HG11
Menesis.
Sa dami-daming mas malakas pa kesa sa kaniya at may mas mabuting puso pero bakit siya? Bakit itong nagngangalang Azania pa ang nabigyan ng ganung kalakas na kapangyarihan? Bad luck na ba ito sa pagiging harsh namin sa kaniya? Tsk!
"I just can't believe it." Dinig naming sambit ni Donessa.
"Hindi ka nag-iisa Donessa. We feel you kaya nakakapagtakang nasa kaniya naipasa ang ganung kalakas na kapangyarihan at na-witnessed pa natin ang process thingy sa paglipat ng liwanag na yun." Sagot sa kaniya ni Demeter.
"Well we can't deny na magaling naman talaga itong si Azania. Baka siya ang napili dahil sa kakayahan niyang mag-seal ng kapangyarihan and we all know that she can't seal everything kaya siya ang napili mangalaga sa kapangyarihan ng Titan Goddess na iyon." Sabi ko sa kanila.
Nandito parin kami sa kinakatayuan namin kung saan nilapitan kami agad nung Titan Goddess at hanggang ngayon ay nasa lupa parin nakahandusay ang walang malay na si Azania. Napakabait na parang tuta kung matulog pero parang ahas kapag nagising na bigla nalang tutuklaw sayo at magkakagulo na ang grupo. Ganun siya ka-troublemaker na parang lahat ng kasama namin ngayon ay aawayin niya kapag hindi nasunod ang gusto.
"Mas magiging makapal na yan kapag nalaman niyang siya ang napili and she will gain more confidences dahil alam niyang malakas ang kapangyarihang sumapi sa kaniya." Sabi ko.
"Kailangan na nating umalis para hindi na natin masalubong ang sinasabing kaluluwa ni Headmaster tuwing sasapit na ang buwan." Napalingon kami kay Ignite nang sabihin niya iyon.
"Ignite is right! We need to go as soon as possible at kailangan nating makauwi agad sa Natharia Academia para ibalita kay Headmaster ang nangyari dito."
We all agreed of what Wenessa said at lalakad na sana kami nang may nakalimutan atang sabihin si Enzyme dahil napahinto ito.
"Hindi man kami nagkaintindihan ng babaeng to pero paano si Azania? Hindi ko siya kayang buhatin gamit ang kapangyarihan ko dahil baka mabigla siya at atakihin ako." Sabi niya kaya nagtaas na ako ng kamay as if I have a choice.
"Ako na ang magdadala sa kaniya." Sabi ko at napatigil naman sila sabay lingon sa akin na may nagdadalawang-isip na tingin. It looks like they don't want to trust me for bringing Azania's body.
"May mabuti naman akong puso na kahit kating-kati na akong sampalin ito habang tulog pero hindi ko naman magawa dahil nga nasa paligid lang kay- Okay fine! I just want to help para makaalis na agad tayo despite those arguments a while ago." Sabi ko kaagad ng tinignan nila ako ng napakasama dahil sa una kong sinabi.
"Mabuti ng magkaalaman stupid." Hindi ko nalang pinansin ang boses ng lalaking yun na siguradong Diyos ng kahambugan sa katawan. Kinontrol ko na ang katawan ni Azania at lumutang lang ito at parang nakahiga lang na walang nangyaring labanan kanina. I tried not to hurt this Goddess dahil nakakainis lang kung bakit siya ang napili.
Okay lang naman kung hindi sa akin pero at least sa taong deserve at kayang panindigan, hindi ko naman sinasabing hindi niya kayang panindigan but what I'm trying to say is yung taong matutulungan kami all the times. Pero parang nagkamali ata ng napili yung matandang yun at naipasa niya sa babaeng ipokrita na sinasabihan kaming weakling! Nakakainis! Pwede namang si Donessa o itong Levinas na ito! O di kaya si Demeter pero bakit ito pang babaeng to? Tsk!
"Your killing Azania in your mind." Napalingon ako sa katabi kong Diyos.
"Wala kang pakialam kaya dumistansiya ka sa akin at baka magbago ang isip ko ikaw ang pagbuhatin ko nitong babaeng to." Sabi ko sa Diyos na hindi ko alam kung sino.
"Can I introduce my name to you Ms. Menesis?" Tanong niya sa akin at iniwasan ang sinabi ko kaya tinignan ko siya ng matalim.
"Go on. Wala akong pakialam." Pairap nalang kong sabi at nadinig kong napabuntong-hininga siya na parang kinokontrol niya ang feelings niya o di kaya ang kamao niya na gustong dumapo sa akin. Well I won't let him to punch me, even my face or every part of my body.
"I'm Cylechter, Cyle for short. The God of Ocean." Sambit niya sa akin pero hindi ko siya pinansin at umunang lumakad sa kaniya.
God of Ocean? Sounds interesting, not the owner himself dahil kahit ni isang impormasyon tungkol sa kaniya ay wala akong pake except sa kapangyarihan niya.
"Dumidilim na." Napatingin ako sa kalangitan nang sabihin ni Cylechter ang katagang binitawan niya. Nasa tabi ko na pala siya kaya pala ako kinikilabutan.
"Cylechter! Come here!" Dinig kong sigaw nung Bill kaya napatango nalang ang katabi ko at tinignan ako na may ngiti sa labi bago umalis sa aking tabi.
"Well hindi natin napansin na ilang oras na pala tayong naglalakad. Bakit ba kasi hindi na tayo gumamit ng mga kabayo para madali tayong makapunta sa Town of Novel hanggang papauwi." Reklamo nung Levinas.
"Hindi magpapasakay sayo ang kabayo." Sambit ko kaya napalingon siya sa akin.
"At bakit naman?!" Malditang tanong niya sa akin na may pacross-arms pang nalalaman kaya napahagikhik ako sa aking naisip. Magsasalita na sana ako ng magsalita si Donessa.
"Hindi nagpapasakay ang mga kabayo sa kauri nila." Sambit nito kaya narinig naming naghikhikan ang mga Diyos pati si Demeter at Genesis.
"Lagi niyo nalang ako inaaway." Pout niyang sabi na hindi naman bagay sa kaniya dahil nagmukhang pwet ng bibe yung mukha niya.
"Stop! Feel the surroundings." Sabi bigla nitong si Ignite kaya bigla nalang kaming napahinto sa pagtatawanan at sinunod ang sinabi niya.
Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa batok na may narinig akong parang nagbubulungan sa hangin.
"Hindi maganda to." Dinig kong sambit ni Bill kaya napaikot ang mga mata ko.
"Alangan namang sabihin mong maganda kung delikado diba?" Sarkastikong sabi ko kaya narinig ko ang pagsinghal niya sa akin pero hindi ko nalang pinansin dahil mas naging malakas ang pagbubulungan sa hangin.
"We need to get out of here." Sabi ni Genesis kaya mas nagmadali kaming maglakad para makarating agad sa destinasyon namin.
Hindi naman sa mahina na ako at hindi ko na kayang lumaban pero I don't think kung anong klaseng halimaw ang bumubulong sa kahanginan at bigla nalang akong-ahmm natatakot? Ewan ko pero hindi naman siya masyadong intense kaya hindi ko alam kung takot ba o kaba ang nararamdaman ko ngayon. Is there a differences between the two?
"Hindi kayo makakatakas." Napahinto kami nang biglang lumitaw sa aming mga harapan ang isang usok na may nakakatakot na mukha. Parang mukha ng tao pero napakalapad kung ngumiti, at kapag sinabi kong napakalapad, literally ang ngiti nila ay hanggang sa mga tenga nila. Their lips are dark like night without stars and their eyes looks like a bloody moon dahil sa pagiging mapula nito. Pero hindi sila nakatayo kundi nakalutaw, ang katawan nila ay gawa sa usok na napakaitim na halos ang mga pula na mga mata nila ang makikita mo kapag hindi mo sinuri ng maayos. Gosh! What a creature!
"A soul from hell." Sambit ni Ignite.
"So its easy for you na ibalik sila sa impyerno diba? Bakit hindi mo gawin ngayon? Gosh nakakatakot nga talaga ang mga mukha nila, its my first time to see this kind of creature. Naririnig ko lang sila sa mga chismis." Sambit nung Sayatus.
"Kayang-kaya kong gawin yun Sayatus but this kind of souls ay may kung anong hindi ko makontrol. Sa tantiya ko ay may nagmamay-ari sa kanila at kumukontrol kaya hindi ko sila makontrol." Sabi ni Ignite. Tsk! Still useless parin.
"Hahahaha kailangan na naming kumain. Nagugutom na ang mga kasamahan ko." Banggit nung kaluluwa na nasa harapan namin. At doon ko na inilibut ang aking paningin at halos mapaatras ako ng napakaraming pulang mga mata na nakatingin sa aming direksiyon.
"We need to kill them." Sambit ni Levinas.
"But we can't." Sagot sa kaniya ni Donessa.
"Kaluluwa sila at sila lang ang may kakayahang makahawak sa atin, hindi natin sila kayang talunin dahil tayo lang din ang mamamatay kung ganun. What we need is to think kung paano tayo makakatakas sa problema na ito." Paliwanag ni Ignite.
"What are we gonna do now?" Tanong nung Sayatus.
"Think." Sagot sa kaniya ni Demeter.
"What if tumakbo tayo? Malapit lang naman na tayo sa Natharia at kaya natin itong takbuhin at malalagpasan natin sila kapag hindi tayo lilingon. What we need this time is our speed and strength para malutas ito." Sabi ni Genesis.
Nagkatinginan kaming lahat na parang nagkakaintindihan na kami sa kung anong gagawin namin. All of us ay nanggaling sa section one also a class A kaya makakaya namin ang sinabi ni Genesis.
Nagsitanguan kaming lahat at akmang tatakbo na ng may biglang may narinig kaming pamilyar na boses.
"Good soul eat bad soul as they save the whole world from those darkness."
Napalingon kami hinay-hinay sa boses na iyon na parang may binabasa at gulat kaming nakatingin sa babaeng nakatayo.
"Azania."
Napaangat ang mata ko sa itaas kung nasaan nakalutang kanina si Azania at wala nga ito, hindi kami nagkakamaling si Azania nga ang babaeng nakatayo sa aming harapan na nagbabasa ng libro habang nagliliwanag ang mga mata at ang kaniyang boses ay parang huni ng ibon na kumakanta. Napakarelax sa damdamin.
"Good soul eat bad soul as they save the whole world from those darkness."
Ulit niyang sambit habang nakaharap sa nakabuklat na libro na nasa kaniyang mga kamay.
Bigla nalang nagliwanag at pinalibutan ang buong libro at doon kami napahanga ng may mga puting usok na lumabas galing sa libro na yun.
"Good souls." Dinig kong bulong ni Ignite pero hind ko na pinansin.
"Look! Yung mga usok unti-unti nagkakaroon ng mukha." Napatingin kami sa mga puting usok at tama nga si Levinas dahil unti-unting humuhulma ang usok na maging isang mukha at hanggang sa napatagumpayan na nito.
Blangko ang mga mata nito at hindi ito nakangiti, for short, ang mga good souls na ito na sinambit ni Ignite na nanggaling ata sa libro na hawak ni Azania na kaniyang binigkas ng malakas ay mge expressionless. Nagulat nalang kami na hinabol ng mga puting usok ang mga itim at bigla nalang naglalaho ang mga itim na may mga mapupulang mata kapag sinakop na ng mga expressionless na puting kaluluwa.
"At sa isang iglap ay nawala na agad ang mga itim na kaluluwa." Sambit ni Cylechter.
"Azania!" Dinig kong sigaw ni Levinas kaya napalingon ako sa kinaroroonan ni Azania na unti-unting tutumba habang nakahawak sa libro.
Bago pa siya matumba ng tuluyan ay nakontrol ko na ito at pinalapit sa akin ang katawan niyang wala na namang malay. Kahit kelan talaga pabida tong isang to! Kaya napapahamak palage eh.
"She saved us." Sambit ni Wenessa.
"At naniniwala na akong sa likod ng masamang mukha ay may kabutihan ding magagawa." Sambit ni Bill at napansin kung naging violet ang kamay ni Sayatus at may kung anong kulay ubeng bola na ibinato kay Bill at buti nalang ay naiwasan niya ito.
"You must be thankful dahil niligtas ka niya! Wala ka talagang kwenta kahit kelan!" Sigaw sa kaniya ni Sayatus.
"Tsk! Why would I? Eh tutulungan ko naman sana kayo pero bigla nalang yan umepal. I supposed to make a light dahil nga natatakot ang mga ganung kaluluwa sa liwanag and just I thought totoo nga dahil lumabas ang mga puting usok na nagliliwanagan galing sa Azania na yan." Sagot sa kaniya ni Bill at nakita kong napaikot nalang ito sa mata.
"Palibhasa kasi, kailangan pang may madisgrasya bago gumawa ng paraan." Pagpaparinig ko at ensaktong napatingin sa gawi ko si Bill.
"Watch your words stupid." Sabi niya sa akin.
"Watch yours too childish." Sagot ko sa kaniya at nagtagumpay naman ako dahil biglang naging puting liwanag ang kaniyang kamao as if I'm scared.
"Let's go." Aya ni Ignite kaya umuna na akong maglakad habang nakalutang pasunod sa akin si Azania, and I feel his presence at siguro ay binibigyan niya na ako ng nakakamatay na mga tingin. Nakakatawa lang isipin na kaya siyang asarin at napipikon siya sa isang tulad ko lamang na babae.
Kahit patayin niya ako sa tingin, hindi niya parin ako kakayanin. Bakit?
Secret.
----
"At yun nga po ang nangyari Headmaster. Hindi namin nakausap ng matagal ang Titan Goddess of Words and Books dahil nanghihina na daw siya at wala ng oras para makipag-usap." Sabi ni Wenessa.
Nandito kami ngayon sa office ng Headmaster at halos kulay itim ang makikita mo sa loob nito. Sabi niya its an illusion but I think the other way. Kinuwento ni Wenessa ang lahat ng nangyari kahit isang maliit na detalye ay sinali niya. Mula sa pagkaengkwentro namin sa kalapati at sa pag-anyong tao nito, sa sampung kalalakihan at yung usapan sa pagitan ng matandang yun at sa amin.
"Wala na daw siyang oras at ni pangalan niya ay hindi niya naibigay." Turan ni Sayatus.
Umuwi na si Levinas dahil magpapahinga na daw siya sa kaartehan niya, pati si Demeter ay umuna na din dahil nga wala pa siyang pahinga mula pa kahapon galing sa misyon. Nasa clinic na din ang walang malay na si Azania at ginagamot dahil sa nasayang na enerhiya sa kaniyang katawan. Kami nalang ni Genesis at Donessa ang nandidito kasama ang anim na diyos kasama si Enzyme.
"Isa lang ang nakilala kong Titan Goddess of Words and Books at wala ng iba. She must be Celestia, also the great prophecy." Sabi nitong kaharap naming Headmaster.
Nasa lamesa siya habang kami ay nakaupo sa iisang mahabang itim na supa. Malambot naman pero nakakailang lang talaga dahil pinapagitnaan ako nitong Cylechter at Bill.
"By the way thank you for your cooperation at nakakuha pa tayo ng alliance. Malaking tulong sa atin ang kapangyarihang napasa kay Ms. Azania dahil malalaman natin kung ano ang posibleng mangyayari sa hinaharap. Though she can create anything related on a book kaya napakalaking tulong nito sa atin laban kay Santinina."
Pagkasabi niya sa pangalan na yun ay parang nagbell ang magkabila kong tenga sa hindi ko alam kung ano ang rason. Parang narinig ko na ito dati o di kaya ay nakilala pero hindi ko lang malaman at maalala.
"No problem Headmaster. We will do anything for the sake of the Academia and for those who needs protections." Dinig kong sagot ni Enzyme.
"Glad to hear that Mr. Enzyme and thank you for all of your efforts at hindi niyo ako binigo sa misyon na ito." Sabi niya sa amin.
Kung alam mo lang na malapit kaming mamatay pero sinabi lang namin na kanina pa lang kami nakarating para hindi ka 'daw' mag-alala.
"By the way ladies and gentlemen, get rest and be ready to our upcoming Acquaintance celebration next week."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro