Chapter 57
Avzora.
Napadilat ang mga mata ko dahil sa liwanag na tumatama sa buo kong mukha, agad kong nasilayan ang puting kulay ng paligid nang naging maayos ang paningin ko. Umayos ako ng upo at tiyaka lang ako natigilan dahil sa nagbabantay sa akin sa loob. Agad akong napangiti dahil sa mala-anghel niyang pagmumukha, nakaupo lang itong natutulog habang nakaharap sa aking direksiyon. Agad naman akong napahagikhik dahil sa biglaang pagtagilid ng kaniyang ulo na siyang ikinadilat nito at napatingin sa aking mga mata. Napaayos siya ng upo at tumikhim, lumapit siya sa akin at kaagad hinawakan ang aking noo at leeg.
"Ayos na ako Helbram, salamat dahil dinala mo ako dito." Pagpapasalamat ko sa kaniya, ngumiti siya sa akin. Napansin kong may namumuong itim sa ilalim ng kaniyang mga mata, napansin niya ang pagtataka ko habang nakatingin sa mga itim na bagay sa ilalim ng kaniyang mga mata.
"Wala ka pang tulog, Helbram? Ilang oras akong nakatulog?" Ngiti kong tanong, napabuntong-hininga siya at agad akong tinignan sa mga mata.
"Tatlong araw ka ng tulog, Avzora. Hindi ilang oras lang." Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, agad akong napaayos at akmang tatayo na sa aking kama ay bigla niya akong pinigilan.
"Saan ka pupunta? Huwag kang kumilos agad dahil kagagaling mo lang." Seryoso nitong turan, agad naman akong huminahon. Natataranta ako dahil baka may sumugod o di kaya may nangyaring masama habang tulog ako sa tatlong araw na 'yon.
"Wala bang nangyaring masama? Wala bang mga kalaban na sumugod? Sabihin mo sa akin, Helbram. Wala bang nangyari? Ayos lang ba ang lahat?" Agad niyang hinawakan ang mga kamay ko gamit ng kaniyang kaliwang kamay at hinaplos ang likuran ng mga palad ko ng isa pa niyang kamay. Nakaramdam ako ng paghihinahon dahil sa ginagawa niya.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama habang natutulog ako, ayokong i-disappoint ang mga magulang ko lalong-lalo na si Ate Alfalla na naniniwala sa kakayahan ko. Hindi na maaaring magtagal ang labanan na'to, hindi maaaring magtagal ang kadiliman na unti-unti ng bumabalot sa buong Avalon.
"Huminahon ka muna Avzora, walang nangyaring masama sa Academia. Lahat ay nasa magandang panahon, huwag ka munang gumalaw ng gumalaw dahil baka mabinat ka." Concern niyang sabi sa akin, agad akong napahinga ng malalim at para din akong nabunutan ng tinik dahil do'n.
"Na-engkuwentro ko na naman siya Helbram, ang babaeng pinasok ang dorm namin ni Jaffna noon. Hindi nga talaga bihira ang kakayahan niya, napakalakas niya at kayang niyang patigilin ang oras." Paliwanag ko kay Helbram na ikinaseryoso ng ekspresiyon niya.
"Kailangan ko ng gumawa ng paraan at hanapin ang isa pa niyang kasamahan. Dalawa nalang silang natitira na Executioner, at nasisigurado akong kilalang-kilala ko na kung sino ang pangatlo nitong kasamahan." Seryoso ko na ngayong sabi na ikinakuryus ng mukha ni Helbram, tumango ako na parang sinasagot ko na ang katanungan sa kaniyang utak.
"Hirap ko mang paniwalaan pero ito ang totoo, nakita ko ang kakayahan niya at nalaman kong hindi nagbabago ang presensiya niya. Kung sino man siya noon ay siya parin hanggang ngayon, nabawi na ang mga responsibilidad nila pero sa kaniya ay bakit gano'n? Gano'n pa din ang lakas na meron siya, sa araw-araw kong nasasaksihan ang kaniyang kapangyarihan ay alam kong kakaiba na ang ipinapahiwatig nito. Alam mo bang kahit natutulog ako? Patuloy parin sa paglalakbay ng kaluluwa ko at dilat na dilat parin ang mga mata ko habang binabantayan ang kilos niya." Seryoso kong dagdag, nakatingin lang sa aking mga mata si Helbram.
"Samahan mo ako sa kaniya, samahan mo ako kung saan malalaman at malalaman ko na siya talaga ang pangatlong Executioner. Hindi ako nagkakamali sa hinala ko, matagal ko na siyang napagmamasdan mula sa malayo habang siya ay nag-eensayo mag-isa gamit ang napakapamilyar na Katana." Tumango si Helbram at hinigpitan ang paghawak sa mga kamay ko.
"Sasamahan kita, kahit saan ka magpunta ay sasamahan kita. Hindi ka mag-iisa, hindi ka nag-iisa dahil nandito ako para sa'yo." Agad ko siyang niyakap dahil sa sinabi niya, kasabay no'n ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Alam kong nandiyan ka para sa akin, nararamdaman ko ang pagpapahalaga mo sa akin Helbram kaya nagpapasalamat ako. Hintayin mo lang ako, hintayin mo ang tamang panahon na kapag sumibol ang bagong araw ay magiging masaya tayo pareho."
********
"Nabalitaan kong nasa Clinic ka, bibisitahin ka na sana namin ni Leera kanina dahil kanina lang din kami nakauwi dito pero nagka-engkuwentro kami ni Helbram kanina na ayos ka na daw. Tatlong araw kang tulog? Anong ginawa mo at pinagod mo ang sarili mo ng gano'n na tatlong araw ka talagang walang malay?" Mahabang sabi ni Jaffna, nginitian ko lang siya dahil sa sinabi niya na kahit ako ay hindi ko maintindihan kung bakit gano'n din ako katagal natulog.
"Sa pagkakaalam ko, napagod ako sa mga problema na kinakaharap natin ngayon. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa inyo, hindi ako makakapayag na may makapanakit sa mga kaibigan ko." Ngumiti naman ng matamis si Jaffna at kaagad akong inakbayan.
"Avzora, huwag mo kaming alalahanin dahil kakayanin namin basta kakayanin niyo rin. Maghihintay tayo ng tamang panahon, maghihintay tayo. Kahit gaano pa kalaki ang problema, malulusutan at malulusutan natin ang mga 'yan. Tiwala lang, at alam naman nating babalik at babalik na din si Alfalla. Nararamdaman kong malapit na siyang magbalik." Agad akong nakaginhawa dahil sa sinabi ni Jaffna, pinapalakas niya ang loob ko kapag lagi niyang sinasabi na babalik na, na nararamdaman niyang babalik na si Ate Alfalla. Nararamdaman ko na rin 'yon at alam kong pagbalik niya, do'n na magsisimula ang tunay na laban.
"So kamusta kayo ni Helbram?" Agad naman akong nang-init dahil sa tanong ni Jaffna, hindi ko inasahan ang tanong niya kaya hindi agad ako nakasagot. Binigyan niya ako ng nakakaasar na ngiti na siyang ikinairap ko kunyari sa kawalan. Natawa lang siya at kumalas sa pagkakaakbay.
"Seems he is so in love with you, tatlong araw ka daw niyang binantayan na hindi kumakain. Kaya gano'n nalang pala siya kahina no'ng magkita kami." Hindi ko mapigilang hindi mag-alala sa sinabi ni Jaffna. Hindi sinabi sa akin ni Helbram na wala pala talaga siyang tulog, hindi niya rin sa akin sinabi na hindi siya kumakain habang nakabantay sa akin.
"Hindi niya sinabi sa akin ang bagay na 'yan, huwag kang mag-alala dahil pagsasabihan ko 'yon." Turan ko naman.
"Hindi ko aakalain na ang lalaking 'yon na sobrang yabang na katulad ni Venedict ay magbabago. Ang nasa isip palagi ni Helbram ay patayin si Leera dahil sa selos, kaya lagi din akong galit sa kaniya. Pero no'ng nagkakilala kayo, nagbago siya. Gano'n din ang pinagbago ni Venedict no'ng mas nakilala niya si Ate Alfalla mo." Hayst, nasa amin na ata ang ugali na makakapagpabago ng ugali ng isang nilalang.
Agad akong natigilan dahil sa isang napakapamilyar na presensiya, napalingon ako sa pintuan at agad naghanda.
"Go inside Jaffna, dalhin mo ang mga alaga natin." Turan ko, nagdadalawang-isip pa si Jaffna sa utos ko kaya agad ko siyang tinignan ng seryoso.
"Paano ka? Hindi ka puwedeng mag-isa dahil kagagaling mo pa lang." Bulong niya pero tinanguan ko lang siya.
"Kaya ko 'to, nasa akin na ang buo kong lakas kaya kakayanin ko 'to. This presence ay pamilyar na sa akin, kilala ko siya kaya ako ang kakaharap sa kaniya. Hindi ko alam na siya pala ang magdadala sa sarili niya sa kapahamakan." Tugon ko sa kaniya, napailing nalang siya at agad na pumasok sa kwarto kasabay niya ang mga nilalang na alaga namin.
Agad akong lumapit sa pintuan at malakas ko itong binuksan, nilingon ko ang right side at nakita ko ang aninong tumatakbo kaya agad ko itong sinundan. Mabilis siyang tumakbo pero hindi ako nagpatalo at mas lalong kong binilisan ang pagtakbo ko, agad akong lumutang sa ere na halos ikalapit na ng sarili ko sa katawan ng tumatakbo na ito. Agad akong napatingin sa hawak nitong Katana, katulad ng mga Katana na ginamit ng mga namayapa na.
It's just a simple Katana pero ang kapangyarihan na meron ito ay hindi bihira at siya ding nagbibigay sa kanila ng mas malakas na kapangyarihan at puwersa.
Hindi ko namalayan na habang tumatakbo siya at nakalutang lang akong nakasunod sa kaniya ay nakalabas na kami ng Academia. Agad akong huminto nang nasa harapan na kami ng kagubatan kung saan napakadilim at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay sa amin ng liwanag.
"Avzora!" Agad akong napalingon sa boses na 'yon at namataan si Helbram na patakbong lumalapit sa akin. Hinihingal ito at nang mapantayan niya na ako ay kaagad niya akong tinignan sa mga mata at ang imaheng nasa harapan namin ngayon.
"Agad akong lumabas dahil sa kakaibang presensiya na hindi pamilyar sa akin, alam kong hindi maganda. Nakita nalang kita na lumulutang habang hinahabol ang nilalang na 'yan, akala ko kung napaano ka na." Turan nito.
"Siya ang tinutukoy ko." Turo ko sa imahe na nasa harapan namin, nakaharap na siya sa amin ngayon pero hindi pa namin nasisilayan ang mukha niya pero kahit hindi niya ipakita, alam na alam ko at kilalang-kilala ko kung sino siya. Sa katawan niya, presensiya at kapangyarihan na bumabalot sa buo niyang katawan.
"Ito na ang tamang panahon para malaman mo na ang tadhana para sa'yo ay kamatayan, Avzora." Agad kong naalala ang sinabi ni Xyra na ang tadhana ng mga Diyosa at Diyos kapag nakaharap niya ay kamatayan.
"Bakit ngayon pa? Bakit hindi mo ginawa noon pa no'ng may pagkakataon ka?" Seryoso kong sabi. Hindi siya nakapagsalita kaya nagpatuloy ako.
"Isa kang mapaglinlang, niloko mo ang lahat sa katauhan mong mabait. Sa katauhan mong mapag-alaga, sa katauhan mong parang may pakialam sa lahat ng bagay! Hindi ko alam na darating ang panahon na ang kutob ko ay magiging totoo. At ang sulat na 'yon na iniwan mo sa harapan ng pintuan, alam kong galing 'yon sa'yo. Isang banta? Gano'n ka nalang ba kadesperado na kahit ako ay kaya mong patayin para lang sa gusto niyong makuha ang mundo na'to? Na gusto niyong sakupin ang buong mundo?!" Sigaw ko sa kaniya, hindi ko alam kung nakangisi siya sa akin dahil napakadilim ng mukha niya dahil sa tumatabon na hood sa mukha niya.
"You will die if you will do something to her! Ako muna ang makakaharap mo!" Sigaw ni Helbram.
"Hindi ko alam na may ibang nag-aaruga at nagpoprotekta na sa'yo sa Academia. Alam mo bang nakabantay lang ako sa'yo palagi mula sa malayo Avzora? Na gusto kong sabihin kay Xyra na gusto kong magbago at gusto kong itama ang mali para sa'yo, pero habang nakikita kang kasama ang mga nilalang na siyang nagpapasaya sa'yo ngayon? Tama pala talaga si Xyra, iiwan lang ang mga nilalang na magmamahal ng tunay at lubos, mang-iiwan lang kayo kapag nakuha niyo na ang gusto niyong aruga at pagmamahal!" Natigilan ako sa sigaw niya, naririnig ko ang mahina nitong hikbi na siyang ikinatigil ko. Umiiyak siya? Ngayon iiyak-iyak siya eh ginusto niya naman ang nangyayari ngayon?!
"Mali ka ng iniisip, mali ka sa lahat ng bagay. Hindi mo alang kung anong nararamdaman ko, may pakialam ako at hindi ako nang-iiwan. Bumabawi lang ako sa mga nilalang na siyang hindi ko nakasama ng matagal na panahon at sana tinanong narin pala kita kung ano ang nararamdaman mo. Kasalanan ko dahil ako ang may dahilan kung bakit ka nagkakaganiyan, kung bakit kayo nagkakaganiyan na nagpalamon kayo sa kadiliman at galit. Nagpalamon kayo sa kapangyarihan na ibinigay ni Xyra sa inyo, hindi ako makapaniwala na siyang dating nagbibigay sa akin ng kasiyahan at aruga ay siya ding dahilan kung bakit ako malulungkot at masasaktan." Mahabang sabi ko, unti-unti niyang inalis ang hood sa kaniyang mukha kaya agad kong nasilayan ang mukha niyang malungkot na nakatingin sa mga mata ko. Ang mga mata niyang kulay asul na malungkot pero nakikita parin determinadong gawin kung ano man ang nasa isip niya ngayon. Na patayin ako sa kamay niya.
"Walang ibang paraan, ibigay mo nalang ang buhay mo. Ibigay mo nalang Avzora nang hindi na ako mahirapan pa." Pagmamakaawa niya sa akin na ikinailing ko lang.
"Hindi masasayang ang lahat kung matagal mo na akong pinaslang habang nasa kamay mo pa ako, ginamit mo na sana ang utak mo bago mo ako hayaang mabuhay ng matagal. Mabait ako, pero alam kong alam mong isa parin akong demonyo." Seryoso kong sabi, agad akong natigilan dahil sa biglaang pagngisi niya sa akin at itinutok ang kaniyang Katana. Baliw na siya!
"Nagpadala ako sa emosyon ko, nag-aruga ako ng akala ko ay anghel pero lalaki din palang demonyo. Sana nga pala ay pinatay na kita noon pa, sana inilunod na kita sa ilalim ng dagat." Turan niya, napailing nalang ako sa sinabi niya at naghanda. Napansin ko din ang pagbabago ng presensiya ni Helbram, he is using now his Reform Magic.
"Bakit mo pa kasi hinayaan na lumaki ang demonyo na ito, Amang Cylechter."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro