HG 54
Menesis.
"Mascara, kahit 'yong sandwich na may ham sa loob nalang ang akin." Turan ni Genesis.
"Okay, sayo Menesis?" Baling niya sa akin.
"Kagaya nalang din sa kaniya." Tipid kong sabi at tumango ito at pumunta sa counter suot-suot ang gintong apron na may nakatatak na N.A. sa harapan.
Stick kami sa plano, what we need is the timing kung kailan kami tatakas. They can smell and feel our presences at i-che-check din nila kung may nawawala bang estudyante sa Academia. Mas lalong hinigpitan ang pagpapatakbo ng eskwelahan, guards are roaming around. They are not just ordinary but they are the knights from Natharia Palace. Headmaster announced the information a while ago before we went to the class at sabi niya ay kaya niyang magpapunta ng sangkaterbang mga kawal para lang maprotektahan ang bawat isa dito and to make secure na din. May right siya dahil si Enzyme ang Gold Rank sa nasabing palasyo na kanang-kamay niya at kahit ngayon hindi ko parin malaman kung paano nangyari ang ganung kadaling senaryo.
"I don't think so na magagawa kaagad natin ang plano, masyado silang mahigpit." Turan ko kay Genesis kaya nakuha ko ang atensiyon ng dalawa pa naming kasama.
"Tama ka Ate Menesis." Sabat ni Senny.
We already informed Senny about our plan, at kahit bata pa siya kaysa sa amin ay pinayagan siya naming isali sa misyon na 'to. Kahit ayokong isama siya dahil baka mapahamak lang siya doon but still she insist, dalaga na daw kasi siya at hindi na kailangan pang bantayan palagi.
"What we need? A miracle. A damn miracle." Turan ko sa kanila at magsasalita pa sana si Genesis ng lumitaw na si Mascara bitbit ang tray na may lamang apat na sandwiches at juice na nasa mga baso.
Those past days, puro training ang ginawa namin. Kakaunting knowledge lang sa nakaraan ang nakuha namin and its all about the Book of Heiress kung saan nilikha daw ng kauna-unahang Diyos sa mundong 'to. She is Xysoness Dimen, her last name is familiar at hindi ko maalala kung saan ko 'to unang narinig. It was thousand years ago nang binasag niya ang isang napakalaking bato na naglalaman ng mga iba't-ibang kapangyarihan na gawa pa sa mga mas nakakataas na mga Specialist. Ang batong daw na 'to ay siyang gagamitin in case na may mga laban na mangyayari.
She's just an ordinary specialist who can see past and future at natulungan siya ng kapangyarihan niya para gawin ang libro na ito na siyang naglalaman ng mga iba't-ibang Diyos at kapangyarihan. Pinangalan itong 'Book of Heiress' dahil siya ang unang napasahan ng malakas na kapangyarihan galing sa makapangyarihang bato sa unang pagkakataon. Napagtagumapayan niya itong biyakin at napino at naipasa sa iba pang mga ordinaryong specialist ang mga tipak ng bato na nagbibigay ng kakaibang lakas. Kung dumikit ito sa balat ay malulusaw ito at doon ka na makakaramdam ng kakaibang lakas.
Hanggang sa maraming pangalan at mukha na ang naisulat at naibahagi sa libro ng Heiress ay hindi na ito pinalitan pa ng ibang pangalan simbolo na nirerespeto ang kaniyang sakripisyo.
But she fade away like a bubble, she is missing at hindi na nahagilap pagkatapos niyang mapino ang bato. Pinaniniwalaan ng iba na naglaho ito dahil sa matinding puwersa na ginamit niya o di kaya ay namatay siya dahil sa karma.
"Sobrang lalim ng iniisip mo Menesis." Nabalik nalang ako sa ulirat ng biglang magsalita si Sonata. Nginitian ko nalang siya ng tipid.
"Wala akong iniisip, its just that, pagod lang ata ako dahil sa training." Pagsisinungaling ko pero sadyang hindi ko matakasan si Genesis dahil lubos niya ng kilala ang buo kong pagkatao.
Hindi naman siya nagsalita dahil kumain lang siya na parang walang narinig.
Kinain ko nalang ang sandwich at dahan-dahan itong nginuya. Bumalik na si Mascara sa counter para manilbihan sa iba pang estudyante.
"Tangina!"
Napalingon kami sa pamilyar na boses na biglang sumigaw, its the bastard. Axial.
Napansin kong may mantiya sa kaniyang uniporme at hindi pa doon umabot ang mga mata ko dahil nakita kong nakaupo na sa sahig si Mascara habang nakatingin ng masama kay Axial.
Hmmmm.. It smells war.
"Tanga ka ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" Sigaw sa kaniya ni Axial pero halos matawa lang ako dahil sa ekspresyon ni Mascara na para bang walang pakialam sa sinabi ng lalaking nag-aalburuto na sa galit.
"Bakit? Tumitingin ka rin ba sa dinadaanan mo?" Cold na sabi sa kaniya ni Mascara na halos ikinasinghap ng karamihan sa loob ng Cafeteria.
Hindi ata makapaniwala ang lahat dahil sa tinuran ni Mascara sa isang Royal blooded na prinsipe ng isang kingdom na para bang wala siyang pakialam kung mas mataas pa sa kaniya ang kaharap niya. Bakit? Kahit ako mapapasinghap din dahil sa tinuran ni Mascara pero sadyang alam ko ang dahilan niya, baka nga sinadya niyang banggain si Axial dahil alam niyang anak siya ni Anomos na ama nilang dalawa eh.
"Of course! Hindi ako kapareha mong lampa na hindi tumitingin sa dinadaanan niya!" Sigaw pabalik sa kaniya ni Mascara at napangisi ako dahil sa inikutan lang siya ni Mascara ng mata at tumayo na parang hindi babae kung umasta.
"Tumitingin ka pala sa dinadaanan mo pero bakit nabangga parin kita? So tanga ka rin kagaya ko?"
Boom basag!
"Oh my God! I-I can't even!"
"Wala siyang karapatan sagutin si Prinsipe Axial, hindi niya ba kilala ang lalaking nasa harapan niya?"
"God! Yes she is beautiful but quite clumsy. Patay siya diyan."
Ito na naman ang mga specialists na walang ginawa sa buhay kundi mangchismis ng mangchismis. Hindi ba sila nagsasawa sa kakadada nila?
"Oh dude?" Napalingon kami kay Igneous ng pumasok ito at inakbayan si Axial.
"What happen to you? Hahaha para kang basahan sa itsura mo." Pang-aasar sa kaniya ni Igneous kaya mas lalong nang-init ang ulo ni Axial.
Magaling talaga magpalago ng gulo ang lalaking 'to kahit kailan, kaya hindi kami nagkasundo kahit kailan nung nasa Satharia Academia pa kami eh. Masyado siyang delikado, he brings chaos.
"Oh my God!" Singhap ng iba kaya nagtaka naman akong napalingon kung nasaan nanggaling ang sigaw na 'yon at halos mapanganga ako dahil sa nasaksihan.
That brat Werrestella and Nhelina! Binuhusan ng kung ano ang uluhan ni Mascara na nagpamantiya sa kaniyang uniporme pang waitress.
Akmang tatayo na sana ako ng pigilan ni Genesis ang mga kamay ko kaya taka ko siyang sinulyapan.
"Let her be, hayaan mo siyang patunayan ang sarili niya na hindi siya dapat matitibag sa simpleng bully lang nila. Remember, she almost killed Donessa kaya pwede niya ring gawin iyon sa kanila. Maghintay lang tayo sa susunod na mangyayari." Seryosong turan sa akin ni Genesis at kahit labag sa puso ko ay mahinahon akong umupo pabalik sa upuan at pansin kong seryoso ding nakatingin si Senny at Sonata sa nangyayari.
"Ang mga taong mahihirap at ordinaryong katulad mo girl ay hindi dapat pinapatapak sa lugar na 'to." Sabi sa kaniya ni Nhelina na mas lalong nagpainis sa akin.
Matagal ko na silang hindi nakita at masasabi kong mas lalo silang naging matapang at maldita tignan dahil sa ikinikilos nila, they are the example of evil. Demonyo sila, kulang nalang ay maging kamukha nila ang mga ligaw na kaluluwa sa labas ng Natharia Academia. Napansin kong umiksi ang mga buhok nila, Nhelina's green short hair na hanggang balikat na noon ay hanggang sa bewang. Werrestella's blue hair na abot halos balikat niya ay mas lalong nagportrait na maldita talaga siya. Pansin kong less na din ang make-up nila, ano 'to? Transformation?
"Talaga? Oh eh bakit nandidito ka? Tingin ko sayo ay parang ordinaryo lang tulad ko." Turan ni Mascara na cold parin ang ekspresyon.
Hindi ko alam pero natural na talaga sa kaniya ang maging sarcastic at pilosopo, hindi ko masasabing sa amin niya natutunan 'yan ang ganiyang klaseng ugali dahil simula palang nung engkwentro namin ay ganiyan na talaga siya.
"Its been a while NRS, making scenes again? Wala na ba kayong magawa kundi gumawa ng kaguluhan? 'Yan ba ang misyon ng organisasyon na ginawa niyo?" Napalingon kaming lahat sa lalaking bagong pasok with his green hair and serious look.
Isang buwan na din siya naming hindi nakita, ewan ko kung saan sila galing but Genesis really miss him I think? Oh may iba pa?
"Huwag kang magmagaling dahil akala mo ikaw na ang pinakamalakas, posisyon lang ang mataas sayo pero hindi ang kapangyarihan." Matigas na sabi ni Igneous na halatang insecure dahil sa mataas na posisyon na hawak ni Enzyme.
"Are you insecure brother?" Napatingin na naman kami sa lalaking bagong pasok with his red hair kasama pa ang isang lalaki sa likuran nito na matamang nakatingin sa akin.
"Why would I Ignite? Alam ko naman makukuha ko din ang posisyon na 'yan balang-araw." Ngising sagot sa kaniya ni Igneous pero mahahalata mong naiinis na siya.
Nakakalungkot lang talaga na wala na si Sayatus at hindi na rin nagparamdam si Wenessa na ikinalagas ng organisasyon nila just because of that damn 'love' thingy.
Dumating din si Cylechter na nasa likuran ngayon ni Bill na hindi ko alam kung may kasalanan ba ako sa kaniya dahil ang sama-sama ng tingin niya sa akin.
Ano na naman ba ang nagawa ko sa kaniya? Bakit ang talim ng tingin niya sa akin?
"Oh the Gods are here?" Turan ni Nhelina.
"Oh the Royals are here?" Panggagaya sa kaniya ni Bill na ikinainis naman ni Nhelina.
Akmang aalis na si Mascara dahil parang out of place na siya pero bigla siyang pinigilan ni Axial.
Tsk!
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo babae! Mahal 'to at gawa sa napakamahal na tela at minantiyahan mo lang?" Inis na sabi ni Axial pero walang kabuhay-buhay siyang tinignan ni Mascara.
Lumabas na talaga ang pagiging halimaw na ugali ni Axial, sino bang mag-aakalang ang inosenteng prinsipe noon na mahilig tumulong ay siyang mahilig na sa gulo ngayon.
"Kaya kong bayaran 'yang wala mong kwentang damit at pati kaluluwa mo kaya kong bayaran kung 'yan ang ikinagagalit mo." Seryosong sagot sa kaniya ni Mascara at aakmang tatalikod na ulit ito pero napasinghap ang lahat dahil sa ginawa ni Axial.
Napakabilis ng pangyayari dahil binato niya ng isang air knife si Mascara kaya dumaplis ito sa pisngi niya. Biglang tumulo ang dugo sa sahig galing sa kaniyang sugat kaya seryoso siyang tumingin ng hinay-hinay kay Axial na may napakaseryosong ekspresyon.
Kahit ako ay nantaas ang mga balahibo ko sa batok dahil sa ekspresyon niya.
"She is scary." Turan ni Sonata.
Napansin kong hinay-hinay ding naglalaho ang sugat sa kaniyang pisngi pero nanatili parin ang dugo sa kaniyang pisngi.
"Bakla ka ba?" Seryosong tanong ni Mascara kay Axial na mas lalong ikinainis nito kaya bigla niyang binato ng napakaraming air daggers si Mascara na ikinatuwa naman ni Nhelina at Werrestella.
Pero bago ito tamaan si Mascara ay naglaho na ang mga ito sa harapan niya, not me who do it also Genesis but its her own power. Remember, she is a Goddess, the Goddess of Sky.
"Paan-"
Hindi na natapos ni Axial ang sasabihin niya ng bigla nalang naglaho si Mascara at napunta sa kaniyang harapan na ikinagulat nito. Mascara did her signature attack and thats choking him to death. Hindi makagalaw si Axial pero napansin kong aatakihin si Mascara sa likuran ni Nhelina ay bigla ko nalang itong pinalipad kaya tumalsik ito sa counter.
Ayokong nanonood lang, I want to make scenes too.
"Menesis!" Sigaw ni Genesis pero binigyan ko lang siya ng ngisi.
"Ayokong nahuhuli sa laban." Ngising sabi ko at napabuntong-hininga nalang ako.
Akmang magsasalita pa sana ako ng biglang may humawak sa braso ko at akmang susuntukin ko na sana ang sino mang tarantadong humawak sa akin pero natuod ako ng bumalaga sa akin ang seryosong mukha ni Bill.
"Huwag ka ng sumali." Ewan ko pero napanguso nalang ako dahil sa sinabi niya.
"Bitch!" Dinig kong sigaw ng kung sino and its Werrestella trying to attack me pero kinontrol siya kaagad ni Genesis na ikinamura niya.
"Not again." Bulong ni Genesis kaya napangiti ako.
Pero hindi pa doon nagtatapos ang lahat, bigla nalang nagkagulo sa loob ng buong Cafeteria dahil nagbabatuhan na ng apoy ang magkapatid na Friston pati si Enzyme ay nakikisali na din habang si Mascara ay nasa tabi na ni Sonata habang nakaupo na parang walang nangyari. Dali-dali kong hinanap si Axial at nakita kong wala na itong malay, Cylechter throwing water balls to Igneous at napansin kong sumasali na rin si Rajedh na hindi naman dapat.
Nakaupo lang sa gilid si Sonata with Senny and Mascara na para bang nanunuod ng isang laban.
"Such a nice view."
Kaninang mga nagbabatuhan ng mga apoy, bolang tubig at mga naglalakihang mga bato ay natigilan sa tatlong presensiya ng mga bagong dating. Seryoso ang mga ekspresyon nila pati ako ay ganun na din, well hindi na ako magtataka na sasaya sila sa ganitong senaryo dahil ito naman ang misyon nila. To make chaos.
"Oh, the cursed twins and their one and only made." Turan ni Nhelina na ngayon ay nakatayo na at ngising nakatingin sa babaeng nasa bandang likuran ni Spencer at Specter.
Nagtaka naman akong nakatingin kay Nhelina na parang wala lang sa kaniya ang ginawa ko at parang mas natuwa pa siya sa ginawa ko.
"Sarionaya oh, tinawag kang maid." Parang batang turan ni Specter kay Sarionaya.
"Me? A maid? Mas hamak na mas maganda pa ako sayo prinsesa." Sabat nitong si Sarionaya.
What is happening? Bakit parang nasa loob ng Cafeteria na ito ang lahat ng Diyos at Royal blooded?
"Just because of that damn stain."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro