HG 73
Levinas.
Bawat kidlat at kulog na siyang pawang nag-eespadahan sa kalangitan siyang nagbibigay sa akin ng kaba at takot dahil hindi ko alam kung ano ang unang hakbang. Pati mga paa ko ay nagsasagian na dahil hindi nito malaman kung saan tutungo at saan sa kaliwa at kanan kong paa ang hahakbang ng una.
"Ayos ka lang ba mahal?" Napatingin ako kay Demeter na may nag-aalalang ekspresiyon. Para hindi na siya kabahan para sa akin ay binigyan ko siya ng magandang ngiti.
"Dapat akong maging okay Demeter dahil kailangan 'yon sa labanan na 'to. Kailangan kong magpakatatag at kailangan nating manalo sa laban na 'to." Turan ko sa kaniya.
Nang makikila ko ang isang tulad ni Demeter ay naisip kong napakalabo na maging kaibigan kami nito. Hindi man lang sumagi sa isip ko na magiging ganun kami kalapit pero hanggang sa tumatagal ay parati ko nalang siyang hinahanap. Simula ng habulin ako ng mga specialist na 'yon noon, 'yong mga nakablack coat ay siyang takot ko na baka hindi ako tatagal sa lugar na 'to. Bata pa ako noon kaya hindi ko naaalala pero alam kong anong kailangan nila sa akin at 'yon ang abilidad ko. Oo hindi ako Diyos pero ang kapangyarihan ko ay isa sa mga kapangyarihan ng mga ninuno ko na siyang kayang buksan ang ibang pinto sa ibang mundo.
Ayokong mamatay, pumunta ako sa mundong 'to para makipag-ayos sa mga totoo kong magulang at makasalamuha ang totoo kong mga kauri. Pero hindi ko naman alam na katulad sa mundo ng mga tao, marami din palang gulo na nagaganap sa lugar na 'to.
"Ang anak natin." Bigla kong bulong.
Simula ng maging asawa ko si Demeter, hindi na ako mapakali palagi dahil ang mga specialist na humahabol sa akin noon ay habol na habol parin sila sa akin ngayon. Masasabi kong hindi sila taga Westheria dahil hindi sila pamilyar, kung tauhan man sila ni Dracunox ay masasabi kong hindi na nila ako binigyan pa ng panahon, matagal na panahon para mabuhay pa. Hindi nila alam ang mga ito sapagkat sikreto ko lang ang lahat. Habang nakatanaw ako sa bintana siyang kaba din ang nararamdaman ko dahil nakatingin sila sa akin mula sa malayo.
Dumating si Venedict sa buhay namin kaya mas lalo akong nabahala at natakot na baka hindi ko makasama ang anak ko ng matagal, na baka gamitin ito laban sa akin. Hindi ako malakas, hindi ako kasing tapang nila ni Menesis at Genesis at lalong-lalo na ay hindi ako makapangyarihan para iligtas ang anak ko. Nasa Westheria ang anak ko at pinapabantay kay Deyfel dahil isa siya sa mga pinakamalapit sa anak ko kaya pinagkakatiwalaan ko siya at sana ay ayos lang sila sa palasyo at walang nangyari sa kanilang masama.
"Akalain niyo? Buhay pa pala kayo?"
Bigla kaming napalingon sa harapan namin at nagsimula ng kabahan ang puso ko at parang ilang oras ay matutumba na ako. Nagsinungaling ako kay Menesis, hindi parin ako malakas. Naaapektuhan parin ako dahil sa hina ng puso ko at madaling matakot. Napatingin ako sa palad ko ng maramdamang may pumulupot doon at halos haplusin ang kinakabahan kong puso dahil sa paghawak ni Demeter dito.
"Nagpauto kayo kay Dracunox." Mariing turan ni Wenessa.
"Oh the girl who can't control her power, are you really a Goddess? How shame of you." Ngising sambit ni Nhelina.
Noon, hinahangaan ko sila maliban sa pagiging sikat nila, nirerespeto din kasi ang katulad nila kaya mas lalo akong ginanahan sa pagpasok noon na baka balang-araw ay rerespetuhin din ako ng bawat isa. I want to be like them, I want to be respected even I'm not that strong. Ang alam ng lahat ay Hologram expert lang ako, akala nila doon lang nakabase ang kapangyarihan ko pero hindi nila alam na pati ang lugar kung saan nakatira ang mga namayapa ay kaya kong puntahan.
Napansin kong nag-igting ang panga ni Wenessa pero hinawakan lang 'yon ni Cylechter at tumingin ng seryoso na nasa harapan namin.
Nasa harapan namin ngayon ang tatlo sa mga Royal blooded, si Nhelina, Werrestella at si Rajedh kasama din nila ang babaeng pinag-uusapan noon na si Athena at ang kapatid nitong si Enexx. Hinding-hindi ko sila makakalimutan dahil isa sila sa mga malalakas na nasaksihan ko noon nung bago palang ako sa Natharia Academia.
"Not until now." Seryosong tugon sa kanila ni Cylechter at bigla nalang bumuo ng mga naglalakihang mga bola na gawa sa tubig pero hindi sila natinag dahil nakangisi lang silang lahat.
"Not until now? Tsk!" Bigla nalang akong napatakip sa bibig ng bigla nalang natumba si Cylechter at hawak-hawak ang kaniyang tiyan at gulat na gulat sa nangyari.
"Cylechter!" Sigaw naming mga kasama niya, bigla nalang humarap sa kanila si Wenessa na may seryosong ekspresyon.
"Walang hiya ka Werrestella." Sambit ni Wenessa.
"Why? Kasalanan niya 'yan, hindi siya nag-iisip na kaya ko ding kontrolin ang tubig. Bago pa niya kami atakihin ay nauna na siyang atakihin ng sarili niyang kapangyarihan." Ngising turan naman ni Werrestella.
"Bakit ba kayo nagkakaganiyan? Hawak na ba ni Dracunox ang mga buhay niyo?" Bigla kaming napatingin kay Azania dahil sa sinabi niya at nagtaka naman ang mga kalaban na para bang minumukhaan si Azania.
Bigla nalang tumaas ang kilay ni Nhelina na napagtanto kung sino ang babaeng nasa harapan niya ngayon.
"Diba ikaw 'yong babaeng nawala? 'Yong kinuha ng mga kalaban? Aba buhay ka pa pala?" Ngising turan nito kay Azania.
"Ang kapalaran mo Nhelina, hindi ka magtatagal dahil diyan sa ugali mo. Mamamatay ka, magdudusa at hihilingin mo na sana ay hindi ka na lang nabuhay pa sa mundong ito." Biglang seryosong turan sa kaniya ni Azania at nakita ko kung paano nagulat si Nhelina kaya napagtanto kong takot siya mamatay.
Sino ba ang gustong mamatay? Baliw nalang kung sino ang gustong magpakamatay sa mundong ito na siyang ipinahiram lang naman ng may kapal ang buhay ng bawat nilalang dito. Hindi dapat sinasayang ang buhay.
"At magsisimula na ang kamatayan mo ngayon Nhelina." Bigla nalang akong napaigtad ng biglang naging dalawa ang boses ni Wenessa. Parehang-pareha sila ng boses nina Genesis at Menesis kapag nagiging seryoso.
Bigla nalang kaming napatingin sa buwan na bigla nalang lumiwanag. Napakaliwanag na napakaliwanag kaya napapatakip kami sa mga mata namin dahil ang liwanag ay tumatama sa puwesto kung saan nakatayo si Wenessa. Kasabay nun ang pagliwanag din ng kaniyang mga ubeng mga mata.
Nabalutan ng katahimikan ang kapaligiran at sa isang iglap ay bigla niya nalang inatake si Nhelina at hindi na pinaatake pa. Sinipa ni Wenessa ang tiyan ni Nhelina na siyang nagpaungol ng malakas kay Nhelina pero hindi siya natinag at pinalabas ang mga naglalakihang mga ugat ngayon galing sa lupa. May mga tinik pa bawat sa parte ng ugat kaya nakakatakot at masasaktan ka talaga kapag tatamaan ka nito.
Napasinghap ako ng bigla nalang pinaatake ni Nhelina ang mga ugat niya gaya ng nasa isip ko. At hindi ko alam kung mamamangha ba ako o maaawa dahil pinagwawaksi lang ni Wenessa ang mga ugat na may mga tinik gamit ng kamay niya.
"Wenessa." Bulong ni Cylechter na siyang ikinaawa ko.
"Leah." Narinig kong bulong ni Azania at bigla nalang may lumabas na isang libro sa kamay niya at lumiwanag iyon kasabay ng paglitaw ng isang babaeng may mantsa ng dugo malapit sa kaniyang puso ang puting dress na suot niya.
"Tulungan mo si Wenessa." Utos ni Azania kaya bigla namang tumango ang babae at walang pagdadalawang-isip tinulungan si Wenessa na iwaksi ang mga ugat.
Ito ba ang isa pang kapangyarihan ni Azania? Ngayon ko lang siyang nakitan-ay hindi, nasaksihan ko na ito noon at 'yon 'yong paglikha niya ng mga puting kaluluwa at kinain ang mga itim na ligaw na mga kaluluwa.
"Si Leah ay isang Diyosa na nanggaling sa libro, malakas siya dahil sa kuwento na nasa libro, isa siya sa mga malalakas na nilalang at tinitingala ng lahat sa kuwento." Biglang sambit sa akin ni Azania at nanunuod sa laban.
Siya nga pala ang Diyosa ng Libro, kaya niyang gawing totoo ang lahat na nasa libro kapag babasahin niya ng malakas.
Napansin kong seryoso lang din nakatingin si Rajedh at ang magkapatid na sina Athena at Enexx at hindi gumagawa ng kahit na anong hakbang. Si Werrestella naman na ngayon ay kalaban ang babaeng tinawag ni Wenessa na 'Leah'. Nakakainggit dahil kahit galing sa kapangyarihan si Leah ay ganun din siya kalakas na para bang totoo siyang namumuhay sa mundong 'to.
Bigla ko nalang narinig ang isang musika kaya napalingon ako kay Sonata na nakalimutan ko na halos dahil sa kaba. Pinapatugtog na niya ngayon ang kaniyang plawta na siyang nagpapalabas ng enerhiya galing sa magandang nota na ipinapalabas ng kaniyang plawta. Seryoso lang siyang tumutugtog habang nakapikit na para bang siya lang ang nandidito sa lugar na ito. Bigla nalang akong napatingin sa likuran nito ng may nagsilitawan na mga espada at kung anu-ano pang klaseng sandata. Teka! Saan nanggaling ang ganiyang karaming sandata? Hindi kailanman nabanggit ni Sonata na may kaya siyang kontrolin ang mga ganitong klaseng espada na nasa kaniyang likuran.
"Nasa kaniya nga talaga ang kapangyarihan mo Sayatus at huwag kang mag-alala, tulad ng pinangako ko sayo, aalagaan at poprotektahan ko ang may hawak ng kapangyarihan mk." Napatingin ako kay Devos na nasa gilid ko rin pala at nakatingin sa puwesto ni Sonata. Hindi ko alam kung kasama ba siya naming pumunta dito dahil hindi naman ako lumilingon dahil sa kaba na nararamdaman ko.
At halos pantaasan ako ng balahibo sa braso dahil bigla nalang dumilat ang kaniyang mga mata at kasabay noon ay ang pag-atake ng kaniyang mga sandata sa direksiyon nina Werrestella at Nhelina. Matatamaan na sana sila ng biglang lumitaw ang isang napakalaking tipak ng bato na siyang naging kasangga para hindi matamaan ang dalawa pero bigla nalang itong natunaw dahil sa espada. O baka sa isa pang kapangyarihan?
"Nullifying, isa 'yon sa kapangyarihan ko. I-seal ang mga kapangyarihan nila para hindi sila makaatake." Napatingin ako kay Azania ng sambitin niya 'yon.
Napakalakas ni Azania, napakalakas ng kapangyarihan niya. Hindi ako makapaniwala na ang mga specialist na hinahangaan ko noon ay siyang mga naging kasama ko sa buhay at naging kasangga ko ngayon at hindi ako makapaniwala na ang mga specialist na higit kong hinahangaan noon ay siyang kalaban namin ngayon.
Nakita kong natumba si Werrestella at Nhelina dahil sa atake ni Sonata at hindi aakalain ni Rajedh ang kapangyarihan na meron si Azania kaya hindi na niya ngayon nagagamit ang kapangyarihan niya.
Bigla nalang akong nakarinig ng pagpagaspas ng pakpak at nakita kong sumugod na din si Demeter na nasa halimaw niyang anyo at si Rajedh ang kaniyang puntirya. Naramdaman ko na rin na biglang uminit ang hangin at nanggagaling 'yon kay Devos na ngayon ay seryoso na ring umatake sa puwesto ni Enexx. Si Athena naman na nakatayo lang sa tabi at parang tuwa-tuwa pa sa pinapanood pero bigla nalang akong natuod ng napadako sa akin ang mga mata niya ng ikinaba ng puso ko.
"Levinas!" Dinig kong sigaw ng kung sino at bigla ko nalang naramdaman na may puwersa na napakainit na papalapit sa akin kaya agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa malaking bolang apoy na papalapit sa akin at dahil sa gulat ko ay bigla ko nalang naitakip ang palad ko sa mukha at bigla 'yong lumiwanag.
Kinakabahan ako ng sobra, hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong mababaliw dahil sa sitwasyon na walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ba ako pagkatapos nito.
Iwinaksi ko muna ang isiping 'yon at sa pagtingin ko ay nakita kong nawala ang apoy at ang liwanag na dulot ko at bigla ko nalang napansin ang liwanag sa likuran ni Werrestella na seryosong nakikipaglaban kay Leah. Doon ako nagulat ng biglang lumabas sa liwanag na 'yon ang kaninang apoy na atake ng kung sino at natamaan sa likuran si Werrestella sa likuran.
"Argh!" Napakalakas na ungol nito.
May naramdaman na naman akong papalapit at hindi puwersa kundi si Athena na mismo ang papalapit sa akin. Seryoso na siya ngayong nakatingin sa akin habang patakbong papalapit sa akin. Hinanda ko ang sarili at inisip nalang ang mga ensayo na pinagdaanan ko, inisip ko nalang ang mga hirap na pinagdaanan ko para maging malakas sa mata ng lahat.
At akmang susuntukin niya ako na may apoy na naglalagablab sa kaniyang kamao ng bigla na namang lumiwanag sa aking harapan at nagulat ako ng nilamon siya ng liwanag at napansin kong lumiwanag ang likuran ni Nhelina at doon lumabas si Athena na gulat na gulat at doon niya naisuntok ang naglalagablab niyang kamao sa likuran ni Nhelina na siyang ikinawala ng malay nito.
"Kahanga-hangang abilidad." Hindi ko nalang pinansin muna si Azania at inilibot ang aking mga mata.
"Ahh!" Napalingon ako sa puwesto ni Leah ng bigla nalang itong naglaho ng madako ang tingin ko dito at nakangising Werrestella ang bumungad sa paningin ko. Demonyong Werrestella, duguan na ang katawan niya pero malakas parin ang puso niya para pumatay.
Naramdaman kong biglang lumakas ang presensiya ni Werrestella at makikita sa mukha niya ang mukha ng demonyo at bigla nalang siyang naging bolang tubig at biglang inatake si Demeter.
Lumapit ako ng hindi na ako mapakali dahil nasasaktan na si Demeter at hindi niya kayang atakihin si Werrestella dahil sa anyo nito. Hirap-hirap siyang pabagsakin si Werrestella at akmang aatakihin pa ulit ni Werrestella si Demeter na walang pagdadalawang-isip kong hinarang ang sarili kong katawan sa harap ni Demeter.
Parang biglang tumigil ang oras dahil sa ginawa kong pagsangga sa atake na 'yon ni Werrestella.
"Levinas!" Rinig kong sigaw ni Demeter at bigla akong natumba dahil sa napakasakit na dulot ng atake ni Werrestella. Ang lakas ng puwersa niya at kumpara sa akin, mahina ang katawan ko.
"Hayop ka!" Sigaw ni Demeter at kahit nahihirapan ako ay kitang-kita ko kung paano atakihin ni Demeter si Werrestella sa anyong tubig nito dahil sa galit. Kitang-kita ko kung paano huminga ng mabilis si Demeter dahil wala na rin siyang lakas dahil sa mga atake sa kaniya ni Rajedh na ngayon ay si Devos na naman ang pinagtutulungan kasama ang kapatid ni Athena.
"Argh!" Napalingon ako sa likuran at halos manlumo ako dahil sa nakita. Sakal na sakal ngayon ni Athena si Sonata at hirap na hirap ding lumalaban si Sonata pero hindi niya na makayanan. Hinanap ko si Azania at nakita kong nakabulagta na ito sa sahig.
G-Ganito na ba talaga sila kalakas? B-Bakit ganun? Ginawa na namin ang lahat, ginawa ko ang lahat pero parang kulang na kulang kumpara sa lakas nilang lahat. Hindi namin sila kakayanin.
"Wala na kayong takas, kayo ang mamamatay." Napatingin ako kay Werrestella na ngayon ay nakaharap na sa akin. Hinanap agad ng mata ko si Demeter at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Duguan na ang katawan ni Demeter, hirap na rin siyang huminga ngayon kaya bigla nalang bumuhos ang mga luha na kanina pa gustong lumabas.
"N-Nagmamakaawa ako sa inyo, huwag niyo ng ituloy ang mga balak niyo." Utal kong sabi kay Werrestella pero hindi siya nakinig at bigla nalang akong sinipa ng malakas sa mukha at damang-dama ko ang sakit ng ilong ko at sakit ng aking panga dahil sa ginawa niya. Naramdaman kong may tumutulo na amoy langsa galing sa ilong ko kaya mas lalo akong nanghina.
"Not me, not my comrades. All of you will die here." Ngising sambit ni Werrestella na may namumuong espada sa kaniyang kamay gamit ng kapangyarihan niyang tubig. At akmang isaksak niya 'yon sa akin ng bigla nalang siyang natumba.
"Not me, not also my comrades you bitch."
"M-Menesis." Bulong ko ng makitang nakatayo ngayon sa harapan ko si Menesis.
Dali-dali kong nilibot ang aking paningin at nakita kong nasa gilid ni Menesis si Bill at akbay-akbay ni Prinsipe Specter si Senny at nasa likuran naman nito si Sarionaya. Pero nanlumo parin ako dahil wala ng malay si Devos habang nakatayo sa harapan nito si Enexx at si Rajedh. Si Sonata na wala na ding malay pero laking pasalamat ko dahil humihinga parin ito at hawak parin ni Athena. So Wenessa na hingal na hingal dahil sa pagod habang akbay si Cylechter na ngayon ay nakahawak parin sa tiyan. Si Werrestella na ngayon ay tinatapakan ang dibdib ni Demeter na siyang nagpakaba sa puso ko.
"Magpapahinga na muna ako M-Menesis, hinang-hina na ako. At iligtas mo silang lahat, iligtas mo si Demeter. Tulungan mo sila." Utal kong turan sa kaniya at bago pa ako pumikit ay narinig ko pa ang sinabi niya.
"Matulog ka lang, huwag kang mamamatay. We will win this battle together."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro