Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG14

Genesis.

Napangiti ako ng palihim ng makita ko kung paano halikan nung lalaki si Donessa at nakita ko kung paano ngumiti ng matamis ang babaita. Sino kaya yun? Ngayon ko lang nalaman na may lalaking kilala si Donessa maliban sa kapatid niya at sa mga Diyos sa Natharia.

"Hayst! Nakakapagod pala sumayaw Don!" Dinig kong sambit ni Menesis nang makalapit na sila sa table kung saan kami nakaupo.

"Okay lang yan a-ate Menesis. Masasanay ka rin." Sagot sa kaniya ni Don.

Naupo na silang dalawa sa kanilang upuan at tinignan ako.

"Anong tinitingin-tingin niyong dalawa?" Tanong ko sa kanila na nakataas pa ang kilay ko.

"Where's Donessa?" Tanong ni Menesis.

"Bakit?" Napalingon naman si Menesis sa likuran niya at napangiti.

"Akala mo hindi ko nakita yung paghalik nung lalaking yun no? Ang taray! Ang gandang lalaki nun ah." Turan sa kaniya ni Menesis.

Nilibot ko na lang muna ang tingin ko sa buong gym, kulay gold and white ang theme ng party at ang cater nila ay ganun din. Pinapalibutan din kami ng mga magagandang bulaklak at mga iba pang diseniyo na magfi-fit sa theme.

"Si Axial yun. Prinsipe Axial." Napalingon naman ako kay Donessa ng marinig ko ang kaniyang sinabi. A prince? Prinsipe yung kaninang nag-alok sa kaniya? Aba! Big time ang Donessa dahil nakapingwit ng napakalaking isda.

"Wait sino si Prinsipe Axial?" Tanong ni Menesis kaya napatango ako para pagsang-ayon. Hindi ko pa kasi kilala ang mga nakakataas dito sa Natharia same with Menesis.

"Prince Axial ay ang prinsipe ng Natharia Air Kingdom, kaharian ng mga Air specialist. Siya ang ikatlong prinsipe sa kasalukuyan kaya makapangyarihan din ang posisyon niya. May naaalala nga ako sa kaniya eh pero hindi ko sigurado dahil parang napakatagal ng panahon na yun." Paliwanag ni Donessa.

Natharia Air Kingdom? Hindi ko pa naririnig ang ganung kaharian, hindi ko alam na may mga kaharian pala dito sa buong Natharia.

"Eh bakit ka hinalikan?" Tanong ko kaya napatigil si Donessa sa pagngiti at kahit makulimlim sa parteng kinauupuan namin, kitang-kitang ang pamumula ng mga pisngi niya.

"A-Ah eh hindi ko alam." Turan niya.

"Eh akala ko wala kang kilalang iba maliban sa kapatid mo at kay Bill?" Tanong din sa kaniya ni Menesis.

"Nakalimutan ko na kasi si Prinsipe Axial, siya ang pangalawang taong nakilala ko sa Natharia. Naalala ko siya nang makita ko siyang lumapit sa akin, nagkakilala kami, not literally kami but ako lang sa enrollment day namin. Pinakilala ang mga prinsipe noon at ang mga prinsesa." Sabi niya.

"Bakit hindi nagpakilala sa atin ang mga prinsipe at mga prinsesa na sinasabi nila Genesis?" Baling niya sa akin.

"Ewan ko nga rin Menesis. Nakakapagtaka nga lang naman pero wala naman atang importante sa mga prinsesa't prinsipe para ipakilala pa. Sampu lang naman tayo nun kasama si Demeter." Sagot ko sa kaniya.

Well wala naman akong pakialam kung ipakilala sila o hindi, ang akin lang ay maensayo kami sa paaralang ito. Pero bakit wala pang ensayo dito? Nagkamisyon na kami pero hindi kami pinag-ensayo, ewan ko na lang sa mga Diyos.

"Hi gorgeous ladies, hi Genesis." Bigla nawala ang saya sa mukha ko nang lumapit ang lalaking to.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa kaniya ni Menesis na parang may galit ang tono.

Nakita niya bang nakipaghalikan tong lalaking to sa babaeng yun? Pamilyar nga yung babae eh.

"Hindi ba ako pwedeng dumalo sa table niyo? Hindi ko ba pwudeng kamustahin si Genesis?" Tanong ni Enzyme sa kanila.

"Hindi." Menesis and Donessa said in unison.

"Why? Bakit parang kayo ang nagdedesisyon para kay Genesis? Kayo ba siya?" Nainsulto naman ako sa sinabi niya sa mga kaibigan ko. Well true colors! Lumalabas na ang amoy nitong Diyos nato. Playboy!

"Because we're friends? And she's our responsibility? Para namang hindi mo kilala kung sino binabangga mo." Turan sa kaniya ni Donessa.

Hindi ko naman masisisi si Donessa dahil siya ang nakakita sa sitwasyon ko kanina, ewan ko nalang kay Menesis kung napansin niya ba na ang tamlay ko kanina. Naging matamlay ba ako dahil kay Enzyme? O sa ibang dahilan? May inaasahan pa ba akong iba?

"W-Wait? Ano bang ikinagagalit niyo? I'm trying to be sweet here." Kunot-noong turan ni Enzyme sa kanilang dalawa.

Ayoko ng sumawsaw baka magkagulo pa at mas lalong masira ang gabing ito na dapat ikinasasaya ko. Ang selebrasyon na ito para sa mga wala masyadong kaibigan, well I have my Menesis and Donessa kaya walang problema. But I want to try kung meron nga bang iba diyan na kasing bait at tapang ng dalawa.

"Yun na nga eh! Sweet ka kay Genesis! Sweet ka sa kahalikan mong si Athena! Sweet ka sa lahat! Putik! Ano ka dessert?! Kung dessert ka LECHE flan ka as in leche ka!" Biglang sigaw sa kaniya ni Donessa, buti nalang malakas din ang tunog ng music kaya hindi kami masyadong napansin.

Nakita kong napaatras sa gulat si Enzyme at biglang napalingon sa akin. Kaya nginitian ko siya ng tipid.

"Hmm Athena? Siya ba yung babaeng sinaktan tayong dalawa Menesis?" Tanong ko kay Menesis pero nasa mukha ni Enzyme ako nakaharap.

"Yeah! Siya nga." Sagot niya sa akin.

"I-I don't know na s-sinaktan pala kayo nung babaeng yun. Huwag kayong mag-al-"

"Eh ano naman kung siya? Maghahanap ka ng iba? Maghahanap ka ng ibang mahahalikan? Bilib din ako sa kakayahan mong lalaki ka. Umalis ka na sa harapan namin baka hindi ka namin matantiya." Pagputol ni Menesis sa sasabihin sana ni Enzyme at binugaw ito palayo.

"Genesis listen to me. I wa-"

"Umalis kana." Sabi ko sa kaniyang mahinahon.

"But-"

"Ano ba kita Enzyme? Hindi naman tayo magshota para mapressure ka ng ganiyan?" Pagputol ko ulit sa kaniya at napatigil naman siya parang gulat sa nasabi ko.

"Anong nangyayari dito?" Napalingon naman kaming lahat sa bagong dating na Diyos.

"Ano na namang ginagawa mo dito Ignite?" Tanong sa kaniya ni Menesis na may taas na tono sa pananalita kaya halos mapangiti ako ng magpout si Ignite. Ganiyan ba siya? Akala ko seryoso lang ang mukha nito palagi.

"Did I saw your lips pouted?" Tanong ulit sa kaniya ni Menesis kaya nabalik ulit sa pagkakaseryoso ang ekspresyon ni Ignite.

Nakita kong magsasalita sana ulit si Enzyme pero hinila ko na si Ignite papalayo sa kanila.

"Saan mo naman ako dadalhin?" Takang tanong ni Ignite.

"Samahan mo akong kumain." Sabi ko sa kaniya.

"Pero tapos na akong kumain." Sagot niya sa akin habang nagpapahila eh alam kung gusto naman. Ang mga ayaw hindi nagpapahila, ang may gusto nagpapabebe pa.

"Sabi ko 'samahan mo ako' hindi ko sinabing 'sabay tayo kumain' gets?" Sabi ko sa kaniya at napatango nalang. Kumuha ako ng plato at kumuha ng iba't ibang pagkain. Malaki na ang plato kaya dinamihan ko na baka nagugutom na rin yung apat.

"Hawakan mo tong isang plato." Utos ko sa kaniya at kinuha naman yun at hinawakan ng maigi.

"Ang dami mo namang kinuha, hindi ka naman ata halatang gutom." Dinig kong sabi niya pero hindi ko siya pinansin at kumuha ulit ng isang plato at kagaya nang nauna ay ganun din kadami ang kinuha ko. Narinig ko pang napasinghap ang kasama ko kaya napangiti ako sa hindi alam ang dahilan.

"Hindi naman ako ang kakain ng lahat ng yan, kami ng mga kaibigan ko. Hindi pa yun kumakain kaya ako nalang ang kumuha para sa kanila." Sabi ko nalang at naglakad papunta sa table namin. Nakasunod lang naman si Ignite kaya okay nang hindi ko siya hinintay.

Buti nalang wala na si Enzyme na hindi ko malaman kung ano ang ikinapepressure kanina eh hindi naman kami. Hindi naman kami para magpaliwanag pa siya sa akin.

"Wow! Ang dami naman niyan! Patay-gutom lang ang peg?" Turan ni Menesis at nang mailapag ko ang pagkain ay binatukan ko ng hindi naman gaano kalakas.

"Atin tong lahat loka. Hindi ko mauubos yan kapag ako lang ang kakain. Oh Don kumain ka na rin para lumaki-laki naman ang katawan mo." Sabi ko kay Don kaya napatango nalang ito. May nakita ako sa ekspresyon ni Donessa pero hindi ko nalang pinansin baka namamalikmata lang ako.

"So anong ginagawa ng Diyos ng Lupa at Kagubatan dito kanina?" Tanong ni Ignite ng mailapag niya ang pagkaing pinahawak ko sa kaniya may extrang upuan naman kaya tumabi siya sa akin.

"At anong ginagawa din dito ng Diyos ng Impyerno?" Tanong pabalik ni Menesis.

"Well pumunta ako dito dahil gusto ko lang sabihing magandang gabi at kumusta na? Isang linggo din tayong hindi nagkaengkwentro dahil sa busy namin sa NGG. Nakikipagcompete na naman kasi sa amin ang NRS kaya pinagbigyan na namin." Sabi ni Ignite.

"Ah ganun ba? Eh bakit naman daw nakipagcompete ang mga NRS? At sa anong sitwasyon naman?" Tanong naman ni Donessa.

"Palakasan lang naman ng kapangyarihan pero alam naman nilang hindi sila mananalo sa amin dahil mas malakas kami." Proud na sabi ni Ignite.

"Pero mas makapangyarihan sila." Turan naman sa kaniya ni Donessa kaya napatawa nalang ako ng umasim ang mukha ni Ignite.

Huwag ka Ignite! May lalaki yan sa NRS dahil sigurado akong kasali doon yung Axial na sinasabi niya. Napakagwapo nun kaya hindi imposibleng mainlove ang sister namin doon.

"May tanong nga pala ako sa inyo." Sabi ni Ignite.

"Shoot it." Sagot sa kaniya ni Menesis.

"Bakit ang hihilig niyong mamilosopo? O di kaya maging sarcastic sa lahat ng bagay?" Sabi niya kaya nagkatinginan kaming talo ni Menesis at Donessa at biglang nagtawanan.

"Bakit hindi mo tanungin si Menesis? Eh 'mas' kaya sa amin yan. Nainfluence nalang kami sa babaitang yan." Natatawang sabi ni Donessa.

"Ate Genesis, lalabas lang muna ako para magpahangin." Bulong sa gilid kong si Don kaya tumingin ako sa kaniya.

"Okay lang ba? Baka na-o-op ka sa amin ah. Magsabi ka lang." Sabi ko sa kaniya pero binigyan niya lang ako ng ngiti at sinabing 'hindi' at lumakad na papalayo sa amin.

Kumuha ako ng pagkain at kinain yun at nakinig sa pinag-uusapan ng tatlo.

"Eh sa pinanganak akong ganito at masisisi mo ba ako kapag may mga taong nangangasar? Madaling uminit ulo ko kaya dinadaan ko nalang sa pamimilosopo." Sabi ni Menesis.

"Halata nga." Ignite.

"Balita ko may misyon na naman daw." Sabi ni Donessa kaya napatingin kami sa kaniya.

"Saan mo nalaman?" Tanong ko.

"Chismis." Sabi niya.

"Ano daw ang misyon?" Tanong ni Menesis.

"Pinapahuli daw yung mga magnanakaw sa Town of Spells dahil ilang araw na silang nawawalan, inutusan na yung ibang class A students pero hindi nila magawa dahil hindi nila mahuli-huli yung mga yun." Paliwanag ni Donessa.

"Bakit hindi ang NRS ang utusan?" Tanong ni Ignite.

"Eh bakit ako tinatanong mo? Ako ba ang Headmaster dito sa Natharia?" Sagot naman sa kaniya ni Donessa at biglang tumahimik ang table namin.

"HAHAHAHAHAHA!" Tawa naming apat dahil sa loka-lokang sagot ni Donessa kay Ignite.

"Grabe talaga kayong magkakapatid." Sabi ni Ignite.

"No sila lang. Si Genesis at Menesis lang ang magkapatid, kaibigan lang nila ako pero we treat each other like sisters." Sagot sa kaniya ni Donessa kaya napatingin sa amin si Ignite na parang tinatanong kung totoo ba ang sinasabi ni Donessa.

"Yap! That's a fact! Pero parang hindi no!? Dahil hindi kami magkamukha?" Sabi ko kaya napangiti si Ignite.

"Hindi ba nangangalay yang panga mo sa kakangiti Ignite? Huwag mong sabihing in love ka na kay Genesis?" Turan ni Menesis kaya hinampas ko ito.

"Ano bang pinagsasabi mo diyang bruha ka?! Si Ignite? Magkakagusto sa akin? In my wildest dreams." Tatawa-tawa kong sabi.

"I'm looking forward for it." Napalingon naman kami kay Ignite ng sabihin niya ang mga katagang iyon.

"So may chance na magkagusto ka sa kaniya?" Ngiting tanong ni Donessa kay Ignite. Oh world! Hot seat kami ngayon ah! Loka-loka talaga ang mga babaeng to.

"Oo, may chance na ma-inlove ako sa kaniya." Bigla namang nagtilian ang mga harot kaya yumuko nalang ako para maiwasang ngumiti. Naramdaman ko tuloy ang init ng mukha ko.

Magsasalita na sana ako para makabawi sa dalawa pero bigla nalang may tumili ng napakalakas na kahit may music na napakalakas ay dinig na dinig parin.

Nagtakbuhan naman kaming lahat sa harapan ng pintuan at doon na ako halos matumba sa aking kinakatayuan. Buti nalang nasa likod ko si Ignite para makasuporta kaya nagpasalamat ako sa kaniya.

Hindi namin napansin na may bumukas sa pintuan at nakaopen ito ng bahagya. Napakaraming dugo kaya hindi ko masyadong tinitignan dahil hindi ako sanay, pero pagbukas namin sa malaking pinto ay bumulaga sa amin ang katawan na punong-puno ng saksak sa dibdib pati sa mukha.

P-Paano? B-bakit?

Nakangiti pa itong parang nakatingin sa aking direksiyon kahit puno na ng saksak ang mukha niya at parang may sasabihin. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko.

Ngiti niyang may ipinapahiwatig.

Galit! Poot! Ang naramdaman ko ay parang walang makapagtitigil dahil bakit ang inosente pa? Bakit siya pa? Bakit sa lahat ng pwedeng pagtripan ay siya pa?

Don.

"Don!" Dinig kong sigaw ni Donessa kaya lumapit din kami sa puwesto kung saan nakabitay ang kaniyang katawan sa isang kahoy na ngayon lang ata naset-up dahil wala yan kanina.

"Don! Sinong gumawa sayo nito! AH! SINO?!"

Ang b-boses niya, D-Donessa.

"Don!"

Bakit nag-iba ang boses niya? Nakakatakot na parang hand-

"Donessa." Gulat kong sambit ng lumingon ito sa amin.

Umiiyak, umiiyak siya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito ka miserable. At napasinghap lahat ng tao sa gym kasali kami ni Menesis at Ignite sa gulat dahil..

Ang tubig na dumadaloy galing sa kaniyang mga mata ay unti-unting nagiging..

Dugo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro