HG 63
Menesis.
"Ano?!" Sigaw ko kay Genesis.
"Oo nga! Nandidito si Wenessa at alam kong siya iyon! Hindi nagkakamali kailanman ang mga mata ko Menesis." Turan niya sa akin kaya napaisip naman ako kaagad.
Kung nandidito si Wenessa? Ibig bang sabihin ay kalaban talaga ang babaeng 'yon? Kung nandidito siya, kilala na pala siya nila nina Specter at Spencer? Pero paano naman siya napunta dito? Baka naman may nag-alok sa kaniya dahil alam niyang wala na siyang mapupuntahan doon. Balita ko galing siya sa Publiko Encantado na siyang tirahan niya noon. Pero dahil sa isang trahedya na nagtulak sa kaniyang pumunta sa Natharia Academia, naging mas malakas siya at nag-iba.
"Kalaban din siya kung ganun?" Tanong ko sa kaniya at nagbikit-balikat lang siya.
"Hindi ko masisigurong kalaban natin siya, alam na natin ang ugali ni Wenessa. Alam mong nagawa niya lang iyon dahil sa pagmamahal niya kay Cylechter." May bahid ng lungkot ang pananalita niya.
Naaalala niya ba si Ignite niya? Hayst! Kung saan sigurado na si Genesis sa nararamdaman niya ay ngayon pa nangyari ang mga gulong 'to. Sana una palang ay sinabi na namin sa kanila ang lahat, hindi naman kasi namin alam na malalaman kaagad ng matandang 'yon ang sikreto namin. May kakaiba sa kaniya, hindi ko alam pero hindi Headmaster ang kaharap namin.
Oo alam naming isa siyang Titan noon pero ipinasa niya daw ang kapangyarihan niya sa maling specialist. Pero bakit iba ang nararamdaman ko? Well, hindi ko talaga hilig mag-judge pero sa tingin ko may mali talaga sa mga nangyayari ngayon eh.
"Puntahan kaya natin si Wenessa? Tanungin natin kung bakit siya nandidito?" Turan ni Genesis pero napaisip muna ako.
Paano kong ibang Wenessa ang nakita niya-I mean baka ibang specialist 'yong nakita niya, na baka kamukha lang. May kamukha nga kami eh, hindi na rin malabo kung may kamukha ang bawat isang kilala namin sa buong Natharia.
"I object. Hindi tayo sigurado kung siya nga ba talaga 'yon Genesis. Ang kailangan lang muna nating gawin ay magmasid, hindi kasi tayo dapat manigurado na kahit ganito kagarbo ang lugar na 'to, may mga kadiliman ding tinatago ang lugar na 'to." Turan ko sa kaniya kaya napabuntong-hininga siya.
"Sabagay tama ka nga naman Menesis. Pumunta na muna tayo sa ibaba at magmasid at mag-obserba sa mga lugar na dapat nating puntahan." Tumango ako at sabay kaming lumabas ng kwarto na 'yon.
Habang bumababa kami, ramdam ko ang kaba na baka atakihin kami bigla ng mga nandidito. Hindi ko naman kasi alam ang mga personalidad ng mga specialist dito because this is my first time to be here. At hindi mabasa-basa ang mga ekspresyon nila dahil kakaiba ang mga ipinapakita nila sa amin. They are smiling sweetly but I swear, may hidden agenda silang tinatago sa sarili nila.
Pagkababa namin ay langhap na langhap namin ang amoy ng masasarap na pagkain. Bigla naman agad akong natakam dahil wala pa kaming kinakain mula nung tumakas kami hanggang sa nilakad namin ang palasyo na 'to.
Nagkatinginan kami ni Genesis at parang iisa lang ang iniisip namin ngayon. Sabay kaming pumunta sa lugar kung saan amoy na amoy namin ang pagkain at hindi na ako nagulat nang nasa lamesa na ang dalawang hari kasama si Sarionaya na bago lang atang gising. Kitang-kita kasi ang pagbigat ng talukap ng mga mata niya at printeng nakaupo lang ang dalawang lalaki na seryosong kumakain.
"Hindi ako inform na pati ang pagkain ay dapat seryosohin mga kamahalan?" Sarkastiko kong sambit kaya bigla silang napatingin sa gawin namin.
"Hindi din namin alam na dapat ka palang i-inform?" Sarkastikong tugon din nitong Specter na 'to.
Siya lang talaga ang nakakatagal na makipagsagutan sa 'kin! Nakakainis na nga minsan 'yang lalaki na 'yan eh! Ewan ko ba kung bakit naging kamukha namin ang mga 'to na hindi naman kami magkadugo o ni kahit ano ay wala akong nararamdaman sa kanila o 'yong sinasabi nilang 'lukso ng dugo'. Wala akong nararamdaman nun kundi inis at galit sa kanilang pareho eh! Ito namang isa na kamukha ko ay parang pinaglihi sa sama ng loob o di kaya pinaglihi sa isang halimaw dahil sa katipid magsalita. Nakakainsulto talaga silang pareho o baka naman hindi ako sanay na may nakakaganito sa akin?
"Tumigil na nga kayong dalawa! Just sit down girls, kumain na kayo para masabay na ang mga hugasin ng mga katulong." Turan nitong si Sarionaya.
Ang dami naman ata niyang nasasabi? Hindi kasi ako sanay na nagsasalita siya ng marami. Minsan napagkakamalan kong Spencer ang babaeng 'to dahil tipid din kung magsalita pero puwera nalang kay Spencer dahil seryoso palagi ang ekspresyon.
"Salamat Sarionaya. Teka-kamusta na nga pala ang lagay mo? Ayos na ba? Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" Ngiting tanong sa kaniya ni Genesis habang unti-unting hinihila ang upuan at umupo. Tignan mo nga 'tong babaeng din 'to! Iniwan ako sa likuran!
Wala akong nagawa at tumabi sa bakanteng upuan sa gilid ni Genesis. Napakaraming pagkain na iba't-ibang putahe at masasabi kong masasarap ang mga ito.
"Mga kamahalan, wala bang lason ang mga ito?" Pormal na pormal kung pagtatanong at bahagya pang napangiwi si Specter at Sarionaya at dinig ko namang napahagikhik si Genesis.
Ganito kami, umaaktong parang hindi kinakabahan basta nasa harapan na ang kalaban. Baka doon sila kumuha ng kahinaan namin kaya hindi namin sila papayagan.
"Drop that Menesis, hindi bagay sayo." Turan ni Specter kaya napangisi ako.
"Bakit kamahalan? Walang bang karespe-respeto ang aking pananalita? Gusto niyo po bang baguhin ko ang aking pananalita para lang sa iyo?" Ngisi kong turan at halos pandilatan niya ako ng mga mata.
Natatawa nalang akong inilihis ang mga mata ko sa kaniya at nadapo ang mga 'to sa puwesto kung saan nakikita ko ngayon ang mga nagtatakang ekspresyon na si Teya at Deyfel.
"What?" Takang tanong ko at bahagya lang silang napailing at napayuko pagkatapos.
Nagdadalawang-isip pa ako kung kakain ba ako ng pagkain nila dahil baka may lason ang mga 'to.
"Walang lason 'yan Menesis. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano dahil nakakasama 'yan sa kalusugan." Sumama naman ang tingin ko sa sinabi ni Spencer sa harapan ko.
Minsan na nga lang magsalita ang loko ay nilagyan pa ng pagkapilosopo. Ako ba ay hinahamon ng lalaking 'to? Baka gusto niyang masubukan ang tunay na lakas ng isang sinumpang Diyosa.
"Mas gusto ko nalang ata na huwag kang magsalita kaysa sa magsalita kang wala namang silbi o importansiya ang ibinabanggit ng bunganga mo. Akala ko ba nagsasalita ka lang kapag importante ang sitwasyon? Bakit parang nagbago na ata?" Inis na turan ko sa kaniya at bahagya lang siyang napangiti ng tipid o sabihin na nating isa 'yong ngisi kaya mas lalong nang-init ang ulo ko.
Kumain nalang ako pagkatapos kumuha ng kakaunting pagkain sa lamesa. Hindi naman kasi ako matakaw kumain kasi nga mini-maintain namin ang balance ng katawan namin para agad-agad naming nakokontrol ang kapangyarihan namin.
"Nasaan na nga pala ang reyna ninyo?" Tanong ko kaya napalingon sila sa gawi ko.
"Hindi namin alam, baka umalis na naman kasama ang kaibigan niya na hindi pa ipinapakilala sa amin." Turan ni Sarionaya.
"Talaga? Bakit? Kailangan niyo bang malaman lahat ng ginagawa niya?" Sambit ko at napapailing lang si Sarionaya.
"Minsan kasi ay sinasabi sa amin ni Queen Satanina ang mga destinasyon na pupuntahan niya. Hindi siya naglilihim sa amin kaya nakakapagtaka lang kung bakit hindi niya man lang nasabi sa mga katulong kung saan siya pumunta." Sahot ni Sarionaya.
"Ganun ba talaga kayo kaimportante sa Westheria pati ang mga ikinikilos ng reyna ninyo ay dapat pang alamin? Nasaan ang privacy nun diba?" Turan ko ulit kaya tumingin na sa mga mata ko si Spencer na parang naiinis na rin sa kakatanong ko.
Akmang magsasalita siya ay pinigilan ko ito gamit ang pagsenyas gamit ang kamay.
"Siguraduhin mo na kapag sasabat ka ay importante 'yang sasabihin mo. Nakakainis kasi na madalas ka na nga lang magsalita, 'yon pang mga walang kaimpo-importansiya." Turan ko at binawi ang kamay at napabuntong-hininga naman siya sabay sa pagpikit ng kaniyang mga mata at tumingin ulit sa aking mga mata.
"Masasabi kong importante kami sa kaniya dahil hindi lang bilang prinsipe ng dalawang kaharian dito kundi bilang isang kapanalig niya, bilang kakampi niya."
"Ang haba Spencer." Asar ko sa kaniya.
"Tsk!"
"Teka may kilala ba kayong Wenessa dito?" Sabat ni Genesis kaya sa kaniya naman napatingin ang tatlo.
"Sa dami ng nakatira dito, I guess hindi namin siya kilala." Turan ni Specter.
Si Wenessa ba talaga 'yon? Hindi naman ata, baka nasa ibang lugar ang babaeng 'yon.
"Ahh sige salamat." Aniya ni Genesis.
Bigla nalang tumayo si Spencer at tumingin sa amin.
"Magpapahinga na muna ako. Kung may kailangan pa kayo ay magtanong lang kayo o mag-request sa mga katulong na nakaantas sa inyong dalawa." Turan ni Spencer at umalis na sa harapan namin.
Habang pinapanood ko ang unti-unting pagliit ng imahe ni Spencer hanggang sa mawala na sa mga mata ko ang imahe niya, hindi ko parin maisip kung bakit parang hindi kalaban ang turing nila sa amin ni Genesis. Na para bang may iniingatan sila o naghihinay-hinay sa pagsasalita para hindi namin mahuli. Nakakapagtaka lang talaga na palagi silang nakatingin sa amin na para bang sinusuri o naninigurado? Kakaiba sila, may tinatago.
"I feel tired kaya sunod na ako kay Spencer." Biglang tumayo si Specter at hindi nagdalawang-isip na umalis sa aming harapan.
Tsk! Para namang gustong-gusto namin siyang makasama sa iisang lamesa no!
"Ikaw Sarionaya? Hindi ka ba tatayo? Nakakahiya naman sa mga kasama mo na nauna na." Turan ko nalang habang nakatingin kay Sarionaya.
"Paumahin sa mga ugali ng dalawa, nung mga bata pa kasi kami ay ganun na talaga ang mga ugali nila. Kaya hindi ko minsan maintindihan ang mga personalidad nilang ipinapakita sa inyo, hindi naman kasi sila ganiyan sa akin."
"Ayos lang Sarionaya, sa maraming tao naming naengkwentro ay walang-wala ang ugali nila." Tugon naman sa kaniya ni Genesis.
"Actually may pupuntahan pa ako sa labas dahil nandoon 'yong ipinamili kong damit para sa inyo. Huwag kayong mag-alala, sisiguraduhin kong hindi kayo mapapahamak dito. Bilang pasasalamat sa inyong dalawa, I will do everything para masuklian kayo. Nahihiya lang talaga ako sa inyong dalawa, bukod sa kakaiba ang mga ganda niyo, mababait at matatapang din kayo. Hindi kayong nagdalawang-isip na i-reject ang offer ni Spencer at Specter na sumama kayo sa amin kaya alam kong malakas ang mga loob ninyo. Hindi kayo ordinaryo lamang, bukod na kayo ang sinumpang mga Diyosa, hindi mawawala ang totoo niyong ugali." Litaniya ni Sarionaya kaya napangiti ako na walang dahilan.
This is my first time smiling at her.
"Salamat." Ngiting pasasalamat ko at ngumiti naman ito pabalik sa akin at tumayo galing sa pagkakaupo.
"Alis na muna ako." Bigla nalang siyang nawala sa harapan namin.
"She is great pala, kind and respectful. Hindi kapareho nung mga kapatid niya na parang may galit sa atin palagi." Turan ko kaya napangiti si Genesis.
"Una palang, alam ko ng mabait siya. Hindi ko lang talaga malamang kung bakit naging kalaban pa natin sila."
Hindi parin talaga mawawala ang katotohanang kalaban talaga sila. Hindi pa kami sigurado kung wala ba silang gagawin sa amin, baka kasi mabulaklakin lang talaga ang pananalita nila. Hindi kami dapat mahulog kaagad, kung matalino sila, dapat din kaming maging matalino sa harapan nila.
Bigla ko nalang nasapo ang dibdib ko dahil sa biglaang paglitaw ng isang pamilyar na napakalakas na presensiya. Hindi ako nagkakamali!
"Nandito si Satanina." Seryosong sabi ni Genesis kaya napatango ako. Napansin ko na ang dalawang maid ay nakayuko na ngayon habang hawak hawak ang kani-kanilang mga tuhod.
"Kayo pala ang mga bisita galing sa Natharia. Welcome to my palace." Hinay-hinay naming nilingon ang likuran namin at bigla namang bumungad sa amin ang isang babaeng nakared na coat habang unti-unting tinatanggal ang hood nito.
Pagkatanggal niya sa hood niya ay parang biglang tumigil ang tibok ng puso ko saglit. Her face is familiar, those red eyes, makinang na buhok at makurbang pangangatawan. Hindi mo aakalain na ang babaeng nasa harapan namin ay siyang sumaksak kay Anomos sa harap ng iba pang mga Diyos at sa mga Royal blooded. Parang hindi tuloy ako naniniwala sa mga sinabi ni Genesis sa akin.
"Kamukhang-kamukha niyo nga sila." Turan pa nito at lumakad papalapit sa amin.
Napatayo kami at hinarap siya mata sa mata, may kasama siyang isang lalaki na hindi pamilyar sa aming mga mata.
Sa isang iglap ay nakaluhod na kami sa kaniyang harapan at nakayuko na ang aming mga ulo ni Genesis. Hindi namin alam kung paano pero may kumontrol sa amin na hindi namin nalalaman. Kaparehang-kapareha niya ang abilidad ni Genesis.
"Kapag may reyna sa inyong harapan ay dapat kayong lumuhod at yumuko para gumalang." Turan ng isang lalaking boses na sigurong sa lalaking kasama ng Satanina na 'to nanggaling.
Kinontrol ko naman kaagad ang katawan ko kaya inangat ang ulo ko para tignan sa mga mata ang lalaki. Gulat siyang nakatingin sa akin na para bang hindi makapaniwala na kaya ko paring kontrolin ang katawan ko sapagkat kinokontrol niya kami ni Genesis. Ganun na din si Genesis, nakaangat na din ang ulo niya at seryoso ngayong nakatingin kay Satanina.
"P-Paano-"
"Huwag ka ng magsalita kung sino ka mang lalaki ka. Hindi kami natatakot sa kakayahan mong napakahina naman. Ganiyan ka lang kung tumuran dahil katabi mo si Satanina." Turan ko sa kaniya at bahagya pang nagulat ang lalaki dahil sa tinuran ko at bumalik ulit sa pagkaseryoso ang ekspresyon nito.
"Wala kang galang! Pwede ka naming patayin sa isang iglap!" Sigaw nito pero tumingin lang ako kay Satanina na nakangiting nakatingin sa aming magkapatid.
"Mas wala kang galang lalaki! How can you control ourselves na dapat ay nag-uusap na kami ngayon ng reyna niyo?!" Sigaw ko din pabalik.
"Tama na Arsulo, pabayaan mo silang gumalaw ng kusa." Sa sinabi ng Satanina na 'to ay bigla ko nalang naramdaman ang pagbalik ng katawan namin sa tunay nitong lakas.
Tumayo kami kaagad ni Genesis habang nakatingin ng seryoso kay Satanina.
"Magagandang dalagita."
Bukod sa kaniyang angking kagandahan at makinis na balat, maotoridad ang kaniyang boses. Punong-puno ng kapangyarihan na agad-agaran mong mapapasunod ang isang specialist. Kakaiba ang presensiya niya, ang presensiya niya na ata ang pinakamalakas na naengkwentro ko.
"Reyna!" Napalingon kami sa sumigaw na nanggaling sa malaking pintuan at halos mapasinghap kami ni Genesis dahil sa lalaking hingal na hingal na lumapit sa amin na nanlalaki din ang mga mata. Napalitan naman kaagad ang mga ekspresyon namin ni Genesis ng pagkaseryoso dahil sa katotohanang isa din pala siya sa mga kalaban. Ramdam na ramdam na namin ngayon ang enerhiyang bumabalot sa mga sistema namin.
"How nice to see you here Demeter." Turan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro