Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 72

Menesis.

"Pumunta kayo sa lugar kung saan ang ligtas! Dalian niyo!" Sigaw ko sa mga estudyante na napakaraming sugat na natamo dahil daw sa pagpapahirap sa kanila.

Baluga naman silang lahat nagsiktakbuhan at ang iba pa ay nagpasalamat dahil sa wakas wala na sila sa kamay ng mga masasama. Tsk! Hindi ba nila alam na lahat sa mundong ito ay may tinatagong kasamaan?

"Relax Menesis."

"Paano ako re-relax Specter kung alam kong buhay nila ang kapalit kapag hindi tayo magmamadali?" Turan ko sa kaniya at lumingon sa ibang direksiyon kung meron pa bang natitira.

"May paparating." Bulong ni Azania.

Hindi na nakakapagtakang pupunta ang mga kalaban sa puwesto namin dahil sa pagsabog na ginawa ko pero malilito sila dahil sa ibang sulok ng eskwelahan na ito ay nandodoon sina Sonata, Levinas, Demeter, Azania, Cylechter at Wenessa habang kasama ko sina Senny, Sarionaya, Specter at si Bill na siyang nakatingin sa mga pamilyar na pigurang patakbong lumalapit sa amin.

"Oh! How nice to see all of you here again in Natharia." Biglang nanginit ang mga kamay ko, kalamnan at ang ulo dahil sa nakakainis na pigura nina Axial at Igneous na palaging nakangisi.

"Huwag nga kayong ngisi ng ngisi na para bang ang gwapo-gwapo niyo tignan. Hindi bagay! At tiyaka, anong nice kapag nakikita mo ang napakapangit na mukha?" Sigaw ko ng ikinangisi pa nila lalo.

"Menesis, nasa labanan tayo. Wala tayo sa gulong pambata." Bulong ni Specter na ikinabuntong-hininga ko.

"Eh wala ba?" Natatawang turan ko nalang at seryoso ulit tumingin sa dalawa na kasama si Enzyme.

"Kasama mo pala si Enzyme, Igneous? Bago 'yon ah? Ang magkaribal sa posisyon ng Gold Rank ay nagkasama? Baka magkatuluyan kayo niyan?" Asar din ni Bill sa kanila na siyang ikinainis ni Enzyme.

Pinapalibutan kami ng mga usok dahil sa pagsabog pero makikita't-makikita parin ang mga pigura ng nasa harapan namin dahil sa kapangitan nila. Hindi kasi sila papayag na hindi nakikita 'yang mga itsura nila na wala namang maganda. Ang maganda dito sa kanila ay tinuturuan ng leksiyon eh. Sinasali nila ang mga walang kalaban-laban sa kanila at gagawing alipin.

"Kayo lang? Minamaliit niyo ba kami?" Takang tanong sa kanila ni Specter na siyang ikinalapad ng ngisi ni Igneous.

"Bakit? Ganun ka na ba kalakas para paghandaan ng mga tauhan namin? Wala ka lang sa kalingkingan ko sinumpa." Ani ni Igneous na siyang ikinainis ko.

Ayan na naman 'yang word na 'sinumpa'. Feel ko kasi ay ang sama-sama na talaga namin ni Genesis dahil sa salita na 'yan na siyang pinauso ng matandang 'yon! Dapat ako ang kasama nina Satanina at Donessa eh para ako mismo ang magpaparusa sa matandang 'yon dahil sa mga kung anu-anong pinagsasabi!

"Psh. Luma na 'yang style na 'yan. Pang-aasar ba 'yan? Tsk! Immune na ako kay Menesis kaya hindi na ako naiinis." Ngising sambit ni Specter na ikinanuot naman ng noo ko.

Magsasalita na nga't pati pangalan ko ay kailangan pang idamay no?

"Wala ng satsat! Tsk!" Inis na turan ni Axial at bigla nalang kaming sinugod na mag-isa.

Aba! Anong kaya niyang gawin? Susugod siya mag-isa? Aba akala mo kung sino siya! Tatlo lang sila at lima kami kaya alam kong malaki ang tiyansa naming manalo. Pero hindi parin dapat kami magkompiyansa dahil sa sinabi ni Ignite sa amin noon, their powers are incredible hindi kagaya ng dati na napakahina nila.

Bigla nalang humangin ng malakas at bumuo ito ng napakalaking ipo-ipo na siyang ikanaatras namin dahil hindi namin aasahan na ganun kaagad ang magiging atake niya. Napakadali ng atake niya at naglikha agad ng malakas na puwersa na siyang hindi magagawa mg kung sino mang ordinaryong specialist lang.

Nagsiliparan ang mga ibang kagamitan pati mga tipak na bato ay sumasama na sa napakalakas na hangin dulot ng ipo-ipo. Ang mga pader ay bigla nalang nagsitumbahan kaya mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Bill na akmang masasama sa hangin.


"Ako pa lang 'yan, paano na kung kami na ag lahat aatake diba?" Ngising tugon ni Axial na kahit napakahangin ng malakas na siyang ikinakapikit ng mga talukap ng mga mata ko ay naaaninag ko parin ang peste niyang ngisi!

"Dispell!" Dinig kong sigaw ni Senny na siyang ikinawala ng napakalaking ipo-ipo at biglang nagbagsakan ang mga malalaking tipak ng mga bato at ang iba pang mga malalaking kagamitan. Matatamaan sana kami ng iba ng bigla nalang nagliwanag at napakaraming mga bilog na nagliliwanag.

"Endless Portal!" Sigaw ulit ni Senny at nilamon ng mga bilog na liwanag na iyon ang mga malalaking tipak ng mga bato at mga ibang kagamitan.

Napangiti ako ng makitang seryosong nakatingin si Senny sa mga kalaban. Ganiyan sa nag-mature, kakaiba na siya at masasabi kong deserve niya talagang matawag na Diyosa. Kakaiba na ang ipinapakita niya, magaling na magaling ang kaniyang opensa at depensa kaya nakahinga kami ng malalim.

Malapit na 'yon ah!

Nakita kong napamaang si Axial pero ma-pride dahil pilit niyang hindi pinapakita ang mga emosyon na meron siya tulad ng pagkamangha.

"Si Senny palang 'yon, Axial. Take note, babae pa siya." Ngising turan ni Bill na siyang ikinasugod ni Axial dahil sa inis pero bigla nalang humarang sa harapan ni Bill si Senny at seryosng tinignan si Axial.

"Nalulungkot ako kapag nalulungkot si Ate Mascara. At dahil sa ama mo, dumaan siya sa napakaraming bagyo at ipaparanas ko din iyon sayo!" Sigaw sa kaniya ni Senny at bigla nalang tumalon at bigla nalang niyang ipinagdikit ang mga palad niya at itinutok 'yon sa puwesto ni Axial na papalapit na din sa kaniya.

"Blazing Emblem!" Sigaw ni Senny at lumabas sa kaniyang likuran ang malaking apoy na naglalagablaban at walang-atubiling itinira si Axial.

Hindi natinag si Axial at patuloy niyang inatake si Axial at akmang tatama na sa kaniya ang apoy ng bigla nalang itong naglaho dahil sa paghampas lang ni Axial sa ere.

"Senny!" Sigaw ko ng biglang tuhurin ni Axial si Senny na ikinatumba at ikinasuka nito ng dugo.

G-Ganun kalakas ang pagtuhod niya?!

"Bakla!" Sigaw ko kaya sa akin napatingin si Axial na biglang ngumisi at tumingin kay Senny ulit.

Bigla nalang akong napatakip sa bibig ko ng walang pagdadalawang-isip niyang sinipa ito sa mukha kaya hindi napigilan ng aking luha na mahulog sa lupa.

Bigla ko nalang naramdamang uminit at nakita ko ang nagliliwanag na mga mata ni Specter at tinira agad si Axial ng bilog na liwanag na siyang ikinaatras nito. Bigla nalang sumugod si Specter pero bumulaga sa kaniya si Igneous na nakangiti.

"Sinumpa." Bulong ni Igneous pero dinig na dinig ko.

Akala ba nila na sinumpa si Specter? Nagkakamali sila dahil kami lang ni Genesis ang makapangyarihan na nasa kalamnan na namin ang buong kapangyarihan. Naniniwala kaagad sila sa sinasabi ng matandang 'yon na wala ng ginawa kundi maghasik ng lagim at pumatay ng walang awa! Wala siyang hiya! Wala silang hiya!

Bigla nalang nagpalabas ng apoy si Igneous na siyang sinakop ang buong katawan ni Specter at napatili ako ng sumigaw dahil sa sakit si Specter.

"F-Frozen!" Napalingon ako kay Senny ng isinigaw niya ang salita na iyon at bigla ko nalang nakita si Specter na naging asul na ang buong katawan.

"Its a spell na h-hindi ka tatablan ng apoy." Hirap na tugon ni Senny na siyang ikinatango ni Specter at seryosong hinarap si Igneous.

Bigla niya nalang inatake si Igneous na nakangisi parin at pinaulanan ito ng mga maiinit na liwanag na galing sa katawan niya. Iniiwasan lang 'yon ni Igneous at sa isang iglap ay tatlo na silang nagpapalitan ng suntok. Sumali si Bill, lumiliwanag ang mga kamao niya at isinusuntok ang mga 'yon sa mukha mismo ni Igneous at ganun din si Specter na walang katapusan ang pagliwanag ng kaniyang mga mata. Mabilis silang pareho at hindi ko makita kung sino ang lamang dahil sa parehong liksi at lakas. Tama nga si Ignite, nasasabayan nila ang lakas ng mga Diyos.

"Senny." Dinig kong tawag ni Sarionaya kay Senny at tinulungan itong itinayo at akmang lalapit na sana sa puwesto ko ng bigla nalang may napakalaking ugat na pumulupot sa buong katawan ni Sarionaya.

"Sarionaya!" Sigaw namin ni Senny at dinig na dinig namin ang pag-ungol niya dahil sa higpit ng pagkakayakap ng ugat sa kaniya.

"Argh!" Sigaw ni Sarionaya kaya mas lalo akong naalerto at sinugod ang ugat. Pinalabas ko ang latigo na siyang mukhang metal dahil sa talim nito at sa kulay abong itsura.

Inihampas ko ang ugat kaya bigla itong naputol at sasaluhin ko na sana si Sarionaya ng sinalo na naman siya ng panibagong ugat.

"Tumigil ka na Enzyme! Napakauto-uto mo dahil sa kabaliwan ng matandang 'yon ay napasunod ka!" Hindi ko maiwasang isigaw sa kaniya ang lihim na galit ko sa kaniya pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin at doon ko na naman narinig ang sigaw ni Sarionaya.

"Huwag mo siyang saktan!" Sigaw ko sa kaniya pero hindi parin ito nagsasalita at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap ng ugat niya sa katawan ni Sarionaya.

"Arghhh!" Iyak na sigaw ni Sarionaya.

Peste! Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na 'to! Bakit parang nabablangko ang isipan ko ngayon?! Arghh!

Wala na akong sinayang pa at sinugod si Enzyme at ang latigong hawak ko ay naglaho na at pinalitan ito ng naglalagablab na apoy.

"Humanda ka sa aki- Argh!" Tili ko ng biglang hindi makagalaw ang mga paa ko. Tinignan ko kung anong kahayupan ang tumitigil sa mga paa ko at ang mga ugat niya pala ang pumipigil.

Pero mas lalo akong kinabahan ng bigla nalang akong unti-unting nilalamon ng lupa na siyang ikitinaranta ng buo kong sistema. Hindi ko aakalain na ganito talaga sila kalakas.

"Menesis!" Sigaw sa akin ni Bill kaya napalingon ako sa kaniya at saktong nasuntok siya sa nag-aapoy na kamao ni Igneous.

"Bill!" Sigaw ko at nasaksihan ko kung paano ito tumalsik ng malayo.

Nagpupumiglas ako pero hindi ko parin nakukuha ang tamang tiyempo at nasa tuhod ko na ang lupa. Papatayin ako ng lupang 'to kaya kailangan kong mag-isip ng madali.

"Argh!" Iyak paring sigaw ni Sarionaya.

Pinakiramdam ko ang paligid at pumikit, nararamdaman ko ang init sa aking palad at kalamnan pati ang buong paligid ay pakiramdam ko ay mainit. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari pero napansin kong umaangat ang katawan ko pero hindi ko parin makita ang kapaligiran dahil sa nakapikit ang mga mata ko.

Naririnig ko ang mga sigaw ng mga kasama ko lalo na si Sarionaya. Mga ungol ni Bill dahil sa sakit at iyak ni Senny. Mga pag-impit na sigaw ni Specter na siyang mas lalong nagparamdam sa akin ng galit. Hindi ko hahayaang may mawawala sa amin, sapat na ang mga sakit na nararamdaman nila ngayon. Sapat na ang pinagdaanan namin noon at sapat na ang mga kaguluhan ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala silang lahat sa akin.

Unti-unti kong ibinuka ang aking mga mata at ramdam ko ang init sa aking mga mata. Ang pagbabago na naman ng boses ko dahil sa pagtikhim ko at ang pagliwanag ng aking buong katawan. Napansin ko ang pagbabago ng kasuotan ko at ganun nalang din ang kulay ng buhok ko. Naging kulay puti ang mga buhok ko at biglang humaba at naririnig ko ang pagpagaspas ng dalawang pakpak sa magkabilang sentido ko.


"Meet the real Goddess." Bulong ko at biglang inatake si Enzyme na napamaang na dahil sa nakita. Hindi ko siya pinagbigyang umatake at bigla itong sinakal at dinala sa ere.

"Kung tumigil ka na sana Enzyme, kung tumigil ka na sana. Hindi ko naman gagawin 'to kung huminto ka na. Nagpauto ka sa mga pinaniniwalaan mong katotohanan." Sabi ko sa kaniya at bigla ko nalang ipinikit ang aking mga mata at inikot-ikot ang katawan ni Enzyme sa ere na siyang alam kong magpapahilo sa buong sistema niya at ng makuntento na ako ay pabagsak ko siyang inihagis pabalik sa lupa at rinig na rinig ang pagsabog dahil sa sinamahan ko ng mga naglalagablabang apoy.

Pagdilat ko ay hindi na ako nag-ubos pa ng oras at inatake si Igneous na kinakalaban ngayon ni Bill at kitang-kita ko na hirap na hirap si Bill dahil sa mga paso at sugat na natanggap galing kay Igneous na siyang ikinainit ng ulo ko.

"Not my Bill." Bulong ko at hindi agad nakalingon sa akin si Igneous at huli ng lumingon siya dahil nasipa ko na siya ng napakalakas kaya tumalsik siya at bumanda ang katawan niya sa pader na ikinaguho nito.


Bigla nalang akong may naramdamang pumulupot sa katawan ko at kahit hirap ay nilingon ko kung sino and its Enzyme na nakatayo parin. May mga sugat na siya at hirap na din siya kung huminga.

Ang tibay naman ng bungo ng lalaking 'to!

"Hindi mo ako kaagad m-matatalo Menesis. I-I'm the God of Nature and Land." Hirap na sambit niya at kasabay nun ang matinding paglindol na siyang ikinatumba ng lahat.

Hirap na hirap na nakahawak sa lupa si Senny at si Bill na nakahawak na sa balikat ni Specter. Nahihirapan na din akong nakatingin sa kanila kaya kailangan ng tapusin ang lahat na 'to. Nabiyak ang mga lupa dahil sa lakas ng lindol, hindi ko alam pero unti-unti na akong nahihilo. Dapat kong patibayin ang katawan ko dahil kailangan pa nila ang lakas ko.

"But I'm a Goddess too Enzyme, the Goddess of Creation and Destruction." Buong-buong sabi ko at akmang tatakas na sana ng bigla ko nalang naramdaman ang pagkawala ng mga ugat sa akin.

"Sarionaya." Bulong ko na makita si Sarionaya na hawak ang magkabilang sentido at lumiliwanag iyon. Kahit nagpupumiglas si Enzyme ay hindi niya kayang sabayan ang lakas ngayon ni Sarionaya dahil sa emosyon nito ngayon.

Lumuluhang nakahawak si Sarionaya sa magkabilang sentido ni Enzyme at ramdam ko ang lungkot niya.


"Sayo ko lang sasabihin ito sayo Menesis at aasahan kong hindi mo ipagsasabi sa kahit na sino." Turan bigla ni Sarionaya sa akin.

Nasa hardin kami kung saan hinihintay ko dapat ang babaeng ahas pero bigla nalang sumulpot si Sarionaya na siyang ikinabahala ko na baka umatake ang babaeng 'yon na hindi ko nalalaman at si Sarionaya ang gamitin.

"Bakit mo pa sasabihin sa akin kung ayaw mo din naman palang ipagsabi ko sa iba?" Sagot ko naman sa kaniya na ikinalungkot niya bigla kaya bigla tuloy akong nakonsensiya.

"Sige na nga!" Sigaw ko nalang pero hindi parin nawawala ang lungkot sa ekspresyon niya.

"Bakit Sarionaya? Okay na oh, makikinig na ako. Hindi ko sasabihin sa iba ang sasabihin mo ngayon okay?" Turan ko at gustong-gusto ko siyang sabihang 'OA' dahil sa ipinapakita niya ngayon pero alam kong importante ang sasabihin niya. Hindi siya lumalapit sa akin kung hindi rin importante ang sasabihin niya.

"Sarionaya." Bulong ko kaya napalingon na siya sa akin na kanina ay inilihis ang mga mata. Titig na titig siya sa mga mata ko na parang nagmamakaawa.

"Sabihin mo na."

"Nagmahal ako ng kalaban." Gulat akong napatingin sa kaniya at akmang magtatanong kung bakit pero inunahan niya na ako.

"A-At si Enzyme iyon."

Naiintindihan ko na kung bakit umiiyak ngayon si Sarionaya dahil mahal niya si Enzyme na siyang labag sa puso niya na saktan ito eh pero wala siyang pagpipilian kundi protektahan ang sarili at ang kupunan. Hindi ko alam kung kailan siya nagkagusto, hindi ko alam kung bakit si Enzyme at hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat? Ang dali ng panahon, naaalala ko pa si Genesis na malungkot din dahil sa ginawa ni Enzyme noon.

Bigla nalang bumagsak si Enzyme kasabay ang pagluhod ni Sarionaya sa lupa na may nagbabadyang luha sa mga mata.

Tumingin ako sa gawi ni Igneous at nakita ko itong wala ng malay. Dahil ba 'yon sa sipa ko?

"Sa hitsura mo ngayon babe parang nagtataka ka kung bakit wala ng malay ang mokong na 'yan? 'Yan ang kapangyarihan ng 'justice', Menesis. Kamao ng hustisya ang siyang magpapabagsak sa kaniya." Napalingon ako kay Bill dahil sa sinabi niya at napangiti.

"That's my Bill."

"That's my wife."

"Nasaan si Axial?" Tanong ko sa kaniya at inilibot ang mga mata ko sa paligid at nakita kong wala na ding malay si Senny at iika-ika namang lumapit si Specter kay Sarionaya.

"Tumakas siya." Sagot naman nito sa akin.

Akmang tatalikuran ko siya ng bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya at sinalubong ng mainit niyang mga labi.


Wala kang pinipiling lugar Bill. Ano nalang gagawin ko sayo?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro