Chapter 53
Avzora.
"This is getting insane, delikado na nga talaga ang mundo natin. Queen Satanina of Westheria died yesterday dahil sa same killer na pumatay sa Headmistress ng Satharia Academia at Lola daw nila Alisis. Kinikilabutan ako kapag naririnig ko ang mga balitang 'yon, mas mabuti kong nagpapakita ang kalaban kaysa gumagawa ito ng aksiyon na hindi natin nalalaman." Sabi ni Leera na ikinalungkot ko, balitang-balita nga ang nangyari at hindi man lang ako nakapunta sa pagpapaalam kay Queen Satanina. Sa isang iglap ay bigla nalang itong naglaho na hindi nalalaman at nababantayan ng lahat.
The killer must be powerful at nakaya niyang patayin ang isa sa pinakamalakas na mandirigma noon, hindi ko maisip na gano'n nalang para sa kaniya ang kitilin ang buhay ni Queen Satanina. Sino kaya siya? At bakit gano'n nalang kadali sa kaniya ang pumatay?
Kagagawan na naman ba 'to ng Executioner? Kagagawan na naman ba nila 'to?
Naalala ko bigla ang babaeng 'yon, ang kapangyarihan at presensiya niya ay hindi mapapantayan ng kung sino man at kapag may nakapantay nga, siguro ito ang makakatalo. Lagpas na sa kakayahan ko ang presensiya ng babaeng 'yon, balita sa buong Academia ang biglaang pagsulpot ng napakalakas na presensiya niya na para bang sinasadiya niyang iparamdam kung gaano siya kalakas. Hindi siya natatakot na atakihin o hulihin siya dahil alam niya sa sarili niya na kakayanin niya kung sino man ang magpaplanong umatake.
Nasa field kami ngayon, ensaktong walang sinag ng araw dahil napapalibutan ng makapal na ulap ang araw kaya hindi masakit sa balat. Si Leera na kasama ngayon si Alkar na katabi niya, si Jaffna naman na kaharap si Pauros na ngayon ko lang nakita. Si Venedict din naman na nasa tabi ni Jaffna habang katabi ko naman si Helbram na seryoso lang na nakatingin sa kalangitan.
"This is really getting insane, sabi ni Tito Wyeth sa akin na masiyadong malakas ang gumawa nito. Nalingat lang sila ay kaagad nawala si Lola Satanina." Pauros open up, tumango naman sa kaniya si Leera.
"Kaya nga dapat mag-ensayo na ang lahat para sa darating na laban, hindi man natin alam kung kailan pero dapat tayong mag-ingat. Dapat din tayong maging handa dahil tayo ang maaagrabyado kapag hindi tayo kikilos at tutunganga lang." Tugon ulit ni Leera.
"I saw the Elementalist Deparment na nag-eensayo na by order, they are separating the student who can manipulate fire, water, air, land and nature. Kaniya-kaniya na silang nagpapalakas sa kanilang mga kapangyarihan dahil sa nabalitaan nila na sunud-sunod na pagkakamatay ng mga Mahaharlika." Sabat ni Jaffna.
"Kailangan na din nating maghanda, hindi pa dumadating si Alfalla para matulungan tayo. Kaya kailangan nating mag-isip ng paraang kung paano natin 'to malulutasan ang problema na'to." Alkar said.
Alam na nila na kapatid ko si Ate Alfalla pero hindi nila alam ang buong kuwento maliban nalang kay Leera at kay Jaffna. Ako na ang nagsabi dahil sa gusto kong sabihin sa kanila na kapatid ko si Alfalla, at hindi ko ikinakahiya si Ate na kahit magkalayo kami ng ugali.
"How come na nakakapasok lang ang pumapatay?" Tanong ni Venedict, napatingin siya sa mga mata ko.
"Hindi ko alam, pero para sa akin— labag man sa kalooban ko pero baka isa lang sa Mahaharlika ang gumagawa ng krimen." Si Leera na ang sumagot pero napailing din ako sa sinabi nito, posible din ang sinabi niya at gano'n na din ang naisip ko no'ng pinatay si Tita Avanza.
"Puwede ding kagagawan ng Executioner ito, ang huli naming na-engkuwentro ay pinasok pa ang dorm namin. Jaffna inhaled the violet smoke na siyang ikinawalan ng malay niya for twenty-four hours, gano'n din ang mga alaga namin. Mabuti nalang agad ko silang naagapan kaya naka-recover sila kaagad. Baka ang babaeng 'yon ang hinahanap nating killer, madali lang sa kaniya ang makapasok at patulugin ang kung sino mang humaharang sa kaniya. Baka 'yon din ang ginawa niya sa mga pinatay niya." Turan ko, napatango naman sila sa sinabi ko.
"And I must say na ang kapangyarihan ng babaeng 'yon ay mas malakas pa sa kapangyarihan nina Avzora at Alfalla. I was there with Avzora at naramdaman ko kung gaano kalakas ang presensiya niya and just her glares can make you kneel." Tumango-tango ako dahil tama ang sinabi ni Helbram. Hindi nga talaga biro ang kapangyarihan ng babaeng iyon, lagpas na sa kakayahan namin ni Ate Alfalla.
'Ate, sana bumalik ka na para agad nating malaman ang katotohanan. Ilang araw ka na sa impyerno, you need to go back as soon as possible dahil kailangan na kailangan ka namin.' Sabi ko isipan ko habang nakatingin sa lupa.
"Hindi kaya si Alfalla ang salarin?" Agad akong napalingon sa bagong dating, Alisis with her cousin Mebill. Kontrabida talaga lagi ang role nila kapag nagkakagrupo kami, lagi nalang silang sumusulpot na parang mga kabute kung saan-saan.
"Huwag kang mambintang kung wala ka namang sapat na ebidensiya, kung mambibintang ka man rin ay sa sarili mo ituro dahil baka hindi natin alam, you're just pretending pero ikaw pala ang nasa likod ng krimen na'to." Tinignan ko naman si Jaffna dahil sa sinabi niya, napatingin siya sa akin kaya tinignan ko ang mga mata niya na tigilan niya muna ang pagsasalita ng masama.
"And how come na papatayin ko ang sarili kong Lola? Nababaliw ka na ba? At tiyaka, posibleng si Alfalla ang may gawa ng lahat dahil diba? Sinabi niya na sa amin noon na kami ay subject niya at ang mga magulang namin. At matagal niya na kaming kilala at ang mga magulang namin na siyang mas lalong nagtutulak sa kaniya na siya nga ang kauna-unahang pumatay kay Lola, at siguro kay Lola Thorna din at Lola Avanza. Huwag niyo na nga siyang ipagtang—"
"Kapag hindi ka pa tumigil, hihilahin ko 'yang nguso mo!" Agad na sigaw ni Leera, napataas lang ang kilay ni Mebill habang nakangising nakatingin sa amin.
"Ate Alisis told me na ang pumatay sa Lola namin, kay Lola Thorna at kay Lola Avanza ay may mga mapupulang matang taglay. 'Yon ang paulit-ulit na napapanaginipan ni Tita Genesis and Avzora also Alfalla have this kind of eyes. Nagpupulahang mga mata na nag-aapoy sa loob nito? Hindi ba kayo lang ang may gano'n, Avzora? Well since wala sa ugali mo, kaya si Alfalla ang kahuli-hulihang may gano'ng mga mata at siya din ang posibleng pumatay." Ngisi nitong turan, napatingin ako kay Alisis na nakatingin sa akin ng seryoso.
"Aba't—" Napatigil si Leera nang magsalita si Alisis.
"Hindi din dapat tayo nagkokompiyansa, hindi natin alam na kung sino ang mabait ay siya din may kulo sa loob." Turan ni Alisis, agad napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya at hindi ko nagustuhan ang ibig niyang sahihin do'n. Paano ko naman mapapatay ang mga kagalang-galang na mandirigma sa kapanahunan nila na siyang nagligtas sa buong Avalon? Paano ko magagawang pumatay kung karespe-respeto sila at kagalang-galang na mga mandirigma na inalay na halos ang buhay para kang mailigtas ang mundo na'to mula sa karahasan, kasinungalingan at kadiliman kung ako nga ang pinaparinggan niya?
"I don't like the tone of your voice Miss, kung ayaw mong umalis baka ako pa ang gumawa no'n sa'yo." Hinawakan ko kamay ni Helbram para huminahon siya, hindi din dapat minamaliit ang kakayahan ni Alisis dahil isa parin siyang Diyosa na napasahan ng kapangyarihan. May kakayahan pa din siyang wasakin ang Academia na ito dahil sa lakas ng mga responsibilidad na napasa sa kaniya.
"Try me, baka hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sa magaling at nagbabait-baitan mong Girlfriend." Tugon naman ni Alisis na ngayo'y nakangisi na.
"Umalis ka na Ate, huwag kang manggulo sa amin dahil hindi ka naman namin ginugulo. Just stay away from us, stay away." Agad napalingon si Alisis sa kapatid niya na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na sasabihin 'yon ni Alkar sa kaniya, nakita ko ang sakit na agad na naramdamn ni Alisis hanggang sa naglaho na ito sa harapan namin. Mebill teleported too kaya agad kaming napabuntong-hiningang lahat.
"Hindi ko na kilala si Ate Alisis, hindi na siya ang dating kapatid ko na walang gagawin kundi ang magmatiyag sa mga mali namin. Ngayon, siya na mismo ang gumagawa ng mali para sa lahat. Hindi na siya ang kapatid na kilala ko." Sabi ni Alkar, agad namang hinawakan ni Leera ang kamay nito.
"You can still count on us, kaibigan mo ako at siyang kaibigan mo narin ang mga kaibigan ko okay? Hindi ka nag-iisa, at tiyaka sanay na kami sa mga ugali no'n at ang atin lang ay maging handa tayo lalo na si Alfalla ang tinuturo nila ngayon. Imposibleng gawin 'yon ni Alfalla, oo pangit ang ugali no'n pero alam ng puso ko na hindi niya magagawa ang mga bagay na ibinibintang sa kaniya."
"Tama si Leera, siya ang nagpamulat sa akin kung paano kumilos ng malaya. Now, I can do whatever I want to do na walang sagabal at makakapigil." Jaffna said na siyang ikinangiti ko.
"Tinulungan niya din ako kung paano maging malakas sa paggamit ng kapangyarihan ko, hindi man literal na tinuruan pero siya ang dahilan kung bakit ako nag-ensayo ng maigi." Segunda naman ni Pauros.
"Tinulungan din ako ni Alfalla para mapatawad ni Leera, tinulungan niya akong maging matatag at paano maging matapang sa sarili kong kakayahan." Sabi ni Alkra habang nakangiting nakatingin kay Leera.
"Well, gano'n din sa akin. She taught me how to be independent and strong." Tugon naman ni Leera. Napatingin kaming lahat kay Venedict dahil sa pananahimik nito, tinignan niya kami sa mga mata na parang tinatanong kung bakit kami nakaharap sa kaniya lahat.
Napabuntong-hininga siya at tumingin sa amin.
"Dahil sa kaniya, nalaman ko kung paano maging seryoso sa buhay at hindi puro yabang lang. Na dapat din mag-isip, na dapat ding isapuso ang lahat at isautak ang mga bagay na kahit maliit man o malaki. And now, I'm waiting for her for me to say sorry dahil sa mga nasabi ko sa kaniya. Nakapag-sorry na ako pero hindi ko natapos dahil sa may biglang sumulpot." Agad naman akong namangha dahil sa mahaba nitong sinabi.
"I didn't expect na bumalik na ang mahabaing magsalita na si Venedict." Asar ni Pauros na ikinangiti nalang ni Venedict habang napapailing.
"Pero Venedict, paano mo natutunang maging patience sa ugali ni Ate? Diba magkababata kayo noon pa man? Bakit hindi na kayo nagpapansinan at nagkakamustahan?" Tanong ni Alkar, agad naman akong nakuryus dahil hindi ko alam na magkababata pala sina Alisis at Venedict.
"Well we grew up together, we shared memories and secrets before. Kasiyahan man o kalungkutan pero nagbago lang ang lahat nang matuklasan niya ang kakayahan niya, ang tunay niyang kakayahan na siyang ikinatakot ng buong Mahaharlika dahil sa baka ipahamak siya ng buong mamamayan sa Avalon. Hindi na siya lumabas no'n at tanging ako lang ang nakakaintindi sa kaniya, pero nagulat nalang ako na hindi niya na ako kinakausap and that day inamin niya din sa akin na ayaw niyang lumalim ang nararamdaman niya para sa akin. Hindi niya alam na nararamdaman ko din ang nararamdaman niya pero ilang taon na ang lumipas na hindi na kami nagkakita, at sa Academia na kami nagkausap ulit." Nakikinig lang kaming lahat sa ikinukuwento niya, mukhang masakit sa kaniya ang nangyari dahil magkababata pala sila dati.
"She changed a lot, ang dating masiyahin at maantukin na si Alisis ay naging seryoso na sa bagay-bagay. Kaya kusa na akong lumayo sa kaniya at mas lalo siyang lumayo sa akin no'ng ipinagtanggol ko si Alfalla sa kaniya no'ng nag-aaway sila. Do'n nagbago ang buhay ko dahil sa kakayahan ni Alfalla, her personality, her beauty and being mystery girl."
"Hmmm—hindi na misteryoso ang lahat para sa kaniya, alam mo kung ano na ang misteryo? Ang nararamdaman mo ngayon kay Alfalla kung tama nga ang hinala ko, may gusto ka sa kaniya." Ngayong ngiting sabi ni Jaffna.
Hindi nakasagot si Venedict pero ngumiti lang ito ng pilit.
"Sana mapatawad pa niya ako." Turan nito na ikinangiti ko naman.
"Mapapatawad ka no'n, ang dapat mo lang gawin ay aminin sa kaniya ang bumabagabag sa'yo at aminin kung ano ang tinitibok ng puso mo. At tiyaka, alam mo na ang dapat gawin bilang lalaki. Gawin mo ang lahat na makakapagpasaya sa kaniya."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro