Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 74

Menesis.


"Hindi na kayo nadadala Werrestella, 'yong gusto niyo palagi ay 'yong nasasaktan o baka gusto mo ng mawala sa kinakatayuan mo ngayon?" Turan ko sa kaniya habang siya naman ay nakangising tinatapakan ang likuran ni Demeter na hirap ng makahinga.

Sa inis ko ay bigla ko nalang itinapat sa kaniya ang kamay ko kaya bigla nalang siyang tumalsik.

Aaminin ko, malakas nga talaga si Werrestella at hindi ko alam kung nanggaling ba kay Dracunox ang kapangyarihan niya pero magsisisi siya kung bakit pa siya kumampi sa matandang 'yon.

"E-Enexx." Napalingon ako kay Senny na hirap na hirap idilat ang mga mata at ngayo'y nakasulyap sa kapatid ni Athena.

"Kalaban siya Senny, huwag na huwag mo siyang lalapitan. Kung gusto niyang mamatay, hayaan mo siya dahil pinili niya 'yan." Turan naman sa kaniya ni Bill at nadako ang tingin ko kay Athena na sakal na sakal si Sonata na wala ng malay kaya biglang nang-init ang ulo ko kaya bigla nalang akong nag-teleport at gulat na gulat si Athena ng makita ako sa harapan niya. Bigla ko siyang sinuntok sa mukha na siyang ikinaatras niya at pagbitaw sa katawan ni Sonata kaya dali-dali ko siyang sinalo.

I teleported back kung saan ako kanina at itinabi si Sonata sa walang malay na si Levinas at si Azania. Mukhang malakas nga talaga sila kaya hindi kami dapat magpadalos-dalos. Napabagsak nila ang dalawang lalaki pati na rin si Azania na malakas din.

"Wenessa." Bulong ko at nakita kung paano naging blangko ang mga mata ni Wenessa at kasabay nun ang paghangin ng napakalakas kaya nakatingin na sa kaniya ang lahat.



There she goes again, pinapairal niya ang emosyon niya but at the same time, 'yon din ang nagpapalakas sa kaniya.


"S-Sigurado na ba siya sa gagawin niya? Kontrolado na ba niya ang kapangyarihan niya?" Turan ni Senny pero wala ni isang sumagot sa kaniya dahil kahit kami ay hindi sigurado kung kontrolado na ba niya ang kapangyarihan na meron siya.

Sa ilang buwan naming pag-eensayo, she didn't use that kind of power kaya nababahala ako kung nagagawa niya na bang kontrolin ang kapangyarihan niya. Hindi madali ang magiging atake niya na baka kaming mga kasamahan niya ay pwede niya ring atakihin.


Napatingin kami sa buwan dahil lumiwanag ito ulit sa pangalawang pagkakataon. Lumiwanag na din 'yan kanina at siguro nanggaling kay Wenessa ang pagliwanag kanina. Kakaiba na ngayon ang presensiya na ibinibigay ni Wenessa, parehong-pareho sa preseniya kanina ng paparating pa kami dito.


"Atakihin siya!" Sigaw ni Werrestella at tumango naman sina Enexx at Rajedh at biglang inatake si Wenessa. Inilapag ni Wenessa ang hinang-hinang katawan ni Cylechter sa lupa at hinarap ang dalawang lalaki.


"Rajedh." Bulong ko at napansin kong napahinto si Rajedh at napatingin sa gawi ko.


Nakikita ko sa mga mata niya, sa ekspresyon na meron siya na nagsasabing hindi niya kayang gawin ang mga inuutos sa kaniya. Alam kong labag sa puso niya ang pumatay ng kapwa niya specialist at alam kong hindi niya magagawa ang mga inuutos sa kaniya. Kakaiba si Rajedh, he can't do bad things because he have this big heart na hinding-hindi mapapantayan ng iba. Kontrolado ang buhay niya alam ko 'yon at kahit huli na ang lahat ay dapat ko siyang tulungan.

"Gagawin mo ba talaga 'yan?" Tanong ko sa kaniya at nakita ko ang pagdadalawang-isip niya.

"Rajedh! Huwag kang tanga! He will kill you if you will not follow his command!" Sigaw sa kaniya ni Werrestella pero hindi ako nagpatinag at hindi ko pinakita kay Werrestella na naiinis ako sa tinuturan niya.


"Kalaban si Dracunox, Rajedh kaya sumama ka sa amin. Huwag kang magpapaloko sa kanila." Turan ko sa kaniya at lumapit.


Nakita kong napaatras siya dahil sa paglapit ko, para siyang aatake o hindi dahil sa pagdadalawang-isip. Sa paglapit ko sa kaniya ay hindi niya na nagawang umatras pa dahil nahawakan ko na siya sa braso pero bigla siyang nagulat dahil sa kakaibang ngisi na ibinigay ko sa kaniya.

"Impostor." Bulong ko at bigla ko siyang niliyab sa sarili kong apoy at ang ungol niya ang siyang nagpangiti sa akin ng matamis.

Hindi kaniya ang boses.

"Maloloko niyo ang iba pero hindi kaming mga kaharap niyo ngayon Werrestella." Sabi ko at napalingon sa puwesto ni Sarionaya na tipid lang na ngumiti.


"Hindi siya ang Rajedh na sinasabi niyo, nilikha lang siya ng kung sino man. Ang kapangyarihan ko ay makita ang katotohanan kung ikaw ba talaga ang totoong tinutukoy namin o hindi." Paliwanag ni Sarionaya kaya napalingon ako kay Werrestella na ngayon ay nakangisi na ang bruha.

Pero buti nalang talaga hindi si Rajedh 'yon. Ewan ko kung saan nila dinala si Rajedh at alam kong hindi pumayag si Rajedh sa mga plano nila. Matalino si Rajedh at alam kong alam niya kung ano ang tama at mali at nasisiguro kong nakakulong siya ngayon sa lugar kung saan hindi namin alam. Para ko na siyang kapatid at siya lang ang totoong Royal blooded na mabait sa Natharia.

"Well as expected, pero hindi mo kami matata-"

Hindi natapos ni Werrestella ang sasabihin niya sana at kahit ako ay napamaang ng bigla nalang saksakin ni Wenessa direkta sa puso si Werrestella na siyang ikinasinghap ng lahat. Nakita kong gulat na gulat na napatingin si Werrestella sa nakangisi na ngayon na si Wenessa. Ang liwanag ng kulay ubeng buwan ang siyang nagbibigay ng lakas kay Wenessa at ang buwan na ito ang siyang dahilan kung bakit nagiging ganito si Wenessa. Nagiging demonyo siya dahil sa emosyon na meron siya ngayon.


"Para yan kay Cylechter."


Gulat akong napatingin kay Wenessa dahil sa biglaang pagdalawa ng boses nito na akala ko ay kami lang ni Genesis ang may kayang gawin 'yon. Ngayon lang namin naengkwentro ang ganitong parte ni Wenessa at i-ito ba ang pumatay kay Sayatus?

Bigla nalang umubo ng dugo si Werrestella na nakatingin parin kay Wenessa at bigla nalang hinugot pabalik ni Wenessa ang kung anong sandata na nasa kamay niya at nakita ko ang wand na may diseniyong ahas.


Ahas..


That girl, nasa'n na kaya ang babaeng 'yon? At anong ibig niyang sabihin na dapat kaming mawala pareho ni Dracunox? Bakit parang galit sila sa amin? Wala akong naaalala na may nagawa kaming mali sa iba pa.


Bigla nalang natumba si Werrestella pagkatapos makuha ang wand pabalik at nakita kong si Enexx ay nakahandusay na rin sa sahig at naghihingalo. Napatingin ako kay Senny ng bigla itong tumakbo ng mabilis at pinuntahan si Enexx at pipigilan ko na sana siya ng biglang hinawakan ni Sarionaya ang braso ko.


"Maiintindihan mo rin siya Menesis, katulad ko ay nagmahal din siya ng kalaban."


Wala akong nagawa kundi ilihis ang mga tingin ko sa kaniya at napako ang mga mata ko kay Athena na ngayon ay seryosong nakatingin kay Senny. Naalerto ako ng biglang tumakbo ng mabilis si Athena sa puwesto ni Sennya at parang may balak pang masama kaya sinabayan ko ang pagtakbo niya para mapigilan ang gagawin niya.


"Senny!" Sigaw ko kaya napalingon siya sa akin at gulat ding napalingon sa puwesto ni Athena kaya baluga siyang itinaas ang kamay niya at biglang lumiwanag ito.


"Portal!" Sigaw ni Senny at bigla nalang silang sinakop ng liwanag at huli ng maabutan ni Athena kaya galit na galit itong tumingin sa akin.


Bigla nalang akong natuod dahil sa biglaang pag-iba ng presensiya niya, mas lalong lumakas. Humangin ng napakalakas at bigla akong napaatras ng biglang unti-unting lumitaw ang dalawang sungay sa kaniyang uluhan na parang sungay ng isang dragon. May hinugot siya sa kaniyang likuran gamit ang dalawa niyang kamay at ganun nalang ako mapasinghap na pakpak pala ang ipinalabas niya sa likuran niya. Katulad ng sungay niya, ganun din ang pakpak niya na parang pakpak ng isang dragon. Kasabay ng paglabas ng pakpak niya ay lumabas din ang buntot nito na hindi rin nalalayo sa buntot ng isang dragon.


Hindi pa ako nakakita ng dragon pero alam kong ganitong klase ang sungay, pakpak at buntot dahil sa mga nakuwento sa akin ni Satanina noon. Buhay na buhay pa daw ang mga dragon na siyang hinahanap ng karamihan para mapaamo at mag-hari sa mundong 'to. Pero nabigo sila dahil tago at ilap ang mga dragon sa mga katulad namin.



"Huwag kang mag-alala Menesis, mananalo tayo basta nasa atin ang alas na makakatalo sa kanila."


Naalala ko ang sinabi ni Satanina sa akin na siyang ikinagulo ng utak ko. Hindi ko alam kung ano o sino ang alas na sinasabi niya.

"Umalis ka diyan Menesis."


Bigla naman akong napaatras dahil pumaharap sa akin si Wenessa at ganun nalang kalapad ang ngiti ko dahil sa napagtantong kaya niya na ngang kontrolin ang kapangyarihan niya. Ang nasa harap ko ngayon na Wenessa ay pursigidong kalabanin at tapusin si Athena at alam kong magiging madugo ang labanan na ito.


"Dugo ng buwan, kapangyarihan ng buwan, gabayan mo ang aking katawan at bigyan ng mas maraming lakas at kapangyarihan! Inaalay ko ang sarili para mailigtas ang dapat iligtas at protektahan ang dapat protektahan!" Bigkas niya at kasabay nun ang pagliwanag ng buo niyang katawan.



Bigla nalang kaming natumba dahil sa biglaang paglindol ng napakalakas at kasabay nun ang paghangin na naman ng napakalakas. Sumasabay sa hangin ang buhok ni Wenessa na siyang nagpapakita ng katapangan at determinasyon habang nakatingin kay Athena na may mga seryosong mata na wala ding inuurungan. Ang mga mata ngayon ni Wenessa ay naging intense na kulay violet ang mga mata.


Bigla kaming napatanaw sa buwan at halos mapasinghap kami ng biglang nagiging dalawa ang buwan. Humihiwalay ang liwanag ng buwan at nag-aanyong isang buwan din at hanggang sa matagumpayan na nito ang mahiwalay na siyang hindi namin aakalain.

Wala 'to sa pinag-usapan, wala 'to sa plano at walang-wala to sa mangyayari ngayon. Hindi ko alam kung mamamangha ba ako sa dalawang buwan na nasa itaas, isang puting napakaliwanag na buwan at isang buwan na kulay ube na siya ring nagbibigay ng liwanag. Pero pansin kong hindi natinag si Athena at seryoso siyang nakatingin kay Wenessa at bigla nalang nagliyab ang buong katawan ni Athena.

Ang akala kong magliliyab ang kasuotan nito pero hindi. Ramdam na ramdam namin ang init ng kaniyang apoy at ang lamig ng liwanag na nanggaling sa buwan.

"Pigilan niyo si Wenessa! Mapapahamak tayong lahat!" Napalingon ako bigla sa likuran and its Genesis.

Hindi ko napansin na nasa puwesto na pala kami nina Genesis habang kaharap nila ang apat na hindi pamilyar na lalaki at si Anomos kasama si Dracunox na ngayon ay nakaharap na sa amin. Napasinghap ako na lumulutang si Alisis na anak ni Genesis sa kalangitan habang pinapalibutan ng malakas na kapangyarihan.

Huli na ng mapigilan ko si Wenessa ng bigla nalang silang nagpalitan ng kapangyarihan ni Athena. Nagbabatuhan sila ng mga bolang gawa sa kani-kanilang mga kapangyarihan. Nagpalitan sila ng suntok at masasabi kong lamang na lamang si Athena dahil meron siyang abilidad na kayang magpatumba ng isang building sa isang suntok lang. She have this strength na kinakatakutan din ng lahat nun at naaalala ko pa na ibinalibag niya ako noon.

Nasuntok ni Athena si Wenessa sa mukha kaya napatalsik ito pero bigla namang tumayo si Wenessa at agad-agarang sinugod si Athena. Biglang lumikha si Wenessa ng isang kulay ubeng liwanag sa kaniyang palad at naging espada 'yon. Bigla niyang sinaksak si Athena pero nailagan 'yon ni Athena at bumuga ng apoy ang kaniyang pakpak na siyang ikinagulat ko.

Pati ba ang pakpak ay bumubuga din ng apoy? Bakit parang nakikita ko sa imahe ni Athena na isa siyang dragon? Bakit nagiging kakaiba na si Athena? Gawa ba ito ni Dracunox? Napatingin ako sa gawi nila ni Genesis at nakatingin lang sila sa mga lalaki na seryoso ding nakatingin sa kanila. Wala ni isang gustong umatake na para bang nagdadalawang-isip silang lahat at pinag-aaralan pa kung anong posibleng atake ang gagawin nila. Si Donessa at Satanina na seryosong nakatingin kay Dracunox, si Ignite na nakatingin sa isang lalaki at si Mascara na nakatingin kay Anomos pati din si Spencer na binabantayan lang ang kilos ng tatlo pang matanda.


Bigla nalang akong napaiwas ng may apoy na dumaan sa gilid ko at nakita kong naglalaban parin sila at ang mga atake nila ay saan-saan nalang napupunta. They are strong, litetally strong at mangha-mangha din ako sa taglay ni Athena dahil kaya niyang makisabayan sa isang Diyos. Nakita kong biglang sinipa ni Wenessa ng ubod ng lakas si Athena sa tiyan kaya napaungol ito.


"Boses niya ay parang dragon rin." Tutan ko.


"Menesis, tulungan mo si Wenessa." Napalingon kami kay Azania na ngayon ay may ulirat na nagtaka naman ako sa tinuran niya ngayon.

"Anong ibig mong sabihin Azania?" Takang tanong din sa kaniya ni Bill at nagtatakang nakatingin din sa kaniya si Specter at si Cylechter na nasa gilid na nito.

"Pwede niyang gisingin ang mga nilalang na hindi dapat magising." Biglang nantaas ang mga balahibo ko sa batok dahil sa sinabi niya.

Bakit parang ngayon lang ako natakot? Bakit parang may kung ano sa sinabi ni Azania na dapat kong katakutan? Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman na siyang ngayon ko lang naramdaman? B-Bakit ganito nalang kung tumibok ang puso ko dahil sa kaba?


"I need your help Azania pero kaya mo pa ba?" Tanong ko dito at bigla nalang siyang tumayo at kahit hirap na hirap ay ngumiti siya sa akin.


"Kakayanin." Turan niya kaya seryoso akong itinuro ang dalawang walang-sawang nagbabatuhan ng mga enerhiya.


"Seal their powers." Sambit ko at hindi naman siya nagdalawang-isip at bigla nalang itinapat ang kamay niya sa dalawa at ganun nalang natumba ang dalawang babae dahil nawala ang kanila mga kapangyarihan. Napatingin ako sa buwan ng bigla itong naging isa ulit at ang anyo ni Athena ay naging ordinaryo ulit. Hingal na hingal pa silang nanlalaki ang mga mata dahil sa pagtataka pero agad ko silang kinulong sa aking kapangyarihan at tinali ang mga kamay nila gamit ang mga metal na nasa paligid gamit ang kapangyarihan ko.

Napalingon kami kay Dracunox ng bigla itong nagsalita.


"Mahina parin pala sila, mga walang silbi. Oras na para tapusin kayong lahat at kunin ang mga kapangyarihan niyo."


"Baka nakakalimutan mong nandidito pa ako kuya?" Lahat kami ay napalingon sa nagsalita at doon na ako nanghina na mapagtanto kung sino ang mga kaharap namin.



"A-Avanza."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro