Chapter 64
Genesis.
Agad akong umatras dahil sa mga alikabok, lahat ng silid ay pinasok ko na pero hindi ko parin mahagilap ang anak ko. Hindi ko parin mahagilap si Alisis, pagkalabas ko ay napatanaw ako sa ere kung saan ang mga kasamahan ko ay nakagapos gamit ang kapangyarihan. Nakita kong si Levinas ay wala pang malay, si Demeter naman ay nagpupumiglas pero hindi niya nakakayanan dahil sa lakas ng kapangyarihan na nakatali sa kaniya.
Si Xyraluna na ngayo'y nakaharap kay Avzora, nagpapaligsahan sila sa pagtitigan. May tiwala ako kay Avzora, alam kong kakayanin niya ang malaking gulo na ito. Agad akong napatingin sa lupa dahil sa biglag pag-uyog nito ng kaunti. Agad akong nagtaka dahil sa kung anong meron sa ilalim ng lupa, agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa napagtanto.
Nasa ilalim kaya sila ng lupa? Nasa ilalim kaya sila itinago ng babaeng 'yon? Napaangat ang tingin ko ulit at siyang paglaki ng mga mata ko dahil sa pamilyar na mukha at presensiya habang mahimbing itong natutulog.
"W-Wenessa? Buhay ka?" Tanong ko sa sarili ko, agad akong napapikit at idinilat ulit ang mga mata pero tama nga ang nakikita ko dahil kahawig na kahawig niya ang kaibigan namin. Buhay siya! Buhay na buhay pero siya ay natutulog, siya pala ang kaharap kanina ni Serafina. Kung hindi kami dunating ay baka nasaktan na si Serafina sa gagawin sana ng babaeng Executioner.
Inilibot ko ang mga tingin ko at may nakita akong isang pinto na hindi ko pa napapasok. Walang pagdadalawang-isip ay kaagad kong tinakbo ang pintuan at kaagad binuksan. Bumungad sa akin ang napakadilim na silid pero nabibigyan naman 'yon ng liwanag dahil sa mga nagliliwanag na letra sa libro ng Heiress. Agad akong nagpatuloy at may nakita akong hagdan pababa, biglang bumilis ang tibok ng puso ko at may halong tuwa dahil may naramdaman akong presensiya sa baba. Patakbo akong bumaba, napakaraming alikabok at ibang kagamitan na hindi na nagagamit akong nadadaanan.
Ilang minuto na ang nakakalipas pero parang walang katapusan ang destinasiyon ng hagdan na ito pero agad akong natigilan dahil sa nasisilayan kong liwanag na siyang nagbigay sa akin ng tuwa at kaba. Agad kong nilapitan at isa itong kandilarya na nakasabit sa pintuan. Kaagad kong binuksan ang panibagong pinto at doon na ako napatakip sa bibig ko dahil sa tatlong mukha na bumungad sa akin.
"Genesis!" Si Sarionaya, siguro siya ang gumawa ng pag-uyog kanina ng lupa. Pagkapasok ko kasi ay nakita ko kung paano pagsusuntukin ang itaas ng kisame, this underground place is very far from the Battle Arena. Pinagpawisan ako dahil sa hindi biro ang pagpunta dito, nakakapagod pero agad 'yong napalitan ng lakas dahil sa nakita ko na sila.
"Kailangan ko kayong itakas dito, kailangan na nating umalis sa lalong madaling panahon." Seryoso kong sabi na kaagad na ikinatango ni Sarionaya. Hindi sila nakatali, si Senny na nakahiga sa lupa habang ang anak ko naman ay mahimbing kang na natutulog habang nakaupo. Agad akong naawa sa kaniya dahil sa sinapit niya, mabuti nalang ay hindi siya sinaktan ng babaeng Executioner dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa sarili ko. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa pagsali ko sa kaniya sa gulong 'to, kung sana ay itinago ko ang kaniyang kakayahan para hindi umabot sa punto na mapapahamak siya dahil lang din sa sarili niyang kapangyarihan.
Napansin ko ang pagdilat ng mga mata ni Senny, agad itong napaayos at napatayo. Gulat siyang napatingin sa paligid niya na napakadilim at tanging ang mga liwanag sa libro ang nagbibigay liwanag.
"Hindi ko alam kung paano ka nakapasok dito, Genesis. Ni hindi nga kami makalabas kaya hindi ko alam kung paano mo nagawang makapasok." Sambit ni Sarionaya, agad akong napangiti ng pilit at napatingin sa libro na hawak ko. Napatingin din do'n si Semny at Sarionaya.
"A-Ate Genesis, ang libro na 'yan ang siyang Diyosa ng lahat diba?" Agad akong napatango dahil sa sinabi niya, seryoso ko silang tinignan sa mga mata.
"Siguro ito ang nagbigay sa akin ng kapangyarihan para makapasok dito at ilalabas ko kayo sa lugar na'to. Hindi na dapat tayo magtagal pa dahil kaunting oras nalang, hindi kakayanin ni Avzora mag-isa ang kalaban." Nagulat si Senny sa sinabi ko, napatakip siya sa kaniyang bibig habang naluluha na ngayong nakatingin sa mga mata ko.
"Nandito s-si Avzora? Nandito ang anak ko?" Tumango ako at agad siyang tinulungan makatayo ulit dahil sa napaluhod ito sa sinabi ko kanina. Pagkatayo niya ay muntik pa siyang matumba dahil sa panginginig ng kaniyang mga binti.
"Let's get out of here, kailangan din ako ng anak ko. Hindi maaaring hindi ko makita ang anak ko dahil isa din siya sa puwedeng maging puntirya ng babaeng iyon." Turan ni Sarionaya.
"Ang anak mo ay nasa Natharia Academia at tinutulungan ang mga estudyante doon. Nando'n ang anak kong si Alkar para tulungan pa ang iba, natitiyak akong may sumusugod na do'ng mga halimaw dahil sinugod na din ang aming palasiyo. Buti nalang nakatakas kami dahil sa mga Phenoserous." Sambit ko, tumango ito. Agad kong pinaakbay si Alisis sa akin, hindi pa siya nagigising. Pagod na pagod ata siya, agad akong napabuntong-hininga dahil sa kaniyang itsura.
Hindi ito ang pangarap ko para sa kaniya, hindi ito ang gusto ko para sa kaniyang hinaharap. Hindi ko alam na dahil sa kapangyarihan ay mangyayari ang panibagong gulo na ito. Hindi ko alam na dahil sa pagtataksil, hayok sa kapangyarihan ay siyang magiging dahilan kung bakit napunta kami sa puntong mahihirapan kaming lutasin ulit ang kaguluhan. Hindi ko alam na dadalhin kami ng panibagong kadiliman na ito sa gulong akala namin ay matagal ng tapos. Hindi ko alam na dadalhin kami sa masakit at hinagpis na mga araw, na hindi ko alam na babalik kami sa dati na tanging ang saya at kapayapaan lang ang gustong makamit. Kapayapaan na siyang gusto naming mangyari ulit.
"Tara na." Sabi ko, tumango sila at agad silang lumakad. Nabuksan nila ang pintuan kasabay ang pagliwanag ng mga letra, dito nga nanggagaling ang kapangyarihan para makalabas at makapasok kami at least alam kong nandidito pa ang Diyosa ng lahat na sana tulungan niya kami sa nangyayari ngayon. Na sana tulungan niya kami sa huling pagkakataon, na matulungan niya kami sa kadiliman na sumasakop ulit ngayon sa buong Avalon.
Napahinto kami dahil sa paparating, agad kaming napaatras dahil sa tatlong halimaw na may malalaking bunganga habang naglalaway ang mga itong nakatingin sa amin. Ang mga mata nitong nagpupula at mga katawan nitong naglalakihan, agad akong kinabahan dahil hindi ko na kayang lumaban pa dahil sa kawalan ng enerhiya ng buo kong katawan sa pagbaba sa hagdan. Nawalan ako ng enerhiya sa paghahanap sa kanila, nagsimula ito sa pakikipaglaban ko sa mga halimaw na sumugod sa palasiyo kanina.
"Get back, ako bahala sa kanila." Agad namang nagliwanag ang buong katawan ni Sarionaya na siyang ikinapikit namin. Naramdaman ko ang kapangyarihan na bumabalot sa kaniya ngayon. Napadilat ako at nakitang nakahandusay na ang katawan ng mga halimaw, agad akong napahinga ng malalim pero pansin ko ang paghingal ni Sarionaya.
"You're out of air, masiyado pang malalim ang bandang 'to kaya kailangan nating magmadali." Turan ko na ikinatango nilang dalawa, agad kaming naglakad ng naglakad habang akbay-akbay ko ang anak ko. kahit nahihirapan ay kakayanin ko dahil ito ang tama, hindi puwedeng sumuko nalang ako dahil sa pagsubok na ito na hindi pa kalahati sa problema namin noon. Kakayanin namin 'to dahil alam kong kaya namin, kakayanin namin 'to dahil alam kong tagumpay at kapayapaan siyang naghihintay sa amin.
Sa ilang minuto naming paglalakad ay nasilayan ko na ang liwanag sa itaas bahagi kaya agad akong napangiti ng pilit, natuwa ako dahil sa makakalabas na kami. Natigilan ako sandali at napahawak sa dibdib ko, agad akong napaluhod pero kaagad kong sinalo si Alisis dahil baka mabagok ang ulo nito sa hagdan. Napahinto din ang dalawa at napatingin sa aming gawi.
"Ayos ka lang Genesis? Tulungan ka na namin!" Agad akong umiling at sumenyas na magpatuloy sila.
"I can do this, lumabas na kayo dahil baka maabutan pa tayo kung hihintayin niyo pa ako. Sige na!" Nahihirapan kong sigaw, agad silang napatango pero kitang-kita ko ang pagdadalawang-isip nila pero agad din naman silang sumunod sa akin. Nang masilayan silang nakalabas ng pintuan, napabuntong-hininga ako at napatingin sa natutulog kong anak. Napangiti ako dahil sa kamukhang-kamukha ko siya no'ng ako pay dalaga, napahawak ako sa hibla ng buhok niyang may halong puti dahil sa responsibilidad na naipasa sa kaniya noon.
My brave and strong daughter.
Napahawak ako sa dibdib ko at napapikit pero pinipilit kong labanan ang sakit at pagod dahil dapat kong ilabas ang anak ko dito. Isa siya sa magliligtas sa amin, isa ang kakayahan niya na mailigtas kami sa kadiliman na ito. I have faith for her power, alam kong kakayanin niya.
Pero unti-unti ng napapapikit ang mga mata ko, nanghihina ang pagtibok ng puso ko na siyang ikinatumba ng buo kong katawan kasabay ang pagdilim ng buong paligid. Ang tangi ko nalang naisip ay sana magising na si Alisis, at iligtas ang kaniyang sarili at ang lahat sa kadiliman.
*********
Avzora.
Agad akong napalingon sa direksiyon kung saan nakita kong lumabas sina Tita Sarionaya at si Ina na nagmamadali. Agad kong tinignan sa mga mata si Xyraluna na nanlalaki ang mga mata at akmang susugod na ito ay kinontrol ko ang kaniyang katawan abot sa makakaya ko. Natigilan siya sa ginawa ko at pilit ding nilalabanan ang kapangyarihan ko.
"Walang-hiya, nakapasok pa ang kasama mo sa liblib na taguan! Tignan lang natin kung makakaya ng kaniyang enerhiya ang lugar na 'yon. See? Hindi na siya nakalabas at tanging ang dalawang babae lang na 'yan ang nakalabas." Agad akong natigilan dahil tama siya, hindi pa nakakalabas si Tita Genesis na siyang ikinakaba ko.
"And seems hindi niya nailigtas ang anak niya, kaya ngayon ay pareho na silang nasa ilalim ng lupa." Ngisi nitong sambit at kaagad nakawala sa kapangyarihan ko, agad akong pumunta sa puwesto nina Ina at hinarang ang sarili ko sa enerhiya na paatakeng papalapit sa kanila. Agad akong napapikit dahil sa pagtama nito sa buo kong katawan na siyang ikinatumba ko.
"Avzora, anak!" Dinig kong sigaw ni Ina, agad akong napadilat at hirap na tumayo. Tinulungan ako ni Ina na makatayo kaya napatingin ako sa mga mata niya. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi na siyang ikinapikit ng kaniyang mga mata.
"Hintay lang Ina, magkakasama na din tayong buong pamilya. Ikaw, ako, si Ama at si Ate Alfalla." Sa sinabi kong 'yon ay kaagad siyang nagtaka, napangiti naman ako dahil hindi pa nga niya alam ang buong katotohanan. Napatingin ako kay Xyra na ngayo'y seryosong nakalutang sa ere, habang nakatingin sa akin.
"Hindi niyo ako matatalo, kahit anong gawin niyong lahat. Mamamatay kayo sa mga kamay ko, mawawalan kayo ng hininga sa mga kapangyarihan ko!" Sigaw nito, kasabay no'n ay ang paglitaw ng tatlong lalaki habang may espada sa kani-kanilang mga kamay.
"Danoa, anak!"
"Zharo!"
"S-Sallino!"
Halos magkasabay na tawag ng mga magulang nito pero parang hindi nila naririnig sapagkat ang mga mata nila ay blangko lang na nakatingin sa akin. Ang mga mata nila na kulay ube at umuusok pa katulad no'ng araw na inatake nila ako sa Academia ng Natharia. Agad akong nainis dahil mahihirapan akong kalabanin ang mga anak ng mga nirerespeto kong nilalang, mahihirapan akong gumawa ng aksiyon na hindi sila nasasaktan. Hindi ko alam kung paano malulutasan ang problema na ito pero pipilitin ko.
Ginawa na niyang laruan ang tatlong lalaking nasa harapan ko na ngayon habang may namumuong kidlat na espada kay Zharo, malaking espada na gawa sa metal na nasa kamay ni Danoa at isang uri ng Katana na gawa sa yelo ang kay Sallino.
"Magsisimula na ang laro dahil ako ay naiinip na at kayo ang nagiging dahilan kung bakit namamadali ko ang mga bagay-bagay na siyang dapat lang na hinihinay-hinay." Ngisi nitong sambit, seryoso lang akong nakatingin sa kaniya at hindi ko mapigilang hindi mainis dahil sa ngising laging nakarehistro sa labi niya.
Agad nalang akong nagulat dahil sa pagbagsak ng tatlong katawan galing sa ere. Sina Tita Gemartha, Tita Zhavia at Tita Sonata na ngayo'y hirap nang napapatayo. Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa napagtanto kung anong klaseng laro ang gusto niya. H-Hindi ito maganda.
"Tignan natin kung paano maglaban ang mag-iina habang ang mga ama, at asawa ng mga babaeng ito ay siyang pakinggan nating lahat kung sino ang papanigan."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro