Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 57

Genesis.

BOOM!

Sinipa ko ang tiyan ng lalaking nasa harapan ko pero nakaiwas ito at kita ko pa ang pagguhit ng isang ngiti sa kaniyang labi. Binigyan ko siya ng malakas na suntok at nasalo niya naman ito at akmang susuntukin niya din ako nang kinontrol ko ang kamao niya kaya hindi na siya makagalaw. Binigyan ko siya ng headbutt kaya natumba siya at nawalan ng malay. Tinapat ko ang palad ko sa kaniyang puwesto at doon lumiwanag ang aking palad at bumuga ng enerhiya na siyang nagpalagas sa buhay ng kaharap ko.

Napansin kong nagpapalitan din ng mga suntok at nagbabatuhan ng mga kani-kanilang kapangyarihan ang mga kasama ko sa mga kalaban.

Masaya lang kaming naglalakad-lakad ni Ignite hanggang sa bigla nalang nagsulputan ang mga kalaban na nakablack coat. They are too many for us kaya agad kaming tumawag ng tulong hanggang sa tumulong na ang organisasyon ng mga Diyos at Diyosa pati ang mga Royal blooded. Nagsitulungan din ang mga Class-A students para mas mapaliit ang bilang ng mga kalaban, ang mga Elementalist na nagbabantay sa Headmaster dahil parang ito ang target ng mga kalaban.

"Nasaan 'yong magkakapatid? Sila ba ang may gawa nito?" Iritang turan ni Menesis pero nagbikit-balikat lang ako dahil hindi ko naman alam kung nasaan sila.

But I wonder kung bakit agad-agaran ang pag-atake ng mga kalaban, sabi ng Headmaster na hindi pa sa mga panahon na ito lulusob ang mga kalaban pero sadyang nagkamali ata siya ng pagkalkyula.

"Blazing fire!" Dinig kong bigkas ni Senny na ngayon ay tumutulong narin para pabagsakin ang mga kalaban.

Napakarami nila, para silang mga kaluluwa na mabubuhay pagkatapos mamatay. Hindi sila ordinaryong halimaw, they are all controled by someone at kailangan dapat itong matagpuan agad bago pa gumuho ang buong Natharia Academia.

The knights in Academia are also helping to fight those monsters, mga lalaking nakablack coat na may matutulis na kuko at magaspang na balat na para bang isang dragon. Hindi pa ako nakakita ng isang dragon pero masasabi kong parang sila iyon dahil sa depenisyon na ibinigay sa amin ni Lola Thorna noon.

Dragons are still existing pero mailap na sila sa mga iba't-ibang uri ng mga Specialist. Even Enchanters, Elementalist or other beings ay hindi pa nakakakita ng dragon. They are all belong in history, ancient history.

Nakita ko kung paano namumuo ang mga malalaking bolang tubig sa mga palad ni Cylechter na sinasabayan sa init ng mga nagbabagang apoy nina Igneous at Ignite. Mga nagliliwanag na malalakas na enerhiya galing sa mga palad ni Bill ay siyang nagbibigay ding puwersa para mapatumba ang iba pang kalaban. Those two Princesses helping each other with their strength and power. Pinapalibutan ng mga naglalakihang ugat na may mga matutulis na mga tinik galing sa kapangyarihan ni Enzyme na seryosong-seryoso sa pakikipaglaban.

Ibang-iba na talaga ang tulad niya, hindi niya na ako pinapansin, binibigyan ng sulyap. Ginagawa niya talaga ang trabaho niya bilang isang Gold Ranked sa palasyo, bawal daw kasing magkarelasyon ang mga Diyos at Diyosa kaya isa din itong rason kung dapat ko bang pagbigyan ang gusto ni Ignite.

Gulo daw kasi ang kapalit ng pagkakarelasyon ng Diyos sa Diyosa.

Nagkakagulo na ang buong Natharia Academia, hindi namin alam kung paano sila nakapasok dito. It could be those Gods, Sarionaya, Specter and Spencer. Sila lang naman ang mga kalaban dito sa Academia, sila na ding nagsabi na kaya nilang lumusob kung kahit kailan nila gugustuhin.

Ang ibang gusali ay umuusok na dahil sa mga iba't-ibang enerhiya, ang rebulto ng Headmaster na siyang nakaturok sa gitna ng eskwelahan ay wala na sa kinalalagyan nito dahil wasak na wasak na parang isa nalang basura.

"They are so many! Nabubuhay lang sila paulit-ulit!" Sigaw ni Bill.

Kayang-kaya ko silang pabagsakin lahat pati na si Menesis ay kaya din itong gawin pero hindi pa oras para ipakilala ang mga abilidad namin. Hindi pa ngayon, tatlo silang nakakaalam o apat pero kailangan naming itago pa ito dahil maraming magkakainteresado sa mga kapangyarihan namin. They will possibly kill us.

Bigla nalang humangin ng malakas kaya napatingin kaming lahat kay Mascara, she is trying to help and in one snap ay bigla nalang nagsilaho ang mga kalaban dahil sa kakaibang hangin na ibinahagi niya pero halos madismaya kaming lahat, mga Royal blooded na napaikot nalang sa kani-kanilang mga mata dahil nagsibalikan parin ang mga halimaw. Hindi sila namamatay, hindi sila matahimik dahil may kumokontrol sa kanila. We need to find that man or woman.

Umatake kaming lahat at sabay-sabay naglabas ng mga enerhiya galing sa aming mga sistema, magkatabi kami ngayon ni Ignite pati si Bill at Menesis. Si Senny at ang kapatid ni Athena kasabay ang mga Royal blooded. Magkatabi si Mascara at Cylechter habang si Sonata naman ay nasa gilid lang at nagpapatugtog ng kaniyang plawta para hanapin ang puno't-dulo ng lahat.

"If I will die today, ikaw parin mamahalin at mamahalin ko Genesis." Napatingin ako kay Ignite dahil sa sinabi niya, he is still throwing fire balls to the enemies.

Biglang tumibok ang puso ko ng mabilis sa hindi alam ang dahilan, hindi ko pa siya mahal at masasabi kong hindi pa ako ready pero bakit ba palaging nagtataksil ang puso kong ito? Para bang palagi nalang ako ang may kasalanan, palagi nalang ako ang may sala dahil hindi nito ako pinapabigyan. Nakakainis dahil ako pa ata ang mahuhulog sa set-up na ito.

"Huwag kang magsalita ng ganiyan Ignite na parang mamamatay ka na. Just keep fighting, hindi dapat tayo sumuko dahil tayo ang pag-asa ng buong Natharia." Turan ko sa kaniya at binato ng puting liwanag ang kalaban.

"Kahit ngayon Genesis, you are still a mystery for me. Hindi ako kuntento na Diyosa lang kayo, may iba pang dahilan tama ako Genesis diba?" Turan niya pero hindi ko siya sinagot at tinuon ko nalang ang mga mata ko sa mga kalaban na pilit lumalaban.

Bigla nalang kaming napatingin sa kalangitan dahil may biglang pumapagaspas na mga pakpak at nanlaki ang mga mata ko kung ano ito-hindi, nanlaki ang mga mata namin dahil napagtanto namin kung sino ito.

"Its been a while everyone."

Matagal na nga siya namin hindi nakita, hindi namin alam kung saan siya pumunta at saang lugar siya tumira. The last mission na ginawa namin ay successful naman, nailigtas naman namin ang babaeng mahal niya at halos mapaiyak ako dahil sa lakas ng presensiya ngayon. He is now well-trained pero hindi namin alam kung ano ang dahilan kung bakit bigla nalang siya naglaho na parang bula.

"Demeter." Sambit ko sa kaniyang pangalan habang nakatingin sa kaniyang pakpak na unti-unting bumabalik sa kaniyang sistema.

His body is like a metal, his both hands na parang kamay ng isang dragon dahil din sa mga mahahaba at matutulis na mga kuko pero kakaiba sa kaniya dahil mga ginto ang kaniyang mga kuko. Kutis niya na pang-dragon talaga at mga nagpuputukan niyang dibdib, parang hindi siya si Demeter na nakilala ko nung una naming pasok dito sa Natharia Academia. Kakaiba na siya at masasabi ko, he is enough to be a Gold Rank because of his aura.

Pagkalapag niya sa lupa ay agad niyang sinuri ang mga kalaban at napangisi. Nagtaka naman akong napatingin sa kaniya at bigla nalang itong napatingin sa akin pati kay Menesis na nasa tabi ko na pala.

"Siya pala si Demeter." Dinig kong bulong ni Senny kaya napangiti ako.

"He is handsome pero delikado din pala siya dahil nagiging halimaw ang buong katawan niya." Indeed Sonata. Kakaiba na ngayon si Demeter.

"Tumuntong na ang kapangyarihan niya sa totoong form nito kaya hindi na nakakapagtaka kung malakas na siya ngayon kaysa sa mga Royal blooded." Bulong sa akin ni Menesis kaya napatango ako.

"Ang maitutulong ko lang ay ang pagtalo sa specialist na gumagawa nito. At alam kong kilala mo na ito Genesis, siya ang dahilan kung bakit naging halimaw noon si Levinas."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tinuran niya, ibig-sabihin ay buhay pa pala ang babaeng 'yon? Levinas told me that she is already dead, the girl who can manipulate beasts at gawing beast ang mga specialist. At paano niya naman makokontrol ang ganitong klaseng mga halimaw?

"Tumuntong na ang kapangyarihan niya sa totoong lakas nito kaya nakokontrol niya ang mga ganito kadaming mga halimaw. Pero may isa tayong kakampi and she is coming at siya mismo ang makakatulong sa inyo." Nagtaka naman ako sa tinuran niya at lahat kami ay biglang napatingin sa malaking gate dahil bigla nalang itong bumukas.

Halos mabighani kaming lahat dahil sa sunod-sunod na mga kabayo ang nagsipasukan sakay ang mga kakaibang kawal dahil sa kani-kanilang mga kalasag na kanilang mga suot. May mga nakasuot na mga pilak na kalasag at bronze na mga kasuotan. Habang papasok sila ay pinag-aatake nila ang mga kalaban gamit ang kani-kanilang mga espada para makadaan. Sa likuran nila ay may naiibang kabayo, mga kulay puting kabayo at naalala kong sa mga Royal blooded lang ang mga ganitong klaseng kabayo nabibilang.

"W-Wait.. T-The King of Natharia Air Kingdom is here!" Sigaw ng isang estudyante at halos nag-bell ang tenga ko dahil sa sinabi nito.

King of Natharia Air Kingdom? I-It could be King Anomos.

Awtomatikong nabaling ang aking tingin kay Mascara at doon na ako kinabahan dahil sa ekspresyon niya. Bigla nalang kasing lumiwanag ang kaniyang asul na mga mata at naging mas intense pa ang kulay nito, her cold expression, nakakatakot. Baka may gagawin na naman siyang mali, baka magpadalos-dalos na naman siya sa gagawin niya pero kailangan ko siyang unahan kapag may gagawin siyang hindi kaangkop-angkop.

Bigla nalang nagsilaho ang mga kalaban dahil sa biglaang pag-atake ni Mascara dahil sa hangin nito, napigilan ang mga kawal dahil sa ginawa nito at napatingin kay Mascara.

"She is something." Ang kaniyang baritonong boses, hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil ngayon lang ako nakaengkwentro ng isang hari. Napakakisig ng kaniyang katawan na parang hindi siya tumanda at kamukhang-kamukha niya si Axial na para bang magkambal. Nakasuot siya ng napakagarang kasuotan na may tatak pa ng N.A.K. na ang ibig-sabihin ay ang kaniyang kaharian. Makikita mo sa itsura niya ang pagiging seryoso pero may tipid na ngiti parin dito.

"Anomos." Nabigla ang lahat dahil sa pagtawag ni Mascara sa pangalan ng Hari na walang 'Hari' sa unahan. Napahawak nalang ako sa sentido dahil sa tinuran niya. She is the second version of Menesis, pasaway at masyadong mainitin ang ulo.

"I told you, wala talaga siyang respeto even my father ay tinawag lang sa pangalan niya na walang tono sa paggalang." Axial said.

Magsasalita na sana si Mascara ng biglang nagsilitawan ang mga kalaban ulit kaya naging alerto kaming lahat. The knights are now fighting with their great swords at si King Anomos na lumalaban na din gamit ang kaniyang espada na nagpapalabas ng malakas na pwersa.

Nasa sandata niya ang lakas..

Napatingin kami sa babaeng papasok din ng Natharia Academia sakay-sakay sa kabayo na kulay puti, hindi ko alam pero may pakiramdam ako kung sino ang misteryosong babae na ito na nakasuot ng silver coat. Huminto ito sa harapan namin at tumalon galing sa kabayo, hindi namin makita ang kaniyang itsura dahil nakatakip parin ang hood ng kaniyang coat sa mukha niya.

Humarap siya sa mga kalaban at walang atubiling inatake ito. Sa kinikilos niya ay inaattract niya ang mga kalaban dahil nasa kaniya na ang mga atensiyon nito. Ang lakas ng kaniyang loob para akitin lahat ang mga kalaban.

She is familiar, the way she move and the way she walk in. Kilalang-kilala ko ang galawan na ito pero nakalimutan ko kung sino, nasa utak ko pero hindi ko masabi kung sino talaga.

Nagsitabihan ang mga kawal dala-dala ang kailang mga kabayo, napansin kong nakangiti lang si Haring Anomos sa ginagawa ng babae at halos ang mga estudyante ay nagtataka sa mga ikinikilos nito.

At hanggang nasa babae na ang mga atensiyon ng kalaban ay bigla nalang siyang tumayo ng matuwid at humarap sa mga kalaban na kitang-kita ang ngisi nito. At halos mapanganga ako ng biglang nagliyab ang mga kalaban sa isang iglap na wala namang ginagawa ang babae. Halos mapasinghap ang mga kasama ko pati ang ibang estudyante dahil sa ginawa ng Elementalist na ito, sa angking galing niya ay nakakamangha.

Pero alam kong wala din itong silbi dahil babalik at babalik din ang mga halimaw na 'yon.

"Its useless father!" Sigaw ni Axial sa ama niya, pansin kong intense blue parin ang mga mata ni Mascara at tila nag-iisip sa susunod niyang gagawin.

"Son, trust me. She can do it. Her fire is usefull to this kind of battle even a soul will burn. Tumuntong na sa tamang oras ang kapangyarihan niya kaya ganiyan nalang ang epekto ng kapangyarihan niya. And she is gifted, mayroong spell ang apoy niya na tiyak ikakabagsak ng mga kalaban." Turan ng Hari na may maotoridad na boses habang nakangiti sa kaniyang anak at napatingin ulit sa babae.

Nilibot ko ang aking tingin at napansin kong seryosong nakatingin si Enexx, ang kapatid ni Athena at ganun na din kaseryoso ang tingin ni Igneous sa babae. Kahit ako ay nahihiwagaan kung sino talaga ang babae at ano ang role niya sa buhay ng Hari.

"I invited her here to help us, she is a new Silver Ranked specialist in Natharia Palace so no worries children." Dagdag ng hari.


"Children?" Dinig kong bulong ni Mascara. Hindi ko muna ito pinansin at hinintay kung babalik pa ba ulit ang mga halimaw.

At sa iilang minuto pa ay hindi na nga bumalik ang mga halimaw.

Bigla nalang lumapit sa amin ang babae at hinay-hinay tinanggal ang hood ng coat at halos mapanganga kaming lahat dahil sa nakangiting babae ang nakaharap sa amin ngayon.


"A-Athena?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro