HG15
Ignite.
Gulat na gulat akong napatingin sa puwesto ng nagngangalang Donessa. Hindi ko alam pero nangilabot ako sa pagtitig niya sa lahat ng tao like anytime she will kill every one of us dahil sa lalaking puno ng saksak ang mukha.
Tinignan ko ang lalaki and he is quite familiar.
"D-Donessa. Sino ka ba talaga?" Napatingin ako kay Genesis ng marinig ko ang boses niya. What are she talking about? Ibig sabihin hindi pa niya lubos na kilala ang ka-doormate nila? Hindi pa nila ganun ka kilala si Donessa?
Napatingin ulit ako kay Donessa na patuloy parin sa pag-iyak ng dugo sa aming harapan.
"Walang sasagot?" Mas lalo akong nagulat dahil sa naging dalawa ang kaniyang boses. Nakakatakot! Demonyo. Kung demonyo nga ang turing sa kapangyarihan ko pero ewan ko nalang kung gaano pa mas kademonyo ang kaharap namin ngayon.
Biglang inangat ni Donessa ang dalawa niyang kamay at may lumabas doon sa kaniyang mga palad na naglalagablabang mga apoy. Ramdam namin ang init at lamig sa paligid namin dahil sa ipinapalabas niyang kapangyarihan sa kaniyang mga palad. Apoy na may kasamang lamig sa enerhiya nito and its quite rare dahil ngayon lang ako nakaencounter nito.
I remember when she choked Bill's neck at may lumabas doon na apoy pero nakita ko kung paano naging yelo ang paanan ni Bill.
Napansin kong gulat parin ang iba at tila nahinto ang tugtugan sa kapaligiran. Nakita ko din sa ibang specialists na may lumalabas na din sa kanilang mga palad na iba't-ibang kapangyarihan dahil baka sugurin sila na hindi nila nalalaman.
"Ignite." Napalingon ako sa likuran ko and speaking of Bill.
"Kaya pala hindi talaga maganda ang kutob ko sa babaeng yan because of her identity. She is mysterious every time na nagkakaencounter kami. May sinasabi ang mga mata niya na kailangan kong alamin and now, nasagot na ang katanungan ko." Dagdag niyang sabi at takang napatingin naman ako sa kaniya.
"So all the time ay naging interesado ka pala sa kaniya?" Tanong ko at taas-kilay niya naman akong hinarap.
Gay! Tsk!
"Anong akala mo sa akin? Wala ng taste at pumapatol sa mga mysterious girl? No way!" Magsasalita na sana ako ng biglang may marahas na tumulak sa akin kaya natumba ako.
Pagkatumba ko ay inis kong sinulyapan ang marahas na tumulak sa akin pero nagbago ang ekspresyon ko ng nakita ko si Genesis na nakahiga na parang may iniindang sakit. I was supposed to help her pero may naramdaman akong paparating sa akin kaya umiwas ako and good thing ay nakatayo na ako kaya madali akong nakailag.
"Tama na Donessa! Huwag ka ngang magpadala sa galit mo! Pag-usapan natin to ng maayos! Huwag kang padalos-dalos!" Sigaw sa kaniya ni Menesis na ngayon ay tinutulungang patayuin si Genesis. And I realize something and it hits me. Si Genesis ang tumulak sa akin para iligtas sa kung anong kapangyarihan na binato ni Donessa.
"Nagpapatawa ka ba Menesis? You're trying to say is, I should relax like there's nothing happen?" Sarcasm is there when Donessa speak out. Nakakatakot siya kung ordinaryong specialist lang ako, dadalawa ang boses niya na para siyang sinapian.
"Nagjoke ba ako para patawanin kita?" Pilosopo namang sabi sa kaniya ni Menesis at kung hindi lang ako-kami nasa sitwasyon na ito ay baka tumawa na ako sa kapilosopohan ni Menesis. Nakakaya pa niyang mamilosospo na anytime ay kaya kaming saktan ng babaeng nasa harapan namin.
"Huwag kang mamilosopo!" Sigaw sa kaniya ni Donessa.
"Huwag ka ring sarkastiko!" Sigaw pabalik ni Menesis at nagalit naman si Donessa dahil tumigas ang panga nito. Akmang babatuin niya ng apoy niya ng may magsalita sa likuran namin.
"Long time no see Devonna."
Napalingon kaming lahat sa nagsalita and its Headmaster Dracunox with his puppies- I mean the NRS. Kasama niya sa likuran niya ang limang tao na tinitingala ng ibang estudyante. The Princes and the Princesses of Natharia.
"W-Wait! What are you talking about Headmaster? She is not Devonna, she is Donessa." Biglaang pagsabat ni Bill at hindi ko namalayan na kasama niya na pala ang ibang Diyos. The NGG. This is a great show-off.
"You're wrong Bill. She is Devonna, pretending to be a Donessa." Sagot naman sa kaniya ni Headmaster at halos hindi na sila magkaintindihan dahil hindi na tama ang nangyayari. May sikreto bang kailangang ibunyag?
"Azania." Dinig kong sambit ni Wenessa kaya napalingon naman ako kay Azania at nagulat nalang ako ng naging kulay puti ang pares niyang mga mata.
"I think its the power of prophecy. Remember, nasa kaniya ang kapangyarihan ng naunang Titan Goddess of Words and Books." Mahinang sambit ni Sayatus kaya naintindihan ko agad. Sa mga nangyayari ngayon ay parang nawawala ako sa wisyo ko.
Parang kailangan kong magpatingin sa mga healers kung may sakit na ba ako dahil unti-unting kinakain ng mga nangyayari ngayon ang utak ko kaya walang ibang laman kundi itong mga sitwasyon ngayon.
"Mawalang-galang na po old-I mean Headmaster. Nagkakamali naman po kayo ng pagpangalan sa kaniya. Bill is right, she is not Devonna na tinatawag mo but she is Donessa." Sabi sa kaniya ni Menesis at napatingin ako kay Donessa na nakangisi na ngayon. Ngising demonyo.
"Huwag ka ng mangialam Menesis dahil hindi mo pa ako kilala." Nakita ko kung paano magulat si Genesis at Menesis sa tinuran nito na parang hindi makapaniwala na trinato sila ng ganun.
"Huwag ka ngang tanga Donessa! Your making things complicated dahil lang diyan sa galit mo!" Sigaw sa kaniya ni Menesis at nakita kong hinawakan ni Genesis ang braso nito na parang pinapatahan sa galit.
"Ikaw kaya mawalan Menesis? Makakaya mo ba? Makokontrol mo ba ang galit tulad ng nararamdaman ko ngayon? Hindi pa, kasi wala pang nawawala sayo. Wala pa." Malumanay na sabi sa kaniya ni Donessa at napakuyom ang mga palad ni Menesis like she wants to attack Donessa pero nagpipigil lang siya.
"Malapit na ang katotohanan, mabubuking ang dapat mabuking at mawawala ang dapat mawala. Lalabas ang tunay na anyo at lalabas ang tunay na personalidad."
Napalingon kami kay Azania matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon at sa isang iglap ay nawala ang pagiging puti sa mga mata nito at bumalik sa totoo nitong kulay. Kulay dilaw. Pero kasabay noon ay pagkawala ng kaniyang malay.
"Dalhin mo muna siya Enzyme sa clinic. Hindi niya pa lubos na nakakaya ang kapangyarihang ipinasa sa kaniya." Utos ni Headmaster at tumango nalang si Enzyme like he don't have a choice but to follow.
Tumingin si Headmaster pabalik kay Donessa o Devonna o anong totoo niyang pangalan. Seryoso na ngayong nakatingin si Donessa kay Headmaster.
"Kay tagal na kitang hinanap pero nandidito ka lang pala sa eskwelahan ko. Gusto na kitang singilin dahil sa iyong ginawa noon at kailanman ay hindi ka na makakatakas." Diing sabi ni Headmaster pero parang wala lang kay Donessa ang pinagsasabi ng kaharap niya.
Hindi ko maintindihan kung anong pinagsasabi nila, I don't understand what is the real score about the both of them. May nakaraan ba sila? And I think yes dahil kailangan daw maningil ni Headmaster kay Donessa dahil sa ginawa nito sa kaniya noon.
"Hindi nga natin siya kilala." Rinig kong sabi ni Genesis na may malungkot na mga mata dahil parang hindi nila tanggap kung anong nangyayari ngayon at kung anong katanungan ang dapat matuklasan.
Kahit ako Menesis at Genesis. Hindi ko parin kayo kilala, sino ba talaga kayo? Tanong ko sa isipan ko.
"Well long time no see Dracunox. Parang hindi mo naman ako kilala, kahit malakas ka hinding-hindi mo ako matatalo kahit kelan. At kung sino man ang mapagkunwari ay hindi ako yun at sinisigurado kong malalaman ng lahat kung sino ako, kung ano talaga ang pagkatao ko kaya kung sino man ang may gawa nito sa kapatid ko, magtago ka na." Ewan ko pero parang nakakaramdam ako ng takot sa mga binabanggit niya, kahit lalaki ako ay natatakot din ako para sa kapakanan ng iba.
Porket lalaki kami ay hindi na kami natatakot? Natatakot din kami kapag napakamisteryoso at ramdam namin ang malakas na aura nito. Pero sadyang magaling lang talaga siyang magtago ng identity niya. Napaniwala niya kami pati na silang Menesis at Genesis.
"Nasa teritoryo kita Devonna at kahit anong pananakot mo ay hindi mo kami malilinlang. Minsan mo na akong nilinlang at kahit kelan ay hindi na mauulit yun. At bakit mo pa ba iniiyakan yang si Devor? Alam naman nating matagal na niyang gustong mawala."
Gulat ako sa mga narinig ko, hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagulat sa mga oras na ito at sa mga naririnig ko ay parang hindi talaga ako makapaniwala na kayang-kayang gawin ng mga taong nasa harapan namin ang magpanggap.
"Donessa." Hindi gaano kalayo ang puwesto niya pero dinig na dinig kong sinambit niya ang pangalan ni Donessa. Isa siya sa mga prinsipe and he is the current prince of Natharia Air Kingdom. Axial.
"Huwag kang magsinungaling!" Sigaw sa kaniya ni Donessa.
"Huwag kang magkunwari na parang hindi mo alam na gustong-gusto ng mawala ni Devor sa kamay mo. Huwag kang magkunwari na parang hindi mo siya ginawang bata." Sabi ni Headmaster kaya napatingin ako sa lalaking nakahandusay.
I remember now, siya yung lalaking huminto sa harapan namin na may panghahamong mga mata.
"Devor? Ano pa ba ang kailangan nating malaman ngayon? Masyado akong naguguluhan." Rinig kong sabi ni Genesis.
"Huwag kang mag-alala dahil malalaman at malalaman din natin ang lahat." Sabi sa kaniya ni Menesis at tumango nalang ang kapatid nito.
"Headmaster!" Napalingon kami sa umalingawngaw na boses and its Enzyme na nagmamadaling pumunta sa puwesto namin.
"Walang modo." Sambit ng isa sa mga NRS.
"Hayaan mo na. Ganiyan talaga umakto ang mga Diyos 'kuno'." Sagot naman sa kaniya nung isa pang NRS kaya tinignan ko naman ito ng masama dahil sa pagbaback-stabbed nila. Brats!
Inikutan lang nila akong ng mata na akala naman nila ikinaganda nila. Mas type ko ang walang arte sa mukha at katawan, gusto ko yung simple lang kung pumorma at hindi mapagmataas sa kapwa.
"Why Enzyme?" Tanong sa kaniya ng Headmaster.
"The whole Library with the books, the important books ay naging yelo. At kahit anong gawin ng mga fire specialists ay hindi ito matunaw. Habang tinutunaw ay mas lalong kumakapal ang yelo nito at hindi na namin makayang sirain ang yelo dahil sa lamig at halong init nito." Mataas na sabi ni Enzyme at halos kami ay napalingon sa taong posibleng may kagagawan.
Bigla naman siyang humagalpak ng tawa na akala niya may nakakatawa, gustong-gusto ko na talaga siyang ihulog sa impyerno pero mas mabubuhay ata siya dun dahil sa katangian niya.
"Well well well!" Ngising sambit ni Donessa.
"Matalino ka talaga Devonna. Naisahan mo kami dun." Sabi sa kaniya ng Headmaster.
"Alam kong hahanapin niyo ang mga katulad ko at maghahanap ka pa ng ibang Diyos at Diyosa na pinasahan ng mga kapangyarihan, hinding-hindi mo yun magagawa para lang sa kabaliwan mo kaya hindi mo masisira ng ganun lang ang yelong nakabalot sa buong library. Wala kang magagawa. Ang makakasira lang nun ay ang cursed twins na sinasabi mo." Mahabang pahayag ni Donessa habang nakangiti.
"At hahanapin namin ang mga walang-hiyang kambal na yun. Hindi ako basta-basta Devonna at alam mo yun. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko kaya maghanda ka na." Panghahamon sa kaniya ng Headmaster pero nginisian lang siya pabalik ni Donessa.
"Go on. At sinasabi ko sayong hindi rin ako basta-basta. At ano? Nakukuha mo ang mga gusto mo? Kaya pala hindi mo nakuha sila?" Ngising sabi sa kaniya ni Donessa at nakita ko kung paano lumabas ang mga ugat sa kamao ng Headmaster na handa na siyang atakihin si Donessa.
Nalilito na ako sa mga nangyayari ngayon and I can't take it anymore, para akong nahihilo kaya hindi ko namalayan ay napalapit na ako sa puwesto nilang Genesis at Menesis na seryoso lang na nakatitig sa dalawang taong nag-uusap. Nagtataka akong nakatingin sa kanila dahil parehong nakayukom ang mga palad nila.
"Babalikan kita Dracunox. At pagbalik ko, kasama ko na siya." Makahulugang sabi ni Donessa at akmang aatakihin siya ni Headmaster ng bigla nalang itong nawala sa harapan namin pati ang katawan ni Devor?
"Sino po ba ang mapangahas na yun Headmaster? Sana kami nalang ang humarap sa kaniya para matapos na." Sabi sa kaniya ng isang prinsipe na akala mo kung sinong makaastang mas mataas. Akala mo kung sino mapagkakatiwalaan sa lahat ng bagay.
"Hindi siya basta-basta. Malakas ang babaeng yun." Sagot sa kaniya ni Headmaster.
"Kung alam niyo po, sino siya? Ano ang tunay niyang pagkatao? Masasabi niyo po ba sa amin?" Napatingin ako kay Genesis ng maitanong niya ang katanungan na iyon. Ramdam na ramdam ko na nalilito narin sila katulad namin at kahit ang ibang specialist ay hindi parin nakaalis sa kinapupuwestuhan nila dahil sa gulat at pagtataka.
"You look familiar lady. Who you?" Tanong sa kaniya ni Headmaster kesa sagutin ang tanong ni Genesis.
"Hind po siya ang pinag-uusapan dito Headmaster, ang tanong niya ang sagutin niyo. Sino ba ang babaeng yun?" Nakita kong nagulat si Headmaster, hindi ko alam kung sa tinuran ni Menesis o baka pamilyar din ang kaniyang mukha.
"Walang respeto." Sambit nung isa sa mga tuta ng Headmaster pero hindi ko nalang pinansin at nakitang napabuntong-hininga si Headmaster. Wala siyang magawa kundi sabihin ang katotohanan.
"She is Devonna, mapaglinlang at dakilang sinungaling. Hinahanap ko na siya noon para makapaghiganti sa ginawa niya sa akin. Hindi ko alam na nandidito lang pala siya sa Natharia Academia, walang papeles na napunta sa akin kaya hindi ko siya agad nahanap. And Donessa na sinasabi niyo ay pangalan ng kaniyang ina at kapatid niya ang nakahandusay kanina, si Devor. Devor is an Titan God of Ice and Cold." Nagulat ako sa sinabi ni Headmaster tungkol sa lalaking yun.
K-Kung diyos siya, bakit hindi siya lumaban ng sinaktan siya ni Bill? Napalingon ako kay Bill at nakita kong may bakas na pagkalito sa kaniyang mukha. I think we have the same question and I just remember what Headmaster said a while ago..
"Nasa teritoryo kita Devonna at kahit anong pananakot mo ay hindi mo kami malilinlang. Minsan mo na akong nilinlang at kahit kelan ay hindi na mauulit yun. At bakit mo pa ba iniiyakan yang si Devor? Alam naman nating matagal na niyang gustong mawala."
Gusto ng mawala ni Devor but what is the reason? What is the reason kung bakit gusto niya ng mawala?
"Nagbibiro po ba kayo? Don-okay Devor told me that he is a healer." Sabat ni Genesis.
"Sabi ko sa inyo ay mapanlinlang si Devonna kaya hindi malayong gagawin din yun ni Devor sa inyo." Sagot sa kaniya ni Headmaster.
"And how about that Donessa?"
Donessa! Shit! Kung Titan God si Devor, mas hindi malayong..
"She is the Titan Goddess of Blood. She can imitate your power once makakuha siya ng dugo galing sayo. She can turns you to young or old one use by your own blood. She will manipulate it kaya ganun nalang siya kadelikado."
Just wonderful!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro