HG 67
Sarionaya.
"A-Anong g-ginagawa niyo dito?" Rinig kong sambit ni Genesis pawang hindi makapaniwala sa nangyayari.
Kahit ako at itong mga kasama ko ay seryoso lang nakatingin sa dalawang Diyos na siyang nasa harapan namin. Hindi ko alam pero may hinahanap pa ang iba kong mga mata at nanlumo ng mabatid na wala siya. Nagbabakasakaling kasama nila at sabik din na makita ako.
Nahulog na ata ako sa lalaking 'yon na hindi inaasahan. Kakaiba, kakaiba na talaga itong nararamdaman ko. Parang tinatraydor ako mismo ng katawan, puso't isipan ko at hindi ko na alam ang susunod na gagawin. Nakakahiya, nakakahiya sa tinitirhan kong palasyo.
"Bill!" Masiglang sigaw ni Menesis at agad na niyakap sa lalaking tinawag niyang Bill.
"Anong ginagawa ng mga Diyos galing sa Natharia dito? Batid kong alam ninyo ang puwedeng mangyari sa inyo kapag kinalaban niyo kami?" Seryosong sambit ko sa kanila kaya napatingin sila sa gawi ko.
"We are here to see our women kaya huwag ka ngang mangialam." Gulat akong napamaang sa tinuran ng Bill na ito.
Hindi niya ba kilala ang nasa harapan niya? Mga malalakas kami at hindi basta-basta sinasagot ng ganung klase. Sino siya para pagsalitaan ako ng ganung klase na parang walang respeto?
"Magdahan-dahan ka sa iyong pananalita God of Light and Justice dahil hindi mo kilala kung sino ang kinakaharap mo." Seryosong-seryoso na turan ni Spencer kaya mas lalo itong ngumisi na siyang ipinagtaka namin.
"Ako? Hindi kayo kilala? Come on! Kilalang-kilala ko kayo siyempre. Hindi ako baliw para pumasok sa lugar kung saan hindi ko pinag-aralan, kamukha ni Menesis. Siyempre mga mahaharlika kayo sa Westheria at hindi mawawala sa katotohanang sa posisyon lang kayo malakas." Turan niya kaya nang-init ang aking ulo dahil sa tinuran niya.
"Sino ka para pagsalitaan kami ng mga kahangalan mo?! Pwede ka naming patayin dito mismo!" Sigaw sa kaniya ni Specter pero bigla nalang kaming nakaramdam ng kakaibang presensiya na siyang ikinalingon namin sa puwesto ni Menesis na ngayon ay masamang-masama ng nakatingin kay Specter.
"Try to touch him and you will die where you are standing Specter." Nabigla kami sa biglaan nitong pagdalawa ng boses niya. Ito na naman ang pagiging demonyong parte ng katawan niya, hindi malabong sila nga ni Genesis ang siyang hinahanap ng lahat.
Tutok na tutok lang ako sa mga ikinikilos nila at wala akong magawa kundi manuod lamang dahil hindi ako pwedeng makialam. Kakaiba ang kanilang kakayahan at limit sa aking kaalaman ang puwersang mayroon sila.
"Kung nagtatanong kayo kung paano kami nakapunta dito siyempre naglakad. Walang masasakyan kaya naglakad kami kaya pagod na pagod kami. Pero pagdating namin dito, bigla nalang kaming pinag-aatake ng tatlong lalaking 'yan na hindi man lang muna inaalam kung sino ang mga kaharap nila." Ngising turan nitong si Bill. Ginagaya niya ba si Menesis para maging mayabang din siyang tignan?
"Pagpasensiyahan niyo na si Bill, kung hindi niyo nalalaman ay alam na namin ang lugar na 'to sa isang araw pa at ngayong araw lang kami naglakas-loob para pumunta dito. Hinayaan ni Menesis na hindi maisarado ang portal na siyang ginawa ni Menesis doon sa Gym kung saan nagkakagulo ang lahat. Bago pa magsirado ang portal ay siyang pagpasok namin at kita na namin ang mga likuran ninyo na papalayo. Hindi namin alam kung nagmamaang-maangan lang kayo pero sinundan namin kayo sa malayo, hindi ninyo kami napapansin sa hindi namin alam ang dahilan. Nang malaman na namin ang daan, umuwi kaagad kami at gumawa ng plano." Turan sa wakas ni Ignite at lumapit kay Genesis na hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari.
"I-Ignite." Rinig kong sambit ni Genesis. Natuon lang sa kanila ang mga mata ko at kitang-kita ko kung paano naging seryoso ang mga mata ni Ignite na nakatingin kay Genesis.
"Explain later." Turan sa kaniya ni Ignite at napatango nalang si Genesis at napangiting tumayo mula sa pagkakaluhod dahil sa ginagamot niya ang aming mamamayan.
"Pwede na ba kaming pumasok sa napakaganda niyong palasyo? Hindi ko alam na ganito pala kasaya sa palasyo ninyo, makukulay ang kapaligiran, maraming nag-iinuman at nagkakasiyahan." Turan ni Bill na siyang nakaakbay kay Menesis na hindi magkaumayaw ang ngiti hanggang tenga.
Hindi na ata si Menesis ang kaharap namin, masiyado siyang madikit kay Bill. Magnobya't magnobyo ba sila?
"Ang dami mo namang napapansin Bill." Turan sa kaniya ni Menesis kaya tinignan lang siya nito.
"Huwag ka ngang maingay, huwag magpahalatang miss na miss mo ako." Turan pabalik sa kaniya ni Bill na siyang ikinatikhim naman ng mga katabi ko.
"Bakit kayo narito?" Tanong ko nalang para may masabi naman ako sa harapan nila.
"Alam na namin ang totoo." Biglang tumahimik ang kapaligiran ng biglang bitawan ni Ignite ang mga salitang iyon.
"Anong katotohanan naman 'yan Ignite?" Tanong sa kaniya ni Menesis.
Seryoso lang itong nakatingin sa amin na parang may masama kaming nagawa pero nagbago naman iyon ng tumingin siya kay Genesis at pabalik sa amin.
"Donessa helped us. Pumunta siya sa Natharia nung pagbalik namin para sabihin ang lahat sa amin dahil hindi na niya daw kayang magsinungaling pa sa lahat. She helped us to know the truth kasama na doon kung paano paslangin ni Dracunox ang mga kasamahan niya noong kapanahunan pa nila. Dracunox is crazy and greedy, hayok siya sa kapangyarihan kaya niya ginawang pagpaslangin ang mga kakampi nito noon at napunta sa kaniya ang mga kapangyarihan nito." Turan sa amin ni Ignite na siyang ikinasinghap ng lahat dito.
Kita ko din kung paano nagulat si Genesis at si Menesis ganun na din ang isa pang babae na kasama ni Menesis sa likuran.
"Ibig mo bang sabihin hindi sila Satanina ang kalaban? Hindi itong mga kaharap natin ang kalaban?" Turan ni Menesis na siyang ikinalingon naming tatlo na katabi ko sa kaniya.
Kahit hanggang ngayon ba ay hindi parin siya naniniwala na hindi kami kakampi? Na kalaban parin kami sa mga paningin niya?
"Huwag kayong tumingin sa akin ng ganiyan dahil hindi niyo ako masisisi sa mga iniisip ko ngayon. At least may kasigiraduhan ng hindi nga kayo mga kalaban, be thankful na dumating sila dito dahil baka hindi din kami magdalawang-isip na pabagsakin ang buong palasyo na 'to." Napapailing nalang talaga ako sa katapangan nitong si Menesis.
Hindi niya alam, may pinagmanahan siya.
"Paano naman nalaman ni Donessa ang mga iyon?" Tanong ni Genesis kaya si Bill na ang sumagot.
"Donessa is the Goddess of Blood right? Ginamit niya ang kapangyarihan niya at kumuha ng dugo sa hindi namin alam kung sino at nagaya niya ang kakayahan ng specialist na 'yon. Nakikita niya ang hinaharap and that is why ay nalaman namin kung sino ang kalaban, hindi niya ipinakita sa amin ang lahat but its enough to prove that Dracunox is the root why this is happening." Sabi ni Bill.
"Tumakas kami, kasama dapat ang mga kaibigan ninyo Menesis pero hindi namin sila natulungan na bigla silang pigilan ni Enzyme. Because of his power, kinulong niya ang mga kaibigan ninyo gamit ang mga napakalaking mga ugat. Wala kaming nagawa ng bigla nalang kaming dinala ni Donessa kung saan at naiwan ang kaibigang iba." Seryosong turan ni Ignite.
"Walang hiya si Enzyme!"
Ewan ko pero bakit ganito nalang kumirot ang puso ko? Bakit ganito nalang kung kumirot ang damdamin ko? Nakakainis! Bakit siya pa? Bakit kung saan gustong-gusto ko na siyang makasama ay nagkaganito pa?
Malungkot nalang akong napayuko at pinakiramdam nalang ang mga nag-uusap.
"Huwag kang gagawa ng ikakapahamak mo Menesis, ibang Enzyme na ang kaharap namin. Isa na siyang demonyo, kakaiba na ang kakayahan niya. Pati ang mga Royal blooded ay nagbago na, mas naging malakas ang kanilang mga kapangyarihan at mas lalo silang naging mabangis. Kakaiba sila, kakaibang-kakaiba. Napapantayan nila ang mga lakas namin." Its Bill.
Napaangat ang ulo ko ng inangat iyon ni Spencer pero umiwas nalang ako ng tingin ng sinalubong niya ako ng malungkot na tingin. Hindi puwede, hindi niya puwedeng malaman na mahal ko ang isa sa mga kalaban.
"S-Si Cylechter? P-Paano siya?" Napalingon ako sa isang babae ng magsalita ito at nakita kong nagulat si Bill at si Ignite.
"W-Wenessa?" Takang paninigurado ni Bill at tumango lang sa kaniya ang tinawag niyang Wenessa.
Teka, siya iyong babaeng pinatulog ni Spencer? Siya iyong babaeng kayang kontrolin ang kapangyarihan galing sa buwan? Magkapareho nga pala sila ni Spencer ng kakayahan.
"Hindi ko alam na buhay ka pa pala?" Biglang turan ni Bill at naramdaman ko ang lungkot para kay Wenessa dahil sa tabas ng dila nito.
"Ano ka ba Bill?! Nagtatanong lang siya and you don't need to be this rude okay? Nagbago na siya, hindi niya iyon sinasadya kaya tapos na okay?" Turan sa kaniya ni Menesis na halatang pinagtatakpan lang si Wenessa pero ayoko namang mangialam dahil hindi ko ugali ang ganun.
"At alam niyo ba kung bakit siya naghahanap ng mga Diyos at Diyosa? Dahil gusto niya itong pagpapaslangin para makuha ang kapangyarihan nito at mapasa kaniya. Gusto niya pang maging mas malakas, gusto niyang mag-hari sa buong mundo at plano niya pang sakupin ang iba pang mundo na siyang ikinakabahala naming lahat. At ayaw niya sa mga Diyos na nagrerelasyon dahil kapag nagbunga ito ay hindi niya ito mapapakinabangan, hindi niya magagamit ang kapangyarihan ng mga supling dahil nasa laman na nito ang kapangyarihan. Hindi mapapasa sa kaniya kapag kinitil niya ito kaya ganun nalang niya ipinagbabawal ang pagrelasyon ng kapwa Diyos at Diyosa dahil ito mismo ang puwedeng maging laban sa kaniya. Kaya maayos na maayos na nawala ang mga libro doon sa Library para hindi na siya makapaghanap pang iba katulad namin." Mahabang salaysay ni Ignite at halos kami ay nagulat dahil sa tinuran niya.
"Kailangan na nating sagipin sila Senny! Silang Sonata at Mascara dahil delikado sila doon! Kailangan na nating maunahan ang matandang iyon bago niya patayin ang mga kaibigan namin!" Galit na sigaw ni Menesis pero napatigil siya ng bigla nalang siyang napahawak sa puso niya.
"Kailangan muna nating gumawa ng plano mga bata." At kahit ngayon ay hindi ko parin maiwasan hindi pantaasan ng balahibo kapag dumadating nalang bigla si Reyna Satanina. Kapag lumilitaw siya ay parang nararamdaman kong nagkasala ako sa kaniya at nagtraydor.
Bigla kaming napayuko lahat pati si Wenessa at ganun nalang din kung yumuko sina Bill at Ignite. Pero nakatayo lang si Genesis at Menesis na masamang nakatingin kay Reyna Satanina na nakangiti ng matamis. Hindi tulad ng iba, nakaangat lang ang aking ulo para makita ang posibleng mangyayari. Nakikita ko ngayon ang likuran ng reyna na nakaharap kay Genesis at kay Menesis na parehong nakahawak sa kani-kanilang mga dibdib kung saan nakapuwesto ang kani-kanilang mga puso. Bakit? Bakit nila hinahawakan ng pareho ang kani-kanilang mga puso? Anong nangyayari?
"Bakit ba kapag lumilitaw ka ay kumikirot ang mga puso namin? Bakit kapag nasa harapan ka namin ay parang biglang titigil sa pagtibok ang puso namin?" Inis na turan ni Menesis kay Reyna Satanina kaya napapailing nalang ako.
Hindi ko alam kung saan sila kumukuha ng lakas ng loob dahil sa mga itinuturan nila na ikinapagtataka ko. Hindi ba nila alam na napakalakas ng babaeng nasa kanilang harapan at hindi ito basta-basta? Hindi talaga nabibigo ang magkakapatid na gulatin kami at sorpresahin.
"Hindi lang naman kayong dalawa ang nakakaramdam niyan mga bata, pati ako ay nakakaramdam din katulad ng mga nararamdaman niyo pero pinipilit ko lang para hindi na mas lumala. Kapag pinansin mo kasi, mas gagrabe ang sakit." Ito na ata ang pinakamataas na salitang binitawan ng reyna kaya pati ang mga katabi ko ay nag-angat din ng mga ulo na may pagtataka sa kanilang mga ekspresiyon.
"Satanina, hindi ka namin kilala pero alam kong hindi ka masama. Naging masama ka sa paningin namin oo pero kailangan naming iligtas ang mga kaibigan namin kaya puwede na ba kaming umalis?" Magalang na turan ni Genesis pero umiling lang si Reyna Satanina na siyang ipinagtaka nilang dalawa.
"Hindi kayo aalis ng hindi ko sinasabi mga bata, magpaplano tayo kaya huwag kayong magpadalos-dalos. Hindi ko pinapabayaan ang mga kapanalig ko." Ngiting turan ni Reyna Satanina sa kanilang dalawa pero bigla nalang kumunot ang noo ni Menesis.
"Pero hindi mo kami kapanalig tulad ng sinasabi mo!" Sigaw sa kaniya ni Menesis pero ngiti lang ang iginawad ni Reyna Satanina sa kaniya.
"Pagtapak niyo palang sa aking kaharian ay kinokompirma ko na kayong kakampi. Hindi kayo papasok dito kung wala kayong kailangan at hindi kayo papasok dito na walang nakukuhang sagot. Kaya hayaan niyong paghandaan natin ang lahat, hayaan niyong pagplanuhin ang lahat para maging matagumpay tayong lahat." Kalmang turan ng reyna.
"Pero mamamatay na ang kaibigan namin Satanina." Turan ni Genesis pabalik dito.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ng Reyna Satanina sa mga itinuturan ng magkakapatid dahil hindi siya ginagalang. Hindi ko rin mabasa ang isipan ni Reyna Satanina dahil wala naman akong kakayahan para gawin iyon kundi kilos niya lamang ang aking nababasa pero sadiyang magaling at matalino ang reyna at hindi siya tatawaging reyna kung wala siyang kaalam-alam.
"Huwag kayong mag-alala, may kakampi pa tayo na nakabantay sa eskwelahan ninyo. Magaling siya, hindi siya basta-basta at alam kong kakayanin niyang iligtas ang mga kabigan ninyo na batid kong kaibigan niya din. Siya lang ang makakatulong dahil isa siyang anak ng dalawang Titan God at Goddess. Hindi makukuha ang kapangyarihan niya kapag papaslangin siya dahil nasa dugo at kalamnan na niya ang pagiging isang Diyosa." Ngiting turan ni Reyna Satanina.
"At sino naman siya?" Taas-kilay na tanong ni Menesis na parang naiinip na din.
"Kilala niyo siya, kilalang-kilala kaya huwag na kayong mag-alala. Anak siya ng dalawa kong mga kaibigan na mga Titan God and Goddesses. They are strong kaya hindi na imposible na malakas din ang kanilang anak."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro