HG 56
Ignite.
"Hindi ko alam na dadating sa punto na kayong lahat ay mag-aaway-away. Hindi ko aakalain na kayong mga modelo ng Natharia Academia ay siyang sisira sa sarili niyong imahe. How can I trust yourselves when it comes to battle kung sarili niyo ay hindi niyo kayang ayusin?"
Nakaupo kami sa sofa dito sa office ni Headmaster. The two princesses ay nasa clinic at ang isang prinsipe ng Natharia Air Kingdom ay pinabalik sa kanila. Ako, Cylechter at Enzyme ang nandidito pati na rin itong Prinsipe ng Natharia Earth Kindom at ang napakagaling kong kapatid. Nasa tabi ko si Genesis at ang isa pa nitong kasama na napakacold kung umakto.
"They did it first Headmaster, we just fought what is the right thing to do." Turan ko.
"No! They did it first!" Sigaw ni Igneous na ikinataas namin ng kilay.
"Huwag ka ngang naghuhugas kamay, tinulak mo 'yong isang lalaki para umatake." Malamig na sabi ng babaeng katabi ni Genesis kaya napalingon sa kaniya si Headmaster.
"This is the first time na nakita kita Ija, who you?" Takang tanong sa kaniya ni Headmaster pero mararamdaman mo parin ang pagkakaseryso sa tono.
Hindi namin aakalain na pupunta si Headmaster doon sa lugar na 'yon dahil madalas ito sa opisina niya, kahit nga mga organisasyon namin ay hindi niya kailanman nabibisita kaya masasabi kong wala siyang pakialam pero nirerespeto namin ang desisyon o ang mga ginagawa niya dahil mas mataas siya sa amin sa eskwelahan na 'to.
"I'm Mascara." Narinig ko pang napahagikhik ang kapatid ko na parang may nakakatawa. Napapansin kong hanggang sa tumatagal, lalong nawawala sa isip si Igneous.
"Oh? I believe that you are new at isa ka sa mga stuff ng Cafeteria ng eskwelahan ko tama ba?" Tumango lang ang nagngangalang Mascara sa sinabi ng Headmaster.
Wala dito si Menesis dahil nandoon siya sa Clinic nagpapahinga at binabantayan naman siya doon ni Bill.
"Bakit ang lakas ng loob mong umatake sa mga katulad nila na alam mong kung saan ka dapat nararapat? Isa ka lang stuff pero kung umakto ka ay parang napakataas mong nilalang. Diba dapat ay nagsisilbi ka lang sa mga estudyante ng mga pagkain at wala na dapat pang gawin?"
Nakita ko kung paano naging kamao ang palad nitong si Mascara pero hindi 'yon nakikita ng Headmaster dahil nasa likod nito ang mga palad na siyang ako lang o si Genesis ang makakakita dahil nasa gilid kami.
Ano bang meron sa babaeng 'to? Bakit parang hindi naman siya ordinaryong specialist lang? Napansin kong napatingin sa akin ang isang pares na mga mata pero binaliwala ko 'yon at hinawakan ang mga isang kamay ni Genesis.
I really love this woman na kahit buhay ko pa ang kapalit ay handa akong magsakripisyo para lang sa kaniya. Mahal ko siya at 'yon ang nararamdaman ko, kahit alam kong may pagtingin pa siya kay Enzyme pero gagawin ko ang lahat para mabaling sa akin ang atensiyon niya. I love her to the point that I will sacrifice my own life to save and protect her from pain and darkness. She is my happiness na kahit mas masaya siya sa iba, kahit nakatingin siya sa iba ay pinipilit ko paring maging masaya para lang sa kaniya.
"Hindi porque na isa akong stuff sa Cafeteria niyo ay dapat niyo na akong maliitin. Mawalang-galang na po pero dapat kong sabihin ang katagang ito sa inyo.." Seryosong turan ni Mascara at tumayo siya sa kaniyang kinauupuan.
Hawak pa ni Genesis ang kamay nito na para bang sinusubukang pigilan. Kita ko ang pagbabago ng paligid, seryoso na silang nakatingin sa kinakatayuan ni Mascara.
"Kahit kayo pa ang pinakamataas dito, hinding-hindi ako natatakot."
-----
Menesis.
I opened my eyes and now I'm seeing the white ceiling, parang nasuki na ata ako palagi dito sa Clinic. Akmang uupo ako ng may naramdaman akong nakahawak sa kamay ko kaya napalingon ako dito and seeing Bill in my side is so confusing.
Bakit siya nandito? Bakit siya nasa tabi ko? Binabantayan niya ba ako?
Napansin niya atang may nakatitig sa kaniya ay bigla niyang iminulat ang kaniyang mga mata ng hinay-hinay na mas lalong nagpakita ng kaguwapuha-ano ba 'tong pinagsasabi ko? Hahayst!
Kinusot pa niya ang kaniyang mata gamit ang kaniyang isang palad habang nakahawak parin sa palad ko ang isa pa niyang palad na parang ayaw niyang pakawalan 'to pero ewan ko ba dahil pinabayaan ko nalang.
"Gising ka na pala." Bigla niyang sabi at umayos ng upo pero hindi niya parin tinatanggal ang kamay niya sa palad ko.
"Hindi Bill, tulog pa ako. Baka namamalikmata ka lang o nananaginip." Turan ko sa kaniya at doon na nagbago ang ekspresiyon niya na napalitan ng kaseryosohan. Binawi na niya ang kamay niya sa wakas kaya umayos din ako ng upo.
Matinding katahimikan ang bumalot sa buong Clinic at hindi kami nagpapansinan pero ramdam ko parin ang titig niya sa akin kaya tumingin ako sa kaniya at inabutan ko siyang nakatingin sa akin ng napakasama.
Ewan ko ba kung anong nangyayari sa lalaking 'to na parating may galit sa'kin. Wala naman akong ginagawa sa kaniya pero kung makatitig parang gusto niya akong itumba dito.
"Bakit ang sama ng tingin mo Bill? Kanina pa 'yan nung nasa Cafeteria tayo ah." Turan ko sa kaniya na nakataas ang isang kilay pero hindi niya parin binabawi ang masama niyang pagkakatitig.
"Dalawang araw ka ng tulog kaya sa isang araw pa 'yon. Gamit kasi ng gamit ng matinding kapangyarihan eh hindi naman alam kung paano kontrolin ang sarili. Naaalala mo pa ba ang lahat?" Seryosong turan niya sa akin kaya napatingin ako sa ibang direksiyon.
"Hindi ko namalayan na ang taas na pala ng tulog ko, at oo, naaalala ko pa ang lahat. Bagay lang sa kanilang dalawa 'yon dahil hindi sila marunong umintindi na huwag ang kapatid ko ang saktan nila dahil mandidilim ang mga paningin ko." Sagot ko sa kaniya at tumingin sa kaniya ulit.
"Alam mo bang dalawang araw na din akong nakabantay sayong babae ka?" Galit niyang turan kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"At sino namang nagsabi na bantayan mo ako dito? Diba wala? Oh edi kasalanan mo rin naman dahil kung hindi mo ako niyakap ay sana ayos pa ako at wala dito." Galit kong tugon sa kaniya.
"Hindi mo kontrolado ang katawan no Menesis!" Sigaw niya sa akin pero natawa nalang ako sa sinabi niya.
"Abnormal ka ba?! Eh kung hindi ko kontrolado ang kapangyarihan ko edi sana patay na ang dalawang babaeng 'yon! Mag-isip ka nga Bill!" Sigaw ko sa kaniya.
"Masisisi mo ba ako kung nag-aalala ako sayo?!" Natigilan ako bigla dahil sa sinigaw niya.
W-What? Nag-aalala?
"A-Ano na naman ba 'yang pinagsasabi mo?!" Sigaw ko pabalik sa kaniya pero bigla niya nalang akong niyakap na ikinagulat ko.
This is not the Bill na kilala ko, hindi ganitong klaseng Bill ang naengkwentro ko noon. He changed a lot, masasabi kong nag-mature na siya.
The beat of my heart, my lips that shaking and almost whole of my body wanted to collapse because of his warm tight hug. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung bakit ganito nalang kung tumibok ng mabilis ang puso ko.
"B-Bill.."
"I miss you, I miss you a lot." Bulong niya sa bandang tenga ko na halos ikahimatay ko dahil sa kakaibang sensasyon.
The hell! What's going on?! Bakit ganito ang tinuturan ni Bill?! Nasaan na 'yong Childish God? Nasaan na 'yong parang bata kung umakto? What the hell is going on? Anong nangyayari sa kaniya?
"Isang buwan, wala akong nakita kundi puro punching bag, mga espada, dugo at mga halimaw. Hindi kita nakikita dahil mahigpit na ipinagbabawal na bumalik sa Academia na hindi natatapos ang misyon namin. At sa tagal ng panahon, sa bawat oras na dumaan, araw at buwan na nagpapalitan ay napagtanto ko na hindi ko kayang hindi ka makita. Nabaliw ako halos ng sinama ka ng mga kumag na 'yon sa Satharia Academia na hindi man ako nakapagpaalam. I just wanted to say sorry sa mga inakto ko, kung nasaktan kita at minaliit. Sorry Menesis, I think I fell- I think I already fell in love with you."
Hindi niya nakikita ang nanlalaking mga mata ko dahil nakayakap parin siya, still, the beat of my heart is like a horse running wild inside of it. Hindi ko alam pero parang may humaplos sa puso ko, his words are like touching my heart. His words are like potions and trap na wala akong katakas-takas dahil lagi akong nahuhuli.
"Please talk Menesis, my love."
At doon na ako halos matumba at narealize ko na nasa kama pala ako. Ewan ko pero yumakap din ako sa kaniya pabalik hanggang sa naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap niya. My tears are now flowing and falling. Nang-iinit ang mga pisngi ko dahil sa inakto niya ngayon.
And why I'm liking this scene? Bakit parang gustong-gusto ko ang mga nangyayari ngayon? Ganito ba ang pakiramdam na minamahal ka? Minamahal ka ng lalaking gusto mo rin? Ewan pero ngayon ko lang rin nalaman na gusto ko rin siya, hindi pa ito pagmamahal pero masasabi kong papunta na doon. Hindi mababaliw ng ganito ang puso at sistema ko kung hindi ko siya gusto. Parang siya na ata ang nagiging karma ko dahil sa pagiging pakialamera, siya na ata ang magiging dahilan kung bakit ako manghihina. Ayokong may weakness, pero hindi ko maiwasan dahil parang-parang gusto ko na ata talaga siya. Gusto kong nasa tabi ko na siya palagi.
"Kung bibigyan ba kita ng pagkakataon Bill, you will never hurt me?" Turan ko sa kaniya at nabigla ako dahil kumawala siya sa yakap at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa akin.
"A-Are you telling me na m-mahal mo din ako?" Nangniningning ang mga mata niya na parang isang bata na kailangan ng pagkain.
Sa loob-looban ko ay natutuwa ako dahil nakikita ko ngayon na pursigido talaga siya, his eyes that sparkling showing his deep emotions. Oh God, I hate this kind of ability na pati emosyon ng iba ay nababasa ko. That Azumarill.
"Anong tingin mo sa akin? Easy-to-get? Huwag ako Bill, you need to work hard para makuha ang matamis kong oo." Turan ko sa kaniya na halos ikasuka ko dahil sa sinabi ko.
Oh my God! Really Menesis? Matamis na oo talaga? God! Saan ko ba 'yon nakuha?
Bigla nalang naglaho ang pagspark sa kaniyang mga mata-wait, ayaw niya na ba? Aba!
"Okay fine, I will court you then how those stupid specialits court their love ones." Turan niya at umupo na ng maayos at pinag-cross ang mga braso.
The hell?! Matapos siyang mag-confess sa akin? Tapos gaganiyan-ganiyan siya? Hindi niya ba alam na isa din siya sa mga specialist na sinabihan niyang stupid because he will court me as his love one?! Hahayst! Ano pa bang magagawa ko? Ganiyan na talaga si Bill nung una pa kaya hindi na ako magtataka na hindi siya magiging sweet sa'kin. Timing lang talaga na ginamitan niya ako ng sweet talks dahil nag-confess siya, puwes! Hindi niya agad-agarang makukuha ang 'oo' ko dahil papahirapan ko siya at hindi niya ako basta-basta madadala sa mga kilos niya!
"Nasaan silang Genesis?" Pag-iiba ko ng usapan at tinignan niya ako sa mga mata.
"Nasa opisina sila sa isang araw, nag-uusap sila doon ng matandang 'yon dahil sa nangyari sa Cafeteria. Ewan ko nalang ngayon kung nasaan sila."
Pareha pala kami na hindi tinatawag 'yong matandang 'yon na 'headmaster' depende nalang talaga kung nasa harapan na namin siya. Of course we need to show him respect, baka kung ano nalang ang sabihin ng matandang 'yon.
"Okay, kailan na ba ako makakalabas dito? Ayos naman na 'ko." Turan ko sa kaniya pero binigyan niya lang ako ng ngisi na ikinataka ko.
"Sa susunod pang buwan my love."
"What?!" Sigaw ko sa kaniya na ikinapikit ng kaniyang mga mata.
Ano ako pilay? Hindi ako napuruhan dahil ayos lang naman ako at dapat kahapon pa ako nakauwi! Ano na naman bang pinagsasabi nitong lalaking 'to? Pinagkakatuwaan niya ba ako?
"Yes, because I need to court you."
"Abnormal ka ba?! Ano namang kinalaman ng pagko-court mo sa akin sa pag-uwi ko? Puwede mo naman akong ligawan na wala dito sa clinic ah? Nababaliw ka na nga talaga Bill, ewan ko pero dapat hindi na kita binigyan ng pagkakataon kung ganito lang din ang kahihitnatan." I roll my eyes at bumuga ng hangin.
Hindi ko na ata kilala sarili ko na siyang ako dapat ang unang makakilala sa sarili ko, gusto ko na ba talaga siya? Nagiging open na kasi ako sa kaniya eh. Tsk!
This is incredible!
"Siyempre kailangan kong manigurado na walang ibang lalaki na lalapit sayo except for me. At sisiguraduhin kong hindi sila makakatingin sayo ng diretso kapag katabi mo na ako dahil dudukutin ko ang mga mata nila. And I will make sure that you will love me the way I love you."
God! Hindi pa kami pero possessive na!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro