HG 75
Third Person's POV.
Hindi makapaniwala ang mga kasamahan nina Menesis at Genesis na may natitira pa pala silang kalaban at iyon ang nakababatang kapatid ni Dracunox na si Avanza, the Titan Goddess of Reincarnation. Pero hindi nawawala ang seryosong tingin ni Mascara kay Anomos na siyang ikinakabahala din ng hari, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman na kaharap ang inaakala niyang anak.
"Dahil sayo Anomos namatay ang ina ko. Ginawa niya ang mga 'yon para parusahan ka kahit labag sa kalooban niya. Magdudusa ka Anomos, wala kong pakialam kung kadugo pa kita o hindi." Bulong ni Mascara na ipinagtaka naman ni Anomos.
"Kaya ba talaga akong kalabanin ng anak ko? B-Bakit ba kasi ako gumawa ng aksiyon na hindi ko nasisigurado kong tama ba?" Inis na bulong ni Anomos sa kaniyang sarili.
"How nice to see all of you here!" Biglaang sigaw ni Avanza kaya mas lalong nag-igting ang mga panga ng lahat. Si Menesis na seryoso lang nakatingin sa kaniya at si Genesis naman ay nakatingin sa mga Prinsipe at Prinsesa na nasa likuran ni Avanza.
"Sabi ko na, they are the cursed twins eh pero hindi lang ako nakakuha ng ebidensiya para napatay natin sila agad." Bulong ni Daneel na siyang pagtingin sa kaniya ni Gemartha.
"Huwag ka ngang magsalita ng ganiyan Daneel, Genesis is kind. Tinulungan niya tayo sa misyon natin noon, hindi lang talaga tumugma ang tadhana sa lahat." Turan sa kaniya ni Gemartha at tumingin ulit kay Genesis na may kung ano sa mga mata nito.
Iniisip ni Gemartha na sana hindi nalang sila nagkakilala dahil napakahirap sa kaniya na kalabanin ang naging matalik na niyang kaibigan. Hindi niya mawaring kitilin ang buhay ng naging kalapit niya na sa buhay.
"ZZ." Tawag ni Daneel kay Zhavia.
"Its only Zhavia and don't you dare to call me Zhalina." Biglang turan sa kaniya ni Zhavia na siyang may inis sa ekspresyon.
"Easy princess, huwag mainit ulo at huwag dalhin dito ang misunderstanding niyo dito ni Satro. Labanan na 'to kaya umayos na kayo." Bigla namang tumingin si Satro at Zhavia kay Yvinno ng masama dahil sa tinuran nito.
Pero ang nakakuha sa atensiyon ni Avanza ay ang sanggol na siyang nakalutang sa ere na ikinamaang niya. Parang aliw na aliw siya sa nakikita dahil ngayon nalang siya nakakita ng sanggol dahil puro mga malilikot at pasaway ng mga kabataan ang binabantayan niya.
"Huwag na huwag kang gagawa ng ikakapahamak mo Avanza." Biglang seryosong turan sa kaniya ni Genesis kaya napangising napalingon sa kaniya ang Titan Goddess.
"Oh? Bakit? Tinitignan ko lang naman ang sanggol na nakalutang diyan sa ere. Nakakaaliw lang dahil sa lahat ng laban na naengkwentro ko ay ngayon lang ako nakasaksi ng labanan na may sanggol na nadadamay." Ngising turan nito kaya bigla nalang napakuyom ang mga palad ni Genesis ganun na din si Ignite na seryoso lang na nakikinig habang nakatingin ng seryoso at nakabantay sa ama niya na nakatingin din sa kaniya.
"Avanza, akala ko wala ka na." Biglang napatingin si Avanza dahil sa pamilyar na nagsalita at doon nalang siya napamaang at napaatras dahil sa babaeng nasa harapan niya ngayon. Hindi niya napansin na nandidito pala siya at matamang nakatingin sa kaniya na handa na siyang sugurin.
"A-Ate Satanina?"
Bigla namang binalot ng katahimikan ang buong paligid at simoy ng hangin lang ang naririnig ng lahat. Binalot ng pagtataka ang lahat dahil sa biglaang tinuran ni Avanza na pati ang nakakatanda niyang kapatid ay nalilito na rin na para bang may nakaraan siyang dapat balikan pero hindi niya maalala kung ano iyon.
"Ate? Tinawag mo akong Ate pagkatapos mo akong ikulong sa Westheria?!" Biglang sigaw sa kaniya ni Satanina na siyang mas lalong nagpataka kay Dracunox.
"Anong ibig niyang sabihin Avanza?! Anong pinagsasabi ng babaeng iyan?!" Sigaw ni Dracunox kasabay ang malakas na pagkulog at pagkidlat ng kalangitan.
Binabantayan lang ng lahat ang mga ikinikilos ng lahat at ni walang isang gustong umatake dahil sa posibleng mangyari. Kinakabahan ang lahat dahil hindi nila alam kung saan dadalhin ang kanilang kaluluwa kapag wala na sila sa kanilang tinatapakan.
"What is going on?" Takang tanong ni Gemartha na siyang bikit-balikat din ng mga kasamahan niya.
Silang Demeter at Levinas ay hirap na hirap na nagpaakbay kay Specter at kay Bill. Si Cylechter na siyang akbay ni Sarionaya at tinutulungan magpagaling. Si Sonata na walang malay kanina ay ngayon binabantayan si Devos na nanghihina narin. Si Wenessa at Athena na nakatali parin ang mga kamay gamit ng mga metal na kagagawan ni Menesis, si Azania na mataman lang na nagmamatyag at si Senny na hindi mahagilap.
"Nakakalito ang mga nangyayari, kilala ni Avanza na 'yan ang Reyna Satanina." Turan ni Sonata at napalingon sa mga dating kasamahan.
"Hindi natin alam ang simula nilang lahat dahil may nauna ng laban, pangalawa na ang nangyayari ngayon. Pati nga akong anak niya ay hindi alam kung sino sila." Turan ni Specter na para bang sinasagot ang tanong ni Sonata.
"Parang may lungkot sa mga mata ni Avanza." Bulong ni Genesis.
"Sino ba talaga sila?" Bulong naman ni Menesis.
"Kinulong kita doon dahil iyon ang utos niya, sinunod ko lang siya at kapag hindi ko siya susundin ay papatayin niya ako! Tayo!" Sigaw na ngayon ni Avanza at nabigla ang lahat dahil sa pagluha ng kaniyang mga mata.
"Pati ba ang memorya ko ay dapat ding tanggalin?!" Sigaw din pabalik sa kaniya ni Satanina.
Hindi na alam ng lahat kung anong nangyayari at hinayaan nalang ang dalawang magtapunan ng salita at magkatotohanan.
"Hindi na ako ang gumawa niyan kundi siya. Sinunod ko lang ang utos niya at hindi ko aakalain na makakatakas ka sa lugar na iyon. Ibig bang sabihin..." Bitin na sabi ni Avanza at bigla nalang napatingin kay Menesis na may gulat na eskpresyon.
"Hindi siya ang anak ko, mga lalaki ang mga anak ko Avanza at sila ang dahilan kung bakit ako nakawala sa lugar na 'yon. Sa tagal kong nakakulong doon ay nagsimula nalang akong magtayo ng palasyo na siya makakapagbigay ng aliw sa aking sarili at doon nalang lumitaw ang mga anak ko, merong babaeng lumapit sa akin at sinabing sila ang nawawala kong mga anak. Kahit walang maalala, tinanggap ko ang lahat hanggang sa unti-unti pero dahan-dahan kong naaalala ang lahat na may mga anak ako." Seryosong salaysay ni Satanina kaya napatingin sa kaniya pabalik ang nagtatakang si Avanza.
"Ang dami niyong satsat!" Napatingin lahat kay Dracunox ng bigla nalang itong sumigaw at kasabay nun ay ang pagkidlat na naman ng napakalakas kaya bigla nalang rin umiyak ang anak ni Genesis.
Kasabay ng pag-iyak ng anak ni Genesis ay ang pagkulog din ng napakalakas at ang pagbuhos ng mga mabibigat na ulan.
"Kitilin ang bata!"
Bigla nalang may narinig si Genesis na tunog sa tenga niya na para bang biglang nabuhay ang demonyo sa kaniyang kalamnan ng biglang isinigaw iyon ni Dracunox at unti-unting napalingon sa gawi ng limang hari na handa ng umatake.
"Ang batang iyan ang magpapabagsak sa atin! Iyang bata ang magdadala ng malaking delubyo sa lugar natin! Anak iyan ng mga hangal na mga batang Diyos!" Sigaw muli ni Dracunox na siya kasabay ng pagliyab ng buong kapaligiran kaya napatingin lahat kay Ignite dahil sa umaapoy na mga mata nito dahil sa galit.
"Touch my daughter and all of you will die." Seryosong sambit ni Ignite pero hindi natinag ang ama niya na walang pakialan kundi kunin ang kapangyarihan ng anak niya.
"Edi ikaw nalang Ignite, ikaw nalang ang papatayin ko para mapunta sa akin ang kapangyarihan mo." Ngising turan ng ama ni Ignite.
Sa kabilang dako ay bigla nalang may sumugod sa likuran ng mga taga Satharia at gulat silang napatingin kay Menesis na seryosong nakatingin sa kanila.
"Kalaban kayo?" Seryosong turan ni Menesis na ikinabigla ng lima pero makikita parin ang mga seryosong tingin nito pabalik sa kaniya.
"Hindi mo kami matatal-"
Hindi na natapos ni Zhavia ang sasabihin niya ng bigla silang napalingon sa likuran ng biglang magsigawan ang mga kasamahan nila at ganun nalang sila nagulat, kinabahan at natakot dahil nasaksihan nila ang biglaang pagiging abo nilang lahat. At ng maubos nilang panoorin ang mga kasamahan nilang naging abo ay unti-unti silang napatingin sa babaeng seryosong-seryoso na nasa harapan nila.
Wala silang ibang nakikita sa mata ni Menesis kundi demonyo at bigla silang napaatras ng biglang may dalawang pakpak na biglang pumagaspas sa magkabilang sentido nito.
"Argg!" Agad na napalingon ang lahat sa puwesto ni Sonata dahil sa ungol nito at bigla nalang napatakip ng bibig sina Genesis at Menesis dahil sa nakita.
Hawak-hawak ni Anomos ang buhok ni Sonata at pinagsasaksak ito sa likuran na ikinabuga nito ng maraming dugo!
"S-Sonata." Bulong ni Menesis.
"Anomos." Bulong ni Mascara at doon nalang kabilis itong kumilos at nasa likuran na siya ni Anomos.
"Anomos." Bulong ulit ni Mascara at doon nalang napaigtad at nanlamig si Anomos dahil sa boses na nasa likuran niya.
"A-Anak." Boses takot na bulong ni Anomos na ikinangisi ni Mascara na hindi man lang inisip ang kalagayan ngayon ni Sonata. Ang nasa isip niya ngayon ay walang iba kundi ipaghiganti ang ina at ipagpatuloy ang misyon na sinimulan ng kaniyang ina.
"Anak? Tsk!" At doon nalang sinaksak ni Mascara gamit ng kutsilyo na gawa sa hangin si Anomos sa bandang puso at saksi ang lahat ng unti-unting lumalabas ang dugo mula sa bibig nito.
"Kay Sonata 'yan." Bulong ni Mascara at hinugot ang kutsilyo at akala nilang lahat ay tapos na ng biglang napasinghap ang lahat ng saksakin pa ulit ito kung saan unang sinaksak at doon na nawalan ng buhay si Anomos.
"Kay ina 'yan." Walang ekspresyong sabi ni Mascara at agad tinulungan si Sonata na naghihingalo.
Itinapat ni Mascara ang kamay niya kung saan may sugat at may hanging lumabas doon sa palad niya at pumasok sa sugat nito na nagpangiwi kay Sonata.
"Hindi ako nagpapagaling ng sugat Sonata kaya tiisin mo, iniwawala ng hangin na 'yan ang inpeksiyon ng sandatang ginamit ng sumaksak sayo." Seryosong turan ni Mascara bigla at tumango naman si Sonata.
Bigla nalang naalerto sila Genesis ng sumugod na ng sabay ang apat na hari at nag-uunahang paslangin ang bata na siyang ikinagalit ng mag-asawa.
Bigla nalang sumugod si Ignite at wala na siyang pakialan kung mamamatay siya o ang kaniyang ama basta mailigtas lang ang nag-iisang anak niya. Gagawin niya ang lahat para lang ibigay sa anak ang mga kailangan nito at ang una-una ay ang kaligtasan.
Bigla nalang nagsilitawan ang mga naglalagablabang apoy sa likuran ni Ignite na may mga kaluluwang makikita at ganun din ang mga kalaban na hari dahil nagsilabasan din ang mga kapangyarihan nito sa likuran. At kasabay ng pagsugod sa isa't-isa ay ang pagdulot ng matindi at napakalakas na pagsabog. Huminto si Genesis para bantayan ang anak at hindi parin siya mapakali dahil nakatingin parin sa kaniya si Dracunox. Hindi sila natatakot sa bawat presensiya at ang misyon nila ang kanilang iniisip para manalo.
"Tigilan mo siya Ate Satanina." Sambit ni Avanza na ikinataas ng kilay ni Satanina at seryosong tinignan siya ng masama.
"Pigilan mo ang hayop na kapatid mo Avanza, siya ang nagpapalala sa lahat. Hayok siya sa kapangyarihan, hindi ba siya nakuntento sa malakas na kapangyarihan niya? Titan God of Life siya diba? Malakas na malakas na ang kaniyang katauhan Avanza pero naghahanap parin siya ng malulusutan para mas maging malakas. Madamot ang kapatid mo!" Hindi na napigilan ni Satanina ang pagsigaw.
"Ano bang silbi mo bilang kapatid niya Avanza? Wala ka rin palang silbi." Dagdag na turan ni Satanina na ikinatigil sa pagtibok ng puso ni Avanza.
Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya napagsalitaan ng masakit, masakit pero totoo. Ano nga ba ang silbi niya? Ang silbi lang naman niya ay sunod-sunuran sa kaniyang nakakatandang kapatid at wala din naman siyang magagawa dahil mas malakas pa sa kaniya ang kapatid niya kaya wala siyang magawa kundi sunod lang ng sunod.
"Katulad mo A-Ate, wala din siyang maalala."
Hindi na nagulat si Satanina dahil alam niyang buburahin din ang alaala nito kagaya niya. Ang ikinalilito niya ay kung bakit dapat burahin ang memorya niya at ang memorya ni Dracunox. At laking tanong sa kaniyang isipan kung sino ang may gawa nun.
"Hindi pa naibalik ang mga alaala niyo kaya hindi niyo pa alam ang lahat. Hindi niyo pa ngayon nalalaman kung sino kayo at kung ano ang papel niyong dalawa sa mundong ito." Turan ni Avanza na may nagbabadyang luha sa mga mata.
"Kaya pala ginamit niya si Enzyme to be the Gold Ranked sa palasyo ng Natharia ay dahil gumagawa siya ng aksiyon para maging kakampi at mauto ang mga hari na 'yan." Bulong ni Menesis habang binabantayan ang limang mahaharlika.
Akmang susugod si Daneel sa kaniya ng biglang may lumitaw na kutsilyo na gawa sa metal na tumutok sa uluhan nito na siyang nagpasinghap sa mga kasamahan.
"Huwag kang kumilos kung ayaw mong mawalan ng utak. Hindi ko kayo kilala pero naaawa ako sa kapatid ko dahil sa lungkot na nasa mga mata niya dahil sa katotohanang naging malapit na kayo sa isa't-isa pero magkalaban ngayon." Seryosong turan ko at napansin kong napatingin silang lahat kay Genesis.
Sa utak ni Menesis, gusto niyang tulungan ang kapatid pero ayaw niyang magkahiwalay ang limang nasa tabi niya dahil mahirap na para sa kaniya patayin isa-isa kung nagkataong sasali sila sa laban. Mas okay na ang isang patayan nalang sila para hindi na mahirap.
Sa kabila naman ay nalilito kung sino ang tutulungan dahil nasa bingit ng kamatayan ang parehong mahal niya sa mga buhay. Nagagalit naman siya dahil walang ginagawa si Satanina at si Donessa pati si Spencer ay walang ginagawa. Nahihirapan na rin ang iba niyang kasamahan at si Menesis na nagbabantay sa mga prinsipe at prinsesa.
Biglang nabuhayan ng dugo si Genesis ng tumulong na si Spencer at si Mascara para tapusin ang laban. Malalakas din ang mga hari dahil bihasa narin sila sa paggamit ng mga kapangyarihan nila. Nagpapalitan sila ng suntok at kapangyarihan pero nabigla nalang ako ng biglang kumilos si Dracunox at sa isang iglap ay nasa harapan na siya ni Mascara. Gulat na gulat ang seryosong ekspresyon ni Mascara na nakatingin sa kaniya pero hindi iyon ang gumulat sa aming lahat.
Kundi ang paglitaw sa kung saan ni Axial at bigla niya nalang sinaksak ng espada niya si Mascara at sa puso ito pinuntirya.
"Mascara!" Sigaw ni Satanina at doon nalang natumba si Mascara na siyang ikinahina ng mga tuhod ng kasamahan nila.
Nanlalambot ang mga tuhod nila dahil sa nasaksihan at hindi sila makapaniwala na ganun kaagad mawawala sa mundong ito si Mascara. Bigla nalang napaiyak ang mga kasamahan niya at nagsigawan na dahil sa pagkawala ni Mascara.
"Mascara." Iyak na bulong nina Levinas, Sarionaya at Sonata.
"Mascara, anak."
Biglang napatingin lahat sa bagong dating na lalaki na ngayon ay may luha ng namumuo sa mga mata nito.
"D-Devor."
"D-Don."
Bigla nalang lumiwanag ang kaniyang katawan at ramdam na ramdam ng lahat ang lamig na namumuo sa kaniyang presensiya at doon lahat napatingin sa itaas ng biglang umulan ng mga nyebe kasabay ng ulan. Ang iba ay namangha dahil ngayon lang nakaranas ng ganito pero ang iba ay awa at lungkot, galit at poot ang nararamdaman dahil sa dinanas ni Mascara.
Bigla nalang lumiwanag ang kamay ni Devor at biglang lumabas doon ang napakahabang espada na gawa sa yelo at hinay-hinay siyang naglalakad papunta sa puwesto ni Axial na ngayon ay nangangatog na ang mga binti at kitang-kita ang takot dito. Seryoso lang din nakatingin sa kaniya si Dracunox na handa na ring sumugod.
"P-Pinatay mo ang anak." Sambit ni Devor na siyang ikinainis naman ngayon ni Axial.
"Patas lang tayo! Pinatay niya rin ang ama ko!" Sigaw naman nito pabalik.
"Bagay lang 'yon sa ama mong traydor at nagkaanak pa ng isang hangal. Alam mo bang may dugo ka ng isang Westherian? Tawag sa mga taong nakatira at pinanganak sa Westheria at dahil anak ka ng isang traydor, patayin ang may dugong traydor." Bigla nalang nagulat ang lahat dahil sa sinabi nito at sa isang iglap ay saksak na niya si Axial sa dibdib na hindi man lang nakagalaw dahil sa gulat ganun din si Dracunox pero agad itong napalitan ng ngisi.
"Huwag kang bayani." Agad sabi ni Dracunox at agad tinuhod si Devor at agad sinaksak ng walang pagdadalawang-isip.
"Devor!"
"Don!"
"N-No." Utal na bulong ni Donessa at hindi rin makapaniwala ang lahat dahil sa pangyayari.
Hindi makagalaw ang lahat dahil sa lakas ng kapangyarihan na ipinakita ni Dracunox. Nakita namin kung paano nanghina si Devor lumapit sa anak niyang wala na ring buhay.
"Makukumpleto na rin tayo sa wakas."
"Wahhh!!"
Biglang napatingin lahat kay Donessa ng bigla itong sumigaw at sa ikalawang pagkakataon, nasaksihan ng iba kung paano magluha ng dugo ang Titan Goddess of Blood. Ramdam na ramdam ng karamihan ang kalungkutan pero mas namumuo ang galit. Dahil sa ngayon na lamang nagpakita si Don sa lahat ay hindi aakalain na ngayon din siya mawawala at ganun nalang din siya mamamatay.
Sa sigaw ni Donessa, napatingin ang lahat sa mga hari ng mapasigaw ang mga ito. Nanghihina na si Ignite dahil sa lakas din ng mga kalaban niya dahil din sa kapangyarihang ibinigay dito ni Dracunox. Hirap na hirap ding napatingin si Spencer dahil wala na rin itong kakayahang kumilos dahil unti-unting bumabagsak ang katawan niya.
Ang mga hari na ngayon ay lumalaki ang mga mata at may mga dugo ng lumalabas doon at ramdam na ramdam ng lahat ang napakalakas na kapangyarihan ni Donessa. At sa isang iglap, ang apat na hari ay bigla nalang nagpira-piraso hanggang sa naging likido na sila, naging dugo na ang kanilang mga anyo na siyang ikinatakot ng apat na natitirang mahaharlika.
Wala ng ibang kakampi si Dracunox, nagdadalawang-isip din si Avanza dahil sa isipan niyang dapat na ring wakasan ang labanan na ito dahil sawa na siyang maging sunod-sunuran sa kapatid.
"Tumigil ka na Donessa." Seryosong turan ni Satanina at bigla nalang itong napatigil pero nandodoon parin ang mga luha na dugo.
"Gusto ng magpahinga ni Devor kaya huwag na huwag mong gagawin iyang nasa isipan mo." Seryosong turan ni Satanina.
Pero bigla nalang nagsinghapan ang lahat ng sinakal ni Dracunox si Genesis at halos mabuhay ang dugo ng demonyo ng lahat, pati ang mga mahaharlika ay naalerto rin.
Sa huli ay kaibigan parin ang tingin nila kay Genesis.
"Genesis!" Sigaw ni Menesis at ni Ignite at akmang susugod ng biglang mas hinigpitan ni Dracunox ang pagkakasakal.
"Argh!" Ungol ni Genesis na mas lalong nagpagalit sa lahat.
"Papatayin ko ang babaeng ito kapag hindi niyo kaagad isusuko ang kapangyarihan niyong lahat!" Desperadong sigaw ni Dracunox sa lahat.
Hindi makawala si Genesis dahil sa kapangyarihan ni Dracunox na pumipigil sa kaniya at akmang sasaksakin na ni Dracunox si Genesis ng walang magsalita na ikinasinghap at ikinasigaw ng lahat ng bigla siyang napatigil at nanlaki ang mga mata dahil sa kakaibang presensiya.
At halos lahat ay napaigtad, natakot sa kakaibang presensiya at sa nakakatakot na enerhiya sa bumabalot sa katawan ng kung sino man.
"Papatayin mo siya Dracunox?"
Bigla nalang napatingin ang lahat sa babae na hindi nila aakalain na magpapakita ito sa ganitong sitwasyon at hindi nila aakalain na ganito kalakas ang presensiya na meron siya.
"L-Lola Thorna?" Kahit hirap na banggitin iyon ni Genesis ay napakapagsalita parin siya at ganun din ang gulat ni Menesis at napaluha pa.
"Bitawan mo siya Dracunox, bitawan mo anak mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro