HG 47
Genesis.
Kahit ako ay tulala, hindi makapagsalita at makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. May kakaiba sa lalaking ito, hindi nga siya ganoon kalakas pero masasabi kong may ugali siyang maging pursigido basta lang makaganti.
Hindi ko alam na may tinatago palang kasintahan itong si Sayatus, hindi ko rin maintindihan nung sinabi niya. Dahil daw sa tatay ni Axial ay naghirap at nasaktan ng husto si Devonna, ang kaniyang ina. I wonder kung sinong Devonna ang sinasabi niya, it could be Donessa.
"Who you? Who the fuck are you? Bakit ka ba nangingialam?" Sabi ni Prinsipe Axial ng makabawi sa pagkakasakal sa kaniya nitong lalaki.
Hindi ko rin maipaliwanag ng marinig ko ang sinabi ng lalaki na 'not you Menesis.' Kilala niya si Menesis and that's made me confused.
"Wala ka ng pakialam, what I want is a revenge for my mother who suffered a lot because of your father, and a revenge for the death of my girl." Makahulugan niyang sabi at kitang-kita ko kung paano naging seryoso ang mga mata nitong nakatingin kay Axial.
Napatingin ako kay Wenessa na nanghihina, naghihingalo dahil sa matinding pagsakal sa kaniya ng lalaki. Cylechter still can't move forward of what Wenessa said a while ago. Manhid kasi siya, hindi niya pinapahalagahan ang mga nasa paligid niya and always focusing on one person.
"Tsk! Who is your mother? At anong kinalaman niya sa ama ko?" Singhal na sabi ni Prinsipe Axial sa lalaki.
Napalingon naman ako kay Igneous na walang nagawang tama kundi manuod lang ng manuod, wala man lang ginagawa. Hindi niya deserve maging prinsipe ng Natharia.
"The scene is so nice." Dinig kong bulong ni Igneous kaya napansin kong napatingin sa kaniya si Menesis.
"And the view are not so nice." Napatingin sa kaniya si Igneous na nakangisi.
"How I love the view." Turan niya kay Menesis kaya napansin kong napayukom ng palad si Menesis na mas ikinangisi ni Igneous.
"So sad, the view doesn't love you." Menesis said.
"She's known as Donessa, she is my mother and because of your father, she suffered so much pain. Iniwan ng walang paalam yang ama mo ang ina ko that's why my mom changed a lot like she really doesn't care to her comrades and family." Turan sa kaniya ng lalaki na ikinalaki naman ng mga mata ko.
Napatingin sa kaniya si Menesis na nakaawang ang bibig na parang hindi makapaniwala sa sinabi nitong lalaki.
Did we just encountered the great son of the Titan Goddess of Blood? Is he really the son of Donessa?
"D-Donessa?" Prince Axial.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang paghalik ni Prinsipe Axial kay Donessa nung Acquaintance noon. Donessa mumbled something before na parang pamilyar sa kaniya ang mukha ni Axial, yun pala, she remembered Prince Axial's father na naging kasintahan niya before.
Are they look alike?
"Do you remember him Axial? The stupid son of King Anomos who kiss my mom in their Acquaintance party?"
Paano niya nalaman? Paano niya nalaman na hinalikan ni Prinsipe Axial si Donessa? As far as I remember, madilim, maraming specialist, maingay ang panahon na iyon kaya paano niya makikita 'yon kung kami nga ay halos hindi na namin mapansin dahil sa nag-aagawang mga liwanag?
"Tsk! Its the past, I thought she is an ordinary plain slut before."
Hindi ko alam pero napayukom ang mga palad ko, how dare him to talk to Donessa like that? Siya mismo ang nanghalik at hindi si Donessa! Story maker ever!
"I observed Axial, I guarded mom that time and I think she didn't do something para halikan mo siya. She studied here in Natharia to have a mission, misyon na matagal niya ng gustong mangyari sa buong buhay niya. Mission to look for Anomos." Sabi nitong lalaki.
Nakikinig lang kaming lahat sa mga pinagsasabi nilang dalawa, ayaw kong sumabat habang si Igneous naman at si Menesis ay nagbabatuhan ng masasamang tingin while Sonata and Senny are on their place while standing. Tahimik ding nakikinig si Ignite at Bill even Cylechter. Pero si Wenessa ay umiiyak parin, hindi niya parin tanggap na dahil sa kaniyang kapangyarihan, Sayatus died.
"How about Sayatus? Anong relasyon niyong dalawa?" Sigaw sa kaniya ni Cylechter.
"Huwag muna natin pag-usapan si Sayatus, Cylechter." Sambit sa kaniya ni Ignite.
"But he almost killed Wenessa." Sagot sa kaniya pabalik ni Cylechter.
"Oh bakit parang nag-aalala ka? I thought you hate her? Ng dahil sa kaniya namatay si Sayatus diba? Bakit parang nagbago na ata ang takbo ng utak mo?" Turan ng lalaki sa kaniya.
Kahit nakatalikod ang lalaki ay mararamdaman mo ang pagkaseryoso nitong pagbanggit sa pangalan ni Sayatus, is it really true na may relasyon talaga sila? Kung meron nga, matagal na palang may koneneksiyon si Sayatus sa kaniya at alam ni Sayatus kung nasaan si Donessa?
"Nakita mo rin ba kung sino ang pumatay kay Don? I mean ni Devor? Sa pagkakaalam ko ay kapatid siya ng nanay mo, namatay siya sa likuran ng malaking pinto." Magalang na tanong ko sa lalaki kaya napalingon siya sa akin.
"I killed him." Nanlaki ang mga mata namin ni Menesis dahil sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin 'yon dahil magkadugo sila. H-How did he...
"W-Why?" Gulat paring tanong sa kaniya ni Menesis.
"Dahil gusto niya ng mawala sa mundo. Ng dahil sa pagiging baluga ni ina, ng dahil sa sakit na iniwan ni Anomos ay hindi niya na kakayanin na may mawala pa sa kaniya ulit. Uncle Devor wanted to die, he is so tired to live, matagal na siyang patay nung kapanahunan pa nila ni ina at ni Anomos pero ng dahil sa kapangyarihan ni ina, binuhay niya ang kalamnan nito at binago ang daloy ng dugo. She is always looking for a new blood para lang buhayin ng buhayin si Uncle Devor."
Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman namin ngayon, nakakagulat dahil sa matagal na panahon, sa matagal na naming iniisip kung sino talaga ang pumatay ay itong lalaki palang ito ang gumawa nun? Siya ang pumatay kay Don?
"Who is your father?" Tanong ko sa kaniya at bigla nalang siyang napangiti ng mapait.
"Kahit ayoko sa kaniya, even I don't want to be his son still wala akong magagawa. That Anomos is my father."
At doon nalang humangin ng napakalakas kaya napalingon kami sa puwesto ni Axial na ngayon ay galit na galit ng nakatingin sa lalaki.
"Sino ka para magsinungaling? Sino ka para sabihin lahat ng mga kasinungalingan na 'yan?!" Sigaw sa kaniya ni Axial habang nililipad na ang kaniyang buhok dahil sa lakas ng hangin, the dead trees are now dancing together with the burned leaves.
"I hate it but your my younger brother, pero wala akong pakialam kung magkadugo tayo. I will take revenge for my mother. Kabit lang 'yang ina mo, anak ka lang sa labas." Seryosong turan nitong lalaki.
"Tsk! Liar!" Bigla nalang umatake si Axial at doon na sila nagpalitan ng suntok. Nagbabatuhan ng mga air daggers, they have the same ability pero magkaiba ang mga appeaeances ng kapangyarihan nila.
Prince Axial's air is refreshing cool but deadly while this guy is having an ability that can burn you using his air.
Hindi ko makita kung sino ang nakakatama o kung sino ang natatamaan dahil sa bilis ng kanilang mga ikinikilos.
Mas lalong uminit ang hangin, nagliliyab na naman ang bawat kapaligiran kaya tumulong na si Ignite para humupa ang mga apoy. But Igneous is such a dick, mas lalo niyang pinapalala ang sitwasyon.
"Cylechter! Gumawa ka ng bolang tubig at ibato mo kay Igneous!" Dinig kong sigaw ni Menesis at doon na parang nahimasmasan si Cylechter sa pagkatulala. Gumawa siya ng maraming bolang tubig at lumulutang ito sa kaniyang harapan at sa isang iglap ay isa-isa itong inatake si Igneous.
Napansin naman kaagad ni Igneous ang mga bolang tubig kaya iniwasan niya ito ng ganoong kadali pero sadyang hindi lang siya ang mautak kaya kinontrol ko ang kaniyang katawan para hindi siya makagalaw. At halos manlaki ang mga mata niya dahil palapit ng palapit ang mga bagong gawa na bolang tubig sa kaniya, at natamaan siya.
"Serves him right." Bulong ko at napansin ko na 'yong kapatid ni Athena na lalaki ay tumutulong din na hupain ang mga naglalakihang apoy. Hinihigop ng kaniyang nagliliyab na buhok ang mga apoy na nasa paligid kaya unti-unti din itong nahuhupa.
Habang hinihigop ng kaniyang buhok ang mga apoy ay siyang mas lalong nagpapaliyab sa kaniyang buhok na mas lalong nagpapahirap sa kaniya.
"Senny, try to control the fire on his head!" Sigaw ko kaya napalingon siya sa akin at napatango. She whisper something at naginhawaan ako dahil unti-unti na ding humuhupa ang apoy sa kaniyang ulohan.
"Sonata, try to control those two! They are destroying the whole backyard!" Sigaw ko kay Sonata at tumango naman ito and play her flute producing small waves habang tina-try kontrolin ang nasabing magkapatid.
Bigla nalang tumunog ang plawta ni Sonata dahilan para tumigil sila sa pag-aaway pero nagulat nalang ako ng hindi nakokontrol itong lalaki sapagkat si Prinsipe Axial lang ang na-hipnotize.
"Hindi yan tatalab sa akin, the sounds of your flute can't affect my hearing senses. I have the Titan Goddess flesh and also a Royal blooded." Turan niya at bigla nalang inatake si Sonata pero bago pa niya masaktan si Sonata nanlalaki ang mga mata ay siyang pagkontrol ko sa kaniyang katawan at nilisan muna ang katawan ni Igneous.
"But I can control you, not my friends. Naging kaibigan na namin ang ina mo, kung nagsasabi ka nga ng totoo, sabihin mo sa amin kung bakit ka pa nandidito? Taking revenge for your mother? Dapat matagal mo na 'yan ginawa. Taking revenge for your girl named Sayatus? Dapat matagal mo na 'yang ginawa nung hindi pa siya nawala. My senses telling me that you are up to something." Turan ko sa kaniya.
Bigla nalang lumapit sa akin si Sonata at inilagay ang kaniyang maliit na plawta sa kaniyang bulsa. I feel Sonata's trembling knees.
"Well you got me there." Turan niya at napansin kong napaluha siya and that's made me stiffened.
Hindi ko alam na may katulad pa pala niya na seryoso at biglang napapaiyak. This is my first time encountering this kind of situation. Encountering a man crying because of me.
"Senny! Ilayo mo 'yang si Igneous dito!" Sigaw ni Menesis at bigla nalang lumiwanag ang likuran ni Igneous dahil lumitaw doon ang isang portal, sa isang iglap ay sinakop na siya nito.
"Shit!" Dinig kong mura ni Igneous bago siya nilamon ng portal.
Ang iba naman ay pinagtutulungan na hupain ang kapaligiran na nagliliyab.
"Tell me, who are you?" Tanong ko sa kaniya.
Napansin kong wala ng malay si Prinsipe Axial at ganun na din si Wenessa. Hindi ko aakalain na napakaraming rebelasyon na magaganap ngayong araw na ito, hindi ko alam na maraming sikreto na mabubunyag. Bakit ganun? Bakit ngayon lang nagpakita ang lalaking ito sa amin?
"I'm Devos."
Combination of Anomos and Devonna eh? So Donessa still love that Anomos? Na kahit iniwan na siya, nag-iwan parin siya ng malaking alaala, not just the combined name but Devos himself.
"So what is the real thing bakit ka pumunta dito?" Tanong ko sa kaniya at hindi na kinontrol pa. He wiped his tears by his thumb.
"Of course, aside for the revenge for my mother and Sayatus, I want you to help me." Napataas naman ang kilay ni Menesis ng sabihin niya ang katagang iyon.
"How can we so sure na hihingi ka talaga ng tulong?" Tanong sa kaniya ni Menesis.
"Uncle Devor is alive."
Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Menesis dahil sa balitang sinabi niya, all this time ay buhay pa pala si Don? Buhay pa pala ang kapatid ni Donessa? But how? Kitang-kita ng mga mata namin ang mga saksak nito noon sa mukha at katawan!
"My mom's ability is limitless, nakakaya niyang buhayin ang patay gamit ng kaniyang kapangyarihan. Inililipat niya ang dugo ng iba para mabuhay ang specialist na 'yan, at kaya ako nandito to ask for help. Marami ng namamatay sa lugar namin dahil sa pagkukuha niya ng dugo, Uncle Devor always killing his self. He is always looking for way para hindi na siya mabuhay pero palagi nalang gumagawa ng paraan si ina to make him alive. And now, he is missing at hindi namin alam kung nasaan siya. Walang magaws ang mga kasama namin even me his son, she is powerful. Wala kaming kalaban-laban." Dagdag niyang sabi sa amin.
"Posible bang may anak siya?" Nagtaka naman akong napalingon kay Menesis dahil sa sinabi nito.
"Wala siyang anak." Simpleng tugon sa kaniya ni Devos.
"Kaya pala, may kamukha siya sa Satharia Academia nung naging exchange student ako doon. Kaya pala feel uneasy siya ng mga panahon na iyon dahil siya pala talaga ang uncle mo. How stupid I am kung bakit naniwala ako sa kaniya." Sabi ni Menesis.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo sa mga nangyari Menesis, may rason kung bakit nagkaganun ang lahat. Well Devos, how can we help?" Tanong ko kay Devos ulit.
"Pero how about Sayatus' power? Diba kailangan niyang ipasa ang kapangyarihan niya before she will die?" Biglaang dagdag na sabi ni Menesis.
"Yeah, I don't know kung sino ang pinasahan niya. I promised to her na kung sino ang mapapasahan ng kapangyarihan niya kung mawawala na siya, poprotektahan ko 'to hanggang sa makakaya ko."
"Well that's cliche." Turan ni Menesis.
"And to answer your question Genesis, kung nakita na ni Menesis si Uncle Devor, wala ng problema dahil madali nalang natin siya makikita. Aside from that, I need your help to tame my mother, to help my mother. Kailangan natin siyang tulungan na magising sa katotohanan na hindi niya na dapat pinapakialaman ang buhay ng iba."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro