HG 69
Genesis.
Ilang oras din ng matapos namin ang pagpupulong o sabihin natin ang pagpaplano kung paano susugurin ang buong Natharia na nasa kamay ni Dracunox. Kailangan naming mag-ingat at wala dapat mawala sa amin kahit isa dahil hindi namin makakaya iyon. Hanggang maaari ay dapat maging malakas kami at maging mapanuri para maging matagumpay ang aming plano sa pagbagsak ng Natharia.
Our plan is not to destroy the important things in Natharia, the important kingdom and also the cities. Pero kung kinakailangan ay gagawin namin para lang mapaslang ang dapat mapaslang. Hindi dapat mag-hari si Dracunox sa mundong ito dahil magiging unfair iyon sa lahat ng mga naninirahan dito.
Nagpapahinga sina Ignite at Bill dahil sa malayong nilakad habang si Menesis ay binabantayan niya ang kaniyang nobyo. Nagpaalam lang muna ako kay Ignite matapos kong ipaliwanag sa kaniya ang lahat tungkol sa akin at mabuti nalang hindi siya ganun kasensitibo sa lahat ng mga bagay na nalalaman niya. At nagpapasalamat ako dahil mahal parin niya ako kahit marami na akong sikretong hindi agad nasabi sa kaniya.
Naglalakad ako sa pasilyo kung saan nakikita ko ang iba't-ibang uri ng mga mukha, lakas, espada at mga kakayahan. They are all strong and brave and I'm seeing through my eyes their hardworks just to protect their kingdom and one and only Westheria Palace.
Akmang lalakad na sana ako pabalik ng may nakita akong pamilyar na pigura and its Demeter na may iniyuyogyog sa kaniyang mga braso na hindi ko makita dahil nakatalikod siya sa akin. Dahil sa kuryusidad ay napag-isipan kong lumapit sa kaniya kahit nahihiya ako dahil sa tinuran namin sa kaniya noong unang pagkikita namin. Nakokonsensiya ako dahil sa tinuran namin sa kaniya na hindi maganda at agad-agad siya naming hinusgahan.
"Demeter." Tawag ko sa kaniyang pangalan ng nakalapit na ako at tagumpay naman akong nakuha ang atensiyon nito at bigla pa akong nagulat dahil sa kaniyang dala.
"I-Isang sanggol?" Takang tanong ko sa kaniya kahit halata naman. Tipid niya akong ginawaran ng ngiti at alam kong nakakaramdam siya ng awkwardness kaya lumapit pa ako sa kaniya.
"I'm here para manghingi ng paumanhin Demeter, hindi namin alam ang gagawin namin noon kaya naging ganoon ang aming ugali ni Menesis." Pagsisimula ko kaya tumingin siya sa aking mga mata at tumango.
"Alam ko 'yon Genesis kaya hindi ko kayo masisisi dahil may kasalanan din ako. Naglihim ako and its unfair para sa inyong magkapatid." Turan niya pero ngumiti lang ako sa kaniya at ensure him na hindi na kami galit sa kaniya.
"Hindi naman kami galit na galit Demeter, slight lang. Hindi kasi pumasok sa aming isipan na ang lalaking unang nakilala namin sa Natharia Academia ay siyang inakala naming kalaban pero hindi pala. Alam kong may dahilan ka at naninilbihan ka din kay Satanina. Nagulat lang kami pero naintindihan na naming lahat at alam na naming sino ang tunay na kalaban." Turan ko sa kaniya kaya mas lalo pa itong ngumiti ng matamis.
"Nung una nating pagkikita Demeter? Nagsimula na ba ang plano mong magmatyag sa Natharia Academia?" Dagdag na turan ko sa kaniya at tumango ito sa akin.
"Oo, matagal na akong dito nakatira. Matagal ko ng minamatyag ang buong Natharia Academia at kapag nagkakaroon ako ng misyon na patayin ang mga specialist na naka-black coat siya ay siyang hindi ko ginagawa. Sinasabihan ko lang sila na umalis na muna. Pero nagbago ang lahat ng hindi na ako binigyan pa ng misyon kaya napilitan akong umalis sa Natharia Academia kaya hindi niyo na ako nakikita. Pumunta ako sa Natharia Palace at nagpanggap bilang isang kawal at kaagabay ng Haring Anomos at sa misyon na pagpaslang sa kaniya. Hindi naging madali ang lahat dahil napakarami kong pinagdaanan." Salaysay niya kaya napapatango nalang ako.
Magaling si Demeter, malakas at masasabi kong hindi basta-basta ang kaniyang kapangyarihan. Hindi siya magiging kanang-kamay ng reyna nila kung hindi siya bihasa, ganun siya pinagkakatiwalaan ni Satanina.
Napatingin ako sa bata kaya napangiti akong lumapit pa at hinawakan sa pisngi ng bata. Halos haplusin ang puso ko dahil sa paghawak ng bata sa aking kamay, kahit napakaliit ng kaniyang mga daliri ay nararamdaman ko parin ang kakaibang presensiya nito.
Magiging malakas ang bata ito kapag lumaki na..
"Lalaki?" Tanong ko at tumango naman ito.
"Ang cute naman ng kapatid mo Demeter, ang lusog pa ng katawan." Masayang sambit ko at natawa naman siya sa sinabi ko.
"Anak ko 'yan Genesis."
Gulat naman akong napatingin kay Demeter dahil sa sinabi niya. A-Anak niya? A-Ang aga naman niya atang nakabuo? Hindi naman kasi halata dahil napakabata pa ni Demeter tignan at masasabi kong malayo sa itsura niya ang maging ama na ganitong kaaga.
"Si Levinas ba ang ina?" Ngiting tanong ko at ngumiti naman itong tumango sa akin.
"Congrats ah?" Nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Salamat." Pasasalamat niya kaya tumango ako.
"Ano palang pangalan ng bata? Siguro kasing gwapo mo din iyan paglaki niya Demeter, malakas at makisig." Turan ko at napatawa siya sa tinuran ko.
"Pinangalanan siya ni Levinas na Venedict at oo, sana maging kasing tapang ko siya at kasing liksi siya ng kaniyang ina." Turan nito at napapahangang sinulyapan uli ang bata.
Hinawakan ko ang bandang dibdib ng bata at doon lumiwanag ang palad ko, nagtataka naman akong sinulyapan ni Demeter kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Akala niya kasi may ginagawa akong masama sa kaniyang anak.
"Anong ginagawa mo Genesis?" Takang tanong niya at matapos mawala ng liwanag ay tumingin ako sa mga mata ni Demeter.
"Lalaki siyang malakas Demeter, I give him a gift. Gift that can protect his self out of danger and a gift that can protect his love ones." Ngiting turan ko at lumakad na papalayo at iniwan siyang natulala at napanganga.
"Salamat Genesis." Dinig ko paring sambit niya kahit napakalayo ko na at ngiti nalang ang iginawad ko kahit hindi niya iyon nakikita.
----
"Hindi ako makapaniwala na si Don pala ang ama mo Mascara? He is our friend back then." Turan ni Menesis na siyang nakasulyap sa seryosong ekspresiyon ni Mascara na wala na atang pinagbago.
Hindi parin talaga ako makapaniwala na may anak si Don at itong si Mascara pala na kaharap namin ngayon ang anak niya. Nasaan na kaya siya? Nasa Satharia Academia siya nung huli daw makita ni Menesis kaya hindi rin malabo na nandoon pa siya.
"Hindi ko aakalain na ang lalaking 'yon ang ama ko. Palagi ko siya nakikita sa Westheria noon." Turan nito kaya napangiti ako.
"Hindi talaga tayo makakapaniwala sa mga bagay-bagay na hindi rin natin inaasahan." Sabat ko na ikinatango nila.
Hindi parin gumigising sina Senny, Sonata at Cylechter dahil sa pahod. Pero batid kong magaling na sila at naghilom na ang kanilang mga sugat ayon kay Arsulo. Hindi bihira ang kapangyarihang dumapo sa kanila, napakalakas at bihira at sobrang napakaimposible. Hindi ko kaagad nagamot ang mga kaibigan ko dahil doon.
"Kapatid siya ni Donessa, Mascara. Alam mo na ba?" Tanong ko at tumango naman ito.
"Sinabi na sa akin ni ama nung nagkita kami sa Satharia." Turan niya kaya nagulat akong napatingin sa kaniya.
"Pumunta ka ng Satharia?" Tanong ko at tumango naman ito.
"Nakapasok ako sa eskwelahan nila ng ganung kadali at nakalabas din ako ng ganung kadali. Inaasahan na ni ama na pupunta ako dahil nagpadala ng mensahe si Reyna Satanina gamit ang kaniyang mga ligaw na kaluluwa. Sinabi ko sa kaniyang sumama na sa akin pero hindi pa daw niya maiiwan ang Academia dahil may inaalam pa siya, may misyon pa siyang tinatapos."
Ano na naman kaya ang misyong sinasabi mo Don? At dapat ka pang magpaliwanag kung bakit ka biglang nawala at bakit gustong-gusto mong mamatay. Pero siguro may dahilan ka na para mabuhay ng matagal dahil nakilala mo na ang anak mong napakaganda pero napakaseryoso.
Natawa nalang ako sa iniisip ko.
"Bukas na bukas ay susugod na tayo at wala ng atrasan, kailangan na nating magmadali dahil hindi ligtas ang mga inosente doon." Turan ko pero hindi naman sila sumagot.
Nandidito kami sa kwarto ni Mascara, kaming tatlo lang ang nandidito dahil may ginagawa ang mga kalalakihan at si Wenessa naman ay binabantayan si Cylechter. Hayst, sana magkaayos na ang dalawang iyon para wala na silang awkwardness na mararamdaman sa isa't-isa.
"Oo at kailangan hindi dapat tayo matatalo." Segunda ni Menesis na siyang ikinangisi ni Mascara.
"I wonder kung matatalo ba natin ang kalaban? They are too many at kaunti lang tayo, malalakas din sila katulad natin dahil napapantayan na nila ang kapangyarihan ng isang Diyos." Turan niya kaya naging seryoso ang ekspresiyon namin ni Menesis.
Gaano ba sila kalakas at parang hindi sigurado si Mascara sa gagawin naming plano? Nagdadalawang-isip pa ata siya kung sasama ba siya pero wala din naman siyang magagawa dahil inaaaahan niya ang ama ay sasali sa laban.
"Pumunta kanina dito si Donessa." Turan ni Mascara.
"Oh? Talaga? Oh eh anong sabi?" Tanong ni Menesis.
Napabuntong-hininga siya at tumingin sa aming mga mata.
"Sasama siya sa labanan at lalaban, hindi daw siya puwedeng maiwan dahil marami daw kasalanan si Dracunox sa kaniya." Sagot nito kaya tumango kami.
"Dapat lang tayong manalo, marami tayo, malalakas at mas matatalino. Nasa atin ang karamihang Diyos at Diyosa kaya mapagtatagumpayan natin ang plano nating pabagsakin sila." Sabi ko sa kanila.
"Marami sila, malakas din sila at mas matatalino laban sa atin. Kung hindi niyo nalalaman, kasabwat nila ang Satharia."
Bigla akong nanlamig dahil sa sinabi niya. I-Ibig bang sabihin ay kalaban din silang Prinsesa Gemartha? Sina Prinsipe Satro at Prinsesa Zhavia? H-Hindi ko maatim na kalabanin sila dahil naging kaibigan ko na sila at minsan ng nakasama sa misyon. Paano na ito?
"You mean..." Pambibitin ni Menesis.
"Sabi sa akin ni ama na ang Headmistress sa Satharia Academia ay kapatid ni Dracunox. She is Avanza, the Titan Goddess of Reincarnation."
"But she said she is the late Titan Goddess of Holy Fire!" Sigaw ni Menesis pero hindi na nagulat si Mascara.
"Nasa lahi na nila ang manloko at magsinungaling Menesis kaya hindi na nakakapagtaka." Seryosong sambit ni Mascara.
"Ano bang klaseng Diyosa siya? And what? Reincarnation?" Turan ulit ni Menesis na siyang ikinabuntong-hininga ulit ni Mascara.
"Sabi ni ama, ang kapangyarihan niya ay nakakabuhay ng kaluluwa na namayapa na. Mabubuhay ulit ang kaluluwa nito pero sa ibang katawan na mamamalagi. Meaning patay na ang katawan ng taong 'yan pero buhay na buhay naman ang kaluluwa nito at lilipat sa ibang katawan. 'Yan ang isa sa mga impormasyon na sinabi ni ama sa akin." Sagot nito at sa pagkakataong ito ay ako naman ang napabuntong-hininga.
Akala ko nagtatago lang si Don pero parang sinasabay na din niya ata ang misyon na sinasabi ng anak niya. Pambihira.
"Kaya dapat pa tayong mag-ingat, mag-obserba at hindi magpadalos-dalos dahil malakas din ang kupunan nila. Kaya hindi pa bukas ang araw na siyang ating paglusob, magpapalakas pa tayo para sa plano natin." Dagdag na turan ni Mascara kaya kahit sa gustuhin ko mang magmadali ay alam kong hindi maganda ang kalalabasan nito. Baka makasama lang ang pagmamadali sa mga plano.
Lumabas na muna ako at hindi ko inaasahan na nasa napakahabang lamesa ang dalawang prinsipe dito at si Sarionaya kasama si Satanina. Masiyado silang busy dahil sa pagpaplano.
"Anong gagawin natin Reyna Satanina, anong susunod na hakbang ina?"
Ina? T-Teka! Tinawag ni Specter na ina si Satanina? O baka mali lang ang dinig ko?
"Anak, kailangan nating mag-ingat. Nagbigay ng mensahe sa akin si Devor na kasabwat ang Satharia sa kaguluhang sinimulan ni Dracunox at ang malala pa doon ay malakas din ang kanilang kupunan. Hindi sila basta-basta, dalawa lang ang kaharian natin at masyado tayong konti. Hindi ko papayagang madamay pa ang iba nating mga mamamayan kaya maiiwan sila dito, sila ang poprotekta sa kaharian natin dito."
Tama ang dinig ko! Anak din ang tinawag ni Satanina kay Specter! Ibig-sabihin ay mag-ina nga sila! Bakit ang dami nilang sikreto? Ano pa ba ang mga sikretong inililihim nila? Bakit parang ayaw din akong pigilan ng kuryusidad ko? Ang daming impormasyon! Hindi ko masakop lahat!
Bigla ko nalang natabig ang isang vase at parang isang kidlat silang napatingin sa akin pero wala namang nagbago sa mga ekspresiyon nila. They are looking at me na parang nagtataka kung anong ginagawa ko dito sa gilid.
"Mag-ina kayo?" Iyon nalang ang aking nasabi dahil sa kaba na hindi ko naman alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito.
Bakit ba ako kinakabahan? Wala naman akong ginawang kasalanan diba?
"Hindi pa ba nasabi ng mga anak ko sayo na ina nila ako? Akala ko alam niyo na?" Ngiting paninigurado ni Satanina.
Paano niya nagagawang pakalmahin ang sarili sa mga ganitong sitwasyon? Parang wala siyang problema kung titigan at mga mata niyang wala namang ipinapakitang emosyon dahil blangko. Ang mga labi niya lang mismong nagbibigay kasiguraduhan kung ano ang nararamdaman niya.
"S-Sige alis na muna ako o baka magpapahinga nalang muna ako. Magpatuloy lang kayo diyan." Turan ko at tumalikod na sa kanila.
Hindi ko inaasahan ang maririnig ko at sa nalaman ko ngayon. Mag-ina sila at iyon ang katotohanan, hindi nila nasabi sa amin kahit kailan. Ayaw ba nilang sabihin o baka natakot sila? O baka sinabi nalang ni Satanina dahil nahuli na sila? Ang dami nilang sikreto. Ang dami-dami.
Nagmadali akong umakyat sa hagdanan at binuksan ang pinto at sa pagpasok ko ay halos mapatili ako dahil sa may biglang humila sa akin.
"Shhh its me Genesis." Biglang nantaas ang balahibo ko sa mga braso at batok dahil sa hininga niya na nasa tenga ko na banda at ramdam na ramdam ko ang mahigpit na yakap niya sa aking likuran.
"I-Ignite.." Bulong ko at halos manlambot ang mga tuhod ko dahil sa bigla niya akong hinarap sa kaniya pero hindi ko siya maaninag dahil hindi nakabukas ang ilaw.
At bigla ko nalang nasilayan ang gwapo niyang mukha ng magliyab ang kaniyang palad na nakataas sa ere kaya kitang-kita din ang maskulado niyang katawan at mga braso.
"A-Anong ginagawa mo?" Utal kong tanong sa kaniya habang nakayakap parin sa kaniya. Hindi ako magkaundaga dahil sa kaba na baka may nakapasok na kalaban at iyon pala ay si Ignite.
"Nakita kita kasama ang lalaki kanina na may bitbit na bata and damn fuck! I am jealous and I'm insecure because he had that baby that made you smile widely and sweetly." Bulong niya sa akin na ikinalunok ko at halos doon na gumuho ang utak at puso ko dahil sa sunod niyang ginawa.
He is kissing me sweetly and lovely..
Bigla nalang siyang bumitaw sa halik at nandodoon pa din ang apoy sa palad niya na nakataas sa ere to give light.
"Gusto kong magkaanak Genesis."
At hindi niya na ako pinagsalita dahil sinakop niya na ang buo kong labi at namatay na ang nagliliyab na apoy na nasa palad niya.
Bahala na ang bukas, sa susunod at sa susunod pa. I want him too kahit napakadali ng panahon, I love him so much that I can give my whole me just for him.
At sinakop ang buong kwarto ng pagmamahalan namin ni Ignite na siyang hindi ko pagsisisihan. Sinakop ang katawan namin ng kakaibang init na siyang mas lalong nagpatatag sa relasyon namin ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro