Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 59

Genesis.


"Minahal ko si D-Devonna pero hindi kami pwede sa isa't-isa. Ang pinaniniwalaan ng aking pamilya ay dapat akong magkaroon ng asawa na may dugong maharlika. I really, really love Devonna back then, masaya kami, magkasamang nilalabanan ang lahat pero sadyang hindi kami maaring magkaisa ng ina mo bata. Inaamin kong isa siya sa mga masasayang memoryang naranasan ko. H-Hindi k-ko lang alam na nagkaroon pala ako ng anak sa kaniya." Malungkot na sabi ng hari.

Kaninang napakaseryoso ay ngayon ay parang nagmamakaawa dahil sa kasalanan na ginawa niya. Hindi ko alam pero parang hinaplos ang puso ko dahil sa tinuran ng hari, hindi pwede si Devonna at ang hari dahil hindi sila binasbasan ng mga magulang ng hari. Mapili ang pamilya ng hari, walang pakialam ang mga ito sa nararamdaman ng anak nila.

Hindi man kami nakaranas ng pagmamahal ng mga magulang pero hindi kami kinulang sa pagmamahal na ibinabahagi ni Lola Thorna dahil siya mismo ang naghirap magpalaki sa amin na walang hinihinging kapalit sa amin kundi ang kaligtasan lamang.

"Lumaban ka na pero huminto ka pa, kung mahal mo, ipaglalaban mo kung saan man mapunta ang pagmamahalan niyo, ipaglalaban mo hanggang sa huli. Hindi ka dapat bumigay Anomos, ang mga magulang mo ba ang humahawak ng buhay mo? Sila ba ang humihinga para sayo? Hindi diba? Hindi mo talaga mahal si ina, ginamit mo lang siya para lang matustusan 'yang pagkatigang mo." Seryosong turan sa kaniya ni Devos habang nakaharap sa kaniya na nakamao ang mga palad.

"Hindi totoo 'yan! Minahal ko ang ina mo!" Sigaw sa kaniya bigla ng hari na may galit dahil sa tono nito.



Naiintindihan ko ngayon ang side ni Devos dahil nawalan din siya, nawala sa kaniya si Sayatus na wala siyang ginawa kundi mahalin lang ito sa malayo. Napakahirap mang isipin pero tinatanggap niya nalang ang sakit dahil wala siyang magagawa, hindi niya pinapakita sa amin na nasasaktan siya dahil gusto niyang maging malakas sa harapan namin. Pero hindi maitatagong, lahat ng mga malalakas ay may kani-kanilang kahinaan.


"Ako ba talaga ang mali Anomos? Huh? Makakapagsinungaling ka sa harapan namin pero hindi sa kapangyarihan ng ina ko. Alam kong alam mo kung ano ang kaya niyang gawin, at dahil sa abilidad niya ay nakita namin ang nakaraan. Kung paano mo siya gamitin dahil gusto mong mapasahan ng kapangyarihan niya, gusto mo ang kapangyarihan niya dahil para maging malakas pero dahil sa ayaw ni ina dahil hindi pa oras ay iniwan mo na siya ng ganun nalang kadali. Malungkot siya, malungkot siya dahil minahal ka niya pero ang sinukli mo ay ang paggagago mo sa kaniya. Wala kang kwentang lalaki, kung mapaparusahan ka lang din naman, gusto ko kamatayan." Tugon ni Devos na hindi nawawala ang pagkaseryoso sa ekspresyon niya habang humihinga ng malalim dahil sa pagpipigil.


Hindi madali ang sitwasyon ngayon, hindi sila nagkakaintindihan dahil sa nagsisinungaling si Anomos. Kay Devos ako naniniwala dahil siya mismo ang nakakakilala sa ina niya higit pa sa amin. Siya ang mas nakakaalam dahil siya ang mas malapit at kadugo.


"Oo tama ka! Oo tama na ginamit ko siya dahil sa kapangyarihan na meron siya! Gusto ko ang abilidad niya na manggaya ng kapangyarihan ng iba pero pinagsisihan ko iyon! Minahal ko siya! Minahal ko ang ina mo dahil sa personalidad niya pero huli na ang lahat ng bigla akong ipinakasal sa babaeng hindi ko mahal pero kalauna'y natutunan ko naring mahalin!" Sigaw ng hari sa mukha ni Devos akmang susuntukin na siya ni Devos pero bigla nalang siyang natigilan dahil sa pagsabat ni Mascara.




"Eh ang ina ko ba Anomos? Minahal mo?" Seryoso na ngayong sabat ni Mascara na nanggaling pa sa pag-iyak. Hindi ko aakalain na iiyak siya sa harapan namin. Hahagulhol siya sa aming harapan.


Napaawang ang bibig ng hari dahil sa biglaang pagsabat ni Mascara. Sinabunutan pa ng hari ang kaniyang buhok dahil sa kakaibang emosyon na nararamdaman. Hindi niya maintindihan dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa mga katanungan na hindi niya naman binibigyan ng totoong sagot. Kung magiging totoo lang siya ay maiintindihan naman siya ng dalawa.

"Wala kang maisagot Anomos? Dahil totoo, totoong ginamit mo lang siya. Hindi ka pa nadala at ginamit mo pa ang ina ko dahil sa pagtakas mula sa pamilya mo. Una hindi mo gusto ang babaeng ipinakasal sayo kaya tumakas ka at napunta ka sa bahay ng ina ko. At dahil sa kagaguhan mo, nagtambay ka pa sa bahay ng ina ko ng ilang araw at ginamit mo siya kung paano mo ginamit ang ina ni Devos. Oo baliw ang ina ko, baliw na baliw sayo dahil mahal ka niya. Wala siyang ginawa kundi ngumawa ng ngumawa dahil habang natutulog kayo ay palagi nalang ang pangalan ni Devonna ang naririnig niya mula sa bibig mo. Nagbabaka-sakali siya na mahalin mo din siya kung paano mo mahalin ang ina ni Devos pero sadyang gago ka at napakagago mo ay iniwan mo siya dala-dala ang mabigat na responsibilidad." Turan sa kaniya ni Mascara na ngayon ay naluluha na dahil ata sa mga alaalang bumabagabag sa kaniya.


"W-Wala akong masabi.."


"Wala kang masabi dahil napakatanga mo, naranasan mo bang lumaki na walang kaagapay? Dahil ang ina kong baliw na baliw sayo ay palagi ka nalang hinahanap, kumatok pa siya sa palasyo mo na nagbabaka-sakaling lalabas ka at tatanggapin mo ang pagmamahal niya pero sadyang mga kawal lang ang lumabas at kinaladkad ang ina kong walang kalaban-laban at walang nagawa kundi umiyak nalang habang patungo ng bahay. Alam mo ba kung sino ang nagbabantay sa bahay kapag wala siya? Siyempre ang batang walang kamuwang-muwang na iyak ng iyak kung papakainin pa ba siya ng ina niyang baliw na baliw sa lalaking walang kwenta. Eh ito, naranasan mo na bang makasaksi ng pagkamatay ng isang ina na nasa harapan mo mismo? Wala siyempre! Dahil gago ka! Gago ka Anomos!" Nanggagalaiting sigaw sa kaniya ni Mascara.


"Bakit ba sa ama ko ninyo sinisisi ang lahat?! Kasalanan na ba ang magmahal?!" Sigaw ni Axial.



"Ano ba ang alam mo sa pagmamahal Axial?" Bigla nalang kaming napatingin kay Menesis dahil sa tinuran nito at para siyang binato ng malamig na tubig dahil sa inasta ni Menesis.



"A-Ano bang pinagsasabi mo M-Menesis? Nangingialam ka na naman!" Sigaw sa kaniya ni Axial pero hindi siya pinagbigyan ni Menesis at mas lalo pa siyang hinarap.



"Naniniwala na talaga ako na ang anak ay talagang magmamana sa ama, kung paano kagago ang ama ay ganun din kagago ang anak."


"Menesis!" Sigaw halos naming lahat. Mga nagbabadyang mga mata at mga seryosong titig ay nasa kinakatayuan na ngayon ni Menesis.

"Bakit? Totoo naman ah? Gago ang ama na hari, gago din ang anak na prinsipe. Sino bang matinong lalaki ang gagamit ng iba't-ibang babae at saktan lang ang mga 'to? At sino ding matinong lalaki na magpapanggap para lang saktan ang isang babae, tama po ba Haring Anomos at Prinsipe Axial." May pagkakadiin ang pangalan na binanggit niya kaya seryoso na ang mag-amang nakatingin sa kaniya.

"Anong kasalanan ko sayo bata at ng anak ko?" Seryosong tanong ng hari kay Menesis.


Tsk! Ano na naman ba itong pinasok mo Menesis? Sabat ka talaga ng sabat! Hinayaan mo nalang dapat silang magkaintindihan at magkapaliwanagan!


"Tinitingala ka ng lahat Haring Anomos pero hindi namin alam na ganiyan pala ang ugali mo, ang manggamit ng mga babae. Kung nandidito lang ang mga estudyante ay baka pinagtulungan ka na nilang pagchismisan dahil sa ugali mo. Kaibigan ko ang niloko mo at sana nakonsensiya ka man lang sa kababuyang ginawa mo. At ano ang ginawa ng anak mo sa akin? Hindi mo ba nabalitaang may isang babae sa eskwelahan na 'to na pinagbabato ng daang-daang patalim gamit ng hangin ng isang prinsipe?" Sarkastiko kong tugon sa kaniya.

"Walang hiya ka!" Sigaw ni Bill.


Bigla nalang sinugod ni Bill si Axial dahil sa sinabi ni Menesis. Kahit ako, ayoko ang ginawa nun ni Axial, para siyang bata na kailangan ng pansin.

Pinagsusuntok ni Bill si Axial pero iniiwasan lang ito ni Axial. Natatamaan din naman siya pero hindi na ito malakas dahil kinokontrol ni Axial ang hangin para mapunta sa ibang direksiyon ang mga suntok ni Bill. Bigla nalang naglikha ng liwanag si Bill at binato ito kay Axial pero bago pa matamaan si Axial ay bigla nalang itong naglaho dahil sa biglaang pagkontrol ni Menesis sa kapangyarihan ni Bill.



"Stop that Bill, hindi niya deserve ang energy mo. Ang dapat sa kaniya ay karma, maghintay ka lang Axial. You will experience how I experienced all pain because of you." Turan sa kaniya ni Menesis at bigla nalang tumalikod sa amin kasama si Bill.

Nakasulyap lang kay Menesis ang nakaawang na si Haring Anomos pati ang iba pang Royal blooded dahil sa tinuran nito. Sumunod naman din kaagad si Senny at Sonata na tumakbo pa para maabutan ang dalawa.


"Ang lakas ng loob niyang harapin ang mas nakakataas sa kaniya." Seryosong turan ni Haring Anomos at hindi ko napigilang hindi sumabat dahil sa sinabi niya sa likuran ng kapatid ko.

Mag-ama nga talaga sila..


"Posisyon lang naman po ang mataas sa inyo Haring Anomos, pero mas malakas sa iyo si Menesis. Kaya huwag niyong sasabihin ang mga katagang iyan sa harapan ko mismo dahil nandidilim po ang mga paningin ko." Turan sa kaniya at halos mapanganga siya dahil sa tinuran ko ay bigla itong naging seryoso.

"Huwag mo siyang tignan ng ganiyan Anomos, hindi dahil sa kaniya ay hindi ka namin makakausap ng maayos. Patay ka na dapat ngayon kung hindi pa niya ako pinigilan kaya dapat kang magpasalamat sa kaniya." Sabi ni Mascara at bigla naman agad lumambot ang mga mata ng hari dahil sa sinabi ni Mascara-dahil sa sinabi ng anak niya.


"Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung bakit ang babaeng ipinagpalit mo ang pinili mo, kung alam mong mali ay sana hindi mo na pinagpatuloy dahil hindi naman ikaw ang masasaktan kundi ang mga mahal naming ina ang nasasaktan sa walang kwentang pag-ibig na 'yan." Turan ni Devos sa ama niya.

"Sumusobra na ata kayo." Biglang sabat ni Athena.

"Huwag ka na ngang makialam sa kanila!" Sigaw sa kaniya ni Igneous.


"Ba't nangingialam ka na naman?" Taas-kilay na sabi ni Athena sa kaniya.


"Magkakilala sila?" Tanong ko kay Ignite na nasa tabi ko at sinagot niya ako ng tango.


"Kung hindi mo nalalaman, mag-ex ang dalawang 'yan."


Gulat naman ako dahil sa rebelesasyon na sinabi ni Ignite. Hindi ko naman kasi aakalain na mag-ex sila o di kaya magkakilala dahil malayong-malayo sa expectations ko na magkakilala silang dalawa. Aba't bagay nga talaga sila, isang hambog at isang maldita. Paano kaya nila nakokontrol ang relasyon nilang dalawa sa mga ugali nila?

"Maldita at hambog? Aba bago iyan ah?" Turan ko at napangiti siya dahil sa tinuran ko.


"Para sabihin ko sayo babe, ganiyan na talaga ang ugali niyang kapatid ko. Hindi kami nagkakaintindihan dahil madamot siya o hayok sa kapangyarihan. Ewan ko nga kung bakit nalang siyang parang naging relax na nasa kamay na ni Enzyme ang Gold Rank position. Mababaliw 'yan kapag may nakakuhang iba. Pero nabago ng panandalian ang ugali niya dahil bigla nalang pumasok si Athena sa buhay niya, kanang kamay si Athena ng Natharia Fire Kingdom at tagaprotekta ng reyna, ang ina ko. Nagka-ibigan sila, naging maganda na ang ugali ng kapatid ko sa akin at 'yang si Athena? Napakabait niyan noon at napakamasunurin, she is always smiling at everyone she would encounter at walang araw na hindi siya nagpapatawa sa amin." Salaysay niya.

Aba! Hindi ko alam na ganun ang ugali ni Athena noon? Meaning, siya ang nagpabago sa pagiging hambog ni Igneous dahil nagkagustuhan sila sa isa't-isa?


"But one night, Igneous found out na may lalaking kasama si Athena at kaholding hands pa na isang Diyos daw pero hindi niya alam na ang kapatid niya lang ito. Hanggang sa pag-uwi ni Athena ay nahuli niyang nakikipaglampungan at nakikipaghalikan sa isang Diyosa."

So iyon pala ang naging history nila kaya ganiyan nalang nila kagalit ang isa't-isa? Kaya pala kung sinu-sinong lalaki nalang ang nagugustuhan ni Athena dahil sa pinagseselos niya si Igneous pero sadyang tutok na tutok si Igneous sa kapangyarihan.


"Isa din 'yon sa rason na ayaw na ayaw nila sa mga Diyos at Diyosa." Dagdag ni Ignite.

"Sino ba ang babaeng kalampungan na Diyosa ni Igneous noon?" Curious kong tanong.

"I don't know babe."

"Huwag nga kayong mangialam! Hindi ito usapan panglandian!" Napalingon kami sa sumigaw and its Mascara at bigla nalang naningkit ang mga mata ni Igneous at Athena at sa isang iglap ay bigla nalang nilang inatake si Mascara pero bigla nalang hinarang ng hari ang katawan niya na ikinagulat ng lahat.


"Stop!" Sigaw ng hari kaya kahit gulat, walang nagawa ang dalawa kundi umatras.



"Gusto kong pagbayaran ang lahat ng kasalanan ko, gusto kong suklian ang paghihirap ng mga ina niyo dahil sa akin. Bilang kabayaran, papatirahin ko kayo sa palasyo." Turan ng hari pero bigla nalang napatawa si Mascara ng mapait ganun din si Devos na para bang kambal sila dahil sa ikinikilos nila.



"May natitirhan kami, may nakakain at may mga damit. Hindi namin kailangan ang magarbo at malaking tirahan, hindi namin kailangan ng kayamanan at isa pang pamilya na wala namang kwenta. Ang kailangan namin ay ang paghihirap mo at pagbagsak." Turan ni Mascara na sinang-ayunan ni Devos na ikinalaki ng mga mata ng lahat pero hindi 'yon ang nagpagulat sa akin.

Kundi ang babaeng may pula na napakahabang buhok, mapupulang mata at nakasuot ng pulang coat habang naglalakad sa aming puwesto. Hindi niya suot ang kaniyang hood, kitang-kita namin ang kabuuan nito habang papunta ito sa puwesto namin. The way she walk is so powerful, umaapaw ang kapangyarihan na pumapalibot sa kaniya at nag-uumapaw ang takot sa aming mga mukha dahil sa napakalakas ng kaniyang presensiya at kapangyarihan.




Ito ang presensiyang naramdaman namin sa Westheria..



"Nagagalak akong makilala ang mga Diyos at Diyosa ng Natharia pati ang mga mahaharlika, at sayo din Anomos." Ngising sambit ng babae.


She is gorgeous.

She is deadly.

She is dangerous.


Kakaiba ang ipinapakita niya, nakakapantaas-balahibo at bakit ganito nalang kung tumibok ang puso ko? Bakit parang naghihina ang tuhod ko dahil sa presensiya niya? Bakit ganito siya kalakas?


At halos maduwal kami ng biglang saksakin ng babae si Anomos ng walang kahirap-hirap gamit lamang ang kaniyang kamay sa isang iglap. Dumaloy ang dugo sa bibig ng hari at tumagos pa ang kamay nito sa kabila na siyang ikinahina ko.





"Dad!" Sigaw ni Axial at nakita kong natigilan si Mascara na may nanlalaking mata ganoon na din ang iba na hindi makakilos. Si Devos na seryoso lang na nakatingin sa babae na ngayon ay nakangiting nakakatakot.



"Para iyan sa babaeng sinaktan mo Anomos. Magsisisi kang ginalaw mo ang isa sa mga importante sa akin." Sambit niya na may nakakatakot na boses at bigla nalang siyang nawala na parang bula na may ngisi parin sa kaniyang mukha.



"Sat..a..ni..na."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro