Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 65

Third Person.



Hirap na napatayo ang tatlong babae habang ang kani-kanilang mga anak ay unti-unti ng pumapaharap sa kanila. Kaagad namang kinabahan sina Zhavia, Gemartha at si Sonata dahil sa mga kulay ubeng mga mata ng kanilang mga anak. Umuusok pa ito na alam nilang wala ito sa sarili nilang mga katinuan, na kinokontrol ito ngayon ni Xyraluna na ngayo'y nakangisi lang habang nakatingin sa kanila. Akmang susugod si Avzora pero bigla nalang siyang napatalsik dahil sa paglitaw ng napakakapal na barrier, agad ulit sinubukan ni Avzora pero gano'n parin ang nangyari. Hindi siya makapasok at kapag nagpumilit siya ay ang kaniyang lakas naman ang mababawasan.


"Ngayon, tignan natin kung paano maglaban ang mga mag-iina, tignan natin kung paano nila pinalaki ng maayos ang kani-kanilang mga anak." Natatawang turan ni Xyraluna, sa isang iglap ay bigla nalang sumugod sina Danoa, Zharo at Sallino sa kanilang mga Ina. Agad namang nagsigawan ang mga Ama na ngayo'y nanggagalaiti na dahil sa galit, hindi nila alam kung anong gagawin nila na siyang wala din silang magagawa dahil sa napakalakas na kapangyarihang bumabalot sa kanila.

Agad tumayo si Zhavia at kaagad tinira ang kaniyang anak ng kidlat na ikinatalsik naman nito, gano'n din ang ginawa niya sa dalawa pa kaya agad itong natumba sa lupa.

"Masasaktan mo sila Zhavia!" Sigaw ni Gemartha pero seryoso lang ngayong nakatingin si Zhavia sa mga binata.

Namangha naman si Xyraluna dahil hindi niya isip-akalain na agad itong aatake, na akala nito na pipigilan niya ang kaniyang anak gamit ang mga nakakaawang mga salita. Napalakpak naman do'n si Xyraluna pero hindi siya pinansin ng lahat dahil sa seryoso lang na nanunuod ang mga ito sa pagtayo ng mga binata.


"Wala tayong magagawa, kahit saktan man natin sila ay gano'n parin. Mamamatay parin tayo kapag hindi tayo lalaban, what we need is to fight back na hindi natin sila napapatay." Seryosong sabi ni Zhavia, napaharap naman si Gemartha sa kaniyang anak na blangkong nakatingin sa kaniya. Agad naman itong tumango sa sinabi ng kaniyang kaibigan.


"Kung ito lang ang tanging paraan, gagawin ko." Bulong ni Gemartha at bigla nalang lumabas ang itim na liwanag sa kaniyang mga palad at bigla nalang itong pinalibutan ang tatlong binata, agad namang nagsiksikan ang tatlo dahil sa dilim na liwanag na pilit silang tinatamaan.

"Tama kayo, kailangan nating gawin ito. Hindi ko makakayang ako mismo ang makakapatay sa sarili kong anak. Ni hindi ko naisip ang mga bagay na'to, na sana ay mas lalo ko pang dinagdagan ang oras ko para sa kaniya." Malungkot na turan ni Sonata at bigla nalang siyang napapikit. Bigla nalang siyang nag-hum na parang may kinakantang musika, agad natigilan ang mga binata at sabay silang napatingin kay Sonata.

Nagulat si Gemartha dahil sa biglang paglaho ng kaniyang kapangyarihan na siyang pinapalibutan ang katawan nilang tatlo, napatingin siya sa kaniyang anak na may dilim na ring liwanag na masisilayan sa mga palad nito. Napalunok si Gemartha at tinignan si Zhavia na ngayo'y seryoso lang na nagmamasid.

Unti-unting napapapikit ang mga binata na siyang ikinaalerto ni Xyraluna, agad nitong tinira ng enerhiya si Sonata na ikinatigil nito sa pagkanta ng isa musika na siyang tiyak na ikakawalan niya din ng malay.

"Your voice is dangerous, dapat kang maunang mapatay ng anak mo." Ngising sambit ni Xyraluna, agad nabalik sa ulirat ang tatlong binata at sabay ulit nilang sinugod ang mga Ina nila.

"Tangina! Wala akong magawa, hindi ko kayang nakikita ang mag-Ina kong naglalaban!" Turan ni Yvino habang naluluha na itong nakatingin sa kaniyang mag-ina. Magpupumiglas din si Daneel pero wala siyang magawa dahil sa mga nakatali sa kaniyang liwanag.

"G-Gemartha." Bulong ni Daneel, agad naman itong napasigaw dahil sa biglaang pagsipa ni Danoa sa tiyan ni Gemartha na ikinaubo ni Gemartha ng dugo. Nababaliw na sumisigaw si Daneel dahil gustong-gusto niya ng tulungan ang asawa niya pero hindi niya ito malapitan dahil sa lintik na kapangyarihang bumabalot sa kaniya na hindi man lang niya matanggal. Kapag nagpupumiglas siya ay mas lalo siyang nanghihina, mas hinihigop nito ang lakas nito dahil sa puwersang inilalabas ng katawan niya.



Habang si Satro naman ay walang magawa, iniisip niya nalang na ang tadhana na ang bahala. May tiwala siya sa asawa niya pero hindi niya kakayanin kong anak na nila ang kalaban, hindi kakayanin ni Satro na mapahamak ang asawa at ang anak. Si Zhavia ay likas na sa kaniya ang pagiging seryoso at strikto sa buhay na siya ding namana ni Zharo. Habang nakatingin si Satro sa kaniyang mag-Ina ay wala siyang ibang naiisip kundi matapos na ang lahat ng ito na hindi niya nalalaman ang resulta. Dahil masakit, masakit kapag isa sa kanila ang mawawala.


Si Avzora naman ay gumagawa ng paraan kung paano siya makakapasok, hindi niya din maiwan-iwan ang kaniyang Ina dahil sa baka mapahamak ito. Mas lalong nagbigay puwersa si Avzora at mas sinuntok ng malakas ang barrier, agad itong may narinig na pag-crack na hindi namamalayan ni Xyraluna. Napangiti ito pero mas dapat niya pang madaliin dahil hindi maganda ang laban na nasa loob.


Napatayo si Gemartha at agad napapunas sa kaniyang bibig kung saan may dugo lang tumutulo. Tinignan niya ang kaniyang anak na blangko parin ang mga matang nakatingin sa kaniya.



"Gumising ka na anak, Ina mo ito." Malungkot na sabi ni Gemartha, agad itong naluha sa harapan ni Danoa pero walang epekto ito sa kaniyang anak. Hindi niya namalayan na bigla itong nawala at hawak na siya ngayon sa leeg mula sa likuran. Agad natigilan ang lahat dahil sa nakatutok na espadang metal sa likuran ni Gemartha habang ang isang braso ni Danoa ay nakasakal sa leeg ng kaniyang Ina.


"Huwag Danoa! Huwag mong sasaktan ang Ina mo! Huwag mo siyang sasaktan!" Sigaw ni Daneel, naluluha na ito ngayon habang nagmamakaawa sa kaniyang anak na wala sa pag-iisip habang si Xyraluna naman ay natutuwa sa kaniyang nasisilayan. Natutuwa siya sa kaniyang mga laruan na matagal niya ng pinaglalaruan sa mga kamay niya.


"Kawawang Gemartha." Bulkng ni Xyraluna at kasabay no'n ay ang pagsaksak ni Danoa sa kaniyang espada sa katawan ni Gemartha na ikinahinto ng oras ng lahat. Nanlaki ang mga mata ni Menesis at Athena habang ang lahat ay hindi makapaniwala sa nangyari. Natigilan si Daneel sa kakasigaw dahil sa espada na nakasaksak sa katawan ni Gemartha ngayon. Si Gemartha na nanlaki din ang mga mata dahil sa talim na ngayo'y tumagos sa kaniyang tiyan mula sa likuran, napatingin siya dito at napahawak sa kaniyang tiyan na nagdurugo. Unti-unti niyang nilingon ang kaniyang anak, napaluha si Gemartha dahil sa sobrang blangko parin ng mga mata nito at walang ibang ekspresiyon na ipinapakita.


"Kasing kisig at lakas mo talaga ang iyong A-Ama, Danoa." Sambit ni Gemartha habang unti-unting hinuhugot ng kaniyang anak ang espada pero mas lalong napasinghap ang lahat dahil biglaan nitong pagsaksak ulit sa kaniyang likuran at tumagos na ito papalabas ng kaniyang dibdib kung saan tumitibok ang puso niya.


Biglang napahinto ang mundo ni Daneel at wala siyang nagawa kundi hayaan ang mga nag-uunahang luha na lumalabas sa kaniyang mga mata. Hindi siya makapaniwala na darating ang araw na masisilayan niya ang kaniyang asawa na mawawala sa kaniyang landas, na mawawala na ito ng tuluyan sa kaniyang buhay.


"Gemartha!" Sigaw ni Daneel na puno ng sakit at hinagpis, ang emosyon na hindi mapapantayan ng kung ano man, ang sakit at poot na kaniyang nararamdaman ngayon ay hindi mababawi ng kung sino man. Ang matagal na pagmamahal na inalay kay Gemartha ay bigla nalang naglaho, ang mga luha na ngayo'y nagpapakita ng pagsuko at ang puso nito na durog na durog na ay humihina na ang tibok.


Hindi makapaniwala ang lahat ng mga babae sa nasaksihan sa pagpaslang kay Gemartha ng sarili niyang anak. Hindi sila makapaniwala na ang kanilang kaibigan ay nawalan na ng buhay.


Unti-unti ng bumabagsak ang katawan ni Gemartha habang nakarehistro ang ngiti nito sa mga labi na siyang mas lalong ikinabaliw ni Daneel, na mas lalong ikinasakit ng kaniyang puso.


"Gemartha!" Sigaw ni Zhavia, agad nitong sinipa si Danoa sa tiyan na ikinaatras nito at agad inalo si Gemartha na ngayo'y hindi na humihinga at nakapikit na ang mga mata. Hindi na rin tumitibok ang puso nito na ikinaluha ng mga mata ni Zhavia. Agad siyang napatingin sa babaeng gumawa ng lahat ng ito na ngayo'y nakangisi lang habang nakatingin sa kanila.


Sobrang galit na ang nararamdaman ni Zhavia kaya bigla itong tumayo, agad dinamdam ni Zhavia ang kapangyarihan sa kaniyang buong katawan na siyang ikinatingin ng lahat sa kalangitan. Bigla nalang nagiba ang malaking sementong bubong at nagsilaglagan ang mga biyak nitong parte, ngayo'y kitang-kita ng lahat ang pulang kalangitan kasabay ang pagkulog ng malakas. Natuwa naman si Xyraluna pero agad itong naalerto dahil sa pagbulusok sa kaniya ng malakas na kidlat, agad niya itong sinangga ng kaniyang Katana na siyang nagdulot ng malakas na tunog. Agad nagsayawan ang mga kidlat sa kaniyang Katana na kinokontrol ngayon ni Zhavia.


Napansin ni Sonata na paparating ang anak ni Zhavia sa kaniya habang nakatutok ang espada kaya agad siyang rumespunde at biglang sumigaw ng malakas. Sa sigaw na 'yon ay may kakaibang kapangyarihan at puwersa na siyang ikinapikit ng lahat, gano'n din si Xyraluna kaya agad siyang natamaan ng malakas na kidlat dahil sa pagtakip niya ng kaniyang mga tenga. Biglang bumagsak si Xyraluna sa lupa na siya ding sabay na pagkabasag ng makapal na barrier. Agad pumasok si Avzora at tinulungan si Sonata, si Senny naman ay kinuha ang walang-buhay na ngayon ni Gemartha at itinabi sa isang gilid. Napaluha itong napatingin sa mga mata nitong mahimbing nang natutulog.


"Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay Gemartha." Bulong ni Senny.


Agad tumayo si Xyraluna at kinontrol ang buong hangin, napalutang sa ere ang lahat na nabiyak na mga semento at kaagad itong ibinato kay Avzora. Agad namang nag-cast ng spell si Avzora na ikinabiyak ng mga bato hanggang sa maging abo ito. Inis na lumutang si Xyraluna at kaagad lumiwanag ang kaniyang Katana.


Lumabas ang maraming usok na kulay ube sa Katana nito na ikinaatras ng lahat, agad namang tumakbo ng mabilis si Senny para sana hilain si Sonata na ngayo'y nakatulala sa usok pero hindi niya na nagawa dahil sa biglang pagkapal nito. Inilayo ni Avzora si Zhavia sa gitna ng Battle Arena, pero agad nanlaki ang mga mata ni Avzora dahil sa nakatulalang si Sonata habang nakatanaw sa kalangitan.


"Tita Sonata!"

"Sonata!"

Sigaw na sabay nina Senny at Avzora gano'n din sina Menesis at Yvino pero huli na ang lahat dahil nilamon na ng ubeng usok ang buong katawan ni Sonata. Nanlaki ang mga mata ni Yvino at sisigaw pa dapat ito pero biglang dumilim ang kanilang mga paligid at nawalan sila ng mga malay. Hinintay nina Senny, Zhavia at Avzora ang paghupa ng usok at agad silang nanghina dahil sa nakaluhod ngayon na si Sonata, nakaluhod niyang kalansay na ngayo'y unti-unti ng nagiging abo.



Napatakip si Senny sa kaniyang bibig dahil sa nangyari, hindi siya makapaniwala dahil unti-unti silang nababawasan. At hindi niya na kakayanin kapag may mabawasan pa, na may mawala pang iba.


"Her power is very insane, in a minute ay nakuha niya ang buhay nina Gemartha at Sonata ng gano'n lang kadali." Seryosong sambit ngayon ni Zhavia, alam niya sa sarili niya na dahil sa atake niya ay nagkaganito si Xyraluna. Malakas ang impact ng kidlat na 'yon sa kaniya.


Nakalutang na sa ere ngayon ang tatlong binata habang katabi nito si Xyraluna at ang walang malay na si Wenessa. Seryoso na ngayon si Xyraluna at bigla nalang naalerto sina Avzora dahil sa biglaang paglutang pababa ng ibang kasamahan ng kaniyang Ina at bigla itong naglinya na parang magtatanghal ng isang palabas papaharap sa kanila. Nakayuko ang lahat habang nakaharap sa kanila na walang mga malay.

"H-Hindi maganda ang kutob ko sa susunod na mangyayari." Bulong ni Senny at sinang-ayunan siya kaagad ng kaniyang anak na hindi din gusto ang kaniyang pakiramdam sa susunod nitong gagawin.



"Now, let's start the real game." Bulong ni Xyraluna kasabay no'n ang pag-angat ng mga mukha ng mga Mahaharlika at ang iba na may ngisi sa kani-kanilang mga labi. Kinilabutan kaagad sina Avzora, Zhavia at Senny at mas lalo silang nanghina dahil sa pagdilat ng kanilang mga mata, kulay ube na ito at umuusok.


"Then let us play too." Agad natigilan si Xyraluna at napalingon sa likuran nina Avzora. Tanaw na tanaw niya ang isang babaeng kakaiba din ang presensiya na katulad na katulad din kay Avzora habang may lumalabas galing sa likuran nito na iba pang kasamahan.

Agad napangiti si Avzora at nagkaroon ng malaking pag-asa.

"Ate Alfalla."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro