Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 45

Wenessa.

Alam kong nagbago na ako, alam kong hindi na ako ang dating Wenessa. Alam kong hindi na ako ang mabait at masunurin sa mga mas matatanda, pero anong magagawa ko? Dahil sa kaniya nagbago ang lahat? Sinong mag-aakala na ang dating mahina ay siyang biglaang naging matapang at naging makapangyarihan? Naging isang Diyos at estudyante sa Natharia Academia, ang sikat na eskwelahan sa buong lugar ng Natharia?

Isa lang naman akong simple, mabait at masunurin na babae noon. Nung nasa Publiko Encantado pa ako nag-aaral ay marami akong naging kaibigan, marami akong naging karamay, naging sandigan at takbuhan. Maganda na sana ang buhay ko doon nang bigla nalang lumitaw si Cylechter sa eskwelahan namin.

May misyon sila doon na maghanap ng kapwa nilang Diyos sa eskwelahan namin, hindi ko alam pero nararamdaman ko ang matinding pagkainggit dahil sa hinahanap nila na kapwa Diyos. Pinangarap ko na sana naging Diyos nalang ako, sana naging mas makapangyarihan pa ako sa iba kong mga kaibigan, sana hindi nalang ako naging ordinaryong Enchantress.

Pero sa araw ng pagbabalik ng mga magulang ko galing ng pangangaso ay sinabi nila ang buong katotohanan sa akin. Kung bakit kaya kong magpalabas ng kakaibang kapangyarihan, bakit ang kakayahan ko ay bukod-tangi maliban sa pagbibigkas ng mga spells.

I don't know but I smiled that time triumphantly. Because at last, I have a reason na makapasok sa Natharia Academia.

Pero ang kapalit ng katotohanang ito ay ang mga naging matalik kong kaibigan, naselos sila sa akin, nainggit kaya hindi na nila ako pinapansin. Minsan sinasaktan na nila ako dahil kahit anong gawin ko, maging Diyos man o hindi ay mahina parin ako. Hindi ako sumuko noon kaya lumaban ako sa mga kaibigan ko, pinatunayan na mali ang mga sinasabi nila.

Pero kahit gaano kalakas ang kapangyarihan ko, kahit gaano ako mas angat sa kanila, walang-wala parin talaga kapag may sandigan, takbuhan at kaagapay sa lahat ng problema. For short, having this incredible power is crazy. Kapalit nun ay ang pagiging isa sa buhay.

My mom and dad died because of those Enchanters, they killed them kasi gusto nila akong kunin. Gusto nila akong pag-eksperimentuhan, gusto nilang agawin ang kapangyarihan ko, gusto nilang baguhin at tadhana at baguhin ang takbo ng oras gamit ng kapangyarihan ko.

Prinotektahan nila ako, nilabanan at sinuportahan. Pinatakbo nila ako kahit labag na labag sa puso ko, kahit labag sa damdamin ko ang kagustuhan nilang iwan ko sila, pero wala akong nagawa. Kitang-kita ko kung paano nila kinitil ang kawawang mga magulang ko. Pinatay nila na walang kalaban-laban, pinatay nila dahil lang sa kanilang kabaliwan.

But they don't know my real power, they don't know that I am the Goddess of Moon. Ipinasa sa akin ang kapangyarihan na ito, pinasa ang kakayahan na ito sa akin ng isang Titan na hindi ko alam kung sino o kung ano ang pangalan.

At doon ko nasubukang lumaban, pumatay at naging matatag. Crying, kneeling to the ground because of the pain, looking at the violet moon that gave me hope and strength also a great power.

"My source." That's the line that I will never forget.

The time na nakapasok ako sa Natharia ay hindi naging madali, hindi naging madali sa akin para maipasa ang requirements nila na makakuha ng dalawang-libo na scores. I just got five hundred that time pero bigla nalang akong pinaenroll dahil alam nilang isa din akong Diyos.

Napansin ko noon ang mga naglalakihang building, ang nag-iisang rebulto na nasa gitna at ang mga kapunuan na masasabi kong ibang-iba sa eskwelahan namin. Malinis, mabango at nakakarelax ang paligid.

After a month, naging close kami ni Cylechter together with the other Gods, ang akala ko na matatahimik ang aking buhay ay siya palang bagong simula pa lang.

Hindi ko alam na playboy pala si Cylechter, paiba-iba ang babae araw-araw. Doon ako nakaramdam ng sakit, bumalik na naman ang nakaraan, matinding sakit ng nakaraan.

Nag-train ako ng mabuti, nagpalakas pero sadyang mas malakas talaga ang kapangyarihan ng isang Titan. Hindi ko kayang kontrolin ang napasang kapangyarihan.

At mga buwan na ang lumipas, ganun parin ang ugali ni Cylechter, at masasabi kong mahal ko na siya. Hindi lang sa simpleng pagkakagusto ang magdadala sa akin sa ganitong sitwasyon na baliw na baliw na talaga ako sa kaniya. Selos na selos sa mga babaeng kinakasama niya, nagseselos at naiinggit din ako dahil ano bang pakiramdam na mahalikan? Mayakap? Mahawakan sa kamay? Gusto kong maramdaman ang lahat ng iyon sa piling ni Cylechter.

At doon mas lalong gumuho ang mundo ko dahil sa pagdating ng dalawang magkapatid, Lalong-lalo na si Menesis. Para bang nahulog ang puso ni Cylechter sa kaniya, nalunod siya sa sariling kapangyarihan. Napapansin kong hindi basta-basta ang mga ugali at kapangyarihan ng magkapatid, alam kong hindi sila ordinaryo na specialist lang. Pero kumpyansa ako na mas malakas ako sa kaniya.

Pero mas tumatagal ang oras, mas lalong nahuhulog ang puso ni Cylechter kay Menesis. Napapansin kong hindi na ito nagpapalit-palit ng babae, tanging nasa kay Menesis lang ang mga mata nito. Si Menesis lang palagi ang bukambibig niya. Hindi ko alam kung saya ba dapat o lungkot ang iiralin ko o mararamdaman. Saya dahil sa wakas ay hindi na siya nagpapalit-palit ng babae, lungkot dahil hindi ako ang babaeng nagpabago sa kaniya.

Kaya may nag-alok sa akin na isang specialist na saktan ang kapatid nitong si Genesis, nagdadalawang-isip pa ako kung gagawin ko ito. Nakakatakot din kasi ang presensiya nito kahit hindi ko na sabihin, minsan na kaming nagharap, minsan na kaming nagkatinginan sa isa't-isa at minsan na din niyang kinontrol ang kamay ko.

"Are you sure? Baka mapalpak tayo sa gagawin mo Athena." Turan ko sa kaniya pero ngumiti lang siya, ngiting nakakaloko.

"Hindi tayo papalpak kung gagawin nating tama, isa kang Enchantress diba? So may alam kang spell para tumalab ang suntok ko kay Genesis and I know na ayaw mo sa kapatid niya dahil sa gusto siya ni Cylechter diba?"

"H-How did you know that?"

"Because I observed Goddess, mag-obserba ka muna bago umatake."

At dahil sa galit ay ginawa ko ang gusto niya pero hindi ko alam na siya rin pala ang magiging dahilan para bumagsak ako sa lupa na may sugat at dugo sa ulo. I understimated her ability, dapat nag-obserba nga muna talaga ako.

Looking at the white ceiling, no fresh air but its smells medicine. White curtains, white bed sheets, white pillows and also white bandage in my head. Buti nalang hindi nasunog ang buhok ko dahil sa apoy ni Athena, my head still aching. Parang ramdam ko parin ang malakas na puwersa ni Athena.

"I didn't know na ganun din pala siya kalakas even she is just an ordinary specialist." Bulong ko sa sarili ko at ininom ang tubig na nasa lamesita na nasa bandang gilid ko.

But not enough to defeat a Goddess, maghintay lang kayo. I will train harder to control my power, buti nalang unti-unti ko na itong namamaster. But I need more time to master it well.

"I already fight for my feelings, pero sadyang kulang pa ata Cylechter. I think this is the end.."

----

Genesis.

After that happen, balitang-balita na sa buong Academia ang nangyari. They accusing Wenessa, dapat lang. She is too desperate, sumosobra na siya na pati ang mga inosente ay nadadamay na.

Pati na si Athena, hindi na siya nagpakita pagkatapos ng insidenteng iyon.

Nandito ako ngayon sa Cafeteria mag-isa, si Menesis ay may klase kaya hindi ko siya kasama ganun din ang dalawa pa na sina Senny at Sonata.

"Talaga?"

"Oo nga! Nakita na sila!"

"Nandoon nga halos lahat sa Library dahil makikita kung sila nga talaga ang cursed twins. Didn't you remember? Sabi nung traydor ay ang cursed twins lang ang makakapagtunaw ng kakaibang yelo na 'yon. So that they will test their abilities."

Bigla nalang akong napatayo sa upuan at lumakad papalayo sa lamesa, I open the door at sinalubong ako ng kakaibang hangin, may halong lamig.

I remember her again, hindi ko parin matanggap na trinaydor kami ni Donessa.

Nagmamadali akong maglakad hanggang nasa harapan na ako ng Library at tama nga ang mga estudyanteng iyon, napakadami nga ng mga nandidito na halos sakupin na ang buong Library.

Paano ako makakapasok?

"Tumabi ang lahat." Napatingin ako sa lalaking pirming nakatayo at seryosong nakatingin sa mga estudyante na nagkakagulo.

"Tabi kayo! Gold Rank yan."

"Give way girls! Dadaan siya."

"Wooh! I don't know but I'm starting to adore him."

Nabalitaan ko nga din pala na siya ang bagong napiling Gold Rank, Menesis told me before na may mga posisyon sa Natharia Palace at ang Gold Rank siyang walang nakaupo sabi sa kaniya ni Prinsipe Axial dahil naghahanap pa sila ng napakalakas na specialist. Hindi ko alam kung nasaan ang Prinsipe Axial dahil hindi na siya nagpakita pa matapos ng ginawa niya kay Menesis.

Hindi ko rin alam kung bakit itong lalaking nasa harapan ko ang napili. Hindi ko alam kung paano nakuha ng lalaking nasa haparan ko ang posisyon na matagal ng pinapangarap ng karamihan. And I don't know kung bakit hindi pa nagpapakita si Igneous na kapatid ni Ignite, as far as I know, siya ang baliw sa posisyon na ito.

"Enzyme." Bulong ko pero akmang lalapit na siya sa akin ng bigla nalang may humila sa akin papalayo kay Enzyme.

"Anong ginagawa mo Ignite?" Takang tanong ko sa kaniya pero hindi niya akong tinignan sapagkat nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

"Kanina ko pang napapansin na gusto mong pumasok kaya hinila na kita." Turan niya sa akin.

"But Enzyme made a way." Sabi ko sa kaniya and I just saw his jaw tightened.

"I don't care, as long as you will never be with him." Hindi ko alam pero bigla nalang tumibok ang puso ko sa sinabi niya. He is weird pero nakayanan niyang pabilisin ang tibok ng puso ko.

Tumahimik nalang ako hanggang sa nakapasok na kami, kahit sa loob ay napakaraming tao pero ang masasabi ko lang...

Incredible..

Wala ng mga shelves ng mga libro, at kahit ni isang libro ay wala ng natira. Wala ng mga yelo, wala ng mga naglalakihang shelves at wala naring kahit ni isang gamit.

Napakalawak na ngayon ng Library na parang training ground ang kinalabasan.

"They are really the cursed twins." Bulong ng katabi ko kaya napalingon ako sa dalawang lalaki na nakangiti pang nakatingin kay Headmaster.

Even Headmaster ay hindi makapaniwala sa nakita, hindi na siya makakahanap ng Diyos dahil nasa libro lang nito ang buong detalye. Nasa libro lang ang mga mukha at kapangyarihan.

"Very well." Napalingon ako kay Headmaster dahil sa sinabi nito habang nakangiti. Kompiyansa siya na magagamit niya ang cursed twins pero hindi niya alam na....

Ang mga gusto niyang maging kasapi siya palang mga kalaban na gustong pumatay sa sa kaniya.

Napangiti nalang ako, hindi sa kinakampihan ko ang magkambal na hindi halata dahil sa hindi sila magkamukha. Still hindi parin alam ng lahat na ginagamitan parin ito ng kapangyarihan ni Sarionaya na nasa grupo lang ng mga estudyante naka-stand by.

"I think we need to go." Napatingin ako kay Ignite sa sinabi niya at binigyan siya ng nagtatakang tingin.

"Saan naman tayo pupunta Ignite? Parang masyado mo na atang kina-career ang paghila at paghawak sa kamay ko ah?" Kunot-noo kong sabi sa kaniya pero binigyan niya lang ako ng tingin na para bang sinasabi nitong 'dapat lang'.

"Let's go." Turan niya kaya tumango nalang ako hanggang sa nakalabas na kami ng Library, nadaanan pa namin si Enzyme na napakasamang nakatingin kay Ignite pero hindi siya nito pinansin. Habang ako ay nakayuko lang dahil sa hiya na siya pa ang naghanap ng paraan para makadaan ako. Para sa akin nga ba talaga 'yong ginawa niya?

"Saan ba tayo pupunta Ignite?" Inip kong tanong.

"Backyard of this Academia."

Backyard? Ito yung lugar kung saan inililibing ang mga estudyanteng namatay dahil sa digmaan o mga away na nangyari na hindi nila nakayanan ang sakit.

Teka-


"Hindi na niya nakayanan ang sakit Genesis, nagluluksa ang buong NGG because of her death. Hindi niya na nakayanan pang huminga, hindi niya na kayang manatili pa, hindi niya na kayang tignan ang sarili niyang katawan na nagdudusa."

Hindi ako makapaniwala.


"Hindi na nakayanan pa ni Sayatus."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro