Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 48

Genesis.


"Sinasabi mo ba Menesis na si Dextor at si Don ay iisa? 'Yang sinasabi niyang Uncle Devor?" Nag-aalalang sabi ni Sonata.

"Oo." Simpleng tugon ni Menesis.

"Hindi ako makapaniwala, bakit parang hindi ka niya kilala? Bakit parang wala siyang naaalala?" Balik na tanong ni Sonata.

"Because he's pretending, akala niya ata na ako ang magsusumbong sa kaniya." Sagot ni Menesis.

"Sa Satharia pala siya nagtatago? I don't know pero hindi sumagi sa isip ko na mapupunta siya sa lugar na 'yon." Napaisip naman ako sa sinabi ni Devos.

He is kind actually, hindi siya 'yong tipong lalaking kailangan mo pang alamin ang ugali. Siya na mismo ang nagpapalabas nito, siya na mismo ang nagpapakita na hindi siya masama. Pero traydor si Donessa, magkaaway sila ni Headmaster Dracunox, ano ba ang totoo?

"Your mother betrayed us, iniwan niya kami at niloko. Pinaniwala na kaibigan siya namin, na magiging kapatid siya namin." Turan ko, I feel sad dahil sa naaalala kong tinanggap namin siya bilang ikatlong kapatid kahit hindi magkadugo.

We promised before that we will protect each other kung may pagsubok man na darating. Hindi ko alam na hanggang sa salita lang pala siya, hindi ko alam na magbabago ang ihip ng panahon.

"She didn't betrayed you, she did it because of one reason." Turan niya sa akin pero hindi parin ako kumbinsido.

"If she told us erlier na kung sino talaga siya, mapoprotektahan pa namin siya, masusuportahan at hindi pababayaan. Ang mahirap kasi sa ina mo, hindi siya nangangailangan ng tulong. Gusto niyang siya lang ang gumawa ng paraan para mailigtas sarili niya sa kapahamakan. Hindi niya naiisip na may gustong tumulong sa kaniya para hindi na siya mahirapan." Makahulugan na sabi ni Menesis kaya napatango ako.

Devos smiled, tipid na ngiti.

"Hindi niyo alam kung ano ang katotohanan, she told me na hindi niyo muna dapat malaman ang tungkol sa nakaraan, tungkol sa pagkatao niyo. Malalaman at malalaman niyo din sa tamang panahon at lugar, sa tamang tayming. If you really treat her as your sister, you will never doubt her. Hindi niyo siya huhusgahan na hindi pa nalalaman ang totoo." Seryoso namang sabi ni Devos.

"We know that, we didn't judged her Devos. We did everything para makuha ulit ang loob niya that time but she is literally hard-headed. Pinairal niya ang galit niya sa puso, hindi niya muna inobserbahan ang lahat. And you, how could you kill your own uncle?" Seryoso na ding sagot sa kaniya ni Menesis pero napapailing lang si Devos sa sinabi nito, napansin kong lumabas si Sonata at may ibinulong lang sa akin kaya napatango ako.

"You don't know what is the real matter Menesis, kaya hindi kita sinaktan kanina ay dahil gusto kang protektahan ni ina, kayong dalawa. The real thing here is, she still treat you as her sisters even she is far away from you guys. Matagal ko na kayong minamatyag, matagal ko na kayong inoobserbahan at binabantayan dahil 'yon ang gusto ni ina. Pero sadyang problema na ang lumalayo sa inyo dahil both of you have the real great power na hindi nalalaman ng iba. And to answer that question Menesis, Uncle Devor is tired. Gusto niya ng mawala." Litaniya ni Devos.

We are now here in dorm, lumabas naman kaagad si Sonata dahil tutulong daw siya sa backyard. Senny helped us to be here as soon as possible kaya gumawa siya ng portal para makapunta kami kaagad dito sa dorm namin. Our topic is confidential na dapat kami lang ang makaalam, na kami lang dapat ang may kakayahang banggitin ang mga pangalan na matagal ng naglaho sa Academia na ito.

"Are you an enemy?" Prangkang tanong sa kaniya ni Menesis kaya napalingon ako sa kaniya and even Devos' attention.

"Hindi ko masasabing kalaban ako pero hindi ko rin masasabing isa akong kakampi. I know what is the truth, pumapanig lamang ako sa katotohanan. Pumapanig lang ako sa mga specialist na may mga karapatan." He answered.

"Paano kami makakasiguro na hindi ka nagsisinungaling? Na nanghihingi ka talaga ng tulong sa amin? Paano namin malalaman kung pumapatay si Donessa?" Mga tanong ni Menesis kaya napapailing nalang din ako.

"Gaya ng sinabi ko kanina kung nakikinig ka, Uncle Devor is alive. At kapag mamamatay siya ay siyang pagpatay naman ni ina sa mga inosente para makakuha ng dugo sa kani-kanilang katawan. Hindi man halata pero natatakot ako na baka mamatay lahat ng mga tauhan namin, baka wala ng magtiwala pa kay ina at salubungin ito ng mga iba't-ibang kapangyarihan. I need your help to tame back my mom and to make her realize na mali ang ginagawa niya. Kayo lang may kakayahang gumawa nito sa I'm begging."

Hindi ko maintindihan, bakit kailangan pa ni Donessa na buhayin si Devor? Alam kong masakit mawalan, alam kong masakit na mawalan ng minamahal sa buhay pero sana natanggap niya na noon pa na hindi na puwede pang mabuhay muli si Devor. Its forbidden na buhayin ng paulit-ulit ang isang specialist.

"I didn't dream to have this life, a crazy, desperate and over-protective mother. A silly and a stubborn uncle, having an irresponsible father, a boastful half-brother and a dead girlfriend. Kahit kailan ay hindi ko pinangarap na magkaroon ng ganitong klaseng buhay. Its unfair." Dagdag na turan ni Devos at ramdam ko ang lungkot sa kaniyang puso at makikita mo din ito sa ekspresyon na parang isang lantang bulaklak na hindi na nadidiligan.

He is kind, kaya niyang sumugal para sa pamilya niya. Kaya niyang sumugal para sa minamahal niya, kaya niyang sumugal para lang sa mga malalapit sa kaniya and I salute him for that.

"Paano nga pala kayo nagkakilala ni Sayatus?" Tanong ko sa kaniya kaya mapait niya akong binigyan ng ngiti.

"I'm just looking for a flower in the forest for my mom but I found a different and rare flower that made my day bloom. She is walking like a princess with her simple white dress, its elegant. I approached her and I didn't thought that she will accept my background that easily when I introduced myself. Without hesitation, kinaibigan niya ako. After a days to months, we already laughed, hugged and kissed each other ng biglang dumating ang araw na hindi na siya nagpakita pa dahil nabalitaan ko nalang na na hindi na siya pinapalabas sa Academia. But still, I guarded her from afar."

Tatango-tango kaming nakikinig sa mga sinasabi niya na para bang mga bata na handang makinig basta marinig lang ang pinakahuling parte ng kabanata.

"Diyos siya kaya tanggap ko kung sino at ano siya, wala akong pakialam kung may maghahabol sa kaniyang ibang lalaki, titignan siya ng ibang lalaki basta lang sa akin din siya babagsak. Sa akin parin siya yayakap at hahalik. I love her, I love her so much na hindi ko kayang mabuhay na wala siya pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana. My mom told me that Sayatus will die kaya tinanggap ko nalang ang lahat."

"Pero paanong nalaman ni Donessa? Her power is to immitate power by blood at 'yong huli niyang kapangyarihan ay Frozen Flare." Sabat ni Menesis.

"Huwag mong sabihi-" Devos cut me off before I could say my words.

"Pumatay siya and she used that power to know the future at aksidenteng nakita niya ako sa hinaharap habang umiiyak sa harapan ng isang puntod. And its true, Sayatus died because of that girl."

Naiintindihan ko ang hinanakit ngayon ni Devos, kahit naman lahat ng mga specialist ay mararamdaman din ang ganitong sakit dahil sa pagkawala ng pinakamamahal mo. Hindi ko rin maaatim kung mawawala nalang bigla sa akin si Menesis at si Lola Thorna.

How I missed Lola Thorna right now, habang naiisip ko ang paghihirap niya para lang mapalaki kami ng malakas at maayos ay napapaluha ako dahil sa pagtitiyaga niyang pagturo sa amin noon. She is a nice teacher, gagawin niya ang lahat para lang maintindihan namin ang mga instructions niya when it comes to the battle and heart.

"Alam kong galit na galit ka kay Wenessa, pero hindi niya nakontrol ang kapangyarihan niya that time dahil ang kapangyarihan niya mismo ang kumokontrol sa kaniya. She is still weak, kinakaya niya naman ang paghihirap, she is triggered to master it well kaya hindi din natin siya masisisi. Nawalan din siya Devos kaya sana hindi ka na magalit pa sa kaniya ng husto." Turan ko sa kaniya.

"I know its wrong to hurt a women, mahirap sa akin na saktan ang isang babae dahil may babae din akong mahal at inang pinoprotektahan. Pero sadyang nadala lang ako sa hinanakit ko, I can't help but to attacked her and choked her to death. Nadala ako sa galit ko kaya hindi ko na alam kung ano ang ginagawa ko." Litaniya niya kaya napatango ako.

You must be thankful Wenessa dahil nandito kami para protektahan ka even you are a great sinner, we still protecting you. Hindi dahil sa galit kami, kaya na naming isumpa ang katulad mo. Mabait pa kami, hindi kami bigla-bigla nalang gumagawa ng desisyon na alam naming hindi namin gugustuhin sa huli.

"Ayos lang 'yan, lahat naman tayo nagkakamali. Kailangan lang natin magpatawad kahit labag sa puso natin. Malaki na din ang naging kasalanan ni Wenessa sa amin pero naiintindihan namin siya kung bakit niya nagawang manakit ng ibang tao. Nagmamahal din siya kaya hindi niya mapigilang saktan kami dahil sa matinding selos, dahil sa matinding inggit." Sambit ko kay Devos.

"But still, I didn't believe na magkapatid kayo ni Axial sa ama. Paano nangyari 'yon?" Tanong ni Menesis.

"Magkasintahan si ina at si Anomos noon, pero sadyang mahirap lang kami, hindi Royal blooded si ina, Diyos lang siya kaya iniwan siya ni Anomos dahil sa desiyon ng mga magulang nito habang si ina naman ay iyak lang ng iyak habang dala-dala na ako sa tiyan. I hate him because he didn't fight for his love, he didn't fight for my mom, he chose to be controlled by the power of his parents. Pero alam kong magkikita at magkikita din kami, 'yan ang misyon dito ni ina noong nandidito pa siya. She wanted to look for Anomos pero sadyang ang anak lang niya ata sa ibang babae ang naengkwentro ko. But I'm going to look for him too."

His story is an exmaple of a tragic story. Marami na siyang napagdaanan, marami na siyang nagawa at marami na siyang naitulong sa ina niya. Kayang-kaya niyang gawin ang lahat para lang sa mahal niya, he is willing to suffer for his beloved mother and girlfriend and sacrifice his own life just to fulfill his women's dreams.

"And because of being an observer, kilalang-kilala mo na si Axial. Kilalang-kilala mo na ang mala-halimaw niyang ugali. Mapagpanggap at mapaglinlang. Akala mo kung sinong mabait ay yun pala, nasa loob din ang kulo." Turan ni Menesis.

"Every person has their own color, kaya hindi dapat kayo basta nagtitiwala dahil hindi niyo alam na ang specialist na 'yan ay siya palang magdadala sa inyo ng malaking problema." Sabi sa amin ni Devos.

"Even you?" Paninigurado ni Menesis at napansin kong napatango lang si Devos.

"Even me, even me Menesis."

Hindi ko siya maintindihan, minsan nakakagulo dahil hindi ko alam kung dapat ko ba siyang ituring na kakampi o di kaya'y kalaban. Pero wala naman akong motibo kung dapat ba siyang kalabanin pero hindi din ako sigurado kung mapagkakatiwalan din siya.

Kahit na siya ang nagbabantay sa amin, kahit siya ang pumoprotekta sa amin sa malayo ay hindi ko parin sigurado kung dapat na ba naming ibigay ang buong tiwala namin sa kaniya.

"So kailan tayo magsisimula para ipamukha sa ina mo na mali ang ginagawa niyang pagpatay?" Biglang seryosong tanong ni Menesis kaya napatango nalang ako.

May part sa akin na excited dahil makikita't mayayakap ko na si Donessa pero at the same time ay malungkot dahil imposible ata 'yon mangyari dahil sa awkwardness.

"Hanggang sa lalo't madaling panahon, kung maaari ay kayo lang dalawa. I don't want the school to be involve because of what my mother said, she don't want your Headmaster here because he is a liar. Hindi ko rin masabi kong totoo ba o dapat ko bang paniwalaan si ina dahil hindi ko naman kilala ang Headmaster dito." Devos said.

"Well, we will work for it. We will consider this as a mission without hesitation. We will help you not because we like to, we will help you because we don't want many innocent specialists died because of Donessa."


Tama!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro