HG 76
Menesis.
"Bitawan mo siya Dracunox, bitawan mo anak mo."
Parang bell na nagring sa tenga ko ang sinabi ng bagong dating na si Lola Thorna at na kahit kailan ay hindi namin aasahan na sa ganitong oras pa siya lilitaw.
"Umalis ka diyan Lola Thorna! Mapapahamak ka!" Iyak kong turan dahil ang lapit-lapit niya sa kinakapuwestuhan ni Dracunox habang sakal-sakal si Genesis.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman kong mawawala si Genesis at si Lola Thorna. Ayoko silang mawala sa akin dahil importanteng-importante sila sa buhay ko. Ayoko silang mawala, ayokong-ayoko silang mawala gaya nalang kay Mascara at kay Devor. I don't want them to die, same how Mascara and Devor died together.
Nagtataka ako kung bakit bigla nalang lumitaw si Lola Thorna kung saan pero napakasaya ko dahil ang buhay pa siya at hindi siya napahamak.
"Bitawan mo kapatid ko hayop ka Dracunox!" Sigaw ko na nasa puwesto niya na nakatingin ang mga mata ko.
"Anong ibig mong sabihing anak?! Baka gusto mong mawala sa kinakatayuan mo? Huwag kang makialam dito at ang lakas-lakas ng loob mong makialam sa labanan na ito!" Sigaw sa kaniya ni Dracunox pero nababasa ko sa ekspresyon niya ang kaba dahil sa presensiya na meron si Lola Thorna.
Kahit ako, hindi ako makapaniwala na may ganitong klaseng presensiya si Lola Thorna. Ngayon lang namin nalaman ang ganitong enerhiya na nasa katawan niya. What we know ay isa lang siyang Elementalist na kayang kontrolin ang mga halaman at ugat na nasa kalupaan. Pero bakit ibang-iba ang Lola Thorna na nasa harapan namin? Bakit parang hindi siya ang lola na nakasama namin noon kung tumindig siya? Napakaseryoso niya ngayon tignan, sa mga mata niya na handang gumawa ng masama.
"Hindi mo na ba ako nakikilala Dracunox? Nakakalimutan mo na ba ang kinakatakutan mo?" Biglang turan ni Lola Thorna at doon nalang nanlaki ang mga mata ni Dracunox na hindi ko man lang malaman kung ano ang dahilan.
"No! Matagal na siyang namatay and it coudn't be you! Sino kang hangal ka at ang lakas ng iyong loob para sumugod dito?! Gusto mo bang mamatay?"
Naririndi na ako sa mga sigaw ni Dracunox, napatingin ako sa likuran ko at seryoso ko silang tinignan.
"Kung namulat lang kayo sa katotohanan agad, hindi na mangyayari ang lahat ng 'to." Turan at nakita ko ang iba sa kanila ay napalunok dahil sa sinabi ko pero ang isang babae at lalaki ay seryoso lang nakatingin sa akin na parang hindi sila nasindak. Well I'm not scaring them, kung ginawa lang nila ang tama ay hindi mamamatay si Devor na siyang iniligtas ang anak niya.
Nagpipigil parin akong umatake dahil hawak-hawak parin ni Dracunox ang kapatid ko sa leeg pero hindi ko alam kung gaano 'yon kahigpit at gusto-gusto ko ng tulungan si Genesis. Kitang-kita kong hirap na hirap na si Genesis dahil sa pagkakasakal sa kaniya.
"Genesis." Dinig kong bulong ni Ignite na nag-aalala.
Nadadagdagan pa ang mga problema sa paligid, hindi ako makapag-concentrate dahil sa mga bangkay na nasa kapaligiran. Si Mascara, isa siya sa mga naging malakas kong kaibigan at kakampi, sandalan at minsan ko naring naging takbuhan. Nakakainis lang dahil ganito lang siya mawawala, sa saksak lang ng lintek na Axial na 'yon. Gusto ko siyang buhayin para ako mismo ang papatay sa kaniya ulit. Hindi ko kayang makita ang bangkay ng mag-ama dahil parang pinupunit ang puso ko dahil sa ginawa sa kanila.
"Hindi maaari, hindi siya nagsabing pupunta siya dito." Napatingin ako kay Avanza ng magsalita ito at nagtaka akong napatingin sa kaniya.
"Anong sabi mo Avanza? Bakit parang kilalang-kilala mo ang lola?" Seryosong sambit ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin at nagtaka ako ng bigla siyang ngumiti. Ngiting totoo, ngiting matamis.
"Kayo nga ang kambal na tinutukoy niya sa akin, bakit hindi ko kaagad nalaman na ang isa sa kambal ay minsan ng nasa aking teritoryo?" Sabi niya sa akin na hindi ko parin maintindihan.
"Kayo ang kasagutan para matapos ang lahat ng ito. Kayo ang magpapatigil sa labanan na ito." Dagdag niyang turan pero hindi parin ako mapakali dahil ni kahit na katiting, wala akong maintindihan.
"Donessa." Bulong ko ng mapako ang tingin ko at nakita kong tulala siya, lumuluha parin ng dugo ang kaniyang mga mata at hindi makapaniwala sa nangyari. Hindi siya makapaniwala na sa isang iglap, mawawala na naman ang kapatid niya.
"Sige, magpapakilala ako para malaman mo Dracunox." Napatingin kami kay Lola Thorna ng biglang lumiwanag ang buong katawan niya. Napakaliwang na parang mabubulag ka dahil sa biglaang pagliwanag at sobrang tindi at napakalakas ng kapangyarihan na bumabalot na kapangyarihan sa katawan ni Lola Thorna. Nakakatakot ang presensiya, nakakakilabot at nakakakaba na hindi ko maintindihan.
Bakit parang sa tagal naming magkakakilala ay hindi parin siya namin lubusang kilala? Ni kahit sa kapangyarihan ipinapakita niya ngayon ay hindi man lang namin naengkwentro noon? At ngayon ko lang din nalaman na hindi namin alam ang nakaraan ni Lola Thorna at ni isang impormasyon sa pagkatao niya ay wala kaming alam ni Genesis?
"Demetria."
At doon na binalot ng pagtataka ang buo kong pagkatao kasabay ng kuryusidad kung sino ang babaeng nasa harapan namin. Si Lola Thorna na biglang naging anyong dalaga na siyang hindi ko aakalain na nag-eexist pa ang ganitong klaseng babae dahil sa kakaibang ganda at tindig nito. Napakalakas ng presensiya na meron siya na pinapalibutan ng liwanag, isang napakahabang parang roba na kulay puti na punong-puno ng ginto na mga diseniyo. Ang buhok niyang kumikinang dahil sa gintong kulay nitong buhok at sa mga mata nitong ginto din ang kulay. Nakakainis pero nakakamangha, hindi namin aakalain na magkakaroon ng ganitong klaseng babae sa mundong 'to.
Napansin kong biglang napabitaw sa pagkakasakal si Genesis kaya agad ko itong nilapit gamit ang aking liksi at hinayaan ang mukha ni Dracunox na nakanganga.
"Ayos ka lang Genesis?" Concern kong tanong sa kaniya at habol-habol pa niya ang kaniyang hininga at napansin kong lumiliwanag ang katawan niya. She is healing.
"Okay lang ako Menesis, salamat. Pero hindi ko maintindihan ang nangyayari ngayon, para bang pinagkaitan tayo ng nalalaman. Nakakainis dahil ni kahit isa ay wala akong malaman at isa pa ang tindig ni Lola Thorna ngayon. Si lola pa ba iyan?" Turan sa akin ni Genesis kaya napatango ako.
"Gaya mo Genesis, litong-lito din ang utak ko dahil sa mga nangyayari ngayon. Na kung bakit magkilala si Avanza at si Lola Thorna, kung bakit parang ang daming alam ni Lola Thorna at bakit takot na takot si Dracunox sa tindig ni Lola Thorna. At kung lola pa ba natin siya." Turan ko pabalik.
"D-Demetria." Utal na turan ni Dracunox at napalingon kami kay Lola Thorna o tinatawag nilang Demetria. Hindi parin ako makapaniwala na isa siyang malakas, isa siyang kakaiba, isa siyang napakagandang nilikha.
"Oo ako nga Dracunox at nandito ako para sabihin sa inyong lahat ang katotohanan at kung bakit umabot sa ganito ang lahat. Ang dami ng nangyari dahil sa inyong dalawa, ang daming nadamay dahil sa kabaliwan ninyong dalawa kaya tapusin na ang dapat tapusin."
"Diyosa din ba siya?" Tanong ng nasa likuran namin at napansin kong napangiti si Genesis pero awkward sa babae ang paghaharapan nila ngayon dahil sa katotohanang halos atakihin nila si Genesis kanina.
"Hindi din namin alam Prinsesa Gemartha."
Hindi nalang ako nakinig sa nagiging usapan nila na naghihingian ng kapatawaran sa isa't-isa at hinanap ang babaeng hindi ko man lang nasulyapan. Hindi ko na siya nakita at baka nagpaiwan lang talaga siya sa Satharia.
"A-Ate Demetria, sigurado ka na ba?" Napatingin ako kay Avanza ng sabihin niya 'yon na nakatingin kay lola at nginitian naman niya ito pabalik hanggang sa tumingin si lola sa aming kinakapuwestuhan ni Genesis. Binigyan niya kami ng matamis ng ngiti na matagal na naming hindi nakikita sa kaniya, ang mga ngiting nagpapalakas ng mga loob namin ni Genesis kapag nag-eensayo kami sa gitna ng kagubatan. Ngiting naging gabay namin sa lahat, ngiting naging proteksiyon namin sa mga sakit at ngiting nakikita namin tuwing matutol at paggising sa umaga.
"Menesis, Genesis, mga apo."
Hindi kami mapakali ni Genesis dahil sa pagtawag nito sa amin at kahit ako ay naninibago dahil sa bata niyang tignan ay hindi magandang pakinggan na tawagin niya kaming apo. Mas maganda at bata pa siya sa amin kung titignan.
Siya ang lola, hindi magbabago 'yon.
"Nagtataka ba kayo kung bakit mas bata pa ako sa inyo?" Ngiting turan nito sa amin at sabay kaming napatango ni Genesis.
"I am the Titan Goddess of all Goddess."
Halos kabahan ako sa sinabi niya, nanghina ang mga tuhod at may takot ding naramdaman pero siya ding pagkawala kaagad. Hindi ko alam na may ganitong Diyos pang natitira na ganitong kalakas pakinggan at tignan. Titan Goddess of all Goddess? Posisyon palang ay malalaman mong kakaiba na siya, malalaman mong napakalakas niya na at masasabi kong may ilalakas pa siya sa ipinapakita niya ngayon. Hindi ko alam pero proud na proud ako sa naging buhay ko-namin ni Genesis dahil isa palang Diyosa ang nag-alaga at nagprotekta sa amin, nagmahal at nagbigay damit sa pang-araw-araw. Nilulutuan ng pagkain araw-araw at gabi-gabi at walang oras na hindi niya kami binibigyan ng ngiti kapag may hindi magandang nangyayari sa amin sa kagubatan.
"Kaya kong maging bata, kaya kong maging matanda, kaya kong lumikha, kayo kong sumira, kaya kong maging mahina, kaya kong maging malakas. Kayo kong maging tahimik kung kinakailangan at kayo ko ring baguhin ang lahat ng takbo ng tadhana. Kaya kong kontrolin ang katawan ng bawat isa, kaya kong kumontrol na utak, kaya kong magbura ng alaala at gumawa ng mga kapangyarihan na nanggagaling sa katawan ko mga apo. Tinago ko ang lahat para maging ligtas kayo sa mga ina at ama niyong walang ginawa kundi gumawa ng gulo sa mundong 'to. At gusto kong kayo ang magbago ng tadhana at nagawa niyo iyon at pinatunayang hindi kayo masama tulad ng iniisip ng lahat."
"I-Ina at a-ama? Kilala niyo sila? Bakit nagsinungaling kayo sa amin? Bakit niyo kami pinagtaguan? Nasaan sila? Buhay pa pala sila?"
Kung sino man ang may galit sa mga magulang namin, mas lamang ang galit na nararamdaman ni Genesis. Hindi niya alam kung bakit ganun nalang ang galit niya dahil ba sa iniwan kami? Dahil sa hindi nila kami binigyan ng pagmamahal at pansin? Isa din sa rason kung bakit galit na galit ang kapatid ko dahil bakit pa kasi kami ipinanganak na pasan ang buong mundo.
"Itinago ko iyon mga apo dahil sa pinaniniwalaan ng lahat ay magkalaban ang turing nila sa isa't-isa. Wala silang ginawa kundi gulo, binibigyan nila ng pagkakamali ang sinasakupan nila." Sagot naman niya kay Genesis na ngayon ay umiiyak na.
"Patay ka na Demetria! Bakit ka pa nabuhay?! Pinatay na kita!" Nagulat ako dahil sa isinigaw ni Dracunox na pinatay niya si lola.
N-Nagawa niya 'yon?
Biglang lumingon sa kaniya si lola at napangiti.
"Naniwala ka sa kakayahan mong mahina kaysa sa akin Dracunox? Kaya kong maging mahina gaya ng sinabi ko kanina at pinaniwala kitang patay na ako."
"Sabihin mo na sa kanila ang katotohanan Ate Demetria para matapos na ang lahat!" Sigaw ni Avanza kaya agad namang tumango si lola.
"Tinulungan ako ni Avanza na paghiwalayin ang ina at ama niyo, si Satanina at si Dracunox."
Bigla akong natuod dahil sa narinig, hindi makapaniwalang napatingin kay lola at kay Dracunox na gulat na gulat ang mga mata. Si Satanina na ganun rin ang ekspresyon dahil sa narinig, wala akong maintindihan at hindi ko na narinig ang sigawan ng dalawang panig dahil sa hindi makapaniwala.
"Sinungaling ka! Hindi ko mga anak 'yan! Salot sila!" Sigaw ni Dracunox at kahit kalaban ang turing ko sa kaniya ay hindi ko parin maiwasang masaktan dahil sa sinabi niya.
"Nagsabi ang hindi salot!" Biglaang sigaw ni Donessa kaya napatingin sa kaniya si Dracunox.
"Akal-"
"Huwag ka ng magsalita Dracunox, makinig ka nalang muna. Gusto kong maalala ang lahat at bakit ni kahit isang malaking bagay ay wala akong maalala?" Turan naman ngayon ni Satanina at nakita ko ang tatlo niyang anak ay gulat na gulat parin at kahit si Spencer na seryoso ay hindi pinalagpas ng katotohanan.
"Dahil mas ikaw ang nasaktan noon Satanina, imposible man ang sasabihin ko ngayon pero maniwala kayo sa akin, nagmamahalan kayo noon." Salaysay ni lola at walang oras, minuto o segundo na hindi kami napapasinghap at nagugulat pati ang mga nasa paligid ko.
"The hell? That Dracunox? Karelasyon ni Reyna Satanina?" Dinig kong bulong ni Bill.
"At anong ebidensiya mo Demetria? Bakit parang alam mo lahat ng mga nangyayari sa amin noon? Sino ka ba? At ano ba ka namin noon?" Seryosong sambit ni Satanina kay lola at napatingin sa kaniya si lola na may biglang luha na lumabas doon. Akmang magsasalita na si lola ng inunahan na siya ni Avanza.
"Because she's your mother Ate Satanina. Saksi siya sa lahat ng pinaggagawa niyo noon."
Mahihimatay na ata ako sa mga nangyayari at sa mga rebelesasyon na nagaganap ngayon. Hindi ko na alam kung ano ang dapat gawin, parang lahat-lahat ng mga katanungan na siyang kagustuhan kong masagutan at parang napapaatras ang utak ko dahil sa ayaw na nito tumanggap pa ng mga impormasyon o mga kaalaman.
"A-Ano? Imposible!" Sigaw ni Satanina.
"Napakasakit para sa akin Satanina na iniwan mo ang sarili mong ina para lang sa lalaking hindi ka sigurado kung mahal mo ba. Walang kasiguraduhan ang pagmamahalan niyo noon dahil mga bata pa kayo, hindi niyo pa alam ang salitang pagmamahal. At doon na nangyari ang lahat ng biglang may nangyari sa inyo na hindi ko aakalain na magagawa niyo iyon. Napakasakit, iniisip ko kung ano ba ang nagawa ko at ano ba ang pagkukulang ko at nagawa ng sarili kong anak na suwayin ang mga simpleng pinaghabilin ko?"
Walang ibang nararamdaman kundi awa ang mga nasa paligid dahil sa mga luhang nagbabadya at malapit ng mahulog sa mga mata ni lola. Nakakaiyak, nakakainis pero wala akong magawa. Gusto kong malaman kung totoo ba ang sinasabi nilang lahat. Napatingin ako kay Genesis na seryosong umiiyak, kung wala lang kami sa labanan ay nasisiguro kong pinagtatawanan ko na siya.
"Napakahirap para sa akin ang lahat at hinintay ko ang panahon na mailuluwal mo ang bata na akala ko iisa lang pero magkakambal pala. Pagkatapos ng gabing pagluwal mo ay iniwan ka ni Dracunox ng ikinasakit ng matindi ng puso mo. Gusto mong magpakamatay dahil sa pag-iwan sayo ni Dracunox dahil hindi pa siya handang maging ama pero gumawa ako ng paraan at kahit labag sa akin, binura ko ang mga alaala niyong dalawa. Pero hindi naabutan ng kapangyarihan ko ang kalalim-laliman ng memorya ni Dracunox kaya kaunti lang ang mga memorya na nawala sa kaniya. Naaalala ka niya sa pangalan at sa personalidad pero sa puso ay hindi." Salaysay ni lola at nakita kong naluha na si Satanina at si Dracunox dahil sa mga rebelesasyon.
Ngayon ko lang nakitang umiyak si Dracunox at nakakuyom pa ang mga kamao at matamang nakatingin kay Satanina.
"At ang pinaniniwalaan ni Dracunox na sinumpang kambal ay akala niyang kalaban na nagsimula sa ibang mundo na siyang papatay sa kaniya na inaakala niyang pinadala ng may kapal para tapusin ang kasamaan niya. Pero nagkakamali ka Dracunox, anak mo sila." Turan ni lola at tumango lang si Avanza.
"Pumunta ako dito para tigilan ang matagal ng labanan pero hindi ko aasahang makikita ko si Ate Satanina kaya biglang nagbago ang isip ko. Pero buti nalang dumating ka Ate Demetria." Ngiting turan ngayon ni Avanza at binigyan lang siya ng tipid na ngiti ni lola na may luha pa sa mga mapupulang pisngi nito.
"Kambal ang anak ko diba? At 'yon sina Specter at Spencer tapos nagluwal pa ko ng isa at 'yon naman ang anak kong si Sarionaya. Pero paano nasali ang dalawa pang kambal?" Takang turan ni Satanina na siyang nagpakaba sa akin dahil 'yon din ang pumapasok sa isipan ko.
Hinawakan ko ang kamay ni Genesis para iparamdam sa kaniya na nandidito lang ako sa tabi niya no matter what happen. Muntik ko ng makalimutan ang anak ni Genesis kaya napatingin ako sa pataas at baluga akong napatingin sa paligid at halos mabunutan ako ng kaluluwa dahil nasa ama niya lang pala siya.
"Sino bang dalawa lang ang anak mo Satanina? Apat sila, si Specter, Spencer at ang mga babae kong apo na sina Menesis at Genesis. Ako ang babaeng nagdala sayo sa dalawang lalaking sanggol dahil hindi ko maaaring palakihin sila ng sabay. At alam kong nasaan ka dahil inutusan ko si Avanza na ikulong ka sa lugar kung saan hindi ka makakalaban. Pero sadyang malakas din ang dalawang sanggol na lalaki kaya nakalabas ka sa lugar ng Westheria."
Nanghihina na ang tuhod ko, hindi ko alam kung ano ba dapat maramdaman ko kung tuwa ba o sakit. Tuwa dahil sa wakas nakilala na namin ang mga pamilya namin, sakit dahil parang wala na silang pakialam sa amin.
"A-Alam naming anak ni Dracunox sina Menesis at Genesis pero hindi namin alam na si Reyna Satanina pala ang ina nila." Napalingon kami kay Spencer ng seryoso niya itong sinabi habang nakatingin sa amin.
And all this time ay kilala na nila ang ama namin pero hindi nila agad sinabi.
"Bakit hindi ninyo kaagad sinabi?" Turan ko ng may mga luha sa aming mga mata.
"Nagpatulong kami noon pa kay Azania pero hindi namin masabi sayo dahil hindi rin naman kayo naaalala ng matanda 'yan." Turan ni Specter at napatingin kami kay Dracunox na nakayuko na ang ulo.
"May i-isa pa akong anak D-Demetria, si Sarionaya. Sabihin mo sa akin, a-anak ko ba talaga siyang tunay?" Iyak na turan ni Satanina na napapakuyom ang mga palad.
Napatingin sa kaniya si lola at nabaling din ang tingin niya kay Sarionaya na kinakabahan din sa mga katotohanang sasabihin ni Lola Thorna.
"Hindi pa siya handa malaman ang lahat-lahat, hindi pa oras para malaman ninyo ang lahat. Darating ang panahon na siya ang makakaalam ng lahat."
"Nasaan si ina?" Napalingon agad kami kay Devos dahil sa sinambit niya at napansin ko ngang wala si Donessa sa kinakapuwestuhan nito at bigla nalang kaming napatingin kay Dracunox.
"D-Donessa." Utal kong sambit at halos mapasinghap kami ng biglang namuo ng sandata ang mga dugong luha ni Donessa at bigla itong sinaksak si Dracunox na walang kamalay-malay.
At halos hindi ako makagalaw dahil sa pagsuka ng dugo ni Dracunox hanggang sa unti-unti narin itong nawawalan ng hininga, lumalaki na din ang mga mata nito kagaya nung mga hari kanina at hanggang sa naging anyong likido ang buong katawan ni Dracunox na siyang nagpahina sa tuhod ko at hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko 'to.
"He killed my brother at wala akong pakialam kung may malaman siya o wala, at least patay na siya. Hindi mababago ang isipan ni Dracunox dahil sa mga pinagsasabi ninyo dahil kapangyarihan parin ang iniisip niya. Kapangyarihan niyo parin ang iniisip niya na gusto niyang makuha. Sa pagpatay sa kaniya, matatapos ang lahat." Turan ni Donessa na ngayon ay napaluhod na sa lupa at nilapitan ang kanina pang walang buhay na si Devor.
"Matatahimik ka na Devor at huwag kang mag-alala, hindi na kita bubuhayin pa. Magpapakatatag ako para sayo at para sa anak ko. Magpakasaya kayo ng pamilya mo kung saan ka man ngayon."
Hindi ko magawang magalit sa kaniya dahil sa ginawa niya at kahit ama ko ang kinitil niya, walang mas sasakit sa ginawa nun sa mga naging kaibigan ko. Siguro kailangan na niya ngang magpahinga, siguro kailangan kong tanggapin na ang ama ko siyang dahilan kung bakit nagsimula ang kaguluhang 'to. Siguro mapapatawad ko rin siya pero hindi sa madaling oras. Makakapaghintay naman siya diba? At alam kong magbabago siya kung saan man siya dadalhin.o
Bigla nalang akong napaluha ng makitang nanghihina si Devos na lumapit sa ina niya at niyakap ito ng mahigpit.
"Tapos na ang labanan, tapos na ang paghihirap ng lahat. Si Donessa ang nakatapos, hindi kami ni Genesis."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro