HG 49
Menesis.
"So nakilala niya na pala ang ina mo dati pa?" Tanong ko kay Devos.
Umiling lang siya kaya nagtaka naman ako.
"No, hindi ko pa siya naipapakilala kay ina ng personal pero malabong-malabo na 'yon mangyari ngayon. She is dead, hindi na siya babalik." Mapait na sabi niya.
Kaya ayokong magmahal, ayokong mahulog pero hindi ko naman madidiktahan ang puso ko kung gusto nitong magmahal. Masakit, mapait dahil sa mararanasan mo kapag magmamahal ka pero 'yon talaga ang pagmamahal eh. Masaya pero kakamabal nito ang sakit at pait.
"Hindi niya alam na binabantayan ko siya sa malayo, nakikita kong hindi siya masaya dito. Nagpapakita siya ng ngiti pero hindi katulad ng ngiting ipinapakita niya sa akin noon. Malungkot siya dito pero wala akong magawa dahil hindi ako makapasok, nakapasok lang ako ngayon dito dahil walang bantay sa gate ninyo. Masyadong malakas ang barrier na nakapalibot sa buong Academia, mas pinatatag ang mga ding-ding kaya hindi ako makaakyat."
How sad his life is, its so tragic. Bakit kung sino pa ang mabait, kung sino pa ang specialist na gagawin ang lahat para lang sa mahal niya ay siya pang nakakaranas ng ganitong klaseng buhay. Ipinanganak siya na kasama ang problema, ipinanganak siya para din ayusin ang lahat.
"Don't lose hope, may rason ang lahat. Sayatus is so happy right now dahil nalaman niyang binabantayan mo siya sa malayo. Binabantayan mo siya kahit hindi niya napapansin." Turan ni Genesis kaya napatango ako.
We are now heading to Donessa's cave, gabi na at wala ng mga estudyante and what we need is to sneak out na hindi nahuhuli. Kahit masama parin ang loob ko sa kaniya dahil sa biglaang pag-iwan niya sa amin, still I want to help her from her craziness.
"Sino yung babae kanina na malapit ko ng atakihin?" Biglaang tanong ni Devos.
Bigla nalang akong napangiti dahil parang interesado ata ang anak ni Donessa sa kaibigan namin.
"She is Sonata, are you going to flirt with her?" Nanlaki naman agad ang mga mata ko dahil sa walang prenong pagkaprangkang sabi ni Menesis.
"A-Ah no! I mean I just want to say sorry, you can't consider that as flirt." Depensa agad ni Devos kaya natawa si Menesis.
"Kidding."
"Ano ka ba naman Menesis, siyempre hindi siya aamin dahil sekreto niya lang 'yon." Turan ko kaya napakunot ang noo ni Devos kaya napahagikhik ko
"What's wrong with you two? Magkapatid nga talaga kayo. Mom is right, you are crazy." Napatawa nalang kaming dalawa ni Menesis habanag nakatingin kay Devos.
"And because of this crazy girls, nahawa din ang ina mo." Turan ni Menesis.
"Yeah right."
Ang napansin kong namana ni Devos sa ina niya ay ang kaniyang pagiging matapang at prangka, magkapareha din sila ng mga mata at hubog ng mukha. Kay Anomos na ama ni Axial na 'yon ata niya namana ang pagiging seryoso.
--
Menesis.
"I didn't imagine that we treated her like we are in the same age, 'yon pala ay mas matanda pa siya sa amin. Shame on her." Turan ko kaya napahagikhik si Genesis.
Magsasalita na sana siya ng bigla kaming napalingon sa likuran ng dahil sa malakas na presensiya.
"Hindi ko alam na tatakas pala kayo?" Hindi ko alam kung sino sa kanila ang Specter at Spencer. Basta yung kamukha ko ay masyadong madaldal tapos yung kamukha naman ni Genesis ay parang pipi dahil minsan lang nagsasalita.
"Hindi ko alam na kailangan mong malaman?" Sarkastiko kong sabi sa kaniya kaya napatingin siya sa akin ng diretso.
"Hindi ko alam na ganiyan pala kayong magkapatid?" Napangisi ako sa sinabi niya kaya mas nilapitan ko siya para mapantayan kahit mas matangkad siya sa'kin.
"Hindi ko alam na may pake ka? Bakla ka ba at daldal ka ng daldal?" Ngising tanong ko sa kaniya at napansin kong biglang umigting ang kaniyang panga.
"Style mo bulok, sasabihan mo ako ng bakla para mahalikan ka? Pwede ka namang magsabi ng maayos dahil ibibigay ko sa'yo ang hinihiling mo." Ngisi niya ding sagot kaya mas lalong uminit ang ulo ko sa kaniya.
How dare him! Akala niya naman ikinagwapo niya ang pagiging bastos, kahit kailan talaga ang mga lalaki ay hindi rin maitago ang pagkamaniyak sa katawan. Wala ng pinipiling oras at lugar, mapa-bata man o matanda. Tsk!
"Bakit magkamukha kayo? Are you twins?" Turan ni Devos kaya napatingin sa kaniya ang babaeng kasama pa nila.
"Nakikita mo?" Tanong nitong babae, sabi kasi nitong mga kasama niyang lalaki na kami lang ang makakakita na kamukha namin sila.
Well Devos is a Royal blooded with the flesh of a Titan Goddess.
"Oo, hindi ako bulag lalong-lalo na't tanga." Walang pakialam na sabi ni Devos kaya naningkit naman ang mga mata nitong isa pang lalaki.
"H-How could he-" Hindi na natapos nitong babae ang sasabihin niya dahil bigla nalang sumabat si Genesis.
"At ano na naman ba kailangan niyo? Gabi na ah? Baka naghahasik na kayo ng lagim habang natutulog ang iba?" Turan ni Genesis.
"Trust me young lady, mas maganda kung dilat na dilat ang mga mata nila para challenging, napakabored kapag natutulog lang sila habang kami ay walang kahirap-hirap na pinapatay silang lahat." Sagot naman sa kaniya ng kamukha ko.
"Well I think you are not quadroplets." Dinig kong bulong ni Devos.
"We are not quadroplets Devos, hindi lang talaga namin alam kung bakit nila ginaya ang mga mukha namin ni Genesis. They are just insecure at baka isa sila sa mga humahanga sa amin kaya ganiyan." Turan ko at napatingin sa kamukha kong parang halimaw. Hindi talaga ako makapaniwala na may kamukha talaga kami ni Genesis, how did it happen?
"Para namang gusto namin ang mga mukha niyo, remember hindi lang kayo ang may mga magkakaparehong mukha." Sabat naman nitong babae na kasama nila.
"We don't need your opinion." Pagbabara ko sa kaniya, akmang susugod siya sa akin pero bigla niya nalang hindi maigalaw ang katawan niya kaya I smiled triumphantly.
"Huwag kang umakto na parang malakas ka, you are nothing but just a plain Goddess." Sabi ko sa kaniya and I flip my hair together with a sweet smile just to tease her.
"Bitch." Banggit niya kaya mas lalo pa akong napangiti ng matamis.
"I am."
"Let's go Genesis and Menesis, hindi dapat pinagsasayangan ng oras ang mga walang-kwenta. Hindi sila ang misyon natin." Biglaang sabi ni Devos kaya napatango kaming sabay ni Genesis.
Nasa harapan kami ng malaking gate, tinignan ko si Genesis and she just nodded. Alam niya na kung ano ang gagawin ko.
Walang guard dahil sa kapabayaan nito but the gate was locked by magic. Hindi ka kaagad makakalabas kung hindi mo kayang sirain ang kapangyarihan na 'to.
Bigla nalang uminit ang kapaligiran ng ipinikit ko ang mga mata ko habang ang dalawang kamay ay itinaas ko sa ere. Hindi ko pinansin ang tatlo pang presensiya na nanunuod sa ginagawa ko.
At bigla nalang bumuo ng malakas na hangin hanggang sa naglaho ang kapangyarihang bumabalot sa malaking gate at bumukas ito ng kusa.
"Sasama kami." Irita naman akong napatingin sa kamukha ni Genesis dahil sa sinabi nito.
Hindi kami nagdadala ng mga katulad nila dahil magiging pabigat lang sila, hindi kami close kaya wala silang karapatan na sumama na hindi man lang alam kung anong klaseng misyon ang kakaharapin namin. Huwag silang magmarunong, hindi porque't mga Diyos sila ay kakayanin na nila ang lahat. Hindi lahat ng mga misyon ay makakaya nila, hindi lahat ng mga gusto nila ay makukuha kaagad nila.
"Ano na naman ba ang pumapasok sa isipan niyo at gusto niyong sumama? Manggugulo na naman ba kayo? Hindi ba kayo natatakot na pwede namin kayong patayin dahil diyan sa mga ipinapakita niyo?" Iritang sabi ko pero parang wala lang sa kanila dahil mukhang relax pa ang mga mukha.
"Well hindi niyo naman kami mapapatay, malakas kami at hindi sa pagyayabang, siguro mas malakas kami sa inyo kaya huwag niyo kaming minamaliit." Sagot naman sa akin nitong babaeng 'to na para bang gandang-ganda siya sa sinabi niyang 'yon.
"Hoy ikaw na babae ka, umayos-ayos ka baka hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sayo. Hindi mo ako kila-"
"Kilala kita, kilala ka namin Menesis. Kilala namin kayo ni Genesis kaya huwag kang pakampante." Pagputol nitong babaeng 'to.
Mas lalong kumulo ang dugo ko dahil sa tinuran niya, hindi sila nagpapatalo sa akin. Parang napaka-big deal para sa kanila ang lahat. We are not even close at bakit sila sasama sa amin?
"Kilala mo na pala ako kaya dapat ka ng matakot, at lalong-lalo na ay hindi tayo close kaya bawal kayong sumama, hindi kayo puwede sa lakad namin." Sabi ko sa kanila habang nakataas ang kilay.
"Edi isusumbong namin kayo sa Headmaster, remember kami ang tinitingalang cursed twins kaya maraming papanig sa amin. At kapag sinabi namin na bigla kayong umalis ay mawawala na kayo dito at malaya na naming maaatake ang buong Natharia Academia." Turan nitong lalaking kamukha ko.
Napakuyom ang mga palad ko dahil sa sinabi niya, napakabata kung makapag-isip. Wala siyang konsiderasyon. Inikot nila ang utak ni tanda kaya napaniwala ito sa kanila. Uto-uto din naman kasi 'yon kaya hindi na makakapagtaka na bigla nalang bumagsak ang buong Natharia sa kamay niya.
"Bakit niyo nga gustong sumama?!" Hindi ko na natiis at napasigaw na talaga ako, I can't handle their attitudes. They are so stubborn!
"Well boring nga kasi dito, wala nang challenging activities kaya mas maganda kung adventurous talaga. Napansin namin na may presensiyang pagala-gala and its so familiar kaya lumabas kami and luckily ay kayo pala ang pagala-gala na tatakas pala. Its forbidden to sneak out from here right? Bawal lumabas ng Natharia ng walang permiso kaya wala kayong magagawa kundi isama kaming tatlo sa sinasabi niyong misyon para hindi namin kayo ipahamak." Turan nitong kamukha ko kaya napabuntong-hininga nalang ako.
"Let them Menesis." Napalingon naman kami kay Devos dahil sa sinabi nito, napataas ang kilay ko sa ibig niyang sabihin. Gusto niya bang sumama ang mga pabigat na 'to? Hindi nila kami matutulungan!
"Kung ako sayo Devos, hindi ko sila pagkakatiwalaan. They are enemies." Turan ko at si Genesis naman ay tahimik lang na nakatingin kay Devos.
"No that's not what I mean, let them to be with us for them to know that its so dangerous. Ipakilala natin sila sa ina ko." Kita ko ang pag-iba ng ekspresyon ng tatlo sa sinabi ni Devos.
Kahit ako hindi ko gusto ang tumatakbo sa utak nitong si Devos, parang may iba siyang gagawin.
"Let's go, sumama na kayo. Mas ayos nalang na kami ang mamatay kaysa ang buong Natharia Academia. Mas mag-iiba ang takbo ng utak namin kung may ginawa kayong masama." Seryosong sabi ni Genesis.
Ewan ko ba kung ano ang nasa utak ng tatlong 'to kung bakit nila gustong sumama, ewan ko pero parang may iba akong nararamdaman sa dalawang lalaki. Yung ikinikilos nila ay parang kontrolado, parang may puno't-dulo kaya hindi ko alam kung kalaban ba talaga sila. They once attacked the Natharia Academia also Genesis, ang nakakapagtaka lang ay hindi naman talaga nanggulo ang tatlo sa Academia, they just took Azania. At base sa sinabi ni Genesis, hindi siya kinalaban ng husto nitong tatlo. Bigla nalang daw silang naglaho ng halos mabali na ni Genesis ang kamay nitong babaeng kasama nila.
Lumabas na kami kaagad ng walang nakakakita o nakakapansin. Delikado ngayong gabi dahil may mga ligaw na kaluluwa na kumakain ng kapangyarihan na puwedeng ikamatay ng specialist.
We are walking silently, to avoid noises para hindi kami mapansin ng mga kaluluwa pero sadyang malakas talaga ang pang-amoy nila.
"Shit!" Dinig kong mura ni Devos kaya napatingin kami sa kaniya na ngayon ay iniiwasan ang mga atake ng isang kaluluwa na may naglalakihang mapupulang mata.
Bigla nalang akong nakaramdam ng kapangyarihan at sa isang iglap ay bigla nalang naglaho ang kaluluwa at naging usok.
Napalingon ako sa kamukha ni Genesis na walang kabago-bago sa ekspresyon kundi seryoso lang.
Umuusok pa ang kamay niya dahil ata sa pag-atake sa kaluluwa. He is strong, I can feel it. Ang mga ligaw na kaluluwa na ito ay hindi basta-basta natatablan ng mga kapangyarihan lamang. Bumabalik lang ang mga katawan nila kapag natatamaan sila.
He is something..
"Galing mo naman Spencer!"
Napaikot nalang ako sa sinabi nitong kamukha ko, ang daldal niya masyado na para bang bakla. Naalala ko tuloy 'yong sinabi niya kanina, akala niya naman ikakalakas niya 'yon! Tsk!
"Watch out!"
Bago pa ako makaiwas ay naramdaman ko nalang na nasa lupa na ako habang nasa ibabaw ko si Spencer.
"A-Ah!" Sigaw ko bigla at dali-dali siyang tinulak papalayo sa akin.
Nakakadiri! Ang bastos niya!
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! Ang bastos mo! May paseryo-seryoso ka pang nalalaman, 'yon pala ay malandi ka rin!" Sigaw ko sa kaniya habang binabato ng mga apoy galing sa palad ko. Iniiwasan niya naman ito na parang wala lang sa kaniya.
"Stupid. I just save your life." Walang kagana-gana niyang sabi kaya mas lalo akong nainis.
Anong akala niya sa akin, mahina? Diyos ako! Malakas ako! May kapangyarihan ako na hindi mapapantayan ng kahit sino kaya huwag siyang magkakamali dahil baka maipakita ko sa kaniya kung sino talaga ako.
"I can handle myself bastard!" Huling sigaw ko at bigla ko nalang naramdaman ang napakalakas na enerhiya sa katawan ko.
My body is on heat, hindi ko alam pero may gustong kumawala sa katawan ko pero pinigilan ko ito dahil baka may makaamoy sa puwersa ko at doon pa bumagsak ang Natharia dahil sa pagiging pabaya ko.
I close my eyes and open it again and after that, lahat ng mga ligaw na kaluluwa ay naglaho.
"See? I'm stronger than you Spencer so no need to save me. You are just wasting your energy."
Still, seryoso parin nakatingin sa akin si Spencer after I said those words.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro