Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HG 44

Menesis.


Pilit ko paring hinuhupa ang malaking tubig pero dinidistorbo ako ng babaeng 'to. Hindi ko alam kung anong problema niya pero wala naman akong pakialam dahil wala akong ginawang kasalanan.

"Tumabi ka sabi diyan!" Pangalawa na akong sumigaw sa kaniya pero parang nagbibingi-bingihan lang siya at masamang nakatingin parin sa akin.

Samahan pa ng kakaibang buwan na ito na kulay ube na napakaliwanag at tinatamaan nito ang mukha ni Wenessa. May nakapagsabi sa akin na ito daw ang kapangyarihan ni Wenessa, sa isang buwan ay nakontrol na niya ito agad?

Nagulat nalang ako kanina ng bigla siyang nagpalabas ng isang wand na para sa Enchanters lang, hindi ko aakalain na isa pala siya sa mga Enchanters.

"Hindi ko alam kung bakit ikaw, hindi ko alam kung bakit ikaw ang nagustuhan ni Cylechter. Wala namang kaganda-ganda sa katawan at mukha mo pati sa personalidad mo." Sabi niya sa akin.

Hindi ko alam pero bigla nalang napayukom ang mga palad ko, hindi ako basta-basta naaapektuhan sa mga salita lamang pero nagbago ang lahat ng yun ng dahil kay Azumarill at Azma. Hindi ko maatim ang mga salitang hindi nararapat ibato sa'kin.

"Tatlong linggo akong umalis dito to adopt this Goddess' power, to control this power to protect myself and to protect Cylechter. Pero bakit ganun? Sa pagbalik ko ay wala akong ibang narinig kundi ang pangalan mo, pangalan mo na palaging bukang-bibig ni Cylechter?" Dagdag niyang litaniya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong pakialam kung saang lupalop ka man pumunta, kung saan kagubatan ka man tumira. Wala akong pakialam dahil hindi ka naman importante sa'kin. Gusto mo si Cylechter? Kainin mo! Parehas lang kayong mga desperado sa mga bagay-bagay na alam niyong imposibleng mangyari!" Sigaw ko sa kaniya kaya napansin kong mas dumilim pa ang ekspresyon niya.

Napansin kong humuhupa na ang tubig kaya napalingon ako kay Genesis na ngayon ay nakaharap na sa amin, taka ko siyang sinulyapan dahil sa napakaseryoso nitong mukha. Kasing-dilim ng gabi ang presensiya niya ngayon.

"Madali para sa'yo na sabihin yan dahil wala kang alam sa pinagdaanan namin-pinagdaanan ko. Wala kang alam sa mga naging sakit at kalungkutan na naranasan ko! Kahit isang kagustuhan lang pero hindi naman matupad! Hindi maisakatuparan! Tadhanang walang kwenta, katulad mong walang kakwenta-kwenta." Pagkasabi ni Wenessa nun ay bigla niya nalang itinaas ang kaniyang wand na kulay itim na may diseniyong ahas na nakayakap sa stick sa ere at naglikha ito ng ubeng kulay na liwanag.

This presence, this presence is so strong. Hindi ko alam kung saan niya ito nakuha, sino bang Diyos ang nagbigay sa kaniya ng ganitong klaseng kapangyarihan na hindi naman ginagamit sa tama?

Unti-unti ng lumalabas ang mga tunay nilang kulay, hindi ko aakalain na kayang-kayang gawin ni Wenessa ang lahat para lang mapasa kaniya ang lalaki na hindi ko alam kung bakit ako ang nagustuhan. Para ng baliw si Wenessa at si Cylechter, I wonder kung bakit hindi sila ang magkatuluyan diba? Pansin ko rin si Ignite na naging seryoso na lately, Bill na nagbago narin na parang hindi na ang childish Bill na kilala ko. Enzyme na palaging nakangiti sa amin, its so strange.

"Sky Doom!" She chanted and it makes a great violet brilliant light na nagdala ng matinding pagsabog sa kalangitan kaya napasulyap ako sa itaas.


T-The barrier is now...


"Nasira niya ang barrier na ganun-ganun nalang? I thought the barrier protecting the whole Academia is a strong kind of power?" Bulong ko sa sarili habang pinapanood ang pagwasak ni Wenessa sa buong barrier.

"Moon Exodus." Bigkas niya ulit sa isang spell, the way she chanted the spell like she is in a serious mood.

Napatakip nalang ako sa mga mata ko ng biglang nagliwanag ang buong buwan.

"Argh!" Bigla nalang akong napadaing, napaluhod at nanlaki ang mga mata dahil sa kakaibang pakiramdam.

Parang ang daming sumusuntok sa balikat, likod at tiyan ko kaya hindi ko kayang tumayo ng maayos.

"H-How did y-you do t-that?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi pa ganun ka-open ang kapangyarihan ko para labanan ang kaniyang lakas, she is quite powerful too like she is capable to destroy the whole Natharia in just one snap.

"Magkapatid nga kayo ni Genesis, well anyway, she is quite kind kaya siya ang pinuntirya ko imbis ikaw. I chanted spell para umepekto ang suntok ni Athena sa kaniya at maramdaman pa niya ito ulit but since someone helped her to heal the spell. That girl."

Bigla nalang akong kinilabutan sa isang segundo at napalingon sa likuran ko, she is now staring at Wenessa with her blazing eyes.

"Don't you remember Wenessa na nandidito pa ako? Kung sabihin mo lahat ng mga sikretong ginawa mo sa akin ay parang wala ako sa tabi-tabi ah?" Kahit ako at si Wenessa ay nabigla sa pagiging dalawa ng boses nito, we are in the same situation kapag nagagalit.

Unlike me, I can recover easily and I know na ganiyan talaga ang ugali ni Genesis. But since Wenessa are still shock, I manage to make a strong barrier. Wala na akong pakialam kung ang presensiya ko ay maaattract na nito ang kalaban pero kailangan kong ibalik ang barrier para iligtas ang iba, iligtas ang buong Academia. I feel na wala ng sumusuntok sa katawan ko kaya napatayo ako.

"A-Ano naman? I'm not scared of you Genesis! Your just an ordinary Goddess!" Sigaw ni Wenessa kay Genesis but still Genesis doesn't like her starting today.

Wala ng mabibigat at maitim na mga ulap but the light of the violet moon is still there. Sinasakop nito ang buong kalangitan kaya napakaliwanag ng kapaligiran. Still her presence is quite threat para sa amin but I need to be brave to save myself.

"Really?" Ngising tanong sa kaniya ni Genesis. Bigla nalang lumutang sa ere si Wenessa with her pairs of violet eyes looks fancy but quite dangerous.

"You can't beat me Genesis, you can't." Bigla nalang itong sumugod kay Genesis na may ubeng liwanag sa dalawa nitong kamay at handa ng ibato kay Genesis but still Genesis remain standing. Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero ang nasisiguro ko lang ay dapat akong magtiwala sa kapatid ko, sa kambal ko.

Ng malapit na itong maatake si Genesis ay bigla niya nalang itong ibinato ng walang pagdadalawang isip sa puwesto ni Genesis pero akmang tatama na ito sa mukha ni Genesis ay bigla nalang itong naglaho na ikinagulat ni Wenessa. Napaatras ito at gumawa pa ng limang ubeng liwanag at ibinato ito kay Genesis but its still the same, nawala nalang ito bigla kapag malapit na itong tamaan si Genesis.

I know Genesis well, magkasing-lakas lang kami ng kapangyarihan but her ability is quite rare. Hindi basta-basta ang dinadala niyang responsibilidad at mas lalo akong kinakabahan dahil nandidito sa lugar na ito ang tatlong Diyos na 'yon na posible nilang pagtulungan si Genesis. They already know the future kaya hindi na malabong alam nila kung sino talaga kami.

Hindi na ako nanood pa at bigla nalang akong tumakbo ng mabilis sa puwesto ni Wenessa, she didn't expect it dahil nasa harapan niya na ako bigla like a lightning bolt.

"Two versus one? Its bad, pwedeng pasali?" Napalingon kami sa napakapamilyar na boses at bigla nalang mas naging seryoso ang ekspresyon ko at ni Genesis. Napalayo ako kaagad kay Wenessa at lumapit kay Genesis.

"Athena." Halos sabay naming sabi ni Genesis.

"Oh well, hindi ko alam na mga Diyos din pala kayo. Well I don't hate Gods and Goddesses powers, but I hate their attitude." Napaikot nalang ako ng mata dahil sa kung anu-ano nalang ang sinasabi nitong babaeng 'to.

"Oh really Athena? And I think our attitude doesn't like you too so lets call it quits." Turan ko sa kaniya kaya bigla nalang napawi ang ngisi niya at napalitan ng seryosong ekspresyon.

Like the real battle begins here...

Nagkatinginan kami ni Genesis, at pansin namin na ganun din ang dalawang kaharap namin. Genesis and I nodded to each other like we already knew what we are going to do.

We feel the surroundings, the pure and fresh air with this four presences with different kind of abilities. Along with this violet moon that they called Royal Moonlight, the legendary kind of moon. The trees are dancing together with their leaves waving like a hand, the rolling rocks' sounds are too intimidating.

At sa isang iglap ay bigla nalang kaming umatake sa isa't-isa at nagpalitan ng mga suntok at sipa. Genesis with Wenessa and Athena is with me, suntok lang ng suntok sa akin si Athena but I easily dodged those stupid punches of hers, aaminin ko na malakas ang muscles niya at mas malakas ang epekto ng suntok niya kapag nagkataon na lumapat ito sa katawan ko. But the craziness thing here is, she can't punch me because of my zero gravity kaya napupunta sa ibang direksiyon ang suntok niya that made her mad.

"Hindi ko alam kung anong nakita ng kapatid ko sa walang kwenta mong kapatid, hindi ko rin alam kung anong nakita ni Enzyme at ni Ignite sa ordinaryong Diyos, sa kapatid mo." Turan niya sa akin kaya napangisi ako habang napaatras ng iilang hakbang habang siya ay nanonood lang sa ginagawa ko.

"Well admit it Athena, habulin kami ng lalaki. Mas mabuti nga yun diba? Kaysa sa iba diyan, walang ginawa kundi maghabol." Turan ko sa kaniya but it doesn't affect her ego.

"Hmmm-well wala naman akong gusto sa kanilang tatlo." Nagtaka naman akong napatingin sa mga mata niya at pagkurba ng kaniyang labi.

What are she trying to imply?

"I have a plans Menesis, I did those kind of stuff for my personal intension. Wala naman akong pake sa mga lalaking yun dahil hindi ko naman sila type." Turan niya kaya napaikot na naman ako ng mata.

"As if naman type ka nila." At sa pagkasabi ko nun ay sa isang iglap, bigla nalang siyang sumugod.

I dodged the punches, sinisipa niya din ako but not enough para matamaan ako. Naiinis naman siya dahil hindi niya kayang patamaan ang sinasabi niyang ordinaryo.

"Energy Steal!" Napalingon ako kay Wenessa ng nagbigkas siya ng kung anong spell at kasabay nun ay ang pagliwanag ng ubeng buwan kaya napatakip agad ako sa aking mga mata dahil sa nasusulaw ako.

Bigla nalang kumirot ang puso ko, my knees are now trembling, my hands are shaking and I think my lips are now pale as violet. Napansin kong napaluhod din si Genesis at si Athena.

"H-How ashame of y-you na pati kakampi m-mo dinamay mo." Hirap kong sabi pero nginisian lang ako ni Wenessa habang nakalutang sa ere hawak-hawak ang kaniyang wand.

"Sino bang nagsabing kakampi ko yang mahina na yan?" Nakita kong naging seryoso muli ang ekspresyon ni Athena.

"Hindi ko naman talaga siya kailangan for my needs dahil kaya ko naman tustusan ang pangangailangan ko with my great power. Sagabal lang naman siya, and I don't have a comrades with a weak ability." Sa pagkasabi ni Wenessa nun ay bigla nalang napatayo si Athena na para bang hindi naaapektuhan sa spell na binigkas.

How Athena do that? Dahil ba sa insultong ibinato ni Wenessa kaya hindi niya nakayanan?

I feel like my energy are drained, hindi ako makatayo ng maayos dahil sa panghihina ng buo kong katawan. Kaya malaki ang pagtataka ko, ganun nalang kadali kay Athena na tumayo ng ganun-ganun nalang na parang hindi siya naaapektuhan.

I saw Genesis inhaling badly na parang hinahabol niya ang hininga niya. Are we felt the same feeling?

Napalingon ako kay Athena, nakatalikod siya sa akin at pansin kong nakayukom ang mga kamao nito. Wait-another aura from her body! Anong ibig-sabihin nito?

At halos mapanganga ako dahil sa pagtalon nito ng napakataas, halos abot na niya ang barrier na ginawa ko kani-kanina lang. She jumped high at bigla niyang dinikit ang kaniyang dalawang kamay na parang martilyo dahil sa kakaiba nitong porma, and her fists are flaming.

She can produce fire?

"Hindi ko a-alam na may k-kakayahan din siyang magpalabas ng a-apoy." Bulong ko at nakita ko na tumango si Genesis. Narinig niya ata.

At hanggang sa mas tumindi ang paglaki ng apoy sa mga kamao ni Athena, the fire are intense red. Ibang-iba sa apoy ni Ignite at Igneous. Ignite's fire ay may halong itim symbolizing his appearance na isa siya Diyos. With his light colored fire mixed with light black made his fire cool. Igneous' fire symbolizing the Royalities, hindi gaano kapula at hindi gaano ka-light. May pagka-yellow ang kulay nito hindi katulad kay Ignite. Pero kung titignan mo ang apoy ni Athena, when you observe her flames ay masasabi kong napakaganda ng apoy niya even I hate her still I managed to compliment her like this for the first time of my life.

"Take this you witch!" Sigaw ni Athena at biglang inatake si Wenessa. Bibigkas na sana si Wenessa pero bigla nalang itong natamaan sa bandang ulo kaya bumagsak ito sa lupa na parang ibinalibag.

Athena's fire are still blazing intense, hindi parin ito nawawala. At bigla nalang akong naginhawaan dahil sa pagbalik ng lakas ko.

"I feel you Wenessa, kahit ako ayoko rin ng kakamping mahina." Rinig kong sabi ni Athena.


Just great.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro