HG 65
Menesis.
Walking at the middle of the Westheria and inhaling the fresh air from those green trees.
Nandidito ako ngayon kumakain kung saan una kong nakita si Mascara, hoping na makita ang babaeng 'yon at tanungin kung may kinalaman ba siya sa nagaganap dito sa Westheria. Hindi malabong mamamayan din siya ng kaharian ni Satanina dahil dito siya namin unang nakilala. At nasisigurado kong mas maraming alam si Donessa at ang anak niyang si Devos.
Hindi na ako makapaniwala sa mga nangyayari, oo unti-unti na naming napagbubuklod-buklod ang lahat ng sagot pero masiyadong marami. Masiyadong marami ang mga impormasyon na siyang nalilituhan kami ni Genesis. Tungkol kay Satanina, kay Sarionaya at doon sa magkambal. Kakaiba sila, may tinatago pa sila kaya dapat kong alamin 'yon-dapat naming alamin 'yon.
Pagkatapos kong kumain ay nagdesisyon akong lumabas at ilibot ang mga tingin ko sa paligid. Walang kumpas na kasiyahan ang mga mamamayan dito, dancing with those loud music na kahit tirik na tirik ang araw. Hindi ko alam pero naiinggit ako sa kanila dahil parang wala man silang naiisip na problema, para bang wala silang problemang kinakaharap dahil nasa amin na ata halos lahat ng malas.
Bakit ba kami pinanganak ni Genesis na pasan-pasan ang buong mundo? Parang responsibilidad talaga naming baguhin ang tadhana pero wala kaming magagawa dahil kami ang inatasan ni Lola Thorna. Sabi niya, gagawin namin ang lahat para malihis ang pinaniniwalaan ng iba na siyang maling-mali. Na hindi kami masama, na hindi kami ganun kasama sa iniisip nila dahil nga may dahilan lahat. May dahilan ako, si Genesis pati ang tadhana kung bakit kami ang pinili. Para din ito sa lahat, sa amin, sa kaligtasan namin.
"Menesis."
Napalingon ako sa pamilyar na boses na siyang nasa likuran ko at hindi ko alam pero napangiti ako kahit na alam kong isa siya sa mga kapanalig ni Satanina.
"Devos, kamusta?" Turan ko.
Hindi ko mapigilan hindi ngumiti, hindi ko rin naman kasi kayang magalit sa kaniya dahil alam kong may iniisip pa siyang iba. Kung ako ang tatanungin, wala naman ata siyang pakialam kung saan siya nararapat o nababagay dahil ang kaniya, ang misyon niya ay ayusin ang lahat ng gulong pinasok ng ina niya.
"Hindi parin ako makapaniwala na kayo pala ni Genesis ang sinasabing sinumpang kambal. Hindi ko naman kasi alam na kambal pala kayo pero hindi nga lang magkamukha." Turan niya at lumapit pa sa akin.
Tumango ako sa sinabi niya at napatingin sa itaas kung saan nakikita ko ang mga ibon na siyang malayang-malayang lumilipad. Sana ibon nalang ako, so that I can fly freely without hesitation and permission from everyone. Feel ko tuloy ay hawak na ng Westheria ang buhay namin na kapag isang maling galawan lang namin ay mabubura na kami sa mundong 'to.
"Kahit ako Devos ay hindi rin makapaniwala. Maniwala ka man o sa hindi, hindi namin pinangarap na maging ganito kalakas at ganito katapang. What we need is to have a peaceful life pero nung pagpasok pa lang namin dun sa eskwelahan na 'yon ay hindi na naging tahimik ang buhay namin ni Genesis na siyang ikinakabahala ko." Malungkot kong sabi sa kaniya at tumingin pabalik sa kaniya na ngayon ay nakangiti na sa akin.
"Malalakas kayo kaya huwag kang panghinaan ng loob." Sambit niya.
"Hindi ka ba natatakot sa akin? Sinumpa ako, 'yon ang tawag nila doon." Turan ko sa kaniya pero ngumiti lang siya.
"Wala namang sinumpa sa mundong 'to Menesis, inggit lang sila sa kapangyarihang meron ka. Maniwala ka, naiintindihan kita. Kahit ako, ayoko ring mabuhay sa mundong 'to na walang pinanghahawakan na magandang memorya, puro pasakit at gulo lang." Sabi niya sa akin habang nakangiti pero tonong-tono sa pananalita niya ang lungkot at pagpipigil sa nararamdaman niya.
"Marami pang darating sa buhay mo Devos, maraming bagay pa ang mangyayari kaya maghintay ka lang. Kahit ako, gutom na gutom ako sa pagmamahal ng pamilya. Buti ka, may Donessa ka na kaya kang protektahan, kami ni Genesis? Tanging Lola Thorna lang namin na iniwan pa namin sa kagubatan dahil nga sa kagustuhan niyang pag-aralin kami sa Natharia Academia. Doon na nagbago ang buhay namin, sakit, tuwa, gulo at iba pa. Pero hindi kami sumuko kasi kapag sumuko kami, katapusan na namin." Turan ko sa kaniya at binigyan ng matamis na ngiti.
"Nagpapasalamat ako sayo-sa inyo dahil nakilala kayo ng ina ko. Ang suwerte-suwerte ng ina ko na maging kaibigan kayo pareho ni Genesis at masasabi kong biyaya 'yan ng may kapal, 'yang malalakas niyong kapangyarihan." Turan niya kaya napatango nalang ako.
"Teka Devos, kilala mo si Satanina? Genesis said that you are looking at her seriously dahil sa pag-atake nito sa ama mo, kay Anomos?" Sambit ko sa kaniya.
"Oo, matagal ko ng kilala si Reyna Satanina at ang hindi ko maintindihan ay ang pag-atake niya biglaan sa Natharia Academia. Narinig ko sa mga Elementalist niyong nandoon na nagbabantay sa Library ay bumisita daw siya doon at kinumpirma kung may mga libro pa daw na naiwan pero wala na. Nagtataka nga ako kung anong kailangan niya sa librong 'yon pero wala na akong paki-"
"Magkaanu-ano sila ni Donessa? Ni Devonna, ng ina mo." Pagputol ko sa mga sinasabi niya na hindi naman ako interesado.
Nagiging seryoso na naman ang ekspresyon ko kapag nasasali ang pangalan ni Satanina. Hindi ko maiwasang hindi mainis sa babaeng 'yon dahil parang wala lang kami sa kaniya. Parang wala lang sa kaniya ang presensiya namin ni Genesis, na parang wala siyang pakialam kung aatakihin namin ang palasyo niya.
"Magkaibigan sila."
Kahit inaasahan ko na ang sasabihin niya ay hindi ko parin maiwasang hindi magulat. Tama nga naman, hindi na malabong magkaibigan sila dahil kakaiba din ang kinikilos ni Donessa nung kami ay papasok na sa portal.
Malihim parin kahit kailan si Donessa pero hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong dapat talagang isikreto ang lahat. Hindi pa oras para malaman namin ang lahat but we are willing to know all informations and take the consequences.
"Sige mauna na muna ako, alam mo bang nasa palasyo ako ng Westheria nakatira? Kami ni Genesis?" Huling tanong ko sa kaniya at hindi naman siya nagulat sapagkat tumango lang siya.
"Balitang-balita sa buong Westheria Menesis." Tugon niya.
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita pa ng kung anu-ano dahil tumalikod na ako sa kaniya at gumawa ng portal at pumasok. Kahit gustong-gusto kong tanungin kung anong lagay na ngayon nilang Senny at ni Sonata, kung kaibigan pa ba ang turing nila sa amin ni Genesis, kung ate pa ba ang tawag sa amin ni Senny at kakampi pa ba ang turing sa amin ni Mascara. Wala naman akong pakialam sa iba, wala kaming pakialam sa iba dahil ang mahalaga sa amin ay ang relasyon namin sa mga kaibigan namin.
Pagkatapak ko sa harapan ng pintuan ng Westheria Palace kung saan ako dinala ng portal ay binuksan ko ito kaagad. Pero bago pa ako makapasok ay bigla nalang akong may naramdamang paparating sa direksiyon ko kaya umilag ako pakanan at doon ko nakita ang isang kutsilyo na tumarak mismo sa dingding.
"Hindi ko alam kung bakit ka dito pinapasok, hindi ko alam kung bakit kayo pinatuloy ng reyna at ng mga kamahalan. Ano ba ang meron sa inyo? Mga sinumpa." Turan ng isang hindi pamilyar na babae kaya seryoso akong napalingon sa kaniya.
She is wearing black sleeveless dress na hanggang tuhod lang with this black sandals na may laso pa na nakatali sa kaniyang paanan. With this black lipstick on her lips and gold paired eyes. Naka-ponytail ang mahaba niyang buhok at masasabi kong hindi siya magpapahuli sa pagandahan. Pero malas niya, ako ang binangga.
"Bakit? Inggit ka?" Ngising turan ko sa kaniya kaya mas lalong naging seryoso ang mukha niya na hindi ko malaman.
Sino na naman ba 'to?
Uso ba ngayong araw na 'to ang itim? Nagluluksa ba siya? Kawawa naman pala siya.
"Paano ka nakapasok na hindi man lang nahihirapan? Bakit ganun nalang kayo kung pagkatiwalaan? Hindi ako makapasok dahil hindi ko kayang-"
"Huwag mo nga akong kinukuwentuhan sa pagiging tanga mo. Aba! Kasalanan ko bang hindi ka makapasok? Kasalanan ko bang nakablack ka ngayon lahat?" Hindi ko mapigilang hindi mapahagikhik at nagulat nalang ako ng bigla niya akong binato ulit ng kutsilyo pero sa ikalawang pagkakataon ay naiwasan ko ulit 'yon.
Kinontrol ko ang pintuan kaya sumara ito pabalik baka kasi makapasok ang babaeng 'to na hindi ko pa naman kilala at ako pa ang dahilan kung bakit magkagulo sa loob.
Bigla niya ulit akong inatake ng kutsilyo pero hindi na galing sa kung saang parte ng katawan niya dahil kontrol na niya ngayon ang dalawang kutsilyong nakatarak kanina sa ding-ding. Malapit pa nga akong matamaan dahil sa nakatalikod ako pero mabuti nalang ay naramdaman ko kaagad kaya nakaiwas ako at tumalon ng mataas. Ginamit ko ang dalawa kong kamay at ang dalawang paa para mabalanse ang pagkakabagsak ko galing sa ere at nakakaganda sa paningin niya 'yon dahil para siyang humanga pero napalitan 'yon ng ngisi.
Tumalon siya kagaya ng ginawa ko at akmang sisipain sa ere pero agad ko itong naiwasan pero hindi ako naalerto ng gamitin niya ang dalawang kutsilyo niya kaya bigla nalang lumiwanag ang kamay ko at kusa kinontrol ang dalawang kutsilyo at pinaatake 'yon sa babae na gulat na napatingin sa mga kamay ko.
"I'm a Goddess at alam kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." Turan ko sa kaniya pero hindi siya natinag ng maiwasan niya ang mga kutsilyong itinapon ko sa kaniya sapagkat kinontrol niya ito pabalik hanggang na nasa sentido niya na malapit ang mga kutsilyo na lumulutang.
"Oo alam kong isa kang Diyos, pero masasabi ko rin na may kakayahan akong sabayan ka. Kung hindi mo alam, may dugo akong Diyosa. Titan Goddess to be exact kaya huwag kang magmarunong na akala mo ay ikaw lang ang pinakamalakas dito." Ngisi niya pero hindi ko pinakitang nagulat ako sa sinabi niya.
Sino na naman kayang anak 'tong babaeng 'to at ang lakas-lakas ng loob para atakihin ako mag-isa? Hindi ba siya aware na pwede akong makapatay? Na delikado ako sa mga mata dito? Baka nakakalimutan niyang sinumpa ang kaharap niya? Ewan ko ba kasi kung saan nanggaling 'yang 'sinumpa' na 'yan. Wala namang masama sa kapangyarihan namin, itinuturing lang talaga nilang sinumpa dahil naiinggit sila sa kapangyarihang meron sa amin.
Kaya maraming gusto kaming patayin dahil akala nila mapupunta sa kanila ang kapangyarihan namin pero hindi nila alam, nasa dugo na namin ang kapangyarihan namin. Nasa laman at dugo, sa isip at puso. Hindi ito pinasa, pinanganak kaming makapangyarihan na sa una pa lang.
"Ikaw lang nagsabing hindi lang kami ang pinakamalakas kaya hindi na kita masisisi dun. Kung isa ka sa mga naiinggit sa akin, huwag kang mag-alala dahil hindi ka na aabutan ng hininga." Seryosong turan ko na ngayon at bigla siyang inatake gamit ang napakabilis kong kilos na parang isang kidlat.
Hindi niya inasahan ang atake kong 'yon kaya hindi niya nasangga ang suntok ko sa sikmura niya kaya nayuko siya habang hawak-hawak ang tiyan niya. Masasabi ko na talagang kasama na namin ang malas dahil lahat ng gulo ay siyang lumalapit na sa amin palagi.
"Argh!" Ungol niya ng masipa ko siya ulit sa sikmura niya pero bigla niya nalang nasangga ang sunod kong atake at tinulak ako pero tumalon ako para hindi matuluyang matumba sa lupa.
"Anak ako ng isang makapangyarihan Diyosa kaya huwag kang basta-bastang nagmamagaling. Hindi lang ikaw ang malakas." Turan niya at bigla nalang lumiwanag ang kaniyang likuran.
Halos manlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung anong klaseng halimaw ang nasa likuran niya.
I-Isang napakalaking ahas.
"Kung ilalagay natin sa sitwasyon na 'to, kayang-kaya kang patayin ng alaga ko na hindi nahihirapan. Ahas ang mga alaga ko at gusto nila ako kaya nagkasundo kami. Kaya kung gumawa ng maraming ahas-makamandag na mga ahas basta lang mapatay ka sinumpa. Isang karangalang mapatay ang isa sa mga kinakatakutan ng lahat." Salaysay niya pero hindi niya inaasahan na mapapangiti ako sa tinuran niya.
"Kaya kong maging kamandag babae, kaya kitang lasunin gamit ng suntok ko. Kaya mong gumawa ng mga ahas? Puwes! Kaya kitang gawing ahas mismo babae!" Ngising sigaw ko sa kaniya at hindi niya inasahan ang sunod kong ginawa.
Bigla nalang naging ahas ang dalawang kutsilyo na nasa sentido niya at akmang tutuklawin na siya ng mga ahas ko ay bigla nalang siyang nakailag. Binugahan naman ito ng ahas niyang napakalaki na nasa likuran niya ng likido na sa tantiya ko ay asido kaya bigla nalang umusok ang mga ahas na ginawa ko at nagsilaho.
Ngumisi naman siya at biglang umatake sa akin kasama ang ahas niyang nakalabas pa ang mahabang dila. Kaliskis nitong nakakadiri at naglalaway na bibig ay siyang nakakatindig-balahibo pero dapat akong lumaban. Hindi dapat sa sitwasyon na ito ako mawalan ng hininga dahil may misyon pa akong tatapusin at hindi lang sa babaeng 'to ako mamamatay.
Aatake na sana ako ng bigla nalang kung sino ang dumating na nakasuot ng violet na coat. Napakabilis ng pangyayari dahil agad niyang inatake ang ahas na napakalaki at pinutulan ito ng ulo gamit lamang ng dalawang kamay. Sinipa niya ng napakalakas ang ahas kaya tumalsik ito papalayo sa amo na hindi makapaniwalang nakatingin sa postura ng kaharap niya. Bigla nalang tumalon ang babaeng ahas at sinugod ito ng suntok pero nailagan ito ng babaeng naka-violet coat.
Nagpapalitan lang sila ng suntukan at sipa na siyang ikinababagot ko. Nakakawalang-ganang manuod dahil hindi naman sila magaling pareho pero hindi ko rin maiwasang hindi humanga sa naka-violet na coat na suot-suot sa ulo ang hood nito. Gusto kong alamin kung sino siya at parang alam ko na ata kung sino ang tumulong sa akin-I mean alam ko na kung sino ang walang modong nang-istorbo sa warm-up ko na sana.
Napansin kong bigla nalang natumba ang babaeng ahas at akmang susugurin na siya ng naka-violet na coat pero bigla nalang itong naglaho pero nag-iwan ng isang napakalaking ahas pa katulad ng kanina.
Tsk! Aalis na nga, mang-iiwan pa ng basura na dapat pang linisin. Hindi inasahan iyon ng naka-violet na coat dahil sa gulat niya kaya bago pa siya bugahan ng asido ng ahas ay bigla nalang itong naglaho na parang bula dahil sa kapangyarihan na nanggaling sa mga mata ko.
"Hayst! Kahit magtago ka diyan sa coat na 'yan, hinding-hindi mo 'ko matataguan Wenessa."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro