HG 53
Alert: Thanks sa pagbabasa ng story na ito, sana magbigay kayo ng komento regarding sa story para malaman ko kung dapat pa ba akong mag-update. Nowadays kasi, ang binabasa nalang ng readers ay 'yong mga mararaming reads na at jina-judge nila kaagad ang mga maliliit lang ang reads na nakakasakit ng damdamin sa aming mga beginners.
Leave a comment everybody.
Dedicated to ate april_avery dahil isa siya sa mga inspirasyon ko making this fantasy story. Nainspired akong gumawa nito dahil sa Charm Academy mo ate.
Genesis.
Hindi ko alam kung ako lang ba o kasama na talaga namin sa buhay ang malas. Akala ko ayos na ang lahat, akala ko wala ng problemang kakaharapin pagkatapos nitong kay Donessa. Pero bakit ganun? Kapag may nasolve ka ng problema, may papalit na naman?
"Paano mo mapapatunayan na anak ka nga ni Anomos?" Taas-kilas na tanong sa kaniya ni Menesis.
Hindi siya sumagot sapagkat inayos niya ang kaniyang buhok, bigla siyang humarap sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko dahil sa napansin.
"Her eyes, magkapareho sila ng mata ni Prinsipe Axial. That's why kung bakit napakapamilyar ng mga mata niya nung nagse-serve siya ng pagkain sa atin." Turan ko.
"Pero hindi sapat 'yon para mapatunayan na anak talaga siya ng Anomos na 'yan at kapatid ba talaga siya ni Axial at Devos." Turan ni Menesis kaya napabuntong-hininga ako.
"Trust me." Nasabi ko nalang.
"Iniwan niya ang ina ko dahil sa babaeng 'yan kaya hinding-hindi ko siya mapapatawad, napakalaki ng kasalanan niya sa ina ko. Nang dahil sa kaniya, my mother committed suicide." Seryosong sambit ni Mascara, her name is so weird. Hindi ko alam o wala akong ideya kung saan nakuha ang pangalan niya. It might be her mother who gave her that name.
"Huwag mo ngang sinisisi kay Donessa ang lahat!" Sigaw sa kaniya ni Menesis.
"Bakit ka ba nangingialam?!" Sigaw na din sa kaniya ni Mascara.
"Dahil kaibigan ko siya at may karapatan akong sumabat dahil 'yang rason mo ay napakababaw!" Sigaw sa kaniya pabalik ni Menesis.
Bigla nalang humangin ng napakalakas kaya napatingin ako kay Mascara na lumiliwanag na ang mga mata niya, it becomes intensed blue at ramdam na ramdam sa kaniya ang malakas na presensiya.
"Mababaw lang ba ang tingin mo sa taong namatay? Nakaranas ka na ba ng mawalan ah?! Wala kang alam kaya huwag kang masyadong magmarunong!" Sigaw sa kaniya ni Mascara at bigla nalang itong naglaho at huli ko ng matanaw dahil sakal niya na si Menesis.
"Menesis!" Halos sigaw naming lahat at akmang lalapit na ako ay bigla nalang tumalsik si Mascara habang si Menesis ay nagliliwanag na din ang mga mata. She got this intensed black eyes.
"Nope, I don't want a parents. They are nothing for me." Napaatras nalang ako dahil sa biglaang pagdalawang boses ni Menesis.
"Stop that Menesis!" Sigaw ko.
Pero sadyang pasaway siya, hindi siya nakikinig dahil nababalutan na ng galit ang puso niya at kitang-kita ito sa ekspresyon ng kaniyang mukha.
Bigla nalang akong nakaramdam ng napakalakas na puwersa galing kay Menesis, napalingon ako sa paligid at napansin ko ang biglaang pagseryoso ng kani-kanilang mga ekspresyon.
Oh my God Menesis, not now please. Hindi dapat nila malaman ang sikreto ng kapangyarihan natin.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at bigla ko nalang tinapat ang palad ko sa puwesto ni Menesis and in one snap, bigla nalang siya bumalik sa dati at habol-habol ang hininga.
"So this is the power of the twin." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglaang pagbulong ni Specter.
Alam nila.
Hindi ata na namin maitatago ang aming mga presensiya even our powers dahil alam na nila sa simula palang bago sila pumasok sa Natharia Academia kung sino kami. May alam sila paano alamin ang hinaharap dahil kay Azania, they have Azania who can help them to identify and possibly can talk to future. At 'yon ang kinakatakutan ko na baka bigla nilang ipagkalat at 'yon ang gagamitin nila para pabagsakin kami sa Natharia.
"Tama na 'yan!" Sigaw ni Donessa at natauhan naman dun si Menesis at napaupo nalang sa lupa dahil sa pagod.
Hindi naman talaga kami nakakaramdam ng pagod, hindi ko lang alam kung bakit sa mga nagdaang araw ay nakakaramdam na kami ng mga matinding pagod.
"Hindi lang ina mo ang iniwan! Iniwan din ako!"
Natigilan si Mascara sa isinigaw ni Donessa, seryoso lang nakatingin si Devos kay Mascara habang ang tatlo pa naming kasamahan ay tahimik lamang na nanonood. Hindi ko mabasa ang ekspresyon nila, they are serious sometimes pero may part din sa akin na parang natutuwa sila sa pinapanood nila. They are weird to be with, hindi ako makampante na nasa paligid sila na alam naming kalaban sila. Hindi ko alam kung kailan sila aatake, hindi ko alam kung kailan sila sasalungat sa Natharia Academia. They are Gods, they are powerful too kaya pwede nilang gibain ang buong Natharia Academia.
"Sinungaling! Hindi ako maniniwala sayo dahil isa kang sinungaling! Pumapatay ka ng inosente, why trusting you?" Napansin ko ang pagguhit ng lungkot sa mukha ni Donessa but she still manage to smile bitterly to Mascara.
"I can show you."
Bigla nalang nawala si Donessa sa kinakatayuan niya at nasa harapan na siya mismo ni Mascara, akmang aaktakihin siya nito pero mabilis niya agad inilapat ang palad niya sa noo nito.
Bigla nalang nagliwanag ang palad ni Donessa and it made Mascara stop.
Ilang segundo palang pero napansin kong may mga luha ng lumalabas sa mga mata ni Mascara, I wonder kung ano ang ipinapakita ni Donessa sa kaniya.
Lumapit ako kay Menesis at ginamot ito dahil sa matinding pagod. Ramdam kong may mga pares na mga mata na nakasulyap sa ginagawa ko pero wala na akong pakialam, kailangan na naming panindigan ang mga ginagawa at ipinapakita namin. Wala na kaming magagawa but to show them what we can do.
"Bakit mo 'ko pinigilan kanina Genesis? I hate that woman's gut, gusto ko siyang pagpiraso-pirasuhin." Seryosong sabi sa akin ni Menesis but I just smiled at her.
"You know what Menesis? Kilala na kita. Blood, soul and body ay alam ko na. Iyang tumatakbo sa isipan mo? Alam na alam ko na 'yan, ang kailangan mo lang gawin ay kontrolin ang sarili mo. They don't know you, hindi nila tayo kilala kaya hindi natin sila masisisi kung ganun ang magiging trato nila sa atin. Even us Menesis, we don't know our real parents. Hindi natin sila kilala, just Lola Thorna." Pagpapagaan ko nalang sa loob niya ang and its effective dahil bigla nalang lumambot ang mukha niya.
How I love my sister really.
"That Anomos." Napatingin kami kay Mascara dahil sa sinambit nito, bumalik na naman siya sa ekspresyon niyang pagiging cold.
"I wonder kung ano ang ipinakita sa kaniya." Dinig kong bulong ni Sarionaya kung natatandaan ko pa, ang isa pang babaeng kasama namin.
"That Donessa girl is quite familiar but I didn't remember kung saan ko siya nakita." Dinig kong bulong din ni Specter.
"Agree." Pagsasang-ayon naman ni Spencer, iyong kamukha ko.
"How can I go to Natharia?" Biglang tanong sa amin ni Mascara.
"Oh? Hihingi ka ng tulong sa amin matapos mo kaming bulyawan? Ayos ka ring babae ka no? Hindi rin makapal 'yang pagmumukha mo." Turan sa kaniya ni Menesis kaya napabuntong-hininga nalang talaga ako.
I can't control Menesis, just her.
"Menesis." Malumanay na tawag ko dito kaya napabuntong-hininga nalang din siya.
"Okay fine! Kahit labag sa puso ko because of your bad attitude, tutulungan ka namin. We can help you to go in Natharia Academia first bago tayo pupunta sa Anomos na hari ng Natharia Air Kingdom na 'yan. We need to have a plan bago tayo lulusob sa gubat na napakaraming mababangis na halimaw." Turan sa kaniya ni Menesis kaya napangiti ako.
She is kind, in unique way.
"Thanks, I know its too late pero nanghihingi ako ng kapatawaran dahil sa biglaang paglusob ko kay Donessa dahil sa galit ko, dahil sa pinaniwalaan ko. Hindi ko alam kung bakit siya ang napili kong paghigantian pero wala ng mas malapit sa akin kundi siya lang. I know its wrong to judge, I'm so sorry. Patawad din sayo Menesis dahil sa ginawa ko, Nadala ako sa galit ko. Patawad sa mga masasamang sinabi ko sayo." Paghihingi ng paumanhin ni Mascara.
"Walang problema Mascara, naiintindihan ka namin kaya huwag kang mag-alala. Tutulungan ka din namin, at tama nga si Menesis, we need a better plan kung paano tayo makakapunta sa Natharia Air Kingdom." Sambit ko kaya napatango siya.
"Natharia Air Kindom known as Psychopath Kingdom. Makikita sa mga mukha nila na mga inosente, mababait pero sa kalalim-laliman ng ugali nila, they are dangerous." Devos said.
Kaya pala ganoon nalang kung umakto ang Prinsipe ng mga hangin, masyadong mabait at inosente pero may kulo din pala. Kahit ako hindi ako makapaniwala sa ibinalita sa akin noon ni Menesis na kayang-kayang gawin iyon sa kaniya nitong prinsipe na ito.
"Umalis na tayo." Napalingon kaming lahat kay Spencer dahil sa sinabi nito.
Akmang magsasalita ako ng biglang nanlaki ang nga mata ko.
This power, this presence is too powerful.
"Bilis!" Biglaang sigaw ni Spencer kaya bigla nalang akong nakaramdam ng enerhiya and its Menesis.
Gumagawa na siya ng portal at biglang pumasok ang tatlo kasama si Menesis at Mascara, bago ako pumasok ay lumingon muna ako sa mag-ina.
"May misyon pa kami dito Genesis, we will see each other soon." Turan niya sa akin bago ako makapagsalita.
"P-Paano ang presensiya na naramdaman natin kanina?" Alalang tanong ko sa kaniya pero binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti.
"Don't worry Genesis, I know her."
-----
Its been a month pagkatapos naming bisitahin at iligtas ang mga inosente sa mga kamay ni Donessa. We also encounter Mascara na ngayon ay ganun parin naman ang ekspresyon. She still cold pero nagsasalita din naman siya ng mahaba, hindi pareha ng iba na isang salita lang.
She even told us kung ano ang ipinakita sa kaniya ni Donessa and its her father who kissed Prince Axial's mother. Kitang-kita niya daw kung paano sila kasaya magkakapamilya habang si Donessa at ang kaniyang ina ay naghihirap dahil sa kalungkutan. Even Donessa show her who really Prince Axial is, pati siya ay hindi siya makapaniwalang magagawa nito ang pag-atake kay Menesis.
"Its been a month pero hindi parin tayo nakakagawa ng plano." Turan ni Mascara na prenteng nakaupo sa sofa.
Yeah its been a month pero wala parin kaming nagagawang plano dahil sa matinding training na dinaanan namin of course except Mascara.
Dito namin siya pinatira, she is also enrolled pero hindi niya gustong mag-aral. She volunteered to be a server sa cafeteria na hindi naman namin gusto pero wala kaming magawa dahil iyon ang gusto niya. Ayaw niya ding pumasok dahil wala naman daw kinalaman ang history noon sa paghihiganti niya sa sarili niyang ama ngayon.
Sinabihan na din siya namin na baka puwede niyang itigil ang paghihiganti niya pero sadyang matigas din ang ulo niya kagaya ni Menesis. She wanted to take a revenge for her mother's death, naaawa na din nga ako sa kaniya dahil sa paulit-ulit siya naming naririnig umiiyak gabi-gabi kaya wala kaming choice but to support her.
"Hindi ko alam pero ano bang klaseng plano ang gusto mo? Anong klaseng paghihiganti ang gusto mo Mas?" Tanong sa kaniya na nakapameywang na si Sonata.
Sa mga nagdaang araw, they are scared to Mascara dahil sa kakaibang ikinikilos nito pero dahil sa dito siya nakatira, nasasanay nalang din ang iba pa pati si Senny na ewan ko kung nasaan siya ngayon. Sonata told us na parati ng lumalabas si Senny after class kasama ang isang lalaki na kasama daw namin nung inatake kami ni Devos. It could be Athena's brother.
"Ewan ko, basta makita ko lang siyang naghihirap ayos na." Sagot sa kaniya ni Mascara kaya napatango nalang ako.
"No killings?" Sabat ko at napangiti ako dahil tumango siya.
"Well the plan will go like this, pwede tayong tumakas dito at pumunta sa Natharia Air Kingdom. Pwede akong gumawa ng portal pero hanggang sa Town of Spell ang aabutin natin dahil 'yon pa ang lugar na napuntahan namin. Ang Westheria na ang pinakamalayo. Pwede tayong maglakad para makarating lang dun." Turan ni Menesis.
"I heard Senny na malapit lang daw ang Town of Spell sa Academia nila noon at malapit din ang Academia nila sa isang kingdom. It could be that kingdom dahil sobra daw malamig doon." Segunda ni Sonata.
"Hopefully."
"Bakit pa tayo tatakas kung pwede naman tayong humingi ng permiso sa nakakataas dito?" Takang tanong ni Mascara.
"We don't trust the Headmaster Mascara, masyado siyang misteryoso sa amin kaya hindi kami dapat magtiwala sa matandang 'yon. He can betray us o gawin tayong pain para sa mga plano niya. Hindi ako nakakabasa ng isip pero nahahalata 'yon sa mga actions niya." Menesis answered Mascara's question.
Nagtataka na kasi kaming lahat na estudyante dito sa Natharia dahil madalas ng naglalakad-lakad o lumalabas ang Headmaster mula sa office niya. Nakangiti pa itong naglalakad at tumitingin-tingin sa paligid even me, it creeps me out. I saw the Headmaster one day na nakangiting nakatingin sa akin at sa hindi ko alam ang gagawin ko, niyuko ko ang aking ulo to show respect and he just gave me sweet smile.
Weird. Creepy.
"Kaya wala tayong ibang daan kundi ang paraan ni Menesis nalang, depende nalang kung bibigyan tayo ng misyon na ang kingdom na gusto nating puntahan ang target ng misyon." Turan ko kaya napatango silang tatlo sa sinabi ko.
Tumingin kaming lahat kay Mascara ng magsalita ito.
"I trust all of you kaya hindi na ako makikipagtalo pa, what I need is to train myself hanggang sa dumating ang panahon na lulusob na tayo sa kulungan ng mga mababangis na halimaw and....."
"I want him to suffer a lot."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro