HG 52
Menesis.
Sinong mag-aakala na isa palang Diyos ang isang babaeng 'to? Ang itsura niya ay malalaman mo na talagang may abilidad siya na kakaiba, with her serious expression, intense paired blue eyes na may mahabang buhok na kulay asul. She is something, she is strong and brave. Fierce Goddess.
Nakatali ang dalawang kamay ni Donessa gamit ng whip ko, ang mga kamay naman nitong babaeng nasa harapan namin ay kinokontrol ni Genesis para hindi makagalaw at para hindi makatakas.
"Pakawalan niyo na ako!" Sigaw sa amin nitong babae na hindi nagsasawang bigyan kami ng nakakamatay na tingin. But sorry, we are not scared. Marami na kaming naencounter na mga nakakamatay na mata.
"Hindi ka namin papakawalan kung hindi mo sasabihin sa amin ang rason mo kung bakit mo nalang inatake si Donessa at akmang papatayin?" Seryosong turan ni Genesis sa kaniya pero hindi parin ito natinag at seryoso parin kaming binigyan ng tingin.
"M-Menesis, G-Genesis." Dinig kong sambit ni Donessa sa aming mga pangalan pero seryoso ko siyang tinignan. Lumapit ako sa kaniya at walang pagdadalawang-isip na sinampal ng napakalakas.
Pak!
"Menesis!" Dinig kong sigaw nilang lahat sa akin pero hindi ko sila pinansin.
"Why did you slapped her Menesis?!" Dinig kong sigaw sa akin ni Devos pero hindi ko siya pinansin at mas binigyan ng seryosong tingin si Donessa.
"Alam mo bang masakit maiwan ng kaibigan mo na hindi alam ang rason? 'Yong walang tamang rason? 'Yong iniwan ka dahil parang hindi kaibigan ang turing sayo? Ilang buwan na kaming walang balita sayo, ilang buwan na kaming ulila pero ito, ito nalang ang nadatnan namin. Nabalitaan nalang namin na ang dating kaibigan namin ay pumapatay na para lang buhayin ang kapatid niyang matagal ng patay!" Sigaw ko sa kaniya at nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata pero agad itong napalitan ng galit.
"H-Hindi mo alam ang pinagdaanan ko Menesis. Wala k-kang alam, hindi mo alam ang pakiramdam." Turan niya kaya mapait akong natawa dahil sa sinabi niya.
"Oo wala akong alam, wala kaming alam dahil hindi ka man lang nagpaliwang sa aming mga kaibigan mo. Umalis ka nalang ng walang pasabi, umalis ka nalang na hindi nagpaalam at umalis ka na nag-iwan ng napakaraming katanungan." Mapait kong sabi.
Umalis siya ng napakaraming katanungang iniwan, hindi namin alam kung kalaban ba siya o kakampi. Kung bakit ayaw siya ng Headmaster, kung bakit galit ang matanda sa kaniya. Nakakainis dahil hindi man lang kami binigyan ng pagkakataon na makasama siya ulit, iniwan lang niya kaming tulala.
"Tapos sinasali mo na naman 'tong anak mo na si Devos? Gusto mong siya ang gumawa ng misyon para hanapin si Anomos na matagal mo ng gustong gawin? Bakit hindi ikaw ang gumawa? Bakit hindi ikaw ang pumunta sa Natharia at ikaw ang maghanap mismo para malaman mo kung gaano kahirap! Hindi na ikaw ang Donessa na kilala namin! Hindi na ikaw ang malakas at matapang na Donessa na kilala namin! The Donessa we know is brave, strong and powerful, wise and smart. Pero sa nakikita ko ngayon, your hopeless Donessa." Litaniya ko sa kaniya at napansin kong naluluha na ang kaniyang mga mata pero hindi ako nagpadala.
Napansin ko ang pagkuyom ng palad ng babae pero hindi ko siya pinansin.
Hindi ko na mapigilan ang mga emosyon ko, gusto ko siyang saktan, gusto ko siyang sampalin ng sampalin para matauhan siya. Gusto kong ipakita sa kaniya o iparamdam sa kaniya na may mga kaibigan siyang iniwan na handang tulungan at suportahan siya. Protektahan siya.
"Donessa, killing innocent's lives are forbidden. At ang pagbuhay ng paulit-ulit sa matagal ng patay ay napakasama. Don-Devor wanted to have a rest, pagod na siyang mabuhay, hindi mo ba napapansin?" Mahinahong sabi sa kaniya ni Donessa pero patuloy parin itong lumuluha.
"I don't want to interfere but they are right young lady." Sabat ni Specter kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Nakakahiya naman sayo na isang kampon ng kadiliman." Turan ko sa kaniya and this time, I nailed it.
"Don't talk as if you know us, huwag kang magmarunong Menesis. Hindi mo alam kung ano ang tinatakbo ng lugar namin." Seryosong sabat ng kamukha ni Genesis. Ito na ata ang pinakamataas na sinabi niya sa buong buhay niya.
"I don't care, its really obvious." Sagot ko sa kaniya at humarap kay Donessa.
"Wala ka bang sasabihin?" Seryosong tanong ko sa kaniya kaya napatingin siya sa aking mga mata na para bang nangungusap.
"S-Sorry." Donessa said.
"Expound it." Seryoso ko paring turan.
Sino bang mag-aakala na magkikita pa kami ulit ni Donessa? Sinong mag-aakala na ganitong klaseng sitwasyon pa kami magkikita? Hindi ko na siya kilala, she is weird. She is desperate para lang buhayin ng buhayin si Don.
"Sorry sa naging kasalanan k-ko, Sinakop ang buong puso ko ng galit sa panahon na 'yon dahil sa pagpatay sa kapatid ko."
"Your son who killed your brother." Turan ko at tumango lang siya.
"Oo inamin niya sa akin, pero ang kailangan ko ay buhay. Kailangan ko ay mabuhay ulit si Devor hanggang sa may lumitaw sa akin na isang Titan Goddess, sinabi niya sa akin kung paano buhayin muli ang k-kapatid ko gamit ng kapangyarihan ko. She told me na kailangan buhay ng inosente ang kukunin ko, buhay ng mga inosente ang dapat kong patayin. At dahil sa pagkadesperada kong buhayin ang kapatid ko, hindi ko na inisip ang magiging resulta. Kaya wala akong problema kung mamatay siya ng mamatay ng paulit-ulit dahil may kakayahan na ako para buhayin din siya paulit-ulit. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, maiintindihan niyo din ako Menesis, Genesis kung kayo ang nasa talampakan ko. You will experience how hard it is, how difficult it is. Ayoko ng may mawala sa akin, matagal kong itinago si Devos para sa kaligtasan niya. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, umibig siya sa babaeng mamamatay din sa hinaharap. He committed suicide pero pinigilan ko siya, its hard for me to kill innocent." Nagulat naman ako sa litaniya niya at tumingin kay Devos na nakayuko na at nakatingin sa lupa.
Nilapitan ko siya kaya napaharap siya sa akin at sa pagkakataong 'yon ay sinampal ko siya ng malakas tulad ng ginawa ko sa ina niya. Napalingon ang mukha niya sa gilid dahil sa lakas ng sampal ko at igting-panga niya akong tinignan na may galit sa kaniyang mga mata.
"Wala kang karapatang bigyan ako ng ganiyang klaseng tingin Devos, you wanted to die? So gusto mong pumatay ang ina mo ng inosente para lang buhayin ka. Kaya pala ang lakas ng loob mong pumasok sa Natharia dahil hindi ka takot mamatay, hindi ka takot mamatay dahil may bubuhay sayo. Mag-ina nga talaga kayo! Mga walang utak!" Sigaw ko sa kaniya at nakita ko ang pagbago ng kaniyang ekspresyon.
Wala na akong pakialam kung bumabato na ako ng mga masasakit na salita, hindi lang naman pala kasi si Donessa ang dapat pagsabihan eh, pati na din 'tong si Devos. Hindi niya dapat kinukunsinti ang ina niya na magsakripisyo pa para lang bumuhay ng patay.
"Tama na Genesis." Utos ni Genesis sa akin habang hinawakan ang pulsuhan ko at pinaharap kay Donessa.
Labag din pala kay Donessa ang pagpatay, binibigyan lang talaga siya ng rason para gawin 'to. Tinutulak siya para gawin ang mga bagay na hindi siya sanay gawin.
Katahimikan, nakakabinging katahimikan. Walang nagsasalita, nagpapalitan lang ng tingin. Lumuluha si Donessa, seryoso ang tatlong nasa likuran ko. Devos na nahihiyang tumitingin sa ibang direksiyon at 'tong babaeng 'to na seryoso paring nakatingin sa akin.
"Natanong mo na ba sa sarili mo Donessa kung gusto pa ba ng kapatid mo na mabuhay? Natanong mo na ba sa kaniya kung gusto niya pa bang mamalagi sa mundong 'to? I guess you didn't because you are selfish, you are willing to kill just for your love ones. Eh ito, naisip mo ba kung ano ang nararamdaman ng mga magulang ng mga inosenteng pinatay mo? Natanong mo ba sa sarili mo Donessa na gusto nilang mawala ng mga anak nila ah? I guess hindi mo naisip 'yon." Turan ko sa kaniya.
It sucks kapag lumaki kang walang kinikilalang ina at ama.
"Sumusobra ka na ata Menesis." Dinig kong sabat ni Devos pero hindi ko siya tinignan.
"Mas sumusobra na ang ina mo, she is too much for killings." Sambit ko at pinakawalan na siya.
Bigla nalang naglaho ang whip at seryosong tumingin kay Donessa.
"Don-I mean Devor is not dead, he is freaking alive. Sinabi lang ni Devos na patay siya para maisagawa ang plano na 'to. Gusto naming ipa-realize sayo na maling-mali 'yang ginagawa mo." Turan ko sa kaniya at nagulat siya sa sinabi ko.
"Donessa, please change yourself. Magbago ka na hindi dahil sa inutos namin kundi kailangan mo para wala ka ng madamay na ibang buhay. Dapat marunong kang magpahalaga ng buhay ng iba na walang kasalanan, kung pagod na talaga si Don, let him rest forever." Litaniya ni Genesis.
Napabuntong-hininga si Donessa and she is starting to cry.
"S-Sorry again, this time I will do the right thing. Thanks to all of you, namulat na ako sa katotohanan. Patawad sa mga naging kasalanan ko sa inyo Menesis at Genesis, to those innocent specialists at sayo anak. Kung naging selfish man ako, sana mapatawad niyo parin ako. Its too late for me to say sorry for those parents na nawalan, its too late. Magbabago na ako, magbabago na ako para sayo Devos, para kay Devor at para sa lahat." Naluluhang sabi niya at bigla nalang siyang nilapitan ni Devos at niyakap ng mahigpit.
"I'm glad that you realize already your mistake, please change yourself not just for me, for you too. Masama man ang ginawa mo, pero hinahangaan parin kita dahil sa lakas ng 'yong loob, I salute you for sacrificing almost of your life just for us. Don't worrt, I will help you to say sorry to those parents na nawalan. I love you always mom, I am always here kaya huwag ka ng mag-alala. Ako naman ang magpoprotekta sayo." Devos emotionally said.
Napangiti nalang ako sa sinabi ni Devos, he is a kind son. Hindi niya rin pinapabayaan ang ina niya, he is willing to sacrifice too kahit buhay pa niya ang kapalit. Nakatulong talaga ang mga malalakas na sampal ko.
I think its already settle.
"How about you woman? What is your reason kung bakit mo siya papatayin?" Dinig kong sambit ni Specter kaya napatingin ako sa babaeng seryoso parin hanggang ngayon ang ekspresyon niya. Hindi ba siya nagsasawa sa itsura niya? Muntikan ko na tuloy siyang kalimutan, Devos throw a dagger stares sa babaeng 'to.
"Galit na galit ako sa kaniya." Turan niya kaya napataas ang kilay ko.
"At bakit?" Taas-kilay kong sabi habang nakapang-hawak.
"Because of her, my mom died. Because of that man, my mom died. My mom died because she killed herself."
Natawa naman ako dahil sa tinuran niya. The hell? Seryoso? 'Yon lang?
"Tanga ka ba? Bakit mo sinisisi si Donessa eh 'yang nanay mo din pala ang pumatay sa sarili niya? Ang nanay mo din pala ang sumayang sa buhay niya? Nag-iisip ka ba?" Turan ko at napansin kong umigting ang kaniyang panga at naging kamao ang kaniyang mga palad.
"Don't talk as if you know me, don't talk as if you know the history. Bakit ba ang hilig mong mangialam sa buhay ng iba? You don't know how my mother suffered a lot because of that fucking thing!" Sigaw niya sa akin kaya galit ko siyang tinignan.
How dare her to say that to my face? Ako? Pakialamera? Nangingialam? Didn't she know what is the meaning of the 'help' word?
"Hoy babae! Wala kang karapatan para sabihan ako ng ganiy-"
"Wala ka ring karapatan mangialam!" Bigla akong natigilan dahil sa pagputol niya sa sasabihin ko sana and the way she shouted, I feel pain on it.
"Wala kang karapatan para mangialam dahil hindi mo alam kung ano ang dinanas ng nanay ko! Naranasan mo bang iwanan ng minamahal mo? Kung wala so you didn't know the feeling, my father left my mother because of this woman. Parang baliw ang ama ko na hindi ko man lang nakasama ng matagal dahil itong babae na 'to ang palaging bukambibig! Hindi niya mahal ang ina ko! She just used my mother for his fucking needs! For that fucking man's needs! Nagpakamatay siya dahil sa depress, inggit at selos. Hindi niya naranasang mabuhay ng matiwasay! Ipinanganak akong depress ang ina ko, ipinanganak akong wala ang putang-inang tatay ko because of that woman! I promised my self to take a revenge for my mom and to kill this woman!" Sigaw niya habang duro-duro si Donessa na nagtatakang nakatingin sa kaniya.
I-I don't know. Ganun na ba talaga ako ka pakialamera? Ganun na ba ako katanga para hindi malaman na may nasasaktan na pala ako emotionally? Bakit ang tanga-tanga ko? Nasaktan ako sa sinabi niya, nasaktan ako sa mga ibinabato niyang masasakit na salita sa akin. I'm so stupid.
Tinignan lang siya ni Devos na may galit sa mga mata pero sadyang hindi natitinag ang babaeng 'to dahil sa galit din
"Sino ba ang ama mo?" Halos bulong kong tanong sa kaniya.
"That bastard? Tsk! He is the useless King of Natharia Air Kingdom."
Nanlaki ang mga mata namin at napasinghap ako at si Genesis dahil sa sinabi niya pati ang mag-ina ay hindi makapaniwala sa sinabi ng babaeng nasa harapan namin.
"You mean.." Pagbibiting sambit ni Genesis.
"Oo, that bastard Anomos!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro