina.
Sina Leera at Jaffna na nakatulala ngayon dahil sa akala nilang tapos na ang lahat. Gano'n din ang apat na Bampira na akala nila hindi na babalik muli si Xyraluna. Si Senny naman ay nabahala dahil tama ang kaniyang hinala pero may mas kakaiba pa sa kaniyang nararamdaman na papalapit na papalapit. Si Zemma na ngayo'y nanghihina at gano'n din si Mebill dahil masiyado ng malalim ang paghinga nito.
Tumawa ng malakas si Xyraluna na siyang dinig na dinig sa paligid.
"Because I'm Immortal! I can't die and I can still live more!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro