Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 58

Menesis.

"Athena?" Bulong ng karamihan sa likuran ko even me ay hindi ko maintindihan kung bakit naging Silver Ranked siya.



She is not even strong.

Pero bakit ganun nalang kadali sa kaniya ang mag-evolve?

Nilibot ko ang tingin ko and seeing those stupid specialists who are smiling sweetly to Athena. Manghang-mangha pa ang iba dahil hindi sila makapaniwala na ang babaeng napakabrat at napakabrutal ay isa na ngayong Silver Ranked sa Natharia Palace. At sino bang mag-aakala na magiging isa din siya sa mga tinitingala sa palasyo na 'yon?


Igneous and Enexx looks shock, si Genesis naman ay napanganga parin dahil nasa kaniya nakaharap si Athena. Ang ibang Diyos tulad nina Enzyme at Bill ay gulat na gulat pati si Ignite na katabi si Genesis. Blangko lang na nakatingin si Mascara sa ama ni Axial at may naaamoy akong away. Mascara's eyes are now glowing, intense na intense ang blue niyang mga mata at nakatingin sa hari na walang ibang ekspresyon sa mukha kundi ang pagkalamig-lamig.

Sino naman din ba kasing mag-aakalang pupunta ang hari dito? Wala namang nakapagsabi na dadalaw ito o baka naman sadyang tumulong ang mga kasamahan niya dahil sa nangyayari dito? I don't want to deny pero nakakamangha nga ang abilidad nitong si Athena, maiksi na din ang buhok nito hanggang balikat. Uso na ba ngayon ang mga maiiksing buhok? Hindi ako na-inform.

"Its nice to see you all!" Sigaw ni Athena.

Hindi parin nawawala ang pagiging makapal ng mukha niya, ganun pa din siya. Napakaangas, kaya siya napapahamak eh.

"Paumanhin mga bata kung kami ay nahuli sapagkat may inasikaso din kaming kalaban sa labas ng inyong eskwelahan. We don't want you to get hurt dahil sinasanay namin kayo para maging kasapi ng buong Natharia para sa darating na labanan laban kay Satanina. The Titan Goddess of Undead. Siya ang tinuturing ngayon na kalaban dahil sa kaniyang angking lakas na buhayin ang mga namayapa na, isa siya sa mga kinakatakutan ng lahat dahil sa angking talino para matalo ang mga kalaban ng ganung kadali. May nakapagbigay sa amin ng impormasyon na may kaguluhang nagaganap dito at kailangan ng aming tulong kaya hindi kami nagdalawang-isip na pumunta dito kaagad." Maotoridad na salaysay ng hari.

Kapag nababanggit talaga ang pangalan na 'Satanina' ay biglang tumitibok ng kakaiba ang puso ko. Para bang ang bigat ng pagtibok nito kaya napapahawak ako sa dibdib ko. Parang may kung ano akong dapat alamin dahil sa pangalan na 'yon na para bang konektado siya sa buhay namin ni Genesis.

At sino naman nagsabi sa kaniya na kailangan namin ng tulong niya?

"Hindi ko alam na Silver Ranked na 'yang babaeng 'yan." Napalingon ako kay Bill na seryosong nakatingin kay Athena.

"Alam mo bang gusto ka niyan?" Turan ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.

"Tsk! Kahit gustuhin niya man ako, alam na alam mo kung sino ang gusto ko at mamahalin ko." Sabi niya kaya biglang nang-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

Nakakainis ka Bill! Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang epekto mo sa aking hayop ka! Hindi naman ako ganito dati dahil wala naman akong pakialam sa pagmamahal na 'yan! Letse! 'Tong puso ko talaga pahamak!

"Namumula ka Menesis, huwag ka masyadong pahalata na kinikilig ka sa akin." At halos mapanganga na lang talaga ako dahil sa tinuran niya.

Hindi ko mapigilang hindi siya hampasin sa dibdib kaya napaaray siya sa sakit.

"Aray! Tsk! Huwag ka ngang magselos sa kaniya! Hindi kami pwede at hinding-hindi mangyayari 'yon. Kay Igneous 'yan." Turan niya na ikinataka ko.

Ano na naman ang meron kay Athena at sa Igneous na 'yan?

Inikutan ko lang siya ng mata dahil sa tinuran niya at tumingin ulit sa mga nagsisigawan na mga estudyante na 'okay' lang daw na nahuli sila dahil nandiyan naman daw ang dalawang organisasyon para tumulong.

Bigla kong narinig ang plawta ni Sonata kaya napalingon kaming lahat halos sa kaniyang gawi at nakita kong seryoso lang siyang nakapikit habang pinapatugtog ang kaniyang instrumento.

"Sonata!" Sigaw ko sa kaniya pero bigla nalang kaming napatingin sa babaeng lumalapit sa kaniya. Babae ito dahil sa kinikilos nito. Nakasuot siya ng itim na coat at diretsong nakatingin kay Sonata.

Bigla nalang kaming nakarinig ng pagpagaspas ng pakpak kaya napatingin kami sa itaas at nasaksihan namin lahat kung paano umatake si Demeter sa babae hanggang sa sunggaban ito ng kutsilyo sa dibdib at doon bumagsak ang babae at naligo sa sariling dugo. Inaangat ni Demeter ang hood nito at doon siya napangiti na ikinataka ko.

"Sabi na nga ba, ikaw ang babaeng ginawang halimaw si Levinas." Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa narinig kong sambit niya.

Genesis told me about Levinas' case na naging halimaw siya dahil sa isang specialist na kayang gawing halimaw ang mga ordinaryong specilist even monsters ay kaya niya ding kontrolin. Sabi nila ay patay na 'to pero ang nakakapagtaka lang ay bakit nabuhay pa din ang babaeng 'yan?

"Baka si Satanina ang may gawa nito. Matagal ng patay ang babaeng 'to at dahil sa sinabi ng Haring Anomos na ang kapangyarihan ni Satanina ay kayang buhayin ang patay, hindi na nakakapagtakang siya ang may gawa nito." Napalingon ako kay Ignite dahil sa sinabi nito.

"Yes, dahil ito sa kaniya at galing ang babaeng iyan sa Satanina na iyon. Kaya dapat pa tayong mag-ensayo ng mabuti mga bata dahil hindi natin alam ang susunod na hakbang nitong si Satanina." Turan ng Hari sa amin pero kinabahan nalang ako bigla dahil sa kakaibang hangin.

The whole surrounding are now on fire!

Bigla kasing humangin ng malakas at kasabay nun ay paglitaw ng mga nagbabagang apoy sa buong paligid. Naririnig namin ngayon ang mga pagsabog sa mga buildings at napapapikit kami dahil sa mga naglalakihang usok.

This scene is so familiar.

Nagkagulo ang lahat dahil sa kakaibang mga nangyayari ngayon. Naglalakihang apoy ay ngayon ay sumasayaw sa paligid namin kasabay ang napakainit na hangin. Napansin kong nakangisi ng nakakatakot itong si Mascara kaya nagtaka naman ako dahil sa inasal niya. Ang mga Royal blooded ngayon ay nagtataka na din at nakahanda dahil baka sakaling may aatake. Bigla namang prinotektahan ng mga Knight ang Hari, gumawa ng bilog at nasa gitna nito ang hari. Si Athena naman ay handa ding protektahan ang hari at bigla nalang din tumabi sa kaniya si Igneous at Enexx ganun na din ang iba pang mga prinsipe at prinsesa.


Si Bill naman ay nakatabi lang sa akin pati din si Ignite kay Genesis.

"Ito na ang tamang pagkakataon Mascara." Bigla kaming napatingin sa pigura na naglalakad galing sa nag-uusukang kapunuan. Kung gaano ito maglakad ay ganun din ang laking hinala ko na ang lalakeng 'yon ang nasa harapan namin ngayon.

At halos magulat ako dahil bigla nalang nawala si Mascara sa kinakatayuan nito ay bigla nalang pinag-aatake ang mga kawal na nasa paligid ng hari. Iniiwasan ni Mascara na matamaan ang mga Royal blooded dahil ang mga kawal ang target niya. Ang lalaki naman na naglalakad sa aming direksiyon ay unti-unti na naming naaaninag.

Parang hindi na ata namin kailangan tumakas ng eskwelahan dahil nasa harapan na namin mismo ang target ni Mascara. She don't need to escape from here dahil nasa kaniya ata ang side ng tadhana dahil pinagbigyan siya sa gusto niya.

"That girl! Wala talaga siyang magandang maidudulot sa loob ng eskwelahan!" Sigaw ni Axial.

Nanonood lang kami ni Bill ganun na din si Ignite at Genesis. They already know our plan at wala naman silang tutol doon dahil alam nila ang ginagawa namin. And also, we don't need them to interfere dahil baka mapahamak sila. Kahit ayaw ng sangkatauhan na magkarelasyon kami, puwes hindi nila kami mapipigilan. Hindi nila hawak ang puso, isip at katawan namin para sila ang magdesisyon para sa mga gusto namin.

"Mga estudyante! Atakihin ang lapastangan na ito!" Sigaw ng hari at doon nalang nagising ang ibang estudyante at bigla nalang silang sumugod.

"Ngayon na Senny!" Sigaw ko habang nakatingin sa kaniya at tumango naman ito at biglang lumiwanag sa kapaligiran para masulaw ang mga ito.

"Portal!" Sigaw hanggang sa nagsiliwanagan ang mga likuran ng mga estudyante na hindi kasali sa gulong ito at bigla nalang silang hinigop nito at naglaho na parang mga bula. Sumunod naman si Sonata na biglang pinatugtog ang kaniyang plawta na bigla nalang lumaki. Nakontrol nito ang mga kawal kaya walang nagawa ang mga prinsesa at prinsipe kundi kalabanin si Mascara na kasing-bilis din ng kidlat dahil sa bilis ng pagkakawala niya at bilis ng pagkakalitaw niya na hindi napapansin.

Akmang susuntukin na sa mukha ni Mascara ang hari ng bigla nalang pumulupot dito ang napakalaking ugat kaya nagpupumigilas si Mascara dahil saktong nahuli siya pero bigla naman itong dinaanan ng kakaibang hangin kaya nagliyab ito.

"Lumabas ka!" Sigaw ng hari na akala niya ay ikinatapang niya. Matapang lang naman siya kapag may pumapaligid sa kaniya, he is a coward king. Malakas lang siya kapag may kakampi, ewan ko nalang kung siya nalang mag-isa.

"Lumabas ka kung sino ka man!" Sigaw din ni Enzyme.

"Huwag ka ng sumigaw Gold Ranked of the Natharia Palace. Para kang bading." Doon na lumabas ang buong kabuuan ni Devos na may ngisi sa kaniyang labi.

Ngayon ko lang napansin na magkaparehas pala ng mata si Mascara at si Devos ganun na din si Axial. Glowing color sky blue eyes.

Bigla nalang nakawala si Mascara at nawala na naman. Hinanap siya ng mga Royal blooded.

"Magpakita ka bitch!" Sigaw ni Werrestella habang umiikot-ikot dahil sa baka bigla nalang umatake si Mascara sa likuran niya.

"I-Ikaw?! Ikaw ang nagsabing kapatid mo 'ko diba? Ikaw ang nagsabing ama mo ang ama ko diba?!" Sigaw ni Axial kay Devos kaya napansin kong natigilan si Haring Anomos dahil sa sinabi ni Axial.

"W-What did you said Axial?" Bigla ko nalang naramdaman ang pagkaseryoso ng hari dahil sa sinambit nito.

Parang natigilan ang lahat sa pagkilos dahil sa tinuran ni Axial.

Bigla nalang din naging seryoso ang ekspresyon ni Devos ng mapako ang tingin niya sa hari at parang bigla nalang sumikip ang panga niya na nagpapakitang galit na galit talaga siya sa ama niya.

"Anomos." Sambit niya.

"Para kayong magkapatid ng babaeng 'yan!" Turan ni Axial habang nakaturo kay Mascara na nasa likuran na ni Devos.

Hindi ko naman aakalain na pupunta dito si Devos, ang plano lang naman ay tumakas sa eskwelahan na ito. Papuntahin ang mga kawal sa ibang lugar gamit ang kapangyarihan ni Senny at kontrolin ang mga natitira pa gamit ang plawta ni Sonata pero hindi ko naman aakalain na mapupunta sa senaryo na magkakaharap-harap ang mag-aama.

"Yes we are." Sambit ni Mascara at bigla nalang inatake ang mga prinsipe at prinsesa.

Binato ni Rajedh ng mga naglalakihan bato si Mascara pero naiiwasan lang niya ito, si Werrestella naman na binabato din ng mga matutulis na daggers na gawa sa tubig ganun din kay Cylechter pero ganun din dahil naiiwasan lang ito ni Mascara. Nagkakabanggaan ang mga apoy ni Athena at Igneous dahil sa pagkakawala ni Mascara ganun din ang mga atake ni Enexx. Si Enzyme naman ay pilit paring hinuhuli si Mascara gamit ang mga ugat niyang naglalakihan na sinusundan ni Nhelina sa mga nagtitinikang ugat nito.

Ngayon ko nalang ata nakitang nagkaisa ang dalawang organisasyon na isinusumpa ang isa't-isa.

"Hindi ba talaga tayo tutulong love?" Bill said at napataas naman ang kilay ko sa kaniya.

"Stop calling me 'love okay? Tumataas balahibo ko sayo eh!" Sigaw ko sa kaniya pero binigyan niya lang ako ng nakakaasar na ngiti.

"Kinikilig ka lang sa 'kin eh." Turan niya kaya napaikot nalang ang mga mata ko at pinanuod ang mga naglalaban.

Ang usapan ay hindi kami mangingialam dahil may sarili din kaming misyon at hindi ang pangingialam sa gusto nilang magkapatid. Sapat na ang ginawa ni Senny at Sonata, tutulungan nalang sila namin ni Genesis para malinisan ang imahe nila sa eskwelahan.

"Argh!" Napalingon kami kay Axial na nakahiga na sa lupa ngayon habang sapo-sapo ang tiyan.

Napakabilis ng pangyayari ay sakal-sakal na ni Mascara ang leeg ng hari, kahit ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na isang hari ay sinasakal lang ng babae? Napansin kong nakahiga na sa lupa ang mga Royal blooded na nagpupumilit na lumaban kahit ang mga Silver Ranked ay hindi nakayanan ang lakas ng dalawa. Remember, may dugo din sila ng Royal kaya hindi na kataka-taka ang mga tapang nila lalo na si Devos na may dugo pa ni Donessa.

Dalawa lang sila pero talo nila ang mga malalakas sa eskwelahan na 'to.

"I want you to suffer the way my mom suffered! Gusto kong magdusa ka, gusto kong mamatay ka sa harapan ko!" Nagkakagalaiting sigaw sa kaniya ni Mascara habang nakatingin lang si Devos sa ama niya.

"A-Anong p-pinagsasabi m-mong bata k-ka!" Nahihirapang sabi sa kaniya ng hari pero hindi parin siya binibitawan ni Mascara.

"Bitawan mo siya!" Bigla nalang tumayo si Axial at binato si Mascara ng mga daggers na gawa sa hangin pero bigla itong hinarang ni Devos at katulad ni Mascara, nawala ito sa kinakatayuan niya at nasa harapan na ito bigla ni Axial at sinakal ito.

Lumapit si Devos kay Mascara at pinagtabi ang mga katawan ni Axial at ng hari habang sakal-sakal sa ere. Hindi ko kayang manuod pero pinatatag ko ang dibdib ko para panuorin ang pagbagsak ng mga manloloko. Kahit ako ay nadamay na din sa panloloko ni Axial na akala ko ay totoo, 'yon naman pala ay may masamang balak pala ang gago sa akin.

"Hindi namin hahayaan na maging masaya kayo! Gusto kong masaksihan niyo ang isa't-isa kung paano namin kayo papabagsakin!" Sigaw na din ni Devos.

"M-Mga h-hangal!" Sigaw ng hari.

"Ikaw ang hangal Anomos! Ng dahil sayo ay naghirap ang ina ko, nalungkot at namatay na malungkot ng dahil sayong lalaki ka! Ang mabuti sayo ay hindi na pinapabigyang mabuhay dahil makasalanan ka! Napakawalang-hiya mong lalaki ka! Wala kang kwentang ama!" Sigaw ni Mascara na ngayon ay may nagbabadyang mga luha na ngayon sa kaniyang mga mata.

This is the first time seeing her crying.

Napansin kong nahihirapan na si Mascara dahil sa pagkakasakal sa hari, bigla niya lang itong nabitawan at parang hindi niya makontrol ang kamay nito.

"Talk to him in a good way Mascara, you will know all kapag papakinggan mo ang side niya." Napatingin ako kay Genesis na kontrol-kontrol ngayon si Mascara at tila hindi naman ito galit sa kapatid ko dahil mas lalo pa itong naluha dahil sa matinding emosyon.

Binitawan na din ni Devos si Axial na hirap na hirap ng makahinga.


Bigla nalang tumingin si Mascara sa mga mata ng hari at doon nalang ako nakaramdam ng kirot dahil sa dahilang mabuti pa sila, mabuti pa sila dahil nakaramdam ng pagmamahal ng mga magulang. Gusto kong magaya sa kanila, gusto kong makaramdam ng galit kung paano ipaghiganti ang ina, kung paano protektahan ang mga magulang. Pero malabo na ata 'yon.


Malabong-malabo.



"A-Anong pinagsasabi mo babae?" Seryosong tugon sa kaniya ng hari.


Napangiti ng peke si Mascara at pinunasan ang mga luha gamit ang kaniyang nanginginig na palad. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng grabe, kahit ako ay halos mapaluha dahil ang inaasahang specialist na alam mong matapang ay ngayon ay lumuluha.

"Naaalala mo ba si Meriya?" Mapait na sabi ni Mascara at nakita kong nagulat ang hari na para bang nag-bell 'to sa dalawang tenga niya.


"H-Huwag m-mong sabih-"

Hindi na pinatapos ni Mascara na magsalita ito sahil inunahan na siya nito.

"Wala kang kwentang lalaki alam mo ba 'yon Anomos? Iniwan mo ang babaeng walang ginawa kundi mahalin ka pero pinaglaruan mo lang. Tapos iniwanan mo ng malaking responsibilidad. Nanganak si ina na wala ka, pinakain ako na wala ka, pinalaki ako na wala ka at walang suporta na nanggagaling sayo. Alam mo ba gaano ko kinasusuklaman 'tong mga mata ko na nagmana sayo?" Seryosong sabi na ngayon ni Mascara na nagngingitngit ang mga ngipin.


"A-Anak ka ni M-Meriya, a-anak kita? May naiwan akong anak s-sa kaniya?" Kaninang seryoso at maotoridad na hari kanina ay ngayong parang maamong halimaw dahil sa pagbabago ng ekspresyon.

"Eh si Devonna? Naaalala mo pa ba siya? Minsan mo na siyang minahal noon pero pinagpalit mo lang. Gusto mong mayaman ang mapapangasawa mo kaya mo iniwan ang ina ko." Sabat kaagad ni Devos.

Kaninag gulat na mga mata ng hari ay mas lalong nanlaki ang mga nito dahil sa pangalan na narinig niya.

"D-Devonna? H-Huwag mong sabihing a-anak din kita?" Halos mabulol na ang hari dahil sa mga hindi makapaniwalang nangyayari.

Mga prinsipe at prinsesa na ngayon ay nakatayo na at seryosong nakatingin kay Mascara at Devos. Wala ni sino sa kanila ang nagtatangkang umatake dahil sa seryosong usapan. Si Axial na ngayon ay napapahawak nalang sa ulo dahil sa kabalastugang ginawa ng ama niya.

"Sa kasamaang palad ay oo, mahilig ka kasing sumiping sa mga babaeng hindi mo naman mahal. Buti nalang hindi kasing-baliw ng ina ni Mascara ang ina ko dahil nagpakamatay lang dahil iniwan mo. My mom is not an abnormal like her mother, tinaguyod niya parin ako kahit kulang ng pagmamahal. Ang mahirap sayo ay hindi mo alam ang magiging resulta sa mga naging kabaliwan mo, hindi na ako magtataka na may kakatok sa palasyo mo at sasabihing anak mo din dahil halos ng mga babae ay tinira mo. Wala ka ngang kwentang ama!" Turan sa kaniya ni Devos at tumalikod sa kaniya.

"Anak ka ng traydor."

Napatingin kaming lahat kay Nhelina dahil sa sinabi nito.

"Hindi traydor ang ina ko, babae. Mali lang talaga ang pinaniniwalaan ninyo. Ang mahirap din kasi sa inyo, masyado kayong nahuhulog sa patibong niya. Mga uto-uto din kasi kayo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro