Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 46

Menesis.

"Bawal magtalik ang mga Diyos dahil hindi natin malalaman ang puwedeng kalalabasan. Pwede itong magdulot ng matinding gulo dahil sa pagsasama-sama ng iba't-ibang puwersa." Our lady professor said.

Hindi ko alam kung bakit kanina pa kami nagdi-discuss about this, hindi naman related sa pakikipaglaban pero still I feel anger towards her.

Anong pakialam niya kung magtatalik ang mga Diyos? Wala naman siya dapat ikatakot dahil hindi naman siya ang Diyos na sinasabi. They always said that Gods and Goddesses should not have a siblings because its forbidden, paano nalang ang mga Diyos ngayon na nagmamahalan? Paano nalang yang nararamdaman ni Ignite at Enzyme kay Genesis?

"Okay pwede na kayong makalabas." Turan ng professor kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko.

Nandito parin kami sa Class-A section, we didn't choose the Gods' section dahil hindi pa kami naaapprove. Naghihintay pa kami ng impormasyon para makalipat.

Sa hindi ko aasahan ay pagsalubong sa akin nitong lalaking napakabored ng ekspresyon. Hindi na ba 'yan mapapalitan ng pagngiti? Naging mature na siya kung tignan, hindi na siya 'yong childish na nakilala ko.

"What are you doing here Bill?" Taas-kilay kong tanong sa kaniya pero imbis na sagutin ay kinuha niya ang kamay ko at hinila papalayo sa room.

Dinig na dinig na naman ang mga chismis na akala nila na ikakaganda ng mga mukha nila.

"We are going to the backyard." Biglang salita niya kaya nagtataka naman akong napatingin sa likuran niya.

"Why? May namatay ba?" Hindi niya ako sinagot kaya tumahimik nalang ako.

Hanggang sa nakikita ko na ang mga pigura ng iba. Sina Sonata, Senny, Cylechter at ang isa pang lalaki na pamilyar sa akin.

May nakita akong napakaraming bulaklak sa lupa at kapansin-pansin ang pagkinang ng semento sa ibabaw ng lupa. Sino bang namatay?

Pagkalapit namin ay napansin kong lumuluha ang mga mata ni Cylechter, hindi ko aakalain na iiyak-iyak siya diyan. Akala niya ba makakalimutan ko ang pag-aaway nila ni Bill? Akala niya ba nakalimutan ko na ang pagiging desperado niya para lang makuha ako? Huwag na huwag siyang iiyak-iyak diyan na parang wala siyang kasalanan sa nangyari, kung tumitingin-tingin din kasi siya sa paligid baka napansin niya na ang pagkakagusto ni Wenessa na 'yon sa kaniya. Hindi na sana hahantong ang lahat sa ganito.

"Sayatus already passed away." Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Bill at dali-daling napatingin sa sementong may nakaukit na pangalan.

Sayatus Unida

Hindi ako makapaniwalang wala na siya, hindi ako makapaniwala na ang Diyos na walang ginawa kundi tumahimik lamang, makinig sa mga bali-balita ay wala na. Bigla nalang akong nakaramdam ng sakit sa puso, hindi ko alam pero madalas na ang pagkakaramdam ko ng iba't-ibang damdamin. Sayatus is such a nice Goddess, kailanman ay hindi siya marunong pumapel, hindi rin siya peke kaya masasabi kong hindi niya deserve ang pagkamatay niya ng maaga.

"I remember the time na aatakihin ko na sana kayo, binigyan niya ako ng warning no'n na kapag itutuloy ko ang plano ko, she will never help me." Napansin ko ang pagbiyak ng boses ni Bill, naaawa ako sa kaniya. Parang nararamdaman ko narin ang nararamdaman ni Bill.

Is this the effect of that light? Ang pagliwanag ng kamay ni Azumarill na nasa dibdiban ko?

"Naaalala ko pa nung tinatawanan niya ako when that Titan Goddess attacked me." He's portraying Donessa, I heard na inatake siya noon ni Donessa dahil Bill was the one who hurt Don before.

Bill is talking too much, ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Naaalala ko pa nga yun, nasa dorm kaming tatlo ng bigla nalang may marahas na kumatok sa pinto. And that girl said na inaatake daw si Don na kapatid niya kaya hindi nagdalawang-isip si Donessa but to chased that man, and its Bill. Donessa really hated Bill before, ewan ko ngayon. Wala na akong balita sa kaniya, she is too far to reach, malayong-malayo na sa Natharia.

Napansin kong may dalawang presensiya na paparating and its Ignite and Genesis.

"Tumahimik ka nga Enexx, may Kuya Ignite na siya." Dinig kong bulong ni Senny, oh so this man ay ang kapatid ni Athena? Paano sila nagka-close ni Senny? Senny is younger than him.

"Menesis." Tawag sa akin ni Genesis, tumango lang ako.

"Sayatus didn't deserve this bullshit." Biglaang sabi ni Ignite kaya napatango ako agreeing the whole scene.

Hindi talaga deserve ni Sayatus ang mamatay, mas tatanggapin ko pa na mawala si Wenessa dahil siya naman ang puno't-dulo nito. Siya dapat ang magbayad, siya dapat ang magdusa, siya dapat ang mamatay at siya dapat ang iniiyakan ngayon ng mga kasamahan ko.

She is too desperate, Wenessa is too desperate.

We are surrounded by many trees, flowers and humming birds flying high at the sky. Hearing the whirlwind because of the sudden silence make us more sad.

"Hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari." Napalingon kaming lahat sa bagong dating.

I don't know but I want to attack her, I want to slap her hard, I want to kick her ass out from this Academia. How can she do this shit? I know she is out of control that time, I know she was controlled by her power pero kapag Diyos ka, you know the responsibility, you know how to stop it! Nalalagas na ang mga Diyos, nalalagas na ang NGG.

Napapansin kong napakseryoso kung makatingin ng lahat kay Wenessa, Genesis looking at her blazely, Bill with this cold expression and Cylechter with a serious look. Habang si Sonata naman at si Senny ay parang disappointed dahil siya pa na kasamahan ni Sayatus ang gumawa nito sa kaniya. Napapailing nalang si Ignite dahil sa sitwasyon.

"Did you already realize what you did Wenessa?" Seryosong tanong sa kaniya ni Cylechter and I saw how Wenessa get hurt when Cylechter asked like Wenessa is now nothing but a living example of villain.

"Did you already realize na ng dahil sayo nawala si Sayatus?" Dagdag na tanong ni Cylechter.

Kahit ganito ugali ko, nararamdaman ko parin ang nararamdaman ng iba. Naaawa parin ako kay Wenessa, sa mga mata niya na hindi naman niya ginustong mangyari ang lahat. Hindi niya ginusto mangyari na mamatay si Sayatus. Wenessa's eyes are so sad, at doon na bumuhos ang mga luha ni Wenessa.

"M-Mahirap m-maging Diyos Cylechter and you know that, hindi ko pinangarap na maging ganito. Yes I wish to be like you, to be a Goddess pero hindi ko naman alam na ganitong k-klase palang kapangyarihan ang naipasa sa akin. H-Hindi ko alam na ganito pala ang kakahantungan ng pagiging Diyos ko. H-Hindi ko alam ng dahil sa akin, mawawala siya." Maluha-luha paring sambit ni Wenessa habang pinupunasan niya ang kaniyang mga luha gamit ng likod ng kaniyang palad.

"Pero nawalan kami!" Sigaw sa kaniya ni Cylechter.

"Nawalan din ako Cylechter! Nawalan din ako kaya huwag kang nagsisigaw-sigaw na akala mo ikaw lang ang naaapektuhan! Sino bang gustong mawala si S-Sayatus? P-Parang kapatid ko na siya!"

Lumapit ako kay Genesis na katabi si Ignite, I tap her shoulder kaya napalingon siya sa akin.

"Kahit galit na galit ako kay Wenessa, I still pity her." Turan ko.

"Kahit ako, hindi ko alam pero gusto ko ng tapusin ang problema na kinakaharap natin." Sagot niya sa akin kaya napalingon ulit ako sa dalawang nagsisisihan.

"Ng dahil sayo, ng dahil sayo ay nagawa kong maging malakas, nagawa kong lumipat dito sa eskwelahan na 'to na akala ko dito na ako makakahanap ng kaligayahan. Ng dahil sayo naging desperada ako na maging kabilang sa inyo!" Sigaw ni Wenessa kay Cylechter kaya mas lalong umigting ang mga panga ni Cylechter kaya lumapit siya kay Wenessa at hinawakan ang magkabilang-balikat ng mahigpit.

"Ako na sinisisi mo ngayon?! Ako na ang sinisisi mo sa pagkamatay ni Sayatus?! Tanga ka ba?! Ikaw ang pumili niyan, ikaw ang nagdesisyon! Ikaw ang pumilit sa sarili mong maging katulad namin na kahit sa una palang ay alam mo ng napakaimposibleng mangyari!"

Parang napunit ang puso ko, hindi ako makapagsalita, I can't interfere with their situation. Naaawa ako kay Wenessa, naaawa ako sa kaniya. Hindi ko siya masisisi dahil alam kong may pagmamahal siyang nararamdaman kay Cylechter. Pero ang napakasakit, ang siyang minamahal mo ay siyang nagtutulak sayo papalayo. Hindi ka tanggap, hindi ka mahal at hindi niya kayang suklian ang pagmamahal na 'yon.

"Hindi kita sinisisi!" Sigaw sa kaniya pabalik ni Wenessa.

"Eh ano yang pinupunto mo?!"

"Kasi mahal kita!" At doon na napahinto si Cylechter, doon na siya natauhan.

Napalayo siya kay Wenessa na ngayon ay nakaluhod na sa lupa na umiiyak.

"Mahal kita kaya ginawa kong maging malakas. Mahal kita kaya ginawa kong maging kabilang sa inyo. Mahal kita kasi yun ang nararamdaman ko." Mahinang sabi ni Wenessa but enough para marinig namin.

Nakita kong umiiyak na si Senny, and this Enexx just tapping her back. Sonata naman na walang nagawa kundi tumahimik nalang. She remember something.

"Pero paano mo 'yon makikita kung sa iba ka nakatingin? Paano mo mararamdaman kung 'yang mga manhid mong mga mata ay nakatuon lang sa iba?"

Hindi ko siya masisisi, nagmamahal lang din siya. Kahit ako ang sinisi niya, kahit ako ang pinapatamaan niya ay hindi nalang ako nakisali. Let them confess what they feel towards each other.

"W-Wenessa." Utal na sambit ni Cylechter na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Wenessa.

"Pero napapagod din ang katulad ko, napapagod din ang puso at isip ko. Napapagod din ang katawan kong lumaban sa taong hindi nakikita ang halaga ko. I think its better to go away from you." Makahulugang sambit ni Wenessa at tumayo.

Akmang aalis na siya ng bigla nalang humangin ng napakalakas, hangin na kakaiba, hangin na ngayon ko lang naencounter.

"Ang init ng hangin." Sambit ni Genesis at nabigla nalang kami ng biglang nagliyab ang mga kapunuan, ang mga bulaklak ay biglang nagliyab dahil sa pagdaan ng kakaibang hangin.

"Ignite!" Sigaw ni Genesis.

"Hindi ako ang may gawa niyan." Takang sabi ni Ignite kaya inilibot ko ang aking tingin para hanapin ko kung sino ang gumawa nito. Napahinto ang mga mata ko kay Wenessa na nakayuko at lumuluha.

Nagliliyab na ang buong backyard, nagdudulot na ito ng matinding usok kaya hindi ko na makita ang iba ko pang mga kasamahan.

"Arghh!" Dinig kong ungol and I know na kay Wenessa nanggagaling 'yon.

Itinaas ko ang kamay ko at hinigop nito bigla ang mga usok hanggang sa unti-unti ko ng nakikita ang kapaligiran. Hanggang sa napagtagumpayan kong mahigop ang maraming usok gamit ang aking kamay ay bigla ko itong ibinato sa lalaking sinasakal ngayon si Wenessa.

"Wenessa!" Sigaw ng karamihan at bago matamaan ang lalaking nakasakal kay Wenessa ay bigla niyang iniharap si Wenessa kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Matatamaan si Wenessa!" Sigaw ni Sonata at bago ito matamaan ay bigla nalang itong naglaho and it because Senny dahil ginamit niya ang wand na hawak-hawak niya.

"Bitawan mo si Wenessa!" Sigaw ni Genesis, kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata ni Wenessa dahil sa napakahigpit ng pagkakasakal ng estrangherong lalaki.

"Not until she's dead." Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ng lalaki kaya hindi na ako naghintay pa ng ilang oras at sinugod ko na siya. Napansin niya naman iyon kaya humarap siya sa akin and now I feel the air with so much heat pero hindi ko yun ininda at sinuntok sa tiyan ang lalaki kaya nabitawan niya si Wenessa na nanghihinang napahiga sa lupa.

"Making scenes again Wenessa?" Bigla nalang ako napalingon sa boses na 'yon.


Axial together with Igneous.


"Oh, bakit hindi niyo kasama ang mga halimaw niyong kasamahan?" Turan ko sa kaniya.

"Well, you didn't change at all as expected." Ngising sabi niya sa akin.

"Well you didn't change at all as expected too Axial. You are a monster and always be a monster." Sagot ko sa kaniya at napangisi na naman siya ulit.

Now I'm starting to hate his guts.

Bigla nalang akong nakaramdam na parang may dumaan sa gilid ko at sa isang iglap ay nasa ere na si Axial habang sakal-sakal ng lalaking hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'yon.

Ewan ko kung dapat ba akong matuwa dahil sinasakal na ngayon ang mayabang na prinsipe, at si Igneous ay parang natutuwa sa nakikita niya.

Bigla nalang may namuong daggers sa likuran ni Axial at inatake ang lalaki pero bigla nalang siyang binitawan at sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya.

"Not you Menesis." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglaang pagsambit niya sa pangalan ko at humarap ulit kay Wenessa ng seryoso.

How did he know my name?

"Because of her, My girl died."

He always made me shock.

At bigla nalang siyang napalingon kay Axial na seryosong nakatingin sa lalaking nasa harapan ko.

"And because of his father, my mom Devonna suffered a lot."

At doon na ako halos matumba sa sinabi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro