Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 63

Menesis.


Bigla nalang lumutang ang katawan ni Serafina papalapit sa katawan ni Wenessa na ngayo'y mahimbing na natutulog. Nakangisi lang si Xyraluna habang kami ay kinakabahan, napansin ko ang inis na nakarehistro sa pagmumukha ni Chester habang nakatanaw sa kaniyang asawa na ngayo'y papalapit na sa puwesto nila Xyraluna. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mangyayari, kapag napunta kay Xyraluna ang kaluluwa na nasa loob ng katawan ni Wenessa, mas lalong lalakas ang kaniyang kapangyarihan at mas lalo kaming mahihirapan na ipatumba siya.


"You can't do that! Pakawalan mo asawa ko! Huwag mo siyang idamay sa kabaliwan ng utak mo!" Hindi mapigilang sigaw ni Chester habang nanggagalaiting nakatingin kay Xyraluna. Pero wala siyang magagawa.


"Of course I can do this, malakas ako at kaya ko kayong kontrolin kaya magagawa ko ang bagay na'to. Kapag susundin lang ng asawa mo ang magiging utos ko ngayon, tatagal pa ang buhay na meron siya at mas makakasama mo pa siya ng ilang oras." Agad akong nainis dahil sa sinabi niya, nababaliw na nga talaga siya. She is playing with us but we can't do anything about it, hindi ko alam kung paano ako makakagalaw kung ang mga kapangyarihang nakatali sa kamay, bewang at sa mga paa ko ay siyang nagpapahina sa akin. Anong klaseng kapangyarihan 'to?


Napatingin ako kay Wenessa habang walang malay, gano'n parin ang itsura niya at hindi nagbago sa loob ng labinwalong taon. Ang presensiya ay gano'n parin, magkatulad na magkatulad pa rin noon. Hindi siya namatay dahil sa prinotektahan siya ng kaluluwa na nasa katawan niya, nasisiguro akong ayaw na ng kaluluwang nasa katawan niya na humanap pa ng iba dahil gusto na itong manatili sa isang katawan lang. Ang tanong ko lang, naglaho siya sa liwanag na 'yon dahil kinuha siya ni Xyraluna? Na nasa matagal ng pangangalaga ni Xyraluna si Wenessa?


Nagpupumiglas si Serafina sa pagkakatali sa kaniya pero wala siyang magawa, naluluha na ang kaniyang mga mata habang nakatingin kay Xyraluna na walang sawang nakangisi lang. Kung kaya ko lang umalis sa pagkakatali ko dito ay baka matagal ko na siyang inatake, pero alam ko sa sarili ko na wala na sa akin ang responsibilidad kaya hindi ko din siya makakaya kahit makatakas ako dito.


"Delikado si Serafina, it's still the same kung gagawin niya o hindi ang utos ng babaeng 'yan. Mamamatay parin siya kapag gugustuhin ng Xyraluna na 'yan." Napatingin ako kay Athena na ngayo'y mas lalo pang nahihirapan. Napatingin ako sa tiyan niyang malaking-malaki na talaga, kinakabahan ako dahil baka sa araw na'to siya manganak. Napatingin ako kay Igneous na nag-aalalang nakatingin sa kaniyang asawa. Napalihis ang tingin ko dahil hindi ko kayang nakikita silang ganiyang nahihirapan.



Bigla kaming natigilan dahil sa pagkakalas ng pagkakatali sa kamay ni Serafina, gano'n din sa mga paa nito at katawan na siyang nagpaginhawa sa kaniya. Napapikit siya at hinarap si Xyraluna, kontrolado parin nito ang espasiyo kaya nakalutang parin sa ere si Serafina. Wala nga siyang magagawa, kahit hindi na siya nakatali ay gano'n parin ang sitwasiyon. Hawak pa din siya sa leeg ni Xyraluna, may posibilidad parin na mapapahamak siya sa kamay ng babaeng 'to.


"Now, show me your power and do what I say. Ihiwalay mo ang kaluluwa ng nasa katawan ng babaeng 'yan at ako na ang bahala sa iba, see? That's very simple to do, hindi ka mahihirapan kapag susundin mo lang ang utos ko." Ngiting turan ni Xyraluna, napansin ko ang paglunok ni Serafina at biglang napaatras ng kaunti habang nakatingin kay Wenessa.

"B-Bakit mo sa amin 'to ginagawa? Wala kaming kasalan—" Agad kaming natigilan dahil sa biglaang pagsakal ni Xyraluna kay Serafina. Sumigaw-sigaw ang mga kasamahan ko dahil sa gustong ipabitaw ang leeg ni Serafina.

"You fucking bitch! Bitawan mo siya!" Sigaw ni Venny na ngayo'y namumula na ang isang mata. Humahaba na din ang pangil niya pero nahihirapan pa din siya dahil hindi siya makagalaw at makakilos.

"Gawin mo ang utos ko, huwag mo akong sinasabihan kung anong nagawa ninyo sa akin dahil wala kayong alam. Ang mga ninuno niyo, kapangyarihan niyo at ang nakaraan niyo ay siyang nagtulak sa akin para tapusin kayo. Kung alam lang nila kung gaano kami nahirapan, kung alam lang ninyo kung paano kami nasaktan dahil sa pagpili ng mga hiyas sa mga nilalang na hindi naman deserve ang kapangyarihan na'to, gagawin niyo din ang ginagawa ko dahil sa sakit." Seryoso na nito ngayong turan, hindi nakapagsalita si Serafina at agad siyang binitawan ni Xyraluna. Napaubo si Serafina dahil ata sa pagkakahigpit ng pagkakasakal, napahawak din ito sa leeg at nahihirapang huminga ng maayos.

"Now do it or I will kill your lovely husband first? Choose!" Sigaw ni Xyraluna, kaagad nanlaki ang mga mata ni Serafina at wala siyang nagawa kundi tumango na ikinakaba ko.

"Shit, she will do it." Dinig kong bulong ni Athena.


"Wala siyang magagawa, dahil kung hindi man siya kumilos ay mahihirapan parin siya. Wala siyang ibang pagpipilian dahil nasa kamay niya ang kapalaran niya." Sabi ko.

Lumapit si Serafina sa katawan ni Wenessa, nagdadalawang-isip pa ito dahil sa kinakabahan din siya sa balak ni Xyraluna. Kapag hindi niya susundin utos nito, patay si Chester at patay din siya. Gano'n parin ang kalalabasan, gano'n parin ang resulta.


"Serafina! Huwag kang makinig sa kaniya!" Sigaw ni Chester, nilingon ni Serafina ang asawa niya at binigyan ito ng malungkot na ekspresiyon.


"Kung hindi ko 'to gagawin, papatayin ka niya na ayaw kong mangyari. Gugustuhin kong mamatay kaysa mawala ka sa piling ko Chester." Sambit nito na ikinainis naman ni Chester.


"Bakit? Kapag namatay ka? Anong mararamdaman ko? Kung anong nararamdaman mo sa akin kapag namatay ako, gano'n din ang mararamdaman ko kapag nawala ka sa akin!"

"Pero wala akong ibang pagpipilian!" Natigilan ang lahat dahil sa sigaw ni Serafina, tama siya. Wala siyang pagpipilian dahil mapapahamak at mapapahamak siya kung hindi niya gagawin ang utos ni Xyraluna at posible parin kaming mapahamak dahil kontrolado kami ng kapangyarihan niya.


Matapang na hinarap ni Serafina ang katawan ni Wenessa, agad kong naramdaman ang bumabalot sa kaniyang kapangyarihan na siyang ikinangisi ngayon ni Xyraluna. Humangin sa loob ng Battle Arena ng napakalakas na hinihigop ng katawan ni Serafina.


"Tama ka, wala kang pagpipilian! Ngayon, gawin mo na ang gusto ko!" Natatawang sigaw ni Xyraluna, lumiwanag ang mga palad ni Serafina na unti-unting itinatapat sa harapan ni Wenessa. Agad nagsihulugan ang mga parte ng Jar sa lupa at dinig na dinig ang mga pagbasag. Nakaramdam ako ng kapangyarihan na papalabas na ngayon sa sistema ni Serafina at agad naming nasilayan ang unti-unting paglabas ng mga yelong palaso na nag-uusok pa sa lamig. Ang kulay na asul na mga palaso ay unti-unting napapalitan ng itim hudyat na ang kapangyarihan na ito ay siyang kayang ihiwalay ang kaluluwa ng isang nilalang.



Naging seryoso ang mukha ko nang makitang ang mga palaso ay unti-unti ng tumatapat sa katawan ni Wenessa. Agad naming nakita ang nagwawalang kaluluwa na ngayo'y unti-unti ring lumalabas galing sa katawan ni Wenessa. Nagsisigaw ito dahil sa sakit ng dulot ng kapangyarihan ni Serafina.


Biglang natigilan ang lahat dahil sa isang napakalakas na pitik at kasabay no'n ang pagbalik ng kaluluwa ng Diyosa ng buwan sa katawan ni Wenessa. Agad namang nainis si Xyraluna at hinanap ang nagmamay-ari ng malakas na pitik na 'yon.

"You can't force her to do that! Hindi ka magtatagumpay Xyra!" Napalingon kaming lahat sa pamilyar na boses at agad akong nagkaroon ng pag-asa dahil sa seryosong ekspresiyon ni Avzora. Ang anak ni Senny, ang anak nilang Enexx.


Bigla nalang napaatras si Serafina pero agad naman itong natigilan dahil sa pagbalik ng kapangyarihan ni Xyraluna sa pagtali ng kaniyang mga kamay, paa at bewang na siyang ikinahina kaagad nito. Bumalik ito sa puwesto niya kung saan siya nakapuwesto kanina. Napayuko ang ulo nito dahil sa panghihina.



"Dumating na pala ang aking mga bisita!" Sigaw ni Xyraluna, sila pala ang tinutukoy nito? Agad akong napatingin sa tabi ni Avzora na si Genesis na ngayo'y galit ng nakatingin sa babaeng nakaharap sa kanila ngayon. Inilibot nito ang tingin at agad nadako ang tingin niya sa akin, tinignan niya ako sa mga mata na para bang nagtatanong kung ayos lang ba ako. Agad ko siyang tinanguan kaya sa ibang direskiyon naman siya tumingin.

"Saan ang anak ko?! Saan mo siya dinala?! Walang-hiya ka, hindi mo kami mapapabagsak dahil alam kong ikaw ang babagsak!" Sigaw ni Genesis, napansin ko ang libro na dala niya na siyang ikinatigil ko. That book, is it the Heiress Book of Xysoness? The Titan Goddess of Universe of Gampenun?


"Well magkikita rin naman din kayo pero I just want to have a play first, ngayon tignan natin kung kakayanin niyo ang kapangyarihan ko." Ngising turan ni Xyraluna at kaagad lumitaw ang kaniyang Katana, nagpalabas 'yon ng ubeng usok at agad inatake ang puwesto nila ni Avzora. Naalerto naman sila at kaagad naghiwalay ng landas, tumakbo sila sa magkaibang direksiyon pero si Avzora ang sinundan ng usok. Agad namang tumalon ng mataas si Avzora at bigla nalang may kakaibang Magic Circle na lumabas sa palad niya at bigla nalang itong hinigop ang ubeng usok na humahabol sa kaniya.


Nagulat naman si Xyraluna dahil sa ginawa nito, kaagad itong naalerto nang lumutang si Avzora at kaagad dinambaan ng suntok pero naiwasan niya ito. Agad naman siyang lumutang paatras ng sipain siya ni Avzora.

"Only demon can do that." Bulong ni Xyraluna pero alam kong rinig 'yon ni Avzora dahil narinig ko nga mula sa puwesto kong malayo-layo sa puwesto nila.

"Tama ka ng iniisip, isa akong demonyo kaya huwag kang kompiyansa. Kaya kitang patayin tulad ng ginawa ko sa Ama kong taksil at siyang alagad mo. You controlled his mind, alam mong dapat ng magbabago si Amang Cylechter pero kinain siya ng madilim mong kapangyarihan." Diing sabi ni Avzora, tumawa lang si Xyraluna at kaagad lumutang pa ng mas mataas.

Napansin ko naman si Genesis na pumasok sa isang silid, hanggang lumabas ito at sa ibang silid na naman pumasok. For sure she is looking for her daughter, kasama din ni Alisis si Sarionaya at katawan ni Senny na hindi ko alam kung bakit pati si Senny ay nasama. Hindi Diyosa si Senny pero siya ding nagpapataka sa akin kung bakit itinago din siya ni Xyraluna.



"Flame Arrows!" Avzora casted a spell at bigla nalang umulan ng mga apoy na palaso galing sa itaas. Hindi nahirapan si Xyraluna na iwasan ang lahat at para siyang isang kidlat dahil sa mabilis niyang kilos habang iniiwasan ang mga nag-aapoy na palaso.


"I can't believe na magkakaroon ng ganito kalakas na anak si Senny, demon can do this thing and now demon is in front of us." Bulong ko. Bigla akong napapikit dahil sa parang may napansin ako sa katawan ni Avzora, na parang nagiging dalawa siya kapag umaatake siya, na kapag nagbibigay siya ng suntok at sipa ay nagiging dalawa ang kaniyang katawan. Anong nangyayari sa akin? Nanghihina na ba ako dahil sa mga nakikita ko? Pumikit ulit ako pero gano'n parin ang nakikita ko, parang may kasama si Avzora sa pakikipaglaban.

Kitang-kita ang tuwa kay Xyraluna pero alam kong nahihirapan din siya sa presensiya ni Avzora na hindi rin isang biro. Isang Enchantress si Avzora, malakas na Enchantress at may lahi pang isang demonyo. She is incredibly powerful by her own way pero dapat niyang lagpasan ito, kailangan niyang manalo.



"Huwag mo na pahirapan ang sarili mo Avzora, sumama ka nalang sa akin at sasakupin natin ang buong mundo na'to!" Sigaw ni Xyraluna pero umiling lang si Avzora at lumutang paatras.

"Kahit anong sabihin mo, hindi mo ako madadala sa mga salita mong manang-mana sa'yo. Manang-mana sa iyo na walang maidudulot na maganda kaya maghanda ka dahil ibabalik kita kung saan ka talaga nababagay. Hindi ko hahayaan na sasakupin mo ang mundong 'to, hindi ko hahayaang mabuhay ka! Ngayong nakabalik na si Ate Alfalla, maghanda ka na!" Sigaw sa kaniya pabalik ni Avzora na ipinagtaka ko kaagad.

Ate Alfalla? She mean Alfalla the girl who doesn't have knowledge when it comes to respect? And why on hell she will call Alfalla an 'Ate'?

"Sino na namang mahina ang tinutukoy mong nilalang, Avzora?" Ngising tanong ni Xyraluna pero alam kong nagkukunyari lang siya na hindi niya alam.


"Huwag kang magkunyari, huwag kang magkunyari na hindi mo kilala ang isa sa magpapabagsak sa'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro