Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 51

Avzora.


"Hindi ako makapaniwala na tumakas tayo sa labas ng Academia. Baka may makahuli sa atin ah? Ikaw magrason!" Agad kong turan kay Helbram na ikinatawa lang niya. Napangiti ako at least alam niya kung paano tumawa at ngumiti ng malapad sa harapan ko na hindi nagdadawalang-isip. Pero gano'n parin naman pag-uugali niya kapag kaharap niya ay iba, sinisimangutan niya ito na para bang ayaw niyang makita. Lalaking 'to talaga parang baliw eh.


Napatingin ako sa mga puno na punong-puno ng mga bunga, ang malamig na hangin na humahaplos sa mga balat ko ay nakakagaan sa pakiramdam. Mga huni ng ibon na parang musika sa aking pandinig at ang ragasa ng ilog na malapit sa amin ay siyang nagtutulak sa akin para magtampisaw. Pero hindi magpapahuli ang mga magagandang kubo na may kaniya-kaniyang tinda, ang dami ngang mamamayan dito at alam kong galing sila sa iba't-ibang bayan at isla. Nandito sila para mamili ng mga gamit na hindi ata nabibili sa kanilang mga bayan at isla.


"Cluestia is such a nice isle, mayaman sa lahat ng bagay." Tumango ako sa sinabi ni Helbram dahil tama nga ang sinabi niya, kung ano ang mayaman sa bawat isla dito sa Avalon ay nandito makikita kaya dumadagsa ang mga mamamayan sa pagbili.


"May nakapagsabi sa akin na may malaking parke sa likuran ng mga tindahan na 'yan, we need to go there." Ngiting sambit sa akin ni Helbram, nginitian ko naman siya pabalik at hinawakan ang kamay niya. Napatingin siya sa dalawa naming kamay at agad din nitong ibinalik sa akin ang mga tingin.

"You're so clingy." Napasimangot ako sa sinabi niya.


"Edi huwa—"

"But I like that." Natigilan ako sa paghila niya sa akin, tignan mo kung sino na ngayon ang humihila sa akin? Nagkapalit na kami ng puwesto ngayon tapos sasabihin niya na clingy ako? Masama bang maging gano'n at kailangan pa niyang sabihin 'yon? Hayst, hindi ko talaga maintindihan minsan si Helbram.


Pinapalibutan ang mga kubo ng mga magaganda at berdeng mga puno, napapansin ko din ang mga iba't ibang bulaklak, may mga asul, pula, dilaw at puti.

Ilang minuto kaming naglakad hanggang sa mapanganga ako sa nakikita ng mga mata ko ngayon.

Isang napakalaking fountain ng isang Phenoserous, malaking Phenoserous habang nakatanaw ito sa liwanag ng kalangitan ngayon. Estatwa lang siya pero para siyang totoo dahil sa kumpletong kulay ng mga pakpak at buntot nito, kulay ng bahaghari. At ang sungay nito at masiyadong mahaba habang ang mga mata naman nito ay kinulayan ng pula. May lumalabas na tubig mula sa buntot nito at sa sungay na nasa noo nito na umaagos hanggang pababa. Napalapit ako habang hawak-hawak ang kamay ni Helbram, napatingin ako sa kung saan bumabagsak ang tubig.


"Ang daming coins dito, ano naman kaya ang dahilan kung bakit ganiyan kadami? Sinasayang nila mga pera nila." Turan ko na ikinahagikhik lang ng kasama ko.


"Silly. They are throwing coins to make a wish."

"Talaga?! Nagkakatotoo ba ang hiling mo kapag nagtapon ka ng barya diyan?" Tuwa kong tanong, nagbikit-balikat lang ito na siyang ikinasimangot ko naman.

"Ikaw talaga Helbram minsan wala kang silbi kausap, kakasabi mo lang na nagtatapon sila ng barya diyan para matupad hiling nila diba? Tapos iiling-iling ka?" Simangot kong sabi, may kinuha siya sa bulsa at inabot sa akin ang isang gintong barya.


"Hindi ko alam kung nagkakatotoo, but we are here to prove what they are saying. Sabay nating ihuhulog ang barya at sabay tayong pipikit, okay?" Tumango nalang ako at kinuha ang barya na inabot niya, humarap kami sa fountain ng Phenoserous at nagbilang kami ng sabay hanggang sa pangatlo. Sabay naming naihagis ito at agad akong pumikit, hindi ko alam kung sabay kaming napapikit.


Hinihiling ko na sana maayos  na ang lahat sa mundo na ito at makasama ko na ang mga mahahalagang mahal ko sa buhay na walang gulo at pag-aalinlangan.

Nakangiti akong napadilat at kaagad tinignan ang mga mata ni Helbram na nakatingin sa akin ngayon.

"Anong hiniling mo?" Ngiti kong tanong.

"Hindi puwede sabihin, baka hindi daw matupad so we keep it a secret." Tumango nalang ako at inilibot pa sa paligid ang mga mata ko.

May mga parihabang upuan at karamihan dito ay tigda-dalawa ang magkakasama. Bawat parihabang upuan ay may kani-kaniyang hindi gaano kahabang poste sa side nito, siguro poste ito ng ilaw at maganda siguro dito kung gabi. Hindi ko namalayan na ang tinatapakan namin ay gawa na pala sa tiles, mahaba at malaki ang espasiyo dito. Bakit hindi ko alam ang lugar na'to? Matagal-tagal na ako dito ah?


"Ito na ang pinakadulo ng isla sa Cluestia, kaharap nito ay Isla Westheria na."

"Hmm— ano pang gagawin nati—" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglang may kumirot, napaluhod ako dahil sa hindi ko kinaya ang sakit. Napakasakit talaga na para bang tinutusok din ng karayom ang dibdib ko.

"Anong nangyayari sa'yo? Hey look at me Avzora!" Hindi ko na masiyadong marinig ang boses niya pero tanging ang hiyaw lang ng kung anong hayop ang naririnig ko. Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa napagtanto.

"S-Si Moon, may nangyayari sa kaniyang masama." Sabi ko, agad naman akong binuhat ni Helbram at sabay kaming naglaho. Agad kaming napunta sa harapan ng malaking gate ng Natharia Academia, hindi kayang makapasok ng teleportation ni Helbram dahil sa panibagong barrier na ipinalibot sa buong Academia. Agad akong napapaikit dahil sa sakit na naman ng dibdib ko.


"Teleportation." Pagbigkas ko ng spell at kaagad kaming nilamon ng liwanag ni Helbram ng liwanag at ngayon ay nasa harapan na kami ng dorm namin ni Jaffna. Agad akong kinabahan dahil sa bukas na pintuan, naririnig ko ang mga pagbasag mula sa loob. Tinignan ko si Helbram na nakatingin din sa akin ngayon, dali-dali akong pumasok at agad akong napatakip sa bibig ko dahil sa walang malay na si Jaffna.


"Jaffna!" Sigaw ko, agad ko siyang nilapitan at hinampas-hampas ng mahina ang kaniyang pisngi na baka sakaling gumising siya pero bigo ako dahil nasa mahimbing na siya ng pagkakatulog. Agad kumuyom ang mga kamao ko at agad kong pinuntahan ang kwarto ko, sinipa ko itong binuksan at bumungad sa akin ang nakangising babae na nakaupo sa kama na hindi ko pa kailanman nasilayan ang mukha. Nasa paanan nito ang mga alaga namin ni Ate Alfalla na wala na ding malay at puno ng mga sugat ang katawan.

"Sino ka?! Anong ginawa mo sa kaibigan at sa mga alaga ko?!" Sigaw ko sa kaniya.

Naka-link na kay Moon ang kapangyarihan ko kaya kung ano ang nangyayari sa kaniya ng masama ay sasakit ang dibdib ko. Ganito din kaya ang nararamdaman ngayon ni Ate Afalla?


"What did you do to them?" Seryosong tanong ng nasa likuran ko, pero ngisi lang ang isinagot niya sa amin.


Pagtayo niya ay siyang kaagad kong kinaatras dahil sa napakalakas niyang kapangyarihan. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa babaeng nasa harapan namin ngayon. Napakalakas, hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ganiyang lakas pero alam kong delikado siya. Humakbang siya papalapit sa amin na siyang ikinaatras namin ni Helbram. Alam kong nararamdaman ni Helbram ang malakas na presensiya niya.


"Babalik ako, at sa pagbalik ko ay sisiguraduhin kong babawi ako sa mga babaeng pinatay ninyo." Ngisi nitong turan hanggang sa naglaho na ito sa harapan namin.


Hindi ako nakagalaw dahil sa sobrang gulat, sa lakas ng kaniyang presensiya at sa lakas ng kapangyarihang bumubuo sa kaniyang katawan ay siyang alam kong may panibago na namang gulo.

"Her power presence is not joke, sino ang babaeng 'yon?" Tanong ni Helbram.

"Hindi ko rin alam, ang mahalaga ay malaman ng mga Mahaharlika ang nangyari ngayon dahil hindi ito biro. Hindi ito simpleng gulo lang at sa kung tama ang hinala ko, ang mga babaeng tinutukoy ng babaeng 'yon ay ang dalawang babaeng Executioner na namatay na." Turan ko, agad kong tinakbo ang puwesto ng mga alaga namin ni Ate Alfalla.


"Tulungan mo akong buhatin sila sa labas." Binuhat ko si Sun habang buhat naman ni Helbram si Moon at si Saifah.


"These creatures, how long did they live here in your dorm?"


"Matagal-tagal na, those Phenoserous are gift from a real Titan Gods and Titan Goddesses at ang munting tuta naman na 'yan ay galing sa isa sa mga prinsipe ng impyerno." Sagot ko, itinabi ko si Sun at si Moon na kakalapag lang din Helbram.


"They are forbidden animal, how come na meron kayo niyan?"

"Ang sa akin ay bigay ni Tito Specter, the King of Westheria at ang isa ay premyo ni Alfalla sa laro na sinalihan mo." Tumango naman siya at agad akong tinabihan na nakaluhod ngayon sa harapan ni Jaffna.


Agad kong hinaplos ang kaniyang dibdib, ginamot ang kaniyang buong katawan at napaatras kami dahil sa may usok na kulay ube ang lumitaw at agad itong naglaho. Gano'n din ang ginawa ko sa mga alaga namin ni Alfalla, nawala ang kani-kanilang mga sugat at siya ding paglitaw ng mga ubeng usok pero agad-agad din itong naglaho sa ere.


"Dahil sa mga usok na 'yon ay agad silang nawalan ng malay, kaparehang-kapareha ang mga usok na naipapalabas ng mga Executioners." Bulong ko.

"I never meet one of them, how come?" Tinignan ko sa mga mata si Helbram.

"Kung may pagkakataon man, hindi kita hahayaang makita at masilayan ang mga demonyo nilang pagmumukha. Mukha man silang anghel but they kill everyone lalo na ang mga Diyosa na namumuhay sa mundo natin ngayon. Uubusin nila ang lahi ng mga natitirang Diyosa dito hanggang sa masakop na nila ng tuluyan ang buong Gampenun. At 'yon ang dapat naming pigilang mangyari." Paliwanag ko sa kaniya, hindi siya maaaring masali sa mundo na 'to dahil kahit lakas namin ay nahihirapan sa lakas ng mga nauna. Kung hindi kami nagtulungan ni Ate Alfalla, baka kami ang napahamak.

Tumayo ako at napahawak sa ulo, may problema na naman at kapag hindi kaagad dumating si Ate ay baka mahihirapan ako. Pero naniniwala siya sa akin, naniniwala siya sa kakayahan ko kaya alam kong kakayanin ko din. Alam kong binabantayan nila ako mula sa ilalim.


"Ayos lang ba kayo?!" Agad kaming napalingon sa pintuan, agad ko naman siyang tinignan na may pagtataka sa ekspresiyon ko.


"Ayos lang kami pero sana mas maaga kang dumating sa amin para nailigtas mo ang mga nawalan ng malay dito." Hinawakan ko ang kamay ni Helbram ng mahigpit dahil sa sinabi niya, tinignan ko sa mga mata si Headmistress na nakatingin lang sa katawan ni Jaffna.


"P-Paumanhin, hindi ko kaagad namalayan ang nangyari." Turan nito, ngayon ko lang siya nasilayan na hindi nakangiti. Pero may kutob ako sa kaniya talaga, hindi ko alam kung masama ba 'to o mabuti pero may kakaiba talaga sa kaniya. Hindi naman ata tama ang rason niya dahil kahit na sino ay mararamdaman ang gano'ng klaseng presensiya at kapangyarihan.


Teka, ang babaeng 'yon? May ube na usok na lumabas sa mga katawan ng mga alaga namin at ni Jaffna? Baka isa din siyang Executioner at dahil narin sa sinabi niyang babawi siya sa dalawang babae na napaslang namin noon? Oo tama, baka nga isa siyang Executioner!

"Ayos lang Headmistress, puwede na po ba kaming umalis? Dadalhin namin sila sa Clinic." Magalang na sabi ko, lumapit siya sa amin— sa akin.

"Kailan babalik si Alfalla? Hindi puwedeng magkahiwalay kayo, hindi puwedeng malayo kayo sa isa't isa." Agad naman akong nagulat sa sinabi niya, napaatras ako ng kaunti.

"P-Paano niyo naman nalaman na umalis si Alfalla?" Tanong ko, natigilan naman siya do'n kaya ito na ang pagkakataon kong paaminin siya sa bagay na bumabagabag sa utak ko.


"Nando'n kayo no'ng kinitil namin ang huling Executioner na napatay namin diba? Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi kayo tumulong at tila nanunuod lang kayo sa ginagawa namin? Diba ang trabaho ninyo ay patahimikin ang Academia mula sa mga posibleng gulo? Bakit hind—"


"Hindi ako puwedeng mangialam sa mga bagay na alam ko na kung ano ang mangyayari. Hindi ako puwedeng mangialam dahil magbabago ang takbo ng tadhana at baka 'yon pa ang ikabagsak ng mundo niyo."



Magsasalita na sana ako nang bigla nalang itong nawala sa harapan namin. At tanging ngiti niya lang na pilit ang naaalala ko bago siya mawala.

"Headmistress Layresa, sino ka ba talaga?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro