Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 61

Menesis.

"Mali ka! Hindi kami masama! Huwag kang mag-imbento!" Sigaw ko.

Pero sadyang napikot na sila ng matanda at hindi na alam ang mga ginagawa nila.

Bigla kong inangat ang kamay ko at ipinitik ang hintuturo at ang hinlalaki ko kaya doon na tumigil ang oras. At sa inaasahan ay alam kong hindi maaapektuhan ang tatlong nasa stage. Kahit hindi ko alam kung ano ang ginawa nila kung bakit nalaman ng Headmaster ang tungkol sa amin ni Genesis.

Bakit niya alam na ako ang Diyosa ng Paggawa at Pagkasira? At paano niya nalaman na si Genesis ang Diyosa ng Pagkabuhay at Pagpatay?

Tumakbo ako kaagad sa stage at iniwang tulala si Genesis na iyak parin ng iyak. Ito na ata ang epekto kapag umibig ka, ito na ata ang epekto kapag nagmahal ka ng sobra. Bigla nalang nagsingtabi ang mga estudyante dahil ginamit ko ang Zero Gravity para makadaan. Kailangan kong tulungan ang tatlo dahil hindi na nila alam ang gagawin dahil sa galit.

Pag-akyat ko ng stage ay agad kong hinawakan si Sarionaya.

"Saan mo siya dadalhin?!" Sigaw sa akin ni Specter kaya tinignan ko siya ng masama.

"Kung hindi lang sa kabaliwan niyo, hindi masasaktan kapatid niyo. Sumunod nalang kayo kung gusto niyo pang mabuhay ng matagal." Turan ko na ikinaseryoso ng dalawa.

"Kaya namin silang patayin lahat." Turan ni Specter.

"Kaya pala nasaksak ang babaeng 'to?" Turan ko at doon soliya natahimik.

"At bakit kami susunod sa sinungaling?" Seryosong sambit ng kamukha ko.

"Bakit? Sinungaling rin naman kayo ah? Huwag nga kayong magmalinis na parang hindi niyo alam ang pagkatao namin." Turan ko at tumalikod na sa kanila.

Ramdam ko na nakasunod lang silang dalawa sa akin habang buhat-buhat ko si Sarionaya na parang bagong kasal pero kapag naiisip ko 'yon ay nantataas talaga ang buhok ko sa batok.

Hindi kami talo no! Tsk!

Nagagawa ko pang magbiro eh nasa kalagitnaan kami ng gulo at kamatayan. Hindi ko alam kung paano talaga nalaman ng matandang 'yon ang sikreto namin.

"Bakit niyo kasi sinabi kung sino kami? Akala ko ba hindi niyo ugaling ang magsumbong dahil wala ng thrill?" Turan ko at inilapag si Sarionaya.

Isang oras lang ang itatagal ng paghinto nito, unti-unti na din kasi akong nanghihina kaya hindi dapat ako lumayo kay Genesis dahil siya ang tagapaggaling ko, siya ang gamot ko.

"Hindi namin sinabi Menesis, hindi nga namin alam na kayo talaga ang sinumpang kambal." Gulat naman akong napatingin kay Specter dahil sa sinabi niya at bumungad sa akin ang seryoso niyang mga mata.

"A-Akal-"

"Kayang alamin ni Sarionaya kung magkadugo, magkambal, o nagpapanggap lang ba ang specialist na 'yan. Nagsinungaling kami oo, dahil hinuhuli namin kayo kung sino ba talaga kayo at dahil sa abilidad ni Sarionaya ay nalaman naming hindi kayo pambihira. Na kayong dalawa ang pinag-aagawan ng lahat." Turan ni Specter.

Napalingon ako sa ibang direksiyon sa kadahilanang nahuli nila kami dun. Akala ko alam na nila, akala namin ni Genesis na alam na nila dahil nga nasa kanila si Azania na nakikita ang hinaharap.

"Pero nalalaman ni Azania ang hinaharap." Turan ko.

"Oo nalalaman niya nga pero puro malalabo na mga imahe ang nakikita niya at hindi niya sinasabi sa amin kung sino sila. Ang kaya niya lang gawin ay ang alamin ang lugar, kapangyarihan at pagpapalabas ng kung anu-ano galing sa libro. Hindi pa tumutuntong sa totoong lakas ang kapangyarihan niya." Specter said.

"I know that. Tsk! Mas sinungaling din naman pala kayo." Tugon ko nalang at tumingin kay Genesis.

Naaawa ako sa kaniya dahil sa mga malulungkot na mga mata niya, mga labi niyang nanginginig at mga binti niya ay parang bibigay na dahil sa matinding emosyon. Nilapitan ko siya at niyakap, wala akong pakialam kung kalaban namin ang buong mundo basta alam kong magiging ligtas ako-kami basta magkasama kaming dalawa.

"Hindi kami sinumpang kambal, nagpanggap lang kami na sinumpang kambal pero ewan ko bakit sinabi ng matandang 'yon na magkakapatid tayo." Reklamo ni Specter.

"Sino ba kasing hindi magtataka na magkakamukha tayo, dahil din diyan sa mga kapangyarihan niyo ay napaghahalataan tayo. Kung hindi kayo gumawa ng kung anu-ano ay sana hindi kami nasali sa gulo niyo. May misyon kami at 'yon ay baguhin ang pananaw ng lahat na ang sinumpang katulad namin ay hindi kasalanan. Sira ba ulo nilang lahat? Sisirain namin ang mundo kung saan kami lumaki? Are they nuts? Mga bobo sila!" Nanggagalaiting turan ko at hinila si Genesis at tinapat sa katawan ni Sarionaya.

"Walang magagawa 'yang pag-iyak mo Genesis, sa ngayon ay dapat lang muna nating tumakas at gumawa ng paraan. Ang isang oras ko ay kasing dali ng sampung minuto kaya gamutin mo muna si Sarionaya dahil hindi siya pwedeng pumasok sa portal na may sugat dahil mas lalala 'yan." Turan ko sa kaniya at napatango naman siya.

Lumuhod si Genesis at itinapat ang dalawang palad sa sugat ni Sarionaya at lumiwanag ito. Agad namang naglaho ang dugo na nagmantsa sa damit ni Sarionaya at ang sugat na unti-unting naghihilom.

"Sinumpa nga talaga kayo, kakaiba ang presensiyang ipinapakita ng kapangyarihan mo Genesis." Turan ni Specter.

"Nasaan ba kayo ng may lumusob dito kahapon?" Takang tanong ko sa kanilang dalawa pero sadyang si Specter lang talaga palagi ang sumasagot.

"Maniwala man kayo o sa hindi, nasa loob lang kami ng dorm na 'yon at walang ibang naramdaman. Nagtataka nga kaming tatlo na bigla nalang kaming pinatawag ng matanda at pinaakyat sa stage. Mas lalo kaming nagtaka nung kung anu-anong magagandang sinasabi ng matanda sa amin kaya mas lalo kaming nagduda pero ngumiti parin ako para hindi mahalata ng lahat at laking gulat nalang namin ni Spencer na sinaksak na si Sarionaya. Hindi rin kami makagalaw dahil may kumokontrol sa amin at akala namin ay si Genesis. At ang mas nakakagulat pa dun, narinig namin na pumunta dito ang Reyna Satanina na siyang napakaimposible talagang mangyari." Mahabang litaniya niya kaya napatango-tango ako.

"Tapos na."

Lumingon ako sa puwesto ni Genesis at mas lalong hinaplos ang puso ko dahil sa mga luhang tumutulo sa damit ni Sarionaya. Humihikbi pa siya dahil sa balikat niya.

Napabuntong-hininga ako at gumawa ng portal, lumiwanag ang harapan namin at biglang bumulaga ang napakalaking bilog na umiikot-ikot pa ang loob na nakakahilo kung unang beses mo pa lang ito nakita.

"Pumasok na tayo dahil nauubos na ang oras." Tumango silang lahat at binitbit ni Spencer si Sarionaya parang bagong kasal katulad sa ginawa ko.

Kung hindi ko lang sila kilala baka sila ang nasabihan kong bagay dahil maganda naman talaga si Sarionaya, gwapo din si Spencer dahil nga kamukha ko. Hahahaha ewan ko, nababaliw na ata ako dahil parang bakit ang saya-saya ko?

Pumasok na silang lahat at ako nalang ang nahuli, at nakita ko siyang nakatingin sa malayo.

Napangiti ako at pumasok na sa loob at bigla nalang bumungad sa amin ang pamilyar na lugar.

"We are here in Westheria, ngayon, saan tayo pupunta?" Turan ko at nasa isip ko na doon kami kay Donessa pero ayokong mangulit at gusto kong hindi humingi ng tulong sa kaniya. Ewan pero 'yon talaga ang nararamdaman ko.

"Ngayon lang pumasok sa isip ko na bakit hindi sila tinablan ng oras kanina? Bakit hindi huminto ang oras nila?" Bulong niya sa akin kaya napangiti ako.

"Ewan ko ba, para kasing may koneksiyon tayo sa kanila na hindi ko alam."

At sa inaasahan, napakaraming specialist na nagsisiyahan. Mga ilaw na rumerepleka sa aming mga kutis. Parang wala talaga silang problema kung tignan, para bang palagi nalang silang masaya o pinanganak na walang malas sa buhay. Hindi katulad naming magkapatid na katabi na ata namin ang malas dahil sa mga gulong nangyayari.

Tumingin ako sa itaas, ang buwan na napakalinis kung tignan at bilog na bilog.

Bigla nalang akong napaatras ng biglang naging ube ang kulay nito kaya pumikit ako at puti na ito ulit.

Namamalikmata lang ba ako?

"Sumunod kayo sa amin ni Specter." Utos sa amin ni Spencer kaya nagtaka naman kaming napatingin sa kaniya ni Genesis.

"At saan naman tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa palasyo namin." Tipid na turan niya.

Ang tipid-tipid niya talagang magsalita na para bang kailangan pang bayaran ng malaki para magsalita ng mahaba. Minsan nakakainsulto na 'yang pagiging matahimikin niya at 'yang pagiging matipid niya kung magsalita. Nakakamatay ba para sa kaniya kapag magsasalita siya ng mahaba?

"Sasama kami sa kalaban?" Turan ko pero napangisi lang siya na ngayon ko lang unang nasilayan kaya parang nanibago ako.

"Kalaban? Baka nakakalimutan mong kalaban din kayo?" 'Yon na ata ang pinakamataas niyang sinabi sa amin.

Tama nga naman siya. Kalaban na din nga pala kami ng buong Natharia pero hindi kami susuko at kukunin namin ulit ang tiwala ng lahat dahil hindi kami ang sinumpang kambal na inaakala nila. Wala kaming intensiyong sirain ang kinalakihan namin dahil baliw lang ang gagawa nun.


"Pero iba parin tayo, kalaban ang tingin nila sa atin pero hindi dapat natin pagkatiwalaan ang mga sarili natin dahil magkaiba tayo ng mundo, magkaiba tayo ng misyon." Sabat ni Genesis na ngayon ay wala ng mga luha sa mga mata. Hayst salamat! Nagsalita na rin! Hindi kasi ako sanay na hindi siya nagsasalita sa harapan ko dahil hindi siya si Genesis kapag tahimik lang siya.

"Tama nga naman kayo, pero saan kayo pupunta? Hindi natin alam na alam na din ng mga specialist na 'yan tungkol sa atin-tungkol sa inyo ay posibleng aatakihin din kayo ng mga 'yan." Turan ni Specter.

"Pupunta kami kay Donessa, doon kami sa kaniya hihingi ng tulong dahil kaibigan namin 'yon." Turan naman ni Genesis pero hindi ko gusto ang sinabi niya.

"Mukhang hindi gusto ni Menesis ang ideya mo Genesis." Turan ni Specter na parang nabasa niya ang reaksiyon ko kaya napatingin sa akin si Genesis na nagtataka.

"Nakakahiya para sa kaniya Genesis, huwag na natin siyang guluhin dahil tapos na tayo sa kaniya. Huwag na nating dagdagan ang magpapasakit pa sa damdamin niya at kay Devos." Turan ko at napabuntong-hininga naman ito.

"So wala kayong choice kundi sumama sa amin." Specter said with this triumphantly smile.

"Hindi ba kayo nababahala na kasama ninyo ang sinumpang kambal at pinapapasok niyo ang kalaban sa palasyo ninyo?" Turan ni Genesis kaya napangiti sa kaniya si Specter.

"Alam kong hindi kayo gagawa ng ikakapahamak ninyo, wala kayong mapupuntahan kaya hawak namin ang buhay ninyo." Hindi ko nagustuhan ang sinasabi nitong lalaking 'to na para bang sila talaga ang nagmamay-ari ng mga buhay namin.

Sa huli ay wala din kaming nagawa at ngayon ay nakasunod sa kanilang dalawa. Tinatahak nila ang daan kung saan papunta sa isang kagubatan na napakaraming ilaw, kung ako ang pagsasabihin ay baka may balak na masama ang dalawang 'to. Hindi namin sila kilala, hindi namin sila kadugo pero bakit ganito nalang kami kung magtiwala sa kanilang dalawa?


"Paano namin masisigurado na hindi ninyo kami sasaktan o di kaya ng palasyo ninyo?" Biglang salita ni Genesis kaya napaisip din ako sa sinabi niya.


Paano kung atakihin kami ng mga kawal sa kanilang palasyo? Kalaban sila at hindi na nakakapagtaka ang mga posibleng mangyayari. Pwede nila kaming patayin sa isang iglap at alam kong malalakas din sila doon. Kahit wala kaming gagawing masama, paano nalang ang sila? Hindi namin batid kung tatanggapin nila kami sa loob ng palasyo nila.

At paano nalang kung atakihin kami ni Satanina? Sinabi sa akin ni Genesis na napakalakas nito, at abot hanggang sa dorm namin ang presensiya nito. Hindi namin alam na kay Satanina pala ang presensiya na 'yon. Nalula nga ako kahapon dahil sa kakaibang pakiramdam na parang nahuhulog ako sa isang patibong. Para akong lumulutang dahil sa presensiya nito.

"Bakit? Hahayaan niyo bang saktan kayo ng mga kawal namin? Natatakot ba kayong mapatay? Mga Diyosa kayo kaya alam kong hindi rin kayo magpapatalo sa kanila." Sabi ni Specter habang nakatalikod sa amin.

Tama nga naman. May utak din pala siya.


Walang katapusang kagubatan ang nilalakad namin, walang katapusang ilaw din ang sumasalubong sa amin. Nakakamangha, akala ko ang mga kalaban na katulad nila ay naninirahan sa mga madidilim na kagubatan o di kaya gagawa sila ng sarili nilang mundo para makagawa ng napakadilim na lugar.


At halos mapanganga kami dahil sa napakalaking kastilyong nasa harapan namin, napakataas na parang abot hanggang langit na ang taas nito. Nakakamangha, nakakalula at ngayon lang ako nakapunta sa mga ganitong klaseng palasyo. Its so amazing, incredible and it has breath-taking view. Gawa sa ginto ang mga ding-ding ng mga palasyo, ang mga ding-ding naman na pumoprotekta sa buong Westheria Palace ay gawa sa marmol na siyang nagpalabas ng buong liwanag dahil rumerepleka dito ang liwanag ng buwan. Mga crystal na bintana at mga pilak na mga diseniyo sa kapaligiran nito.

"Hindi porque kalaban kami, madilim na ang mga pasilyo ang tinitirhan namin na siyang pinaniniwalaan ng lahat. Mahilig kasi kayong maniwala sa mga bagay-bagay na wala namang kasiguraduhan." Turan ni Specter na ngayon ay nakaharap na sa amin ni Genesis habang nakangisi na para bang ipinagmamalaki ang magandang palasyo na meron sila.

"Wala kaming pinaniniwalaang iba Specter kundi sarili lang namin kaya huwag kang magsalita ng kung anu-ano na parang kilala mo na talaga ang buo naming pagkatao. Sinungaling kayo kaya kayo dapat ang hindi paniwalaan ng iba." Doon nalang natahimik si Specter dahil sa seryosong sinabi ni Genesis. Napawi ang kaninang nakangisi at bigla nalang tumalikod sa amin.

Boom basag. Ano ka ngayon Specter? Broken-hearted 'yan kaya huwag kang masiyadong magsalita na hindi niya nagugustuhan...



"Ang palasyo ng mga kalabang inaakala nila ay nasa Westheria, kami mismo ang nagpapatakbo ng buong kaharian kasama ang nag-iisang reyna ng mga reyna. May dalawang kaharian lang ang Westheria at 'yon ang Westheria Beast Kingdom at ang Westheria Execution Kingdom."

Ngayon ko lang nalaman na dito pala sa pugad ng Westheria na nakatayo ang palasyo ng mga kalaban. Hindi ko alam na may dalawa pa pala itong kaharian at hindi pamilyar ang mga kaharian na ito. Hindi namin alam na minsan na pala kaming sumugod sa pugad ng mga kalaban. At ang presensiyang naramdaman namin noon ay siyang kay Satanina nanggaling. Pero bakit parang balugang-baluga si Spencer nun?

"Beast and Execution?" Takang tanong ko.

"Beast, kung saan mga specialist na bihasa sa pagpatay ng mga halimaw, bihasa na maging halimaw at bihasa sa pagkontrol ng mga halimaw. Execution, mga specialist na bihasa sa pagpatay gamit ang mga sandata nila. Ibig-sabihin, nasa kani-kanilang sandata ang mga lakas nito."

"Naaalala ko si Haring Anomos na nasa sandata ang lakas." Gulat akong napatingin kay Genesis dahil sa sinabi nito.

"Spencer, did the name rings a bell?" Takang tanong ni Specter kay Spencer at tumango naman ito.

"Kakampi siya natin noon." Turan ni Spencer kay nanlaki din ang mga mata ni Specter at mas lalong hindi kami makapaniwala sa sinabi nito.

The hell? That Anomos ay isa palang kalaban? Walang hiya pala siya! Kung makagawa siya ng mga kabalastugan ay 'yon pala, mapagpanggap ang puta! Nagmana nga talaga sa kaniya ang anak niyang abnormal din!



"Tama! Siya ang traydor ng Westheria, dahil sa kahayukan sa kapangyarihan ay umalis siya sa palasyo at nagpanggap bilang isang maharlika at nagpaampon sa mga mahaharlika. Siya ang kanang-kamay noon ng Reyna Satanina."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro