Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 50

Senny.

Kanina pa ako naglalakad, ewan ko ba pero naiibahan na ako sa kinikilos ko. Naninibago ako sa mga kinikilos ko nitong mga araw, sa isang buwan ko dito ay ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng pakiramdam.

Hindi ko namalayan na may nabangga na ako o baka may bumangga talaga sa akin ng sadya.

Bigla akong napaatras dahil sa lakas na pagkakabangga nito.

"A-Ate Athena?" Takang sambit ko sa kaniyang pangalan pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Why are you calling me Ate? Are you my sister? Stop it!" Sigaw niya sa akin kaya napapikit ako dahil sa lakas niyang sumigaw.

Alam ko ang abilidad ni Athena, ikinuwento sa akin ni Ate Genesis at Ate Menesis kung ano ang tunay niyang pag-uugali at lakas. Sinabi sa akin na gusto niya daw si Kuya Enzyme at Kuya Bill kaya nagtaka naman ako dahil bawal kang magkagusto ng dalawahan. I mean 'yong pagkakagusto na may malisya?

"S-Sorry po." Nahihiya kong sabi habang nakayuko, hindi ko alam pero masyadong mainit ang ulo niya sa akin. Parang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kaniya pero sa totoo lang, ngayon lang kami nagkausap ng malapitan.

Natatakot ako sa kaniya, kahit isa akong Diyos, hindi mapagkakailang mas malakas siya kaysa sa akin. Hindi kasi porque't tinawag kang Diyos ay ganoon ka na kalakas, pangalan lang naman kasi ang malakas. Hindi pa ako nakakapag-train dahil sa susunod na buwan pa daw magsisimula, inaaral pa kasi ng karamihan ang posibleng plano ng mga kalaban.

"Stupid! Ang ayoko ay 'yong binabangga ako!" Singhal niya sa akin, nakakakuha na kami ng mga atensiyon kaya mas lalo akong napayuko.

Hindi ako makahingi ng tulong dahil hindi ko alam kung nasaan sila Ate Genesis at Ate Menesis. May klase naman si Ate Sonata kaya wala akong masusumbungan o matatakbuhan. Katapusan ko na ata ngayon.

"Ang kapal kasi ng mukha para bumangga sa mas malakas sa kaniya."

"Diyos siya pero parang weak naman."

"Siya lang ang alam kong Diyos na napakahina sobra."

Bigla nalang nanubig ang mga mata ko, hindi ko alam pero nanliit ako sa kapangyarihan ko, sa kakayahan ko. Bakit ba kasi ipinanganak akong mahina? Bakit kasi hindi nalang ako naging katulad nila Ate Genesis at Ate Menesis? Bakit kailangan pa akong pahirapan ng mundo?

"Anong problema mo Athena?"

Biglang tumibok ang puso ko dahil sa boses na 'yon, kahit hindi ko makita ang mukha niya ay siyempre alam na alam ko na kung sino siya. Sa ilang araw na naming pagsasama tuwing uwian, tuwing break namin kaya halos memorize ko na ang katawan at kabisado ko na din ang boses niya.

"Enexx, ano bang spell ang ginamit ng babaeng 'to para umakto ka ng ganiyan? I thought you like Genesis?" Biglang sabi ni Ate Athena kaya napatingin ako sa mga mata ni Enexx na nakatingin na din sa akin.

Sino bang mag-aakala na magiging malapit sa akin si Enexx? Ng dahil lang sa C. R. na 'yon ay nagkakilala kami, nagkabangga at nagpalitan ng mga salita. Pagkatapos kasi ng araw na 'yon ay bigla niya nalang akong pinuntahan sa room dahil magpapasama siya sa akin kay Ate Genesis. Gustong-gusto niya si Ate Genesis, kinukuwentuhan ko siya tungkol kay Ate Genesis kung gaano ito kabait at maalaga sa akin. Gaano siya kalakas at palaban kagaya ni Ate Menesis. Kinukuwentuhan ko nga siya about din ni Ate Menesis pero mas gusto niyang pakinggan ang kay Ate Genesis eh.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Senny is just my friend."

Napakapit ako sa palda ko dahil sa sinabi niya, hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon dahil 'yong puso ko parang tumibok pa ng mas mabilis. Nanghihina ang mga tuhod ko at nanlalamig ang mga palad ko.

"And I still like Genesis."

At doon na halos mapunit ang puso ko dahil sa huli niyang sinabi. Wala akong karapatan para manghusga, wala akong karapatan para pangunahan siya sa mga desisyon niya.

Mahal ko na ata siya.

Pero wala akong magagawa kong mas mahalaga sa kaniya ang presensiya ni Ate Genesis, wala akong magagawa kung mas gusto niya si Ate Genesis. Ayokong manakit dahil lang sa maling pagmamahal na ito, ayokong matulad kay Ate Wenessa na naging desperada at naging masamang babae dahil lang sa hindi nasuklian ang pagmamahal niya kay Kuya Cylechter.

Pagkatapos ng araw na may biglang sumulpot na estrangherong lalaki ay hindi na nagpakita si Ate Wenessa sa buong Natharia. Tumakas siya at nagpakalayo-layo habang si Kuya Cylechter ay tulala nalang palagi at palaging sinasambit ang pangalan ni Ate Menesis.

"Kahit sino pa sa kanilang dalawa ay hindi ko parin gusto, they are both Goddess na alam mong ayaw na ayaw kong makasalamuha." Biglaang seryosong sabi ni Ate Athena na ipinagtaka ko.

Ano bang problema niya kung bakit galit na galit siya sa mga Diyos na katulad ko? Wala akong ginawang mali mula noong pumasok ako dito sa eskwelahan na ito. Maganda ang mga records ko at malinis ang pagkatao ko. Wala akong tinatago o inililihim kaya bakit halos lahat o sabihin na nating lahat sa amin ay galit siya? May nakaraan ba siya na konektado sa mga Diyos?

"Hindi naman ikaw ako Athena at hindi din naman ikaw ang nagmamay-ari ng puso at utak ko kaya wala kang karapatang magdesisyon para sa akin. Oo magkapatid tayo pero hindi ko gusto ang paraan mo, hindi ko gusto 'yang pag-uugali mo na pati ang akin, sinasaktan mo."

Hindi ko alam kung sinong tinutukoy ni Enexx na 'pati ang akin ay sinasaktan mo'. Nagbabakasakaling may parte ako sa linyang iyon, kahit kaunti.

"Wala kang pagmamay-ari Enexx, hindi sayo si Genesis at oo kapatid mo ako kaya may karapatan ako para protektahan ka sa mga maling babae." Sagot naman sa kaniya ni Athena pero hindi nagpatinag si Enexx.

"Lahat naman ng babaeng dumadaan sa akin ay puro mali para sayo, huwag mo nga akong dinadamay diyan sa nakaraan mo!" Biglang sigaw ni Enexx at napansin ko ang sakit sa mga mata ni Athena pero bigla itong nagbago ng ekspresyon. Bago pa ito makasagot ay hinila nalang ako ni Enexx papalayo kay Ate Athena.

"Huwag ka ng lalapit sa kaniya, I don't want you to hurt." Sabi niya sa akin habang hinihila ang kamay ko.

Gusto ko siyang tanungin kung ano ba talaga ako para sa kaniya, gusto ko siyang tanungin kung may pagtingin din ba siya sa akin. Dahil ako? Sigurado na kasi akong mahal ko siya, oo bata palang ako pero walang pinipili ang pagmamahal na edad kaya libre lahat. Mayaman o mahirap, mahina o malakas, matanda o mas bata. Basta nararamdaman mo ang ganitong klaseng pakiramdam, normal ka.

"Ako ang nakabangga sa kaniya Enexx kaya hindi mo na dapat siya sinigawan. Mas lalong magagalit 'yon sa akin kapag nagkataong magkaharap ulit kami." Mataray kong sambit sa kaniya na sinusubukang itago ang nerbyos sa aking mukha.

May sakit na ata ako, palagi nalang kasi humihinto minsan ang puso ko at bigla ding bibilis. Hindi ko alam pero masarap sa pakiramdam but at the same time, may sakit.

Huminto kami sa hardin ng Natharia Academia, ikinuwento sa akin ni Ate Menesis na mahilig siyang tumambay sa mga ganitong lugar. Tahimik, walang nanggugulo at hindi populated. Halos kasi ng mga estudyante dito ay maaarte sa katawan, ayaw umitim.

Pinaupo niya ako sa isang bench na para bang bata na kailangan pa ng alalay. Oo bata ako pero hindi ganoon ka-bata, mas matanda lang talaga siya sa akin ng tatlong taon.

"Hindi ko nakita si Ate Genesis, bigla nalang siyang umalis kasama si Ate Menesis. Hindi man lang nagpaalam." Pagbabasag ko sa katahimikan pero ang akala kong magsasalita siya dahil sa nabanggit kong pangalan ay nakatulala lang siya sa mga bulaklak na nagsasayawan na parang bang may kani-kaniya silang mga musika.

"Senny, hindi ko tinatanong." Nabigla naman ako sa tinuran niya.

Hindi siya ganiyan, ngayon lang. Kapag kasi nagkukuwento ako about kay Ate Genesis ay napakaexcited niya. Kailangan detailed ang pagkakakuwento, walang kulang at walang dinadagdagan. Pero bakit ganun? Parang wala na siyang pakialam?

"S-Sorry." Sambit ko nalang at tumingin sa mga bulaklak.

Ilang minuto na ang lumipas pero walang nagsasalita sa aming dalawa, hindi ko alam kung bakit ganito siya umakto. Ngayon lang siya naging ganito sa akin na para bang ang lamig niya ngayon. Hindi ko tuloy alam kong galit ba siya sa akin dahil sa pagbanggaan ba namin ni Ate Athena.

Hindi ko na mapigilan kaya lumingon ako sa direksiyon niya pero nagulat ako dahil mataman siyang nakatingin sa akin, iilang inches lang naman ang layo niya sa akin dahil nakaupo kami sa iisang bench. At ewan ko ba, hindi ako umiwas ng tingin at nakipaglaban sa kaniya ng tinginan.

Hindi ko na nakayanan ang malalim niyang mga tingin kaya iwinaksi ko ang aking tingin pero nagulat ko sa sunod niyang ginawa. Bigla niyang hinawakan ang dalawa kong pisngi at pinaharap sa mukha niya at halos hindi ako makahinga dahil sa ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin. Naaamoy ko ang mabango niyang hininga, ang mabango niyang amoy sa katawan at ngayon ay harapan kong nasusulyapan ang nagliliyab niyang mga mata sa loob. Napatingin naman ako sa mapupula niyang labi na ikinalunok ko dahil sa nakakaakit ito masyado.

Hindi pa ako nakahalik, ito palang kung matutuloy.

"Shit. Hindi ko na mapigilan." Pagkatapos niyang sabihin ang litaniyang 'yon ay bigla nalang akong natuod dahil sa sunod niyang ginawa.

His kissing my lips.

Hindi ako makagalaw, nakatingin lang ang mga nanlalaking mga mata ko sa nakapikit niyang mga mata. Damang-dama niya ang paghalik sa akin pero ito ako, hindi alam kung paano humalik dahil ngayon ko lang naranasan ito.

Bigla siyang humiwalay at idinikit niya ang kaniyang noo sa aking noo, magkadikit ang aming mga ilong at ilang inches lang ang layo ng aming mga labi.

"I want to love you Senny, hindi ko alam pero hanggang sa tumatagal ay wala na akong pakialam kay Genesis."

Halos maglukso ang dugo at puso ko dahil sa pag-amin niya sa akin. Ibig-sabihin ba nun ay gusto niya rin ako? Pero hindi ko maintindihan ang sinabi niya. He wanted to love me? Bakit parang may tunog 'hindi sigurado' ang pagkakasabi niya? Parang hindi siya sigurado sa sinasabi niya ngayon?

"Pero hindi ko pa nararamdaman ang totoong pagmamahal Senny, makakapaghintay ka ba?" Para akong isang bata dahil sa pagtango agad-agad. Ngumiti siya sa akin at inihiwalay ang pagkakadikit ng mga noo at ilong namin at binawi ang mga kamay niyang nakahawak sa aking mga pisngi.

Nakahinga naman ako ng sobrang lalim dahil sa kabang dulot nito, hindi ko alam pero may saya akong nararamdaman dahil alam kong may posibleng mamahalin niya din ako. At sana, sana ay magkatotoo lahat ng hinihiling ko.

"Then teach me how to love you Senny, ipakita mo sa akin na deserve mo ang pagmamahal ko. Ewan ko ba kung bakit nahulog ako sa batang tulad mo." Turan niya kaya napasimangot tuloy ako dahil sa sinabi niya.

Problema ba talaga sa kanila na mas batang-bata sa kanila ang babae? Eh ano naman diba? Pagmamahal naman ang sukatan dito hindi edad. Magmamahalan kayo hindi nagpapataasan ng edad o nagpapataasan ng panahon ng pamamalagi dito.

"Why so cute Senny? Hindi ko alam pero nakuha mo ako sa simpleng pout lang. Oo, hindi pa ako siguradong mahal kita, but I'm so sure na malaki ang pag-asa. We can work for it, at para malaman mo, wala na akong nararamdaman kay Genesis. Wala na akong nararamdaman sa kaniya simula noong nagmaldita ka sa akin." Sabi niya sa akin na may kakaibang ngiti sa kaniyang mga labi.

I want to love him too, hindi ko siya gustong mahalin dahil lang sa may posibleng mamahalin niya din ako. I want to love him because its my choice, wala pa akong alam sa pagmamahal pero nandiyan naman ang mga Ate ko to help me. And for sure, magugulat sila sa ibabalita ko. At nandiyan din siya para turuan din ako.

"Enexx, tuturuan kita kung paano ako mamahalin. Hindi lang naman ikaw ang naghihirap, nahihirapan din ako dahil gusto kong mapatunayan kung totoo ba ang nararamdaman ko sayo. Hindi lang ikaw ang gustong magmahal dito Enexx, I want to love you too." Turan ko sa kaniya at bago pa ako magprotesta ay bigla niya na naman akong hinalikan.

Sa oras na ito, gumagalaw na ang mga labi ko dahil sa kuryusidad kung paano magdala ng ganitong klaseng sensasyon. Hanggang sa maghiwalay na ang aming paghahalikan, habol-habol pa namin ang mga hininga namin na parang galing sa isang laban.

"Babawiin ko na ang sinabi ko Senny."

Nagtaka naman ako sa sinasabi niya. Akala ko pa naman may pag-asa, parang hindi niya yata talaga kayang mahalin ang mas bata sa kaniya. Hindi ba ako marunong humalik?

Dahil sa pagkadismaya, tatayo na sana ako ng bigla niya nalang akong niyakap ng mahigpit.

"Babawiin ko ang sinabi ko Senny. Hindi na ako magpapaturo na mahalin ka, dahil ngayon palang ay mahal na mahal na talaga kita."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro