Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 66

Genesis.



Nandito ako sa napakalaking Battle Arena ng Westheria. Matatagpuan ito sa pinakadulong bahagi ng Westheria palace pakanan. Gawa sa napakatibay na semento na kinulayan ng iba't-ibang kulay na para bang isang bahaghari ang tema. Nakakalito man pero parang hindi talaga kalaban ang kaharap namin, parang hindi kalaban ang kaengkwentro namin.

Tama nga ba talaga si Azania? Na hindi sila kalaban? Paano kung hindi iyon nagsasalita ng totoo dahil matagal-tagal na din siyang nanirahan dito sa Westheria at makikita kong walang nangyaring masama sa kaniya. Paano kung napikot na siya ng mga kalaban? Ang gusto kong malaman ay bakit parang pilitan kaming dinala dito nina Specter at Spencer? Nainiwala ba sila na hindi kami gagawa ng mga kung anong hindi nila matatanggap? Kompiyansa sila na wala kaming ibang gagawin at kompiyansa sila na hindi namin silala sasaktan.

Baka totoo nga, hindi sila kalaban. Pero bakit sila sumusugod sa Natharia? Bakit sila nagpakalat ng mga ligaw na kaluluwa doon? At ang babaeng iyon, ang pinatay ni Demeter ay tiyak na nanggaling iyon dito. Hindi ko naiintindihan kung ano ang nangyayari, hindi ko alam kung sino ba talaga dapat ang paniniwalaan ko. Nakakalito na parang pilit ipinapasok ang mga nakukuha naming impormasyon sa utak ko na siyang ikinasasakit nito. Ano ba ang dahilan nila?




Pagpasok ko sa Battle Arena, bumungad sa akin ang napakalawak na espasyo kung saan batid kong doon naglalaban-laban ang mga kalahok. Doon nagtutunggali ang mga specialist dito na kung saan nagpapatigasan ng katawan, nagpapalakasan ng kapangyarihan at napapabilisan ng mga kilos.



"Hindi ko aakalain na nandidito ka bisita." Lumingon ako sa likuran ko at doon ko nakita ang buong kabuuan nitong nagngangalang Arsulo na siyang kasama ni Satanina kagabi.


"May dapat ka bang inaasahan na siyang pupuntahan ko?" Takang tanong ko sa kaniya at napangiti siya sa tinuran ko.

"Aakalain kong tatakas at lalayo na kayo kapag nakaharap niyo na ang Reyna Satanina pero sadiyang matigas ang inyong mga bungong magkapatid at naisipan pang pumalagi rito." Turan niya na siyang nagpainis sa akin.

Anong inaakala niya sa akin? Mahina? Anong akala niya sa amin ni Menesis? Mga duwag na dapat takbo lang ng takbo? Oo nagawa na namin iyon sa Natharia Academia pero wala kaming ibang pagpipilian kundi lisanin ang lugar dahil delikado na kami roon at wala na kaming tiyansang makalabas kapag hindi kami tumakbo. Mahirap paniwalaan ang mga nakikita na siyang kasinungalingan pala, mga paniniwala ko-namin ni Menesis na siyang unti-unting nagpapakitang mali lahat ng mga akala namin.


"Hindi kami duwag kung inaakala mo, malakas kami kaysa sa iniisip mo Arsulo." Tugon ko sa kaniya at bahagya pa siyang napamaang dahil sa pagbanggit ko sa pangalan niya.


Hindi siya kasing-tanda ko pero masasabi kong mas matanda siyang kung kumilos kaysa sa akin. Itim na buhok, mga maiitim din na mga mata at hindi naman sobrang gwapo kung titignan mata sa mata. Pero masasabi kong may ipagmamalaki ang kaniyang katawan na para bang likas na sa labanan, masasabi kong hindi rin siya bihira.


"Alam mo bang kaya kitang patayin sa isang iglap lamang?" Mayabang na turan niya tapos ngumisi. Pero hindi ako natinag sapagkat napakarami ko ng narinig na mga ganiyang kataga pero hindi naman natutuloy dahil duwag pala sa kaloob-looban at ayaw pumatay.


"Alam mo bang kaya din kitang patayin sa kinakatayuan mo?" Balik kong tanong sa kaniya pero hindi parin mawala ang mga ngisi sa kaniyang labi na siyang nagpapaasar sa akin.


Ano bang problema ng lalaking ito at ako ang iniistorbo? Wala ba siyang magawa pati ang isang katulad ko ay tinatakot niya? At akala niya ba ay matatakot ako sa salita lamang? Nagkakamali siya dahil wala akong kinakatakutan maski malakas pa iyan sa may kapal. Kapag may pinanghahawakan ka, kapag may ipinagmamalaki ka, papatunayan mo na kayang-kaya mo at hindi ka kaagad matitibag.

Nakaramdam nalang ako ng puwersa at doon nalang bigla nagbago ang itsura ng kaniyang mga kamay hanggang sa mga braso nito na para bang nagiging balat ng isang dragon. May lumabas na mahaba at malaking buntot sa likuran na ito na gumagalaw pa na parang buntot ng isang halimaw at ang kaniyang katawan ay lumaki na siyang ikinapunit ng manggas ng kaniyang mga damit. Ngingiti-ngiti pa itong nakatingin sa akin hanggang sa naabot niya na ang sukdulan ng kaniyang kapangyarihan.


Mukha niya na isang halimaw, mga pangil niyang mahahaba at dila niya na parang naghahanap ng makakain. Mga mata niyang naglalagablab na parang isang apoy at biglaang pagtulis ng kaniyang mga kuko.


Seryoso ko lang siyang tinignan at bigla nalang naging tahimik ang kapaligiran. Ihip ng hangin na lamang ang aking nadidinig, nagsasanggaan ang aming mga mata na walang sinuman ang gustong lumihis.

Hanggang sa bigla nalang siyang sumugod sa akin. Napakabilis ng kaniyang kilos, hindi ako umatras o umabante. Mga paa ko na walang ginagawa, mga mata kong seryoso lang nakatingin sa kaniyang pag-atake at paghinga kong normal lang at tibok ng aking puso na siyang parang walang nagbago.


Nasanay na ata ako sa mga ganitong sitwasyon.


Napakalapit niya na at akmang aatikihin niya na ako gamit ng mga matataas at matatalim na kuko ng bigla itong huminto sa ere mismo at hindi na niya ito magalaw. Umungol pa ito ng malakas at takang sinulyapan ang kaniyang kamay na hindi makagalaw. Seryoso lang akong nakatingin doon haggang sa unti-unting nagbabago ang anyo ng kaniyang kamay abot hanggang sa braso. Bumalik ito sa dati niyang anyo at kulay ng balat hanggang sakupin na ng kapangyarihan ko ang katawan niya upang maging anyong normal na siya ulit.


Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin at nakanganga pa ang mga labi.


"P-Paano-"

"Ayokong gumawa ng gulo na alam kong hindi ko rin magugustuhan sa huli. Hindi ako ang tipong gagawa ng gulo na hindi naman importante ang mga rason. I'm the Goddess of Life and Death, Arsulo. Kung nagtataka ka kung paano ko ginawa iyon, asahan mo pang may mas malala pa doon kung gagawa ka ng kilos na hindi ko gugustuhin. I can strengthen your ability and I can also kill your ability. Ganun ako kalakas kaya huwag kang magmarunong." Turan ko sa kaniya at tinignan niya lang ako sa mata ng seryoso ng iilang segundo.

"At sasabihin ko na ito sayo, hindi ako tinatablan ng kapangyarihan mong kumontrol ng utak. Dahil ako, kaya ko rin iyang gawin sayo." Turan ko sa kaniya at tumalikod na sa kaniya.



Hindi ko alam pero dapat ba akong magpasalamat dahil may ganito akong klaseng kapangyarihan? Na may ganito akong klaseng kakayahan? Pumatay at bumuhay? Pero limit sa kaalaman ko ay may limitasyon din ang aking kakayahan kaya hindi ako dapat masiyadong gumagamit ng mga malalakas na kapangyarihan dahil delikado iyon sa akin.

Naglakad-lakad lang ako hanggang sa nakapasok na ako sa palasyo at bumungad sa akin ang dalawang babaeng nakatalikod sa akin na seryosong-seryoso sa pag-uusap. Mula dito ay pinilit abutin ng aking pandinig ang pinag-uusapan nilang dalawa.

"Menesis, kahit ako ay hindi ako makapaniwala na dito ako mapupunta. Ni hindi ko nga rin alam na nasa teritoryo na pala ako ng Reyna Satanina pero masasabi kong hindi siya masamang reyna. She's just protecting her comrades and her palace. Nagkamali ako ng paniniwala na akala ko ay sobrang sama niyang Diyosa." Dinig kong sabi ng isang napakapamilyar na boses.


"Wenessa, kahit ako ay nalilito kung sino ba dapat ang pagkatiwalaan at sino ang mga hindi. Nakakalito na talaga."

N-Nandito si Wenessa?! So tama ako? Nandito nga talaga si Wenessa at nag-uusap sila ni Menesis. Hindi ko alam pero mas nabuhayan ang loob ko sa hindi alam ang dahilan pero isa lang ang naisip ko, may iba pa kaming kakilala dito.


"Umalis ako sa lugar na 'yon Menesis dahil sa sakit na naramdaman ko. Kahit alam kong ako ang mali, kahit ako ang masama ay sinabi ko parin sa sarili ko na hindi ko na ata kasalanan namatay si Sayatus. Hindi ko na kasalanan na hindi ako kayang mahalin ni Cylechter na siyang mahal na mahal ko. Nakakalito oo, pero ng mapuntahan ko accidentally ang lugar na ito ay siyang pagbuhay ng aking loob dahil nabago ang buhay ko dito. I can control now my powers pero hindi pa ganun kalakas pero sakto lang, 'yong mapoprotektahan ko ang sarili ko." Natotonohan ko ang lungkot sa pagsasalita ni Wenessa pero naiintindihan ko siya.

"Kung nalulungkot ka kung hindi ka mahal ng mahal mo, puwes nagkakamali ka. Rinig kong nag-uusap si Bill at si Cylechter tungkol sayo nung nasa likod ako ng pintuan ng dorm nila at dinig na dinig ng dalawang tenga ko na mahal ka niya at hindi ako. At kung ako man ang mamahalin niya o gugustuhin niya, maniwala ka, iba ang tinitibok ng puso ko at hindi siya 'yon. Itutulak ko siya sa specialist na para sa kaniya. Oo alam kong may dahilan ka nga para lumayo pero hindi maganda kung takbo ka lang ng takbo na walang napapatunayan Wenessa." Turan sa kaniya ni Menesis.

Bigla nalang akong nakarinig ng paghikbi kaya mas lalo akong naawa.

"P-Pero hindi dahil sa pagtakbo ko ay hindi ko malalaman ang lahat. N-Nakita ko dito si Azania na siyang nagpaintindi sa akin, siya ang nagpakita sa akin ng lahat gamit ng kapangyarihan niya na makita ang hinaharap. Marami akong nalaman pero nabigla ako ng nawala agad 'yon, pero maniwala kayo, hindi sila kalaban. May dahilan kung bakit naglalaban ang dalawang panig." Turan ni Wenessa.



"Talaga?" Tanong ko at napalingon naman sila sa akin. Nakita ko pang napangiti ng tipid si Wenessa na nakaharap sa akin at taka namang nakatingin sa akin si Menesis.

"Alam kong sayo nanggaling ang presensiya na 'yon sa gusaling 'yon. Ano na namang ginawa mo dun?" Tanong sa akin ni Menesis na nakataas pa ang kilay.


"Nagwarm-up lang." Dahilan ko at umupo sa upuan kaharap ang dalawa.


"Pero mali ang ginawa mo kay Sayatus." Biglaan kong sambit sa kaniya kaya natigilan si Wenessa at lungkot siyang humarap sa akin.

"Oo mali ako, hindi ko nakontrol ang kapangyarihan ko noo-"

"Alam kong kontrolado mo na ang kapangyarihan mo noon Wenessa." Seryosong sambit ko sa kaniya kaya gulat siyang napatingin sa akin.

"A-Anong pinagsasabi mo G-Genesis? H-Hindi ko p-"

"Huwag ka ng magmaang-maangan dahil alam kong nagkukunwari ka lang. Hindi 'yon aksidente dahil sa kapangyarihan mo kundi intensiyon mo talaga siyang patayin Wenessa. Bakit? Bakit mo ginawa 'yon?" Turan ko sa kaniya at gulat parin siyang nakatingin sa akin.


"Saan mo nalaman 'yan Genesis?" Takang tanong naman sa akin ni Menesis.

"Sinabi sa akin ni Mascara bago siya naglaho matapos saksakin ni Satanina si Anomos. Sinabi niya sa akin na pinakita sa kaniya ni Donessa ang lahat, hindi lang sa pamilya niya. Mascara told me that Donessa told her that we should take care sa lahat ng mga ikinikilos natin dahil hindi lahat ng nasa paligid natin ay mga kakampi. Ilan sa kanila, kalaban. Ipinakita kay Mascara ang lahat ng mga makakasalanan na malalapit sa atin at isa doon si Wenessa. She killed Sayatus because of jealousy." Salaysay ko at hanggang ngayon ay gulat na gulat parin nakatitig sa akin si Wenessa at hindi ko namalayan na nagniningning na ang gilid na kaniyang mga mata simula para siya ay lumuha.



Hindi ko intensiyon na hulihin siya, naalala ko lang talaga ang sinabi sa akin ni Mascara bago siya mawala.


"Take care always Genesis, hindi lahat ng mga nasa paligid mo ay kakampi mo. 'Yan ang sinabi sa akin ng Donessa na 'yon kaya mag-iingat kayo ni Menesis."

At doon niya na isinalaysay lahat. Kasama na si Demeter, Wenessa at si Devos. Una palang, alam ko ng kalaban si Demeter pero hindi parin ako naniwala dahil tinulungan niya kaming ihatid ang katawan ng hari sa pagamutan. He also helped us to kill that specialist who controled the monsters. Kaya inalis ko siya sa listahan na isa siyang kalaban dahil alam kong hindi niya 'yon magagawa. Na baka nagsisinungaling lang o nagkakamali lang ng pagkalkyula si Mascara pero sadiyang ang tanga ko na hindi siya paniwalaan.

"Jealousy of what? Jealous because of Cylechter?" Tanong ulit ni Menesis.


"Hindi. Selos na selos siya sa kapangyarihan ni Sayatus, gusto niyang mapasa kaniya ang kapangyarihan nito kaya pinatay niya. Pero nabigo siya dahil hindi sa kaniya napasa ang kapangyarihan and I guess that is why she left Natharia Academia." Turan ko kaya narinig nalang naming humagulhol ng iyak si Wenessa na siyang ikinakonsensiya ko naman kaagad.


Sorry pero dapat magkaalamanan na ang lahat Wenessa.

Bago pa makapagsalita si Wenessa ay bigla nalang kaming nakarinig ng sunod-sunod na mga pagsabog kaya napatayo kaming tatlo kaagad at lumabas ng palasyo. Napansin kong umuusok na sa labas ng palasyo, sa labas mismo kung nasaan ang pintuan para makapasok.

"Hindi naman ata ang bebeng 'yon." Dinig kong bulong ni Menesis.

Sinong babae? Sinong babae na naman ang tinutukoy niya? Gusto ko pa siyang tanungin kung sino ang tinutukoy niya at kung saan niya nakita si Wenessa pero nakarinig ulit kami ng pagsabog.

Lumapit na kami ng hindi na namin matiis at nagkakagulo na ang ibang mga specialist.


"Tabi!" Sigaw ni Wenessa na siyang pagtabi naman ng iba at bigla nalang bumungad sa amin ang tatlong mga mamamayan dito na nakabulagta na pero hindi pa naman nawawalan ng mga ulirat dahil dilat pa ang kanilang mga mata.


Tumakbo ako sa gawi nila at bahagya pang hinawakan ang braso ng isa at gulat itong napatingin sa akin.


"S-Sinumpa." Bulong nito pero hindi ko nalang pinansin at biglang ginamot ang kaniyang sugat. Lumiwanag ang aking mga palad na nakahawak sa kaniyang braso pati sa katawan na siyang ikinaginhawa niya dahil sa paghinga niya ng malalim.

Napansin kong kinontrol ni Menesis ang pinto gamit ang kaniyang kapangyarihan na kumontrol na bagay at doon nalang kami natuliro at napanganga kung sino ang dalawang lalaking nasa likuran mismo ng pinto. Seryosong-seryoso ang mga mata nilang nakatitig sa amin.

"What's happening?!" Dinig kong sigaw sa likuran at napansin kong napayuko ang lahat maliban kay Wenessa, sa akin, kay Menesis at sa dalawang lalaking nasa harapan namin.

Lumingon ako sa likuran at doon ko nakita ang seryosong mga ekspresyon nina Specter, Spencer at Sarionaya. Hindi din ata sila makapaniwala sa mga nanggulong panauhin.


"Bill!" Sigaw ni Menesis pero hindi 'yon ang ikinagulat ko, kundi sa lalaking nasa likuran ni Bill na siyang seryosong nakatingin sa kapaligiran.


"I-Ignite."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro