Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG13

Donessa.

"Well obviously lahat ng nandidito ay excited na kaya hindi na dapat pa patagalin ang mga ganitong scenarios. But before we proceed to our 2nd Acquaintance celebration party, let me introduce to all of you our one and only supportive and active Headmaster. Let's give it up for Mr. Dracunox!"

Dinig kong sabi nung emcee na hindi ko alam kung bakit siya? Kung bakit pa itong lalaking kinakainisan ko pa? Of course wala naman akong ibang lalaking kinakainisan maliban nalang sa Bill na malapad na nakangiting nakatayo sa malapad na stage.

Akala niya ba okay na? Na dahil nakasama kami sa isang misyon ay makakalimutan ko na ang kababuyang ginawa niya sa kapatid kong walang kalaban-laban sa kaniya? He deserve to be killed pero hindi ko magawa dahil may konsensiya din naman ako. Bagay nga lang talaga sila nung Azania na yun.

Rinig na rinig ang malakas na palakpakan sa buong gymnasium and it's my first time to attend this kind of party dahil hindi naman ako mahilig makipag-interact sa iba. Kung hindi ko lang talaga nakilala ang magkapatid na Genesis at Menesis eh. Ang ayoko sa lahat yung nabibigyan ako ng atensiyon pero nang makilala ko ang dalawa? They prove me wrong. I do really need a friend para masandalan.

"Well thanks for that warm welcoming Mr. Bill." Sagot sa kaniya nung Headmaster.

"Tsk!" Singhal ko.

"Mukhang galit ka nga pa talaga sa lalaking yan Donessa ah? Singhalin pa naman ng pasikreto." Bulong sa akin ni Menesis kaya tinignan ko siya.

"Sino bang makakalimut sa ginawa niyang kabalastugan sa kapatid ko? Kung hindi lang siya bully aba! Sana nagtatalon na ako dito dahil napakagentleman niyang magsalita. Eh sa boses lang naman siya gentleman at sa maraming taong nakaharap sa kaniya. Kung tayo-tayo lang eh talo pa ang may dalaw sa pagkamaldito." Sagot ko sa kaniya.

"Tama ka naman. Kahit nga ako ako eh gusto ko na siyang suntukin ng suntukin para malaman niyang hindi dapat ginanun ang mga mas mahihina kung ikukumpara sa kaniya." Turan ni Menesis kaya napatango ako at lumingon ulit sa stage kung saan nakatago yung Bill na yun sa likod ng spotlight.

"Magandang gabi mga Natharia's students! I'm glad to see all of you here na nagkakatipon-tipon at naghahanap ng makakasama sa pangalawang pagkakataon. Ang selebrasyon na ito ay para sa mga estudyanteng walang kaibigan at sa mga estudyanteng naghahanap ng bagong kaibigan. Pwede din namang selebrasyon sa matagal ng pagkakaibigan. Ang gusto ko lang sabihin sa inyong lahat na kahit anong mangyari ay sana magkakasama parin tayo hanggang sa huli and protect our love ones. Protect to those people who deserves to protect." Sabi ni Headmaster.

I don't need more friends, silang Genesis, Menesis at ang kapatid ko ay okay na. Isama nalang din yung Enchantress na si Senny dahil napakabait na bata. Pero makakaya ko ba silang panindigan? Kaya ko pa bang kontrolin ang sarili ko para protektahan sila? Paano kung maulit uli ang nakaraan?

"And let's enjoy the night." Bigla namang nagsigawan ang mga estudyante, karamihan ay mga babae. Bigla namang bumalik yung kumag na Bill kaya mas lalong nagtilian ang mga babae na parang mga kiti-kiti dahil sa pagkakaharot. Ano ba ang nakikita nila kay Bill? Hindi naman siya gaano kagwapo para ipagsigawan.

"Thank you for the inspiring words Mr. Dracunox and now! Let's start the party!" Sigaw nung Bill kaya nagsitayuan na ang mga estudyante para kumuha ng pagkain sa mga assigned tables. Iba kasi ang table para sa mga class A, B and C.

"Well mamaya na ako kakain dahil kakain lang namin ni Senny kanina sa cafeteria." Turan ni Genesis.

"Hindi lang din muna ako makikipagsiksikan sa mga tao diyan, hindi naman mauubos yang mga pagkain dahil maraming reserves na pagkain sabi nung NRS." Sabi ni Don.

"NRS?" Magkasabay na tanong ni Genesis at Menesis. Ay oo nga pala, bago pa sila kaya hindi nila alam kung ano yung sinabi ni Don.

"Natharia Royal Students yun. Sila ang mga kanang-kamay ni Headmaster, sila yung mga estudyanteng anak ng mga hari at reyna. For short they are powerful dahil mga prinsesa at prinsipe sila. Pero hindi ko alam kung mas malakas sila sa mga Diyos sa Natharia." Paliwanag ko sa kanila.

"So NRS at NGG ay magkaiba pala? Narinig ko kasi yung mga kaklase namin na pinag-uusapan ang NGG." Takang tanong ni Menesis.

"Pinaghiwalay ang Natharia Royal Students at ang Natharia Gods Government dahil ayaw makihalubilo ng mga prinsesa at mga prinsipe sa mga katulad nila. Ibig-sabihin, kahit gaano pa kalakas ang mga Diyos, mas makapangyarihan kung ituring ang mga anak ng hari at reyna dahil galing sila sa royal blood. Eh ang mga katulad nilang Diyos ay galing lang sa mga ordinaryong specialist na napasahan lang ng kakaibang kapangyarihan." Paliwang ko sa kanila at napakunot ang kanilang mga noo at nag-abot din ang mga kilay.

"They are rude." Segunda naman ni Don.

"Tsk! Sa patalinuhan at palakasan lang yan. Hindi basehan ang posisyon sa Natharia, ma-prinsesa ka man o ma pa Diyos o ordinaryong specialist." Turan ni Menesis kaya napangiti ako. Such a nice and fair woman.

"Ano ba naman yan, kakakain pa nga lang nila nagsasayawan na sa gitna." Sabi ni Genesis kaya napahagikhik ako.

"Takot maubusan ng lalaki ang mga babaeng yan. Kailangan maganda sila sa paningin ng iba para maisayaw agad ito, alam mo namang mapili na ang mga lalaki ngayon. Hindi tumatanggap ng kamay kapag hindi sexy at hindi lalapit kung hindi maganda." Sagot sa kaniya ni Menesis.

"Agree of that." Segunda ko.

"Sayaw na nga lang tayo sa gitna Don! Hindi ka pa naman nagugutom diba? Nakakabored na kasing umupo." Aya niya kay Don kaya napangiti ako.

"A-Ah a-ate Menesis. Hindi po ako m-marunong sumayaw." Hiyang sabi ni Don sa kaniya.

"Ikaw lang ba? Eh hindi rin naman ako marunong kaya quits lang tayo. Tara na!" Sabay hila niya kay Don ng mapatayo ito sa kinauupuan kaya kami nalang ni Genesis ang nandidito.

"Naghihintay ka bang may lalapit sayo?" Biglaang tanong sa akin ni Genesis kaya nagulat ako.

"A-Ahm w-wala ah! Eh ikaw yata itong may hinihintay eh! Hinihintay mo si Enzyme no?" Pabalik na tanong ko sa kaniya at napangiti naman siya na matamis.

May nginuso naman siyang puwesto kaya tumingin ako kung saan siya ngumunguso at nagulat nalang ako sa nakita ko. Na halos mahulog ang panga ko sa pagkatulala ko kung sino ang nginunguso niya kaya nag-aalalang napatingin ako kay Genesis.

"M-May kahalikan s-si E-Enzyme, Genesis." Sambit ko at nakita kong napangiti na naman siya. Para tuloy kinurot tung puso ko dahil sa sakit na nakikita ko sa kaniyang mga mata.

"I know Donessa. Alam ko namang ganiyang klaseng tao na si Enzyme eh, pero pinilit ko lang ang sarili kong hindi siya ganung klaseng tao. Akala ko namamalikmata lang ako nung magkita kami first time sa garden pero yung totoo, halos lahat ng magagandang babae doon ay binigyan niya din ng mga bulaklak tulad ng pagbigay niya sa akin nung first encounter namin." Litaniya ni Genesis.

Akala ko sila na ang magkakatuluyan dahil bagay na bagay silang dalawa. Hindi ko naman alam na ganun pala kaplayboy ang lalaking yun. Binansagan pa namang Diyos, totoo nga ang sinabi ng mga prinsesa at prinsipe. Madumi ang mga napiling Diyos at Diyosa ngayon. Hindi ko alam kung lahat pero sa nakikita ko ngayon ay parang gustong kong paniwalaan ang sarili ko na mga madudumi sila. Napakainosente pa naman kung tignan itong Enzyme na to!

"Donessa."

"Bakit Genesis?" Tanong ko sa kaniya nang tinawag niya ang pangalan ko.

"May naghihintay sayong lalaki oh." Turo niya sa likod ko kaya napalingon ako at halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa lalaking nakatayo sa harapan ko. A-Anong ginagawa niya sa harapan namin or let me say sa harapan ko?

"Hello lady! Can I ask you to dance with me." Alok niya at napatingin ako kay Genesis na may smile na nakaguhit sa kaniyang mapupulang labi kaya mas lalo akong naawa.

"Kung iniintindi mo ako Donessa, I'll be fine. I'm not Genesis para sa wala." Ngiting sambit niya sa akin kaya nahihiyang napatango nalang ako at tinanggap ang kamay na nakalahad sa aking harapan na pinagmamay-ari ng lalaking nasa harapan ko.

"Thank you for letting me Donessa." Tanungin ko sana siya kung paano niya nalaman ang pangalan ko pero buti nalang natandaan ko agad na tinawag nga pala ako ni Genesis.

"A-Ah s-salamat sa pag-alok Prinsipe Axial."

Yes he is a prince. Syempre bago ako makapag-enroll dito dati ay pinakilala kami sa mga prinsipe at prinsesa. Dalawa palang ang diyos noon sa Natharia pero hindi ko sila kilala, unang impression ko sa prinsipeng kaharap ko ay siyempre gwapo at gentleman pa. Alam niya talaga kung paano pakiligin ang isang babae kahit hindi niya alam kung anong ginagawa niya para pakiligin sila

He is the current prince of the Natharia Air Kingdom at maraming nakapagsasabi na magaling siyang makipaglaban kahit walang kapangyarihang involve. Doon niya nakuha ang atensiyon ko hindi dahil sa gwapo siya kung hindi paano niya alagaan ang kaniyang pamilya. Sabi-sabi kasi na siya ang nagprotekta sa Natharia Air Kingdom dati laban sa mga ligaw na mga halimaw.

"Nope, ako ang dapat magpasalamat dahil tinanggap mo ang alok ko na maisayaw kita. Kung hindi mo sana mamasamain, I remember you nung nag-eenroll ka sa Natharia Academia. Hindi ko nakalimutan ang madugo mong mga mata kaya hindi ka nawala sa isipan ko hanggang ngayon. Tatlong taon na kitang hindi nakita dahil busy ako and world knows kung nasaan ka."

Namula naman ako sa sinabi niya dahil hindi ko alam na naaala niya pa pala ako sa lahat na araw na ang nakakalipas. Hindi ko maipagkakailang ngayon lang ako kinilig na ganito kagrabe pero but I don't want to go deep dahil baka sa ibang panig na naman ako mapunta. And I don't want to risk anymore dahil marami na naman akong masasaktan katulad niya.

"Can we dance now? Donessa?" Ngiting aya niya sa akin at binigyan ko din siya ng ngiting parang wala ng bukas at napatawa ako sa naisip kong yun.

Ngiting parang wala ng bukas? Sounds cliché.

Itinapat ko ang aking dalawang kamay sa kaniyang magkabilang-balikat at nakahawak naman ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bewang ko kaya mas lalo akong pinamulahan.

"Ayos ka lang ba? Parang namumula ata ang mukha mo?" Sabi niya sa akin kaya napahiyang napayuko ang ulo ko at narinig kong napahagikhik siya.

Dinig na dinig ko naman ang mga masasakit na salita sa paligid pero hindi ko nalang pinansin dahil inggit lang sila dahil prinsipe ang kasayaw ko at hindi lang ordinaryo.

"Don't mind them." Sabi niya kaya napaangat ako ng tingin at doon nagkaabot ang aming mga mata, hindi ko alam pero nagiginhawaan ako kapag tumitingin sa ligtas niyang paningin. He has a black paired eyes na may touch of white. Like he is wearing lens.

"Sanay na ako sa mga masasakit na salita, hindi naman nila ako kayang saktan dahil magkakaalaman kami kapag itatry nilang lumapit sa akin." Turan ko sa kaniya at doon siya ulit napangiti.

"Your so funny kaya hindi ako naniniwalang fierce ka, marami kasi akong naririnig na issue na cold ka daw at walang pakialam sa paligid mo." Habang isini-sway namin ang aming katawan ay napa-isip ako na kalat na pala talaga ang personalidad ko sa Natharia at pati ang katulad niyang prinsipe ay alam ang tungkol doon.

"Well totoo naman ang mga naririnig mo sa paligid, I'm cold kapag hindi ko kilala, I'm cold kapag hindi ko sila kaanu-ano. What I care is my safety and my brother's too. Wala akong pakialam kung ano ang sasabihin nila basta ligtas kami ng kapatid ko ay solve na ako." Sabi ko sa kaniya.

"And the woman besides you kanina? Who is she then?" Tanong niya at napatingin naman ako kay Genesis na tahimik na nanonood sa mga sumasayaw.

"She is my new found friend and she is nice too. She is fair to everything same as her sister. Akala ko hindi na ako makakakita ng katulad nila but they are now here kicking and talking to me. Magkaisa pa kami ng dorm kaya mas lalo ako napanatag dahil may masasandalan ako kapag may problema and I will help them too kapag may mga problemaa silang haharapin." Sabi ko sa kaniya habang mahigpit na nakahawak sa kaniyang magkabilang-balikat.

"Nice to hear that." Sabi niya at napatango nalang ako. Dinamdam nalang namin ang magandang musika at parang kami lang ang nandidito sa gymnasium, hindi ko expect na may lalaki pa palang may lakas na loob na mag-aalok na makipag-sayaw sa akin. Prinsipe pa.

"Donessa." Nilingon ko si Prinsipe Axial at nagulat nalang ako ng pagharap ko ay hindi ko aasahang gagawin niya.

He did kissed me in lips.

At sabay takbo niya papalyo sa akin at sumama sa kaniyang mga kasama.

I smiled.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro