HG 51
Genesis.
Ilang araw na kaming naglalakad, ilang araw na kaming hindi kumakain pero tinitiis parin namin. Reklamo na nga ng reklamo ang dalawa sa mga kasamahan ko dahil sana hindi nalang daw sila sumama.
"Tsk! Sana nga hindi nalang tayo sumama! Nakakainis! Ang layo na ng nilalakad natin! Sigurado ba yang lalaking 'yan na alam niya ang tamang daan? Baka gumagawa lang 'yan ng kasinungalingan!" Sigaw nitong si Specter na kamukha ni Menesis.
Makikita mo talaga ang iritasyon sa kaniyang mukha, 'yong Sarionaya naman ay halatang pagod na din dahil tatlong araw na ata kaming naglalakad na wala parin naabutan, ilang araw na kaming walang pahinga.
"Sino ba kasing nagsabi na sumama kayo? Ang titigas kasi ng ulo niyo eh! Magkakapatid nga kayo!" Sigaw din sa kanila ni Menesis.
Ngayon ko lang din nalaman na kapatid din pala nila itong babaeng 'to pero malayo sa dugo. Ampon lang ang babae pero wala daw silang pakialam dahil mahal nila ito. Minsan natutuwa nalang ako dahil sa mga sinasabi nila, hindi ko aakalain na sa tatlong araw na 'yon ay parang napapansin namin na hindi naman sila ganoon kasama. Parang napapalapit sila sa amin kahit hindi halata.
"Siya kaya nagsabi sa amin! Sabi nga niya na 'let them para makilala nila ang ina ko' kaya wala kaming nagawa kundi sumama! Tatanggi na sana kami dahil magsusumbong nalang pero huli na ang lahat!" Sigaw pabalik ni Specter kaya napaikot nalang ng mga mata si Menesis.
"Ang taas ng oras for you to decline Specter! You are making a lame reason, ang sabihin mo ay gusto mo talagang sumama para makasama kami! Bakla ka diba? Siguro hindi ka umayaw dahil kasama namin si Devos. Sorry ka, may mahal na siyang iba." Napahagikhik nalang ako sa tinuran ni Menesis, nakita ko tuloy kung paano ngumiwi si Specter.
"Ano? Aba! Hoy! Hindi ako bakla at kayang-kaya kong patunayan sayo 'yon!" Hindi ko alam kung saan ipinaglihi si Specter dahil sigaw ng sigaw. Para kasi siyang babae kung umakto.
"Subukan mo lang, baka hindi ka na abutin ng liwanag mamaya. Susunugin ko ng buo 'yang katawan mo at pati yang kaluluwa mo." Seryosong sabi ni Menesis pero napangisi lang si Specter.
"As if I'm scared." Sambit ni Specter at nagsukatan sila ng tingin.
"We are already here." Napatingin naman ako kay Devos at sa tinatanaw niyang lugar.
Wonderful.
Nasa ibabaw kami at nakikita namin sa ibaba ang napakalaking lungsod. Hindi ko alam na nasa itaas na pala kami ng bundok dahil nakikita ko na ang buong lugar na nasa ibaba. Maganda, makulay, napakaraming mga ilaw at specialist. Nakikita ko ang mga specialist na naglalakad papunta sa iba't-ibang direksiyon na para bang mga langgam dahil sa liit nito.
"Welcome to Westheria." Sambit ni Devos.
Westheria is beautiful, hindi ko alam na may lugar pa pala kahaya nito sa mundong ito, such a nice view.
"Make a portal Menesis para hindi na tayo bumaba pa, ang taas ng kinakatayuan natin at baka isang araw pa para makarating tayo." Sabi ko at tumango nalang siya at binigyan ng dagger stares si Specter.
Bigla nalang nagliwanag ang kamay ni Menesis at nakalikha ng isang portal na kasing taas lang namin at kasing laki lang din ng ordinaryong pintuan.
Hindi puwedeng gumawa ng portal ang isang specialist kapag hindi pa alam ng kapangyarihan kung saan ito matatagpuan, you can use portal again kung babalik sila sa isang lugar ulit dahil nakabisado na ito ng kapangyarihan.
"I wonder kung ano talaga ang kapangyarihan niyong magkakapatid." Dinig kong sabi ni Devos at akmang magsasalita na ako ay bigla nalang sumabat sa usapan si Specter.
"I am the God of Day and Night at itong kakambal ko ay ang Diyos ng Buwan at Araw. Si Sarionaya naman is the Goddess of Visible, Invisible and Shiel-"
"I am not asking you."
Bigla nalang tumawa ng malakas si Menesis na ikinainis naman ni Specter, sabat kasi ng sabat eh hindi muna inaalam kung siya ba ang tinatanong. Napahagikhik tuloy ako habang tinatakpan ang bibig.
"Ang feeler mo talaga kahit kailan Specter, hindi naman kasi ikaw ang tinatanong. Tsk! Bakla ka nga! Hahaha dahil sinasagot mo agad ang mga tanong ni Devos kahit hindi ikaw ang tinatanong." Tatawa-tawang sabi ni Menesis at bigla nalang lumiwanag ang kamay ni Specter at gumawa ng isang bolang liwanag at ibinato ito kay Menesis pero bago pa ito tumama, nakapasok na si Menesis sa portal.
"Let's go." Aya ko sa kanila at sumunod kay Menesis at sa pagpasok ko ay para akong nahilo ng kaunti dahil sa pag-ikot ng paligid.
"Wow." Sambit ko ng nasa harapan na ako ng mga gusaling may mga liwanag sa iba't-ibang sulok, mga kabahayan na parang hindi nakakaranas ng lungkot.
"Ang saya nila tignan dito." Sambit naman ni Sarionaya kaya nagtaka naman akong napatingin sa kaniya pero hindi niya ako napansin. Nakatingin lang siya sa paligid na para bang manghang-mangha sa nakikita.
Iba't-ibang mga ekspresyon ang makikita mo, masasaya, maligaya at iba pang klase na nagbibigay kasiyahan sa bawat specialist.
"Kumain muna tayo." Sabi ni Devos kaya tumango kami at pumunta sa malaking gusali na glass lang ang wall nito kaya nakikita namin ang mga specialist na kumakain sa loob.
Ibang-iba ito sa Natharia, they seems like a rich specialist. Lahat dito ay sosyalin, hindi tradisyunal ang mga gamit, lahat bago. Puro mga moderno, at ang gagara ng kani-kanilang mga kasuotan.
Pumasok kami sa loob ng kainan at umupo sa bakanteng upuan, its for eight people kaya may bakante pa. We ordered many food dahil nga sa gutom, si Devos na daw ang bahala sa babayarin. Rich kid.
"Salamat at makakakain na din tayo, akala ko sa gutom na ako mamamatay." Sambit ni Specter.
"Sana nga namatay ka nalang eh para wala ng problema."
Hayst. Kailan kaya magkakasundo ang dalawang 'to, pareho silang ayaw sa isa't-isa. Wala rin naman akong magawa dahil ayokong makisali, ayoko ng gulo.
"Ito ang mga order niyo." Sambit ng isang babae na nakasuot ng isang palda na above the knee tapos may head-dress pa sa kaniyang uluhan. A black long-sleeve na nakatupi pa ang pinakadulo kaya kitang-kita ang maputi niyang wrist, its all black kaya parang ang fierce niya tignan. Hindi din siya palangiti kaya hindi ko nalang pinansin at napatango nalang dahil sa puwesto ko siya lumapit. Umalis naman siya ng walang pasabi na para bang hindi importante sa kaniya ang mga presensiya namin.
"Her aura is telling me something, kakaiba siya." Biglang bulong ng katabi kong si Menesis kaya napatingin ako sa kaniya.
"Hindi siya ordinaryong specialist lang, she is suspicious." Sabi ko at tumango siya at kumain na.
Tahimik lang kaming anim na kumakain, walang maingay at walang bangayan kaya maganda. Ang tunog lang ng kutsara't tinidor at pati ang pagsagi ng mga ito sa plato ang aming naririnig. Tunog sa paghigop ng sabaw at sa paglagok ng tubig at sa tunog ng baso.
Napatingin ako kay Devos dahil tumayo ito at ang dalawa niyang palad ay nakahawak sa lamesa para sa balanse niya.
"So this is the plan."
Ibinahagi niya sa amin ang kaniyang plano at tumango lang kami dahil siya lang ang nakakaalam kung paano o kung saan mahahanap ang ina niya. Sinabihan pa ni Devos ang tatlo pa naming kasama na huwag na huwag silang gagawa ng kung anu-ano na ikakapahamak ng lahat dahil sa isang maling kilos nila, masisira lahat ng plano. Ang grabe pa doon, posible kang mamatay sa kamay ni Donessa.
The plan will go like this, magpapanggap ako bilang isang innocent specialist habang ang iba ay nasa iba't-ibang sulok. Tutulungan ko silang itago ang kanilang mga presensiya sa pamamagitan sa pagpatay nito, alam ko kung paano ibalik at paano hindi maamoy ang kani-kanilang mga presensiya.
Habang ako ay naglalakad-lakad daw, mag-ingat daw ako sa aking ikikilos dahil baka malaman ni Donessa ang plano namin, sa oras na 'to ay posibleng alam niya ang plano namin dahil nakikita niya ang hinaharap dahil sa bago niyang abilidad. Ang ipinagdadasal lang namin ay hindi niya makita ang mukha ko sa hinaharap na 'yon kaya magsusuot ako ng black coat kung saan gamit-gamit nila ni Specter. Uuwi si Devos sa kanila para ibalitang patay na si Don para magsimula na itong mag-hunting ulit ng inosente and it should be me. Sisiguraduhin ni Devos na hindi gagamitin ni Donessa ang kapangyarihan niya to know the future.
At kapag aatakihin na ako ni Donessa ay doon na daw ako magpapakita dahil kapag nakita niya na ang mukha ko ay alam ni Devos na titigil siya dahil hindi niya aakalaing kaharap niya ang dati niyang kaibigan. Doon na siya huhulihin ni Menesis. Menesis will tie Donessa's hands by Menesis'whip na matagal-tagal na ding hindi nagagamit. Pati nga sandata ko hindi ko narin nagagamit dahil sa kapangyarihan nalang ako kumakapit.
"At doon niyo na siya kakausapin na maling-mali ang ginagawa niyang pagkuha ng mga buhay sa mga inosente." Pagtatapos ni Devos sa plano kaya tumango kaming lahat.
Tumayo na kami at lumabas, nagpaalam na si Devos dahil uuwi na siya para ipaalam sa kaniyang ina na patay na si Don at doon na masisimulan ang plano. Sinuot ko na din ang black coat na suot-suot kanina ni Specter, ayaw pa nga niya ipahiram dahil baka daw madumihan. Kung hindi lang siya sinigawan ni Menesis sa harap ng maraming tao baka nagtatalo parin kami ngayon.
"I can't believe na natatahimik ako sa inyo." Sambit ni Specter kaya napaikot ng mata si Menesis. Hindi ko alam kung pang-ilan niya na yang ginawa ngayong araw.
At sa iilang oras na ang nakakalipas, mag-uumaga na dahil nakikita na namin ang pagsikat ng araw sa bandang kanluran. Mga makukulay na liwanag kanina ay wala na, mga masasayang specialist ay wala na. Wala ni kahit isang specialist akong nakikita kundi ang sarili ko nalang na nakatayo sa gitna ng lungsod.
Hindi ko alam pero iba ang kutob ko, hindi ko makita silang Menesis dahil sa nakatabon ang hood sa mukha ko. Nagtatago na sila to make sure na hindi sila mahuhuli, I already killed their presences kaya hindi na sila mahuhuli o di kaya mapapansin ni Donessa.
And now I feel the familiar presence, ang presensiya niyang minsan ng nagpakaba sa amin noong bago palang kami sa Natharia Academia. Presensiya niyang tumakot halos sa mga estudyante doon, ang nagpatumba kay Athena ng ganoong kadali, pagsakal kay Bill ng ganoong kahigpit at sa ginawa niya sa buong library.
She's humming, her voice is so creepy. This time, alam ko na kung bakit wala ng natitirang specialist sa lugar, alam ko na kung bakit ganito katahimik kapag sumasapit na ang liwanag ng araw galing sa kanluran. Dahil itong oras na ito ang siyang kumukuha ng buhay, ngayong oras siya pumapatay.
Humarap ako sa kaniya na hindi makikita ang aking kabuuan, nakikita ko ang mga paa niyang papalapit sa akin. Nakikita ko ang magara niyang kasuotan na sumasayad sa lupa, ang kulay pula niyang kasuotan na sumisimbolo sa kaniyang kapangyarihan na dapat mong katakutan. The Goddess of Blood.
Akmang tatanggalin ko na ang hood ko pero nabigla ako ng may isa pang pares na paa pa akong nakita kaya napaangat ang aking tingin at nanlaki ang mga mata.
Siya 'yong babae kanina na nagsilbi sa amin, 'yong babae na walang ekspresyon!
At sa isang iglap ay bigla nalang siyang sinugod ni Donessa kaya natanggal ko na ang hood ko at tumakbo ng mabilis.
"Shit!" Dinig kong sigaw ng kung sino, hindi ako lumingon sa may-ari ng boses na 'yon dahil naka-focus ako sa babaeng sinasakal na ngayon.
"Hindi alam ni ina ang plano natin pero bigla nalang sumulpot ang babaeng 'yan." Iritang sambit ni Devos na hindi ko man lang namalayan na sa tabi ko na pala.
Napahinto ako at iilang metro nalang ang layo ko kay Donessa, sinuri ko muna ang kaniyang kabuuan. At masasabi kong wala paring pagbabago, she still have this killer red eyes, perfect curved-body at ang kumikinang niyang buhok kapag natatanaw ito sa malayo.
"Hindi siya tumanda, parang kaedad lang natin siya." Sambit ko at napatingin ako kay Menesis na nasa unahan ko na at dali-daling tumatakbo para maabutan ang babaeng sinasakal.
Akmang sasaksakin na ni Donessa ang babae pero bigla nalang itong nawala sa kamay ni Donessa dahil bigla itong naglaho na parang bula na ikinagulat namin. At dahil sa sakim ni Donessa, hindi niya kami napansin sa paligid niya. Gustong-gusto niya talagang buhayin si Don, ayaw na ayaw niya itong mawala. I salute her for being protective, walang problema pero iba na ang ginagawa niya. Naisasali na ang mga buhay na wala namang kasalanan.
Bigla nalang sumulpot ang babae sa likuran ni Donessa at pinatid ito kaya natumba. Tinapakan pa ng babae ang tiyan ni Donessa para hindi makatayo, hindi kayang lumaban ni Donessa dahil mahina ang kapangyarihang naangkin niya. Seeing the future can't help her to fight back.
That girl is really something.
"Hindi ba siya 'yong babae kanina sa kainan?" Its Specter's voice.
"Yeah." Sagot sa kaniya ng isang boses and its Spencer.
"I knew it, may something talaga sa babaeng 'yan. Hindi siya bihira dahil hindi niya kayang itago ang presensiya niya. She is quite strong." Sambit ni Menesis and I nod ng makapantay na ako sa kaniya.
Sa ikinikilos ng babae, hindi siya takot dahil parang ang tapang-tapang niya. Kaya niyang lumaban mag-isa, kaya niyang makipagbasagan ng bungo na siya lang mag-isa.
Bigla nalang akong may naramdamang kakaibang hangin, mainit na hangin.
"Devos stop that! Baka masunog mo ang mga bahay dito!" Sigaw ko sa kaniya at bigla nalang humupa ang mainit na hangin at tumingin siya sa akin ng seryoso.
"Anong gagawin ko? Watching her beaten is like I'm killing my own mother." Sambit niya sa akin pero ngumiti lang ako sa kaniya.
"I know her, malakas siya. Kakayanin niya lahat, she will do everything para mailigtas lang ang malapit sa kaniya. Minsan niya na kaming prinotektahan, minsan niya na kaming tinuruan kaya alam namin kung ano ang kaya niyang gawin. But this time, what we need is to catch her bago siya mapatay ng babaeng 'yan. Killing that girl is not the answer, huhulihin din natin siya para malaman kung bakit niya ginagawa ito." Lakas-loob kong sabi at wala na siyang nagawa at napatango.
Binuhay ko na ang mga presensiya ng mga kasama ko, lilingon na sana sa aming puwesto si Donessa ng bigla nalang itong sinampal ng napakalakas ng babae. Sasaksakin na sana siya ng babae gamit ang isang kakaibang punyal pero kinontrol ko na ang kamay niya kaya hindi niya ito maigalaw at seryosong napatingin sa direksiyon ko.
"Who you?" Tanong ko sa kaniya pero hindi nagbago ang ekspresyon niya.
Mas lumapit pa ako sa kaniya at hinay-hinay na iniikot ang braso niya kaya napapikit siya sa kaniyang mga mata dahil sa sakit.
"Tell me who you are para hindi ka na masaktan." Turan ko kaya napatango siya.
"I-I am Mascara, t-the Goddess of Sky."
----
Characters' name pronunciation.
Sarionaya - (Saryonaya)
Mascara - (Mas-ka-ra)
Cylechter - (Say-lek-terr)
Sonata - (Sona-ta)
Axial - (Ak-siyal)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro