Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 56

Avzora.

Seryosong nakatingin ngayon si Headmistress sa babaeng tinawag niyang Xyra, nakangisi lang sa kaniya ang babae na para bang nagtataka kung nasaan siya nanggaling at kung sino siya.

"Hmm—ibang presensiya, pero paano ka nakapasok sa mundo ng orasan?" Nagtaka ako dahil sa sinabi ni Xyra, mundo ng orasan? Anong ibig niyang sabihin do'n? Inilibot ko ang buong paningin sa paligid at napansin kong wala paring estudyanteng lumalabas, wala paring nagpapakita kahit isa sa kanila na kanina ko pang ipinagtataka.

"Mundo ng oras na kaya ko ring pasukin, hindi lang naman ikaw ang may kayang gawin 'yon." Napatingin ako kay Headmistress sa sinabi niya, kitang-kita ang mga mata nitong seryoso na parang hindi niya alam ang salitang 'ngiti'. Ngayon ko lang siyang nakita na ganiyang kaseryoso sa isang bagay, pero hindi parin dapat ako maging kompiyansa dahil iba parin ang kutob ko sa kaniya.


"Hindi ko alam na kaya mong makagalaw habang ang oras ay nakatigil, katulad na lamang ng babaeng ito na hindi alam na nasa kaniya ang isang kaluluwa ng batang babaeng Diyos ng oras. Kawawa, wala siyang plano kung paano niya maiiwasan ang kamatayan." Ngisi nitong turan, agad akong kinabahan dahil sa sinabi niya.


Nakatigil ang oras, at ang ibig niyang sabihin ay ang mga nilalang na kayang pigilan ang oras ay kayang pumasok sa mundong 'to? Nagpapatunay nga na nasa akin ang isang kaluluwa dahil nakapasok ako sa mundo na'to.

"Huwag mo siyang gagalawin, ako muna ang iyong makakalaban kapag ginalaw mo siya." Agad akong nagulat sa sinabi ni Headmistress, hindi ko inasahan ang sinabi niyang 'yon na ikinanuot naman ng noo ni Xyra. Namamangha itong nakatingin kay Headmistress.


"Sino ka ba at nangingialam ka sa mga bagay-bagay na dapat alam mong hindi ka dapat kabilang? Mamamatay siya at mamamatay ka din kapag nagpumilit ka, mamamatay din ang lahat ng babangga sa plano ko kaya wala din kayong magagawa. I have the power that you can't imagine, kung ano ang meron lahat ay meron din ako. Kaya walang patutunguhan ang pagtatanggol mo sa kaniya, tadhana ng mga Diyos at Diyosa ay kamatayan kapag ako ang kaharap." Ngisi nitong sabi, hindi ko alam kung ilang beses na akong napapalunok dahil sa mga sinasabi niya. Lahat ng mga kataga ay may pananakot na tono, na para bang lagi niyang ipinapaala na hindi na kami mabubuhay pa ng matagal.


"Huwag kang pasisiguro, hindi mo labis kilala ang nasa harapan mo." Ngayon ay nakangiti na si Headmistress, ngiting siyang nagbibigay sa akin ng kaba. 'Yong ngiti niya na magpapatayo ng balahibo mo sa buo mong katawan, silang dalawa lang ang nakagagawa nito sa akin. Silang dalawa lang ang nagpapalito sa akin ng ganito kung sino talaga sila at paano sila naging ganito katapang sa isa't isa. Lalo na si Headmistress, paano niya nalalabanan ang pananakot ni Xyra kung ang kaniyang presensiya ay hindi gano'n kalakasan at wala itong katiting sa presensiya at kapangyarihan ng babaeng nasa harapan niya?


"Matapang kang babae, sino ka at bakit hindi mo ipakilala ang tunay mong anyo?" Ngisi ngayong turan ni Xyra.


"Bakit ko ipapakilala ang sarili ko kung alam mo na kung ano ang tunay kong presensiya? Huwag kang magkunwari na hindi mo alam kung sino ako at alam mong alam ko kung paano ka matatalo, huwag na huwag mo akong susubukan Xyra." At doon na naging seryoso ang ekspresiyon ni Xyra, nagbago kaagad ang timpla ng kaniyang mukha dahil sa sinabi ni Headmistress.

"Kapag ginalaw mo ang babaeng ito, wala akong pakialam kung buhay ko man ang kapalit. Hindi mo alam kung ano at paano maging isang magiting na mandirigma, Xyra. Malayong-malayo ka sa inaakala ko, malayong-malayo ka pa sa totoong malakas." Headmistress said while her eyes are looking at me, binabantayan niya ako at mamaya-maya ay napapatingin siya kay Xyra dahil baka kumilos ito ng hindi namin nalalaman. Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya, isasakripisyo niya buhay niya para sa akin?


"Paano ko naman malalaman kung sino ka? At paano mo din nalaman na hindi ako kasing-lakas ng sinasabi mo? Hindi mo alam kung paano ako nag-ensayo at paano pinaghirapan ang kapangyarihan na meron ako ngayon. Bago pa kinuha ng kapatid ko pabalik ang mga responsibilidad ng mga Diyos at Diyosa lahat dito, nasa akin na ang kalahati. Kaya alam kong hindi na nila ako mapapantayan at kapag napatay ko na lahat ang mga nabubuhay dito na mga Diyosa, haharapin ko ang kapatid ko kung saan man siya nagtatago ngayon. Hahanapin at hahanapin ko siya kahit saang bagay man siya nakatago!"


"Hindi mo alam ang sinasabi mo, hindi mo siya makikita dahil sa gusto mo lang. At hindi mo rin mapapatay ang mga Diyosa dito dahil hanggang nandidito pa ako, poprotektahan ko sila kahit anong kapalit. At huwag mo kong niloloko, huwag ka ng magpanggap dahil kilala mo na ako Xyra. Kaya ka nagiging ganiyan kaseryoso dahil alam kong kilala mo kung sino ako, kung ano ang tunay kong kaanyuhan kaya ano? Handa ka na bang kaharapin ang pagbagsak mo?" Ngising turan ni Headmistress, agad namang nainis si Xyra sa sinabi nito at napaatras.



"Babalik ako, kapag bumalik ako ay alam mo na ang sagot sa katanungan mo. Hindi mo ako matatakot at hindi ako aatras diyan sa kapangyarihan na meron ka. Pinaghandaan ko na ang posibilidad na'to, pinaghandaan ko na ang hinaharap kaya huwag mong ipikit ang mga mata mo. Dahil kapag ginawa mo 'yon, mawawala isa-isa ang mga mahahalaga sa'yo." Seryoso nitong sabi at bigla nalang naglaho sa harapan namin. Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi nila, basta ang alam ko ay magkalaban sila at magkagalit sila sa isa't isa.



Agad akong napatingin sa kapaligiran at nakita ko kung paano nagsilitawan ang mga estudyante na parang walang nangyari. They are talking, shouting and playing with their powers.

"Nasa loob nga talaga tayo ng mundo ng oras, kung saan hindi mo makikita ang mga nilalang na hindi kayang kontrolin ang oras?" Tanong ko kay Headmistress na ikinatango lang nito at napatingin sa mga mata ko.

"Kaya ko gustong magkatabi lang kayo palagi ni Alfalla na kapatid mo dahil delikado ang buhay ninyong dalawa kapag magkahiwalay kayo. Hindi kakayanin ng isa sa inyo ang kapangyarihan ni Xyra, oo malakas siya. Malakas na malakas kaya hindi dapat minamaliit ang kakayahan niya. Ikaw, mag-iingat ka palagi Avzora, mag-iingat ka dahil hindi sa lahat ng panahon ay may nagbabantay sa'yo." Seryoso nitong turan pero kaagad naman itong napalitan ng ngiting matamis.


"Sino po ba kayo? Bakit gano'n nalang siya napaatras dahil sa sinabi mo? At hindi halata sa presensiya na meron kayo ngayon na kaya niyo ding kontrolin ang oras." Sambit ko, napalunok siya sa tanong ko at agad napaiwas ng tingin.

"Hindi pa ito oras para malaman mo ang totoo, pero kilala ko si Xyra. Kilalang-kilala ko siya, isa siya sa hayok sa kapangyarihan no'ng kapanahunan pa nila at saksi ako sa pagiging demonyo nito sa lahat. Hindi niya tanggap na hindi siya nahatian ng kapatid niya ng kapangyarihan, na hindi siya nabigyan ng kapirasong hiyas na galing sa makapangyarihang bato."


"Ang makapangyarihang bato na ba ito, buo na ba ito ulit? Dahil sinabi niya na binawi ng kaniyang kapatid ang mga responsibilidad ng Diyos at Diyosa dito noon." Tanong ko ulit, umiling lang ito at tumingin sa akin.

"Kalahati nalang ang bato, ang isa kalahati naman ay nasa kay Xyra na kaya gano'n na siya kalakas. Inunahan niya ang kapatid niya na kunin ang mga responsibilidad ng iba kaya gano'n siya kalakas ngayon. Napapantayan niya na ang lakas ng totoong Diyos at Diyosa." Tugon naman nito kaya napatango ako.


"Sino ba ang may gawa ng makapangyarihang bato? Paumanhin dahil sa dami ng katanungan ko pero hindi ko lang maintindihan kung bakit nangyayari ito. Kung bakit nasa akin ang kaluluwa na sinasabi niya, na nasa akin ang kaluluwa ng batang babaeng Diyosa ng oras. Paano ito nangyari na hindi ko man lang nalalaman? At ang kapatid naman ng kaluluwa na nasa katawan ko ay nasa katawan ni Ate Alfalla. Ginugulo nito ngayon ang utak ko, pati ang katauhan niyo ay ginugulo din ako na hindi ko malaman-laman kung ano talaga ang pakay niyo." Direktang sabi ko sa kaniya, inilapit niya ang kaniyang palad sa pisngi ko at hinaplos ito na siyang ikinapikit ko lang dahil sa kakaibang pakiramdam ng paghaplos niya. Na para bang may hinahanap akong nasa kaniya lang matatagpuan.



"Ang makapangyarihang bato ay gawa ng totoong mga malalakas na Diyos at Diyosa para mailigtas ang bawat mundo. Naatasan ang dalawang magkapatid na bantayan ito pero sa hindi inaasahang pangyayari, nabiyak ito ng kapatid ni Xyra na siyang nagpakalat ng kapangyarihan sa buong mundo. At doon na nagsimula ang kadiliman dahil din sa selos at pagkahayok ni Xyra. At ang kaluluwa na nasa katawan mo? Hindi malalaman ng kung sino kung paano nakuha ang kaluluwa Iha, sumasanib ito sa katawan na magugustuhan nila na may malakas na pisikal at kapangyarihan na siyang magpoprotekta sa kanila sa pangalawang kamatayan. Kaya ingatan niyo sila, magbibigay din sila ng lakas sa inyong kapangyarihan. At ako, kung sino ako?" Nakinig lang ako sa paliwanag niya, ni hindi ako makasagot dahil sa seryoso niya itong ibinabahagi sa akin ngayon. Hindi ako nagsalita para agad kong maintindihan ang sinasabi niya.

Maprotektahan ang mga kaluluwa sa pangalawa nitong kamatayan? Kaya pala na sa amin ang kaluluwa dahil sa kakaiba naming lakas ni Ate Alfalla, kalahating Enchantress at kalahating demonyo at biniyayaan pa ng kapangyarihan ng tunay na Diyos at Diyosa. Kami ang napili dahil may pag-asa silang mabuhay, may posibilidad na maililigtas namin sila gamit ang kapangyarihan namin. Puwede kaming magtulungan ng kaluluwa na nasa aming katawan para puksain ang kadiliman. Tama, magtutulungan kami.


"Hindi mo muna kailangang malaman kung sino ako, balang-araw ay ikaw na mismo ang makakatuklas kung ano ang tunay kong katauhan. Maniwala ka lang sa kakayahan mo, maniwala ka sa kapangyarihan mo at magtiwala ka lang sa paligid mo dahil alam kong kakayanin niyo ni Alfalla ang mga nangyayari ngayon. May tiwala ako sa inyo at sa kapangyarihan ninyo." Sabi nito, ngumiti pa siya sa akin bago siya naglaho.


"Kung hindi dahil sa kaniya, patay na sana ako ngayon at ang kaluluwa na nasa katawan ko. Paano nalang kung hindi siya dumating? Paano nalang kung hindi niya natakot ang Xyra na 'yon? Katapusan ko na nga ba?" Bulong ko.

Napatingin ako sa tatlong nakahiga sa lupa, nanlaki ang mga mata ko dahil muntikan ko ng makalimutan na nandidito pa pala sila. Agad kong itinapat ang mga palad ko sa kanilang puwesto and I casted a spell kung saan ite-teleport sila pabalik sa kanilang Academia.


Napaluhod nalang ako matapos kong gawin 'yon, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanghihina ako dahil sa mga isiping malaking gulo ang kakaharapin namin ni Alfalla dahil sa makapangyarihan na Executioner na 'yon.

Napalingon ako sa likuran dahil sa isang presensiya at bumungad sa akin ang kaniyang mukha. Mukha niya na hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko dahil sa ginawa niyang kasalanan sa amin ni Ate Alfalla.


"Gising ka na pala Brooch, ayos ka na ba?" Awkward kong tanong sa kaniya, ni hindi ko siya makausap ng maayos dahil hindi naman kami malapit sa isa't isa at ang isa pang rason ay nang dahil sa kaniya, nagkahiwalay kami ni Ate Alfalla.


Tumango lang siya sa sinabi ko, agad niya akong tinalikuran kaya hindi ko na siya pinigilan pa. Hindi nga din siya makapagsalita dahil sa sumpa na ibinigay sa kaniya ni Tito Mever, naabutan ko pa si Tito Mever no'n na pinaparusahan si Brooch. Kitang-kita ko talaga ang galit nito habang kinukuha ang boses ni Brooch.


"Kailangan ko ng maghanda, at sa pagbabalik ng Xyra na 'yon ay alam ko na ang gagawin ko." Bulong ko, kaagad akong tumayo at muntikan pa akong matumba dahil sa panlalambot ng tuhod ko.


"Ayos ka lang?" Lumingon ako sa lalaking patakbong papunta sa akin, nginitian ko siya ng matamis pero hindi ko na talaga nakayanan ang hina ng tuhod ko kaya bumagsak na ako. Napapikit ako dahil baka sa lupa ako bumagsak pero braso niya ang sumalo sa akin at nabagok ang ulo ko sa dibdib niya.

"Tsk, mag-iingat ka nga palagi Alfalla. Kung anu-ano na naman ata ang pinaggagawa mo sa buhay. Wala ka sa dorm mo kaya nagbabakasakali akong nandito ka at tama naman ako." Turan ni Helbram, ngumiti nalang ako.



"Pero alam mo? Gusto kong lagi kang nakayakap sa akin ng ganito. Gusto kita yakapin ng ganito kahigpit, I will protect you kahit buhay ko pa kapalit. Because you are important to me, because I'm falling to you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro