Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 62

Third Person.



Agad natuwa halos lahat ng mga estudyante nang dumating si Alfalla habang nakangisi itong nakatingin sa mga halimaw. Nagsimula itong maglakd na para bang isa siyang Maharlika dahil sa lakas ng kaniyang dating, presensiya at kapangyarihan. Napapatingin lahat sa kaniya pati ang mga halimaw ay napapalingon sa kaniyang gawi dahil sa pagkuha ng kaniyang katauhan ng atensiyon.


"Nakabalik na nga talaga siya, parang nakikita ko sa kaniya ang dating Alfalla na walang iniisip kundi ang pagngisi." Bulong ni Jaffna, agad namang bumaba si Leera mula sa pagkakalipad at sinalubong si Alfalla na ngayo'y nakangiti na sa kaniya. Bumalik sa dating anyo si Leera at kaagad nitong niyakap ng mahigpit si Alfalla na siya ding ginawa niya pabalik.



"Ang tagal mong nakabalik Alfalla, miss ka na namin." Tuwang sabi ni Leera at kumalas sa pagkakayakap, lumapit din si Jaffna at tinanguan niya lamang si Alfalla.


"Hinahanap ka na ng mga alaga mo." Ngising sambit ni Jaffna at bigla nalang lumitaw si Sun at si Saifah sa kaniyang harapan at dinamba ng yakap. Natawa naman si Alfalla dahil sa ipinakitang asal ng mga alaga niya, pinaghahaplos niya ang mga balahibo nito na ikinatuwa ng dalawa.

Napatingin si Alfalla sa lumulutang ngayong si Mebill habang nakatingin sa kaniya, hindi sigurado si Alfalla kung anong klaseng tingin ito pero kakaiba at parang maganda naman sa kalooban.


"She is the last Goddess here in Avalon. Nasa kaniya ang isang piraso ng hiyas galing sa makapangyarihang bato." Agad namang nagtaka ang magkapatid sa sinambit ni Alfalla, tumingin si Alfalla sa kanila at ngumiti.


"You will understand soon, ako, nalaman ko lahat nang pumunta ako sa impyerno at lahat ng nakaraan ay nakita ko. At kahit anong ginagawa niyo dito sa itaas ay nakikita ko parin kayo, hindi nga lang ako makatulong dahil pinipigilan ako ni Ama. He wanted all of you to prove that even without us, kakayanin niyo ang laban. Tignan niyo nalang ang pagtutulungan ninyo, nakakamangha." Ngiting turan ni Alfalla, napangiti din ang magkaptid at tumango.


"Nang dahil 'yan sa kambal mo, siya mismo nagsabi sa amin na magtulungan at ipunin lahat ng mga estudyante sa field at patunayan na kakayanin namin lahat." Agad namang nilibot ni Alfalla ang kaniyang tingin at hinahanap ang presensiya ni Avzora pero hindi niya ito mahagilap pero nararamdaman niya ang presensiya kahit malayo ito sa kaniya.



"Nasa'n si Avzora?" Takang tanong ni Alfalla.


"Sa pagkakaalam ko, ililigtas nila ang mga Mahaharlika at ang iba pa sa kamay ng natitirang Executioner. Hawak nila ang lahat na Mahaharlika at ang ibang mandirigma noon sa Satharia." Paliwanag ni Leera, agad naging seryoso ang ekspresiyon ni Alfalla dahil sa nakita niya sa ilalim ng impyerno.


"Kailangan na nating magmadali, kailangan nating ubusin lahat ang mga halimaw ngayon dahil susunod tayo sa Satharia." Seryoso nitong turan na ikinatango ng dalawang magkapatid. Agad nagbago ang anyo ni Leera at naging demonyo na ulit siya, ang mga mata ngayon ni Jaffna na determinado na ring matapos ang labanan. Agad naghanda si Alfalla at lumutang sa ere, nagkatabi sila ni Mebill na ngayon ay nakatingin sa kaniya.



"I can't imagine helping this Academia with you, I really hate you." Napangisi nalang si Alfalla dahil sa sinabi ni Mebill. Hindi niya ito nilingon pero kitang-kita ni Mebill ang ngisi sa mga labi na ito na para bang natuwa pa sa sinabi niya.


"Alam mo Mebill, sawa na akong sinasabihan na ayaw nila sa akin. Wala naman akong pakialam dahil hindi naman sila ang may hawak ng buhay ko at hindi nila ako nakokontrol kaya hinahayaan ko lang sabihin nila ang gusto nilang sabihin. Sila lang din ang mapapagod." Tugon nito na ikinatigil ni Mebill, napatango nalang ito na parang naintindiham niya ang sinagot nito sa kaniya. Agad nagliwanag ang mga mata ni Mebill ng puting liwanag na siyang ikinasilaw ulit ng mga halimaw pero hindi nila alam na malaki ang epekto nito sa kanilang katawan dahil sinisira nito ang mga lamang-loob.


Ang epekto ng kapangyarihan ni Mebill na sirain lahat ng mga masasamang bagay.



Biglang nagliwanag ang mga pula ni Alfalla habang nakatingin sa mga halimaw, agad niyang tinapat ang kaniyang palad sa dagat ng mga halimaw na ikinatigil nito at napatingin sa gawi niya.

"Soul Eater." Bulong ni Alfalla at kasabay no'n ay ang paglitaw ng napakalaking Magic Circle na kulay pula at bigla nalang itong nagliwanag, agad naramdaman ni Alfalla ang mga paparating na presensiya na nanggagaling sa lupa. Agad siyang napangisi nang unti-unti ng bumabaon sa lupa ang mga halimaw na nasa Magic Circle, hinihila na sila ng mga kaluluwa galing sa impyerno at tanging hiyaw lang ang kanilang nagagawa dahil hindi nila ito mapigilan. Hindi nila kayang pigilan ang malakas na mga kaluluwa na ito na galit na galit sa mga nilalang na siyang dahilan kung bakit sila nasa impyerno ngayon. Ang mga kaluluwa na pinagkaitan ng kasiyahan at kalulwatian dahil sa pagpaslang sa kanila ng mga halimaw noon.



Rumespunde naman kaagad si Mebill at gumawa ng espada na gawa sa kaniyang kapangyarihan, sumugod ito sa iba pang halimaw at isang wasiwas niya lang ay kaagad ng nahati ang mga katawan nito na kahit hindi natamaan ay ang puwersa nito at kapangyarihan ang siyang gumawa. Natuwa naman si Mebill dahil hindi niya aakalain ang hiyas na ibinigay ng kaniyang Ina ay magagamit niya ito, pero agad naging seryoso ang ekspresiyon niya dahil sa hawak ng kalaban ang kaniyang pamilya.



Tumalon ng mataas si Venom at itinarak ang espadang hologram sa ulo ng halimaw na siyang ikinasigaw nito ng malakas. Agad namang nag-apiran si Venom at si Pauros dahil sa ginawa nilang sabay. Napailing nalang si Pauros at tumingin kay Venom na ngayo'y hinihingal na.



'Mukhang tanga isang 'to, hinihingal na siya do'n?' Sabi ni Pauros sa isipan niya pero agad siyang natigilan dahil sa masamang titig sa kaniya ni Venom.


"Ikaw kaya ang tumalon ng tumalon? Hindi ka hihingalin? Tsk, cousin, I can read your freaking mind. Don't you remember our childhood days?" Ngisi na ngayong turan sa kaniya ni Venom na ikinangisi nalang din ni Pauros.


"Hmm—pagkatapos nito, dadalawin ko si Lolo Hari at Lola Reyna dahil nami-miss ko na sila, ikaw?" Tanong ni Pauros, napaisip naman si Venom at ngumiti.


"I'll do the same but I will take Zemma with me, gusto no'n ng mga magagandang bulalak na siyang marami sa Forest de Fuente." Napatango si Pauros at agad napatingin kay Jaffna na ngayo'y nakikipaglaban gamit ang mga ugat na kinokontrol nito.


"Isasama ko siya sa akin, baka ayos lang sa kaniya." Bulong ni Pauros.



Agad natigilan ang dalawa dahil sa biglaang pagtalon ng mataas mula sa kanilang likuran si Venedict na ikinailing nalang nila. Masiyado na itong agresibo, masiyado itong mabilis na parang nagmamadali sa mga bagay-bagay.


"Kanina kitang-kita ko ang pagod sa mukha niya, bumalik ata sa dati ang mood niya ah?" Takang tanong ni Venom na ikinangisi lang ni Pauros dahil alam na alam nito ang dahilan kung bakit ganiyan nalang kabilis at kaagresibo ang kaniyang matalik na kaibigan.

"Of course, nandito na si Alfalla eh." Ngisi nitong sambit. Agad naman nanlaki ang mga mata ni Venom at hindi makapaniwalang napatingin kay Pauros.


Agad sinaksak ni Venedict ang isang halimaw at kaagad itong naglaho, pansin niya na kaunti nalang ang mga halimaw kaya umatras muna siya. Agad siyang natigilan dahil sa pamilyar na presensiya na nasa likuran niya, agad siyang kinabahan at hindi alam kung ano ang gagawin dahil hindi niya inaasahan na nasa likuran nito ang dahilan kung bakit tumitibok ng mabilis ang puso niya.


"Nice to meet you again Venedict, may gana ka atang makipaglaban at nakangiti ka pa habang pinapaslang ang mga halimaw? Inspired?" Hinay-hinay niyang inilingon ang kaniyang ulo at bumungad sa kaniya ang nakangiting ekspresiyon ni Alfalla na hindi niya inaasahan. Hindi niya inaasahan na nginingitian siya ngayon ni Alfalla, mas lalong nagharumentado ang puso ni Venedict dahil sa maganda nitong ngiti na siyang nagpapakita sa malilinis nitong mga ngipin. Ang kaniyang pulang mga mata na kahit nag-aapoy sa loob ay para sa kaniya ay kumikislap ito.

Wala siyang ibang naisip na maisagot at niyakap niya nalang ng mahigpit si Alfalla na ikinagulat din ng babae, natigilan si Alfalla dahil hindi niya inaasahan na yayakapin siya ng lalaking ito.


"A-Anong nakain mo Venede—"


"Matagal na akong walang kain dahil sa kakaisip sa'yo kaya hayaan mo akong yakapin ka ng ganito, nabubusog ako kapag nasa malapit kita kaya huwag mo akong pipigilan." Agad natuod si Alfalla dahil sa sinabi nito, napabuntong-hininga siya dahil wala siyang magawa at pinagbigyan nalang si Venedict. Natutuwa din ito sa kinikilos niya dahil malayong-malayo ito sa ugali ni Venedict noon.



Sabay-sabay umatake ang mga Elementalists at iba pang Specialists sa mga halimaw na agad ikinalaho ng mga ito. Agad napalingon sina Jaffna at Leera sa bagong presensiya, natigilan sila dahil sa matagal na nilang hindi nakita ang buong katauhan ni Brooch na ngayo'y seryosong nakatingin sa natitirang mga halimaw. Agad pumaharap si Brooch sa mga daang-daang halimaw na ngayo'y sumusugod na sa kaniya. Napasinghap ang lahat maliban nalang kay Alfalla at Venedict na ngayo'y nakatingin na sa gawi nito na may pagtataka.


Seryoso lang na nakatingin si Brooch sa mga halimaw na malapit na malapit na siyang malapitan pero agad natigilan ang daang-daang halimaw dahil napahawak ito sa kani-kanilang mga ulo. Ang ibang estudyante ay natigilan dahil sa pagkamangha, ang iba naman ay natakot dahil sa kakayahan ni Brooch na siyang ikakamatay din nila. Agad namang napangisi si Alfalla dahil sa ginawa nito.



"Well, hindi siya magiging Headmaster kung hindi siya ganiyan." Agad lumiwanag ang mga mata ni Alfalla at kaagad naramdaman nito ang kapangyarihan na bumabalot sa kaniyang katawan.


"Let me have the cure Tito Mever for the curse you gave to him." Bulong nito at kaagad nagliwanag ang katawan ni Brooch na ipinagtaka lang nito, imbis na matakot ay nakaramdam pa siya ng kaginhawaan. Nang mawala ang liwanag ay napaubo siya at bigla nalang natigilan dahil sa may boses na ito. Napalingon siya kaagad kay Alfalla na seryoso lang na nakatingin sa kaniya at agad inilihis ang tingin nito sa ibang direksiyon.



"Kahit napakalaki ng kasalanan ko sa kaniya, tinulungan niya parin ako. How silly woman." Napapailing nalang na bulong ni Brooch at kaagad tinignan ang mga halimaw na napaluhod dahil sa ginawa niya. Mas lalo niyang hinigpitan ang kaniyang kapangyarihan na mas lalong ikinasigaw ng mga halimaw, nababaliw na ito dahil sa sakit ng kani-kanilang ulo na parang unti-unting nabibiyak dahil sa may kung anong pumipisil dito na matigas na bagay. Nagdurugo na ang kanilang mga ulo hanggang sabay nabiyak lahat ng mga ulo ng mga halimaw dahil sa hindi na nila nakayanan ang lahat.



"Kuya Brooch!" Napalingon si Brooch kay Mebill na ngayo'y nakangiting papalapit sa kaniya. Dinamba siya ng yakap nito, agad namang napangiti si Brooch dahil sa lahat ng babae ay si Mebill lang ang nakapagpapangiti sa kaniya ng ganito.


"Ang laki muna Mebill, hindi na ikaw ang batang nilalaro ko noon." Ngiting sabi ni Brooch na ikinasimangot lang ni Mebill sa kaniya at parang nagtatampo.



"Lumaki na ako at dalaga na ako ngayon Kuya Brooch, and huwag mo akong nginingitian ng ganiyan dahil hindi ko nakakalimutan ang kasunduan nating pagpapakasal dalawa. Kahit Kuya tawag ko sa'yo, papakasalan parin kita." Agad nabilaukan si Brooch sa sinabi nito, napailing nalang ito dahil sa kasunduan na siyang ginawa nila noon. Umiiyak kasi no'n si Mebill at hindi niya alam kung ano ang makakapigil sa pag-iyak nito kaya dumating sa punto na nag-alok siya ng kasunduan na magpapakasal sila kapag hindi na ito umiyak at lumaki itong matapang at malakas.




Napatingin si Alfalla sa pulang kalangitan, natatabunan parin ang araw ng dilim na siyang ikinaseryoso nito. Agad namang naghanda si Alfalla at rinamdam ang presensiya ni Avzora kung nasaan man ito. Nagtaka man si Venedict sa inakto nito pero hindi niya hahayaang gumawa ng bagay si Alfalla na hindi siya kasama, alam niya na ang nasa utak nito at gagawa ng planong hindi man lang nagsasabi.



"Avzora, hintayin mo 'ko."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro