Chapter 66
Third Person.
Naging seryoso ang lahat, pati si Xyraluna ay hindi na natutuwa dahil sa nararamdaman niyang malalakas na presensiya. Tatlong bagong mga presensiya na may dugong Diyosa, hindi niya alam kung paano nangyari at nakaligtas sila sa libo-libong mga halimaw na pinakawalan ng kaniyang kapangyarihan sa buong Natharia Academia. Unti-unting sumilay ang ngisi ngayon sa mga labi ni Xyraluna at biglang bumaba sa pagkakalutang, pumaharap siya sa mga Mahaharlika at ang iba na nakangisi habang ang kani-kanilang mga mata ay kulay ube at umuusok pa ito habang nakatingin sa mga bagong dating. Bumaba din ang tatlong binata na sina Danoa, Zharo at Sallino at tumabi kay Xyraluna.
"Magandang bati sa inyo aking mga bisita, ako'y nasisiyahan dahil naisip niyong bumisita sa aming laro. Ngayon hindi na ako mababagot dahil magiging masaya ang larong ito." Ngising turan ni Xyraluna na ikinangisi naman ni Alfalla.
"Controlling them to beat us all? That's unfair pero kakayanin namin dahil nandito kami para pabagsakin ka. Babagsak at babagsak ka sa mga kamay namin kaya maghanda ka na." Turan ni Alfalla.
Naging seryoso ang mga ekspresiyon ng mga kasamahan nila, si Mebill na ngayo'y nakaharap na sa kaniyang Ina na ngayo'y nakangising nakatingin din sa kaniya. Napalunok naman si Alkar dahil sa Ama niyang walang kibo, agad hinanap ni Alkar ang kaniyang Ina at kapatid pero hindi niya ito mahagilap. Biglang dinamba ni Sarionaya ang kaniyang anak na ikinatuwa naman ni Zemma dahil sa ligtas ito, pero sabay silang malungkot na napalingon kay Enzyme na ngayo'y blangkong nakatingin sa kanila. Si Leera naman at Jaffna ay gano'n din ang kanilang mga eskpresiyon dahil ang kanilang kapatid ay walang emosiyon, kontrolado sa kapangyarihan ni Xyraluna. Nainis naman si Venedict dahil ang Ama niyang si Demeter at gano'n din ang Ina nitong si Levinas ay walang kibo, si Venom naman na kinakabahan dahil pati ang mga magulang niya ay gano'n din ang mga tingin na tila walang kabuhay-buhay.
"They are all under control, hindi tayo dapat padalos-dalos ng kilos." Turan sa kanila ni Alfalla na ikinatango naman ng lahat. Napatingin naman si Alfalla kay Devonna na ngayo'y umaabante na pati si Specter na ikinahanda nilang lahat. Hanggang silang lahat na ang kumikilos habang naglalakad ng hinay-hinay papalapit sa kanila.
"Maghanda kayo, gagawa ako ng paraan para mapigilan ang kapangyarihan na kumokontrol sa kanila. Ang kailangan niyo ay kalabanin sila na hindi napapatay, naiintindihan niyo?!" Sigaw ni Alfalla, sumigaw naman ang lahat na naiintindihan nila na siyang nagpangisi kay Xyraluna.
Lumutang sa ere si Xyraluna at biglang lumiwanag ang kaniyang katawan ng kulay ube at bigla itong kumalat sa buong paligid, nakapikit ito habang dinaramdam ang buong kapangyarihan na lumalabas sa kaniya ngayon. Seryoso lang na nakatingin sina Avzora at Alfalla sa itaas na pareha nilang ramdam ang hindi magandang kutob. Pagkadilat ng mga mata ni Xyraluna na noon ay mga itim lang ang kulay, ngayon ay naging ube na at katulad ng mga kinokontrol nito, umuusok na din ang kaniyang mga mata.
"Rise my demons! Rise until this war will end and lightness no longer with us!" Sigaw ni Xyraluna, agad namang nagsigawan ang mga Mahaharlika at ang iba pa sa sinabi ni Xyraluna, agad ding nagsilitawan ang mga halimaw sa kung saan-saan, crawling, walking, running and flying.
"Shit!" Everyone cursed.
Naghanda naman ang lahat dahil sa panibagong mga halimaw na naman para sa kanila, panibagong mga kalaban na naman ang kanilang haharapin. Agad umabante si Alfalla gano'n din si Avzora at seryoso nilang pinanuod ang mga halimaw na paatakeng lumalapit sa kanila. Agad nagliwanag ang mga mapupulang mata nina Avzora at Alfalla at kasabay no'n ay ang pagluhod ng mga halimaw sa kanila. Agad namang rumespunde ang mga kasamahan nito at pinag-aatake ang mga halimaw habang ito ay nanghihinang nakaluhod.
Nagsilabasan ang mga malalaking ugat dahil sa kapangyarihan ni Zemma at gano'n din ang kay Jaffna. Si Leera naman at si Helbram ay sabay nag-anyong demonyo at inatake ang mga halimaw. Si Venedict ay kaagad nagpalabas ng mga itim na enerhiya, gumawa pa siya ng Hologram Portal para makapasok at sa likuran ng isang halimaw ito dumamba at isinaksak ang Hologram Knife nito sa ulo. Gano'n din si Venom, kaniyang bilis ay hindi biro. Magkasabay sila ni Pauros na umatake hawak ang kani-kanilang mga espada na gawa sa kani-kanilang mga kapangyarihan at agad isinaksak sa malaking halimaw.
"Nanghihina ka na Ina, magpahinga ka muna." Turan ni Zemma, napailing lang si Sarionaya dahil ayaw niyang nanunuod lamang sa laban.
"Kailangan natin agad matapos ito, kailangan nating iligtas ang Ama mo na kontrolado sa kapangyarihan ng babaeng 'yon." Bigla itong tumayo at napapikit, lumutang ito sa ere na hindi gaano kataas dahil na sa nanghihina nitong katawan. Hindi man siya sigurado pero alam niyang makakatulong ang gagawin niya, at sana ay gumana ito.
"As the real Titan Goddess of Invisible, Visible and Shield, I want the visibility of the real heart and mind of all my friends who are under control of the darkness." Sabi nito, agad nagliwanag ang katawan ni Sarionaya at sa pagdilat nito ay napakaliwanag ng mga mata nitong nakatingin sa mga kasamahan niyang kontrolado ng kapangyarihan. Ito ang tamang oras para gawin niya ang dasal na ito dahil nasa iba ang atensiyon ni Xyraluna kaya madali kang sa kaniyang maisagawa ang dasal.
Bigla nalang natumba ang mga Mahaharlika at gano'n din ang iba pa at parang may mga kaluluwang itim na lumabas galing sa kanilang mga katawan. Kasabay din no'n ay ang pagbagsak ng katawan ni Sarionaya sa lupa at unti-unting nagiging puti ang mga itim nitong buhok na ikinakaba ni Zemma.
"Ina! A-Anong nangyari sa inyo?! Ina!" Sigaw ni Zemma, ngumiti lang si Sarionaya at napapapikit dahil sa kahinaan na ng kaniyang katawan. Lahat ng lakas niya ay nagamit niya na sa makapangyarihang dasal na ginawa niya, ang kapangyarihan na lumabas sa kaniya ay siya ding magbibigay pahamak sa kaniyang kalusugan.
"Isa 'yong dasal para makita ang totoong katauhan ng i-isang nilalang, a-anak. And I'm willing to sacrifice myself just to change their hearts and mind again. Now, as one of the real Goddess, I have the great power to do that and I command you to do the rest while I'm resting. I believe in you Zemma since the day you were born." Agad napaluha si Zemma dahil sa sinambit ng kaniyang Ina, hindi niya maintindihan noon kung bakit pilit nitong tinutulungan ang ibang nilalang pero ngayon alam niya na ang tunay na dahilan, isa siyang Diyosa. Totoong Diyosa kaya responsibilidad nito ang tumulong sa iba, at bilang anak niya ngayon ay gagawin nito ang nararapat at susundin ang sinabi nito.
Pinunasan ni Zemma ang kaniyang luha, pagod na siyang umiyak at magtago nalang lagi sa likod ng kaniyang pamilya. Pagod na siyang maging mahina, pagod na siyang inaapi ng sarili niyang kakayahan kaya ngayon, handa na siya para sa totoong laban.
Napangiti ng matamis si Sarionaya sa kaniyang anak, ngayon alam niyang mapapanatag na siya dahil sa determinasiyon ngayong makikita sa anak niya. Makakapagpahinga na siya dahil sa may papalit na sa kaniyang puwesto bilang Reyna ng Eastheria, may papalit na sa kaniya bilang isang Diyosa.
Lumutang sa ere si Zemma at kasabay no'n ang pagliwanag ng kaniyang mga mata habang si Xyraluna naman ay tila nagulat dahil sa pagtumba ng mga Mahaharlika dahil sa kapangyarihan na bumabalot dito ngayon. Napalingon siya sa isang Diyosa, si Sarionaya na wala ng malay at agad siyang nainis dahil hindi niya aasahan na gagamitin niya ang buong lakas nito para lang mailigtas ang mga kaibigan at ni hindi man lang niya ito napansin.
Agad nagkawat-watak ang ibang katawan ng mga halimaw dahil sa pagsira ni Mebill sa kasamaan ng kanilang kapangyarihan. The light within her power makes her more stronger when the darkness trying to stop her. Ang kapangyarihan niyang perfect counter for all darkness power, akmang aatake ulit si Mebill nang bigla nalang itong napatalsik sa lupa dahil sa malakas na sipa ni Danoa. Napapikit si Mebill do'n dahil sa lakas ng impact ng pagkakasipa.
"That's really ouchie, tignan nati—" Agad natigilan si pagsasalita si Mebill dahil sa matalim na nakatutok sa kaniyang likuran, sa batok mismo nakatutok. Agad siyang kinabahan dahil hindi niya inaasahan na gano'n nalang kabilis para kay Danoa na makalipat ng espasiyo.
Kinakabahang nag-iisip si Mebill kung ano ang gagawin niya dahil kapag kaunting galaw lang niya ay masasaksak na siya ng talim na ito. Pero napapikit nalang siya at naramdaman na unti-unting lumalayo ang patalim kaya unti-unti din itong lumingon sa kaniyang likuran. Agad naman siyang nabunutan ng tinik dahil nasa lupa na si Danoa at nakatayo na sa kaniyang harapan ngayon si Brooch.
"K-Kuya." Ngumiti nalang si Brooch at agad umalis sa harapan niya na parang isang kidlat dahil sa bilis ng Vampire ability nito.
"No one can touch the light within their bodies, darkness can't touch the lightness until it open their eyes." Bigkas nina Avzora at Alfalla, may lumalabas na Magic Circle sa kanilang mga mata habang nagliliwanag ito ng pula at pansin ni Xyraluna ang mga katawan ng mga Mahaharlika at iba pa ay lumulutang na sa ere papalapit sa puwesto nila ni Senny. Wala ng mga malay ito dahil sa ginawa ni Sarionaya na pagsasakripisyo bilang Diyosa, natanggal ang kadiliman sa kani-kanilang mga katawan na siyang agad ikinainis ni Xyraluna at akmang babawiin ang mga katawan pero agad itong napaatras dahil sa dalawang imahe sa kaniyang harapan.
"Huwag kang nagkakamaling kontrolin ulit sila you witch Executioner!" Sigaw ni Venom at bigla nalang lumitaw ang daang-daang Hologram Portals sa buong paligid ni Xyraluna na ikinakaba nito. Napangisi naman si Pauros at biglang nagpalabas ng napakaraming Ice Daggers at pumasok sa mga Hologram Portals, agad naalerto si Xyraluna dahil sa dami no'n. Umatras sina Pauros at Venom at pinanuod kung paano atakihin ng mga Ice Daggers nito ang Executioner, iniiwasan lang ito at minsan ay sinasangga ng Katana pero dahil sa inis na inis na ito ay bigla nalang huminto ang mga Ice Daggers sa ere at biglang naglaho, gano'n din ang mga Hologram Portals. Agad namang nanlaki ang mata ng dalawang Bampira at huli nang makaiwas sila dahil agad silang binugahan ng ubeng apoy ng Katana na siyang ikinabulusok nila sa lupa.
Tumalon si Venedict at agad dinamba ng suntok si Xyraluna pero agad naman itong nakaiwas na siyang balanse para sa kaniya na masuntok sa tiyan si Venedict. Agad napaungol si Venedict at agad bumagsak sa lupa, agad itinapat ni Xyraluna ang Katana puwesto niya at biglang lumabas do'n ang nagbabagang apoy na kulay ube. Mabilis ang pag-atake nito at matatamaan na dapat si Venedict pero agad itong nawala sa puwesto. Napatingin si Vendict kay Brooch na seryoso lang na nakatingin sa kaniya.
"Salamat Kuya Brooch." Pagpapasalamat ni Venedict, tumango lang ito at agad nawala sa kaniyang harapan at hinarap si Xyraluna.
Tinignan ni Brooch ang mga mata ni Xyraluna at gano'n din ang ginawa ni Xyraluna habang nakangisi. Pero agad nawala ang ngisi nito dahil sa unti-unting sumasakit ang ulo niya kaya agad siyang gumawa ng paraan. Delikado ang lalaking 'to para sa kaniya. Naglaho ito kaya agad hinanap ni Brooch at inamoy ang presensiya pero sadiyang magaling si Xyraluna sa pagtatago. Tumalsik sa isang direksiyon si Brooch at napapikit dahil sa lakas ng bagay na tumama sa kaniya, tumingin siya sa likuran at bumungad sa kaniya ang nakangising si Xyraluna.
"Vampires are weak." Ngisi nitong sabi, agad siya nitong nilapitan at sinakal sa ere, napaungol si Brooch. Napansin ni Brooch ang Katana nitong papalapit na sa kaniyang katawan pero bigla nalang itong natigil sa paglapit na siya ding ipinagtaka ni Xyraluna.
"You bitch." Bulong ni Alfalla at biglang sinipa ng malakas si Xyraluna, hindi nakaiwas ang Executioner at agad napapikit dahil sa mukha ito natamaan. Bumagsak si Brooch pero kitang-kita nito ang mga mata ni Alfalla na nakatingin sa kaniya.
"Salamat." Pagpapasalamat ni Brooch na siyang ikinatango lang ni Alfalla. After Alfalla and Avzora casted spells ay nasa mahimbing na pagkakatulog ang mga Mahaharlika at ang iba. Hindi na sila makokontrol pa ni Xyraluna na siyang importante para sa kanila, magiging madali para sa kanila kung hindi ang malalapit sa kanila ang kalaban.
"Now, taste your own blood Executioner. Babagsak at babagsak ka, mamamatay at mamamatay ka. Naiintindihan mo?" Ngising turan ni Alfalla.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro