HG 43
Genesis.
"Hindi niyo ba kami papaupuin?" Tanong sa amin nitong kamukha ni Menesis, he is Specter.
Hindi parin nagsisink-in sa utak ko kung paano namin sila naging kamukha, sa pagkakaalam ko ay wala naman kaming iba pang kapatid kundi kami lang talaga ni Menesis.
"A-Ah.." Napalingon kami kay Senny ng bigla itong napatigil sa gilid namin galing sa Comfort Room.
"Umupo na muna kayo." Aya sa kanila ni Sonata at napatango naman ang tatlo, nasa akin tumabi si Sonata at si Senny, doon naman ang tatlo sa tabi ni Menesis.
Bali ang lamesa na ito ay pangwaluhan talaga, pero nakakaawkward sa feeling kumain na may kasama ka sa lamesa na hindi mo kilala.
Pansin kong nakayukom lang ang mga kamao ni Menesis habang tinitignan ang pagkain niya habang seryoso lamang akong nakasulyap sa labas ng Cafeteria. Silbing puro glass lamang ang pumuprotekta sa buong Cafeteria kaya nakikita namin ang nasa labas, kung anong nangyayari.
"Bakit ang tahimik niyo?" Bulong sa akin ni Sonata pero hindi ko nalang muna siya pinansin at kumain nalang ng mahinhin.
Hindi parin mawala sa akin ang feeling na magalit, dahil halos patayin na nila kami doon sa misyon na ginagawa namin, at hindi rin maiibsan ang galit ko dahil sa pagkuha at paggamit kay Azania.
"Nasaan si Azania?" Nagulat naman ako sa tanong ni Menesis at diretsong napatingin sa tatlo. Napansin kong nakangisi lang ang labi nitong si Specter. Mas lalo tuloy nadadagdagan ang galit ko sa lalaking ito.
"Huwag kayong mag-alala, hindi siya namin sinasaktan. Ginagamit lang namin ang kapangyarihan niya para malaman ang hinaharap at kung papaano pababagsakin ang buong Natharia sa kamay ni Dracunox." Sagot naman nitong si Specter.
Napatingin ako kay Sonata at Senny na nagkukuwentuhan lang sa isa't-isa. Taka ko naman silang tinignan dahil parang wala lang silang naririnig.
"Kaya ni Sarionaya na gawing invisible ang pag-uusap natin, isipin nalang natin na parang ilusyon lang ang nakikita nila. They thought na tahimik lang tayo pero hindi nila alam na nagbabatuhan na tayo ng mga salita." Sa kalalaking gawa nitong si Specter pero masyadong madaldal. Mahilig siyang mag-observe ng mga kilos ng bawat isa.
"Hindi ko alam na madaldal ka talaga, at kaya pala hindi ka natatakot na ano ang sabihin mo dahil may ginawa na naman yang babae na yan?" Taas-kilay na pangungumpirma ni Menesis habang nakaturo sa nagngangalang Sarionaya na nakataas lang ang kilay na nakatingin kay Menesis.
"Well hindi naman talaga kami takot dahil alam naming mas makapangyarihan pa kami sa kanila." Pagmamalaki nitong si Specter.
"You talk a lot today Specter." Sabi naman nitong si Spencer na kamukha ko pero ang ugali niya ay kasing lamig din sa ugali ni Prinsesa Zhavia. I wonder kung ano na ang ginagawa nila doon sa Satharia? Meron kaya silang misyon na nilulutas? I miss them already.
"Last nalang," napalingon ulit sa amin si Spencer habang nakangisi ang labi.
"Alam niyo ba na ang sinasabi nilang cursed twins ay nagdadala ng malas?" Hindi ko alam kung may alam sila na pwedeng kami ang posibleng cursed twins na sinasabi nila, pero sa tingin ko hindi kami mababahala dahil wala namang katuturan ang sinasabi niya.
"Siguro may malas nga kayong dala, kambal kayo diba? Tsk!" Singhal sa kanila ni Menesis at napapangiti nalang ko kaya nagiging seryoso ang mukha ni Sarionaya.
"Ewan." Pagkasabi niya nun ay bigla nalang kaming napatingin sa labas dahil sa pagbagsak ng malalakas na ulan.
Ito ang kauna-unahang umulan ng napakalakas dito sa Natharia, pero maliban doon ay may nakita akong pigura ng isang babae na nakatingin lamang sa akin, hindi ko alam pero may kutob ako na may mangyayaring masama.
Napatayo kaming lahat at ganoon din sa Sonata at Senny, nawala na ata ang bisa ng ilusyon na sinasabi nitonh si Spencer.
"Ano yun?!" Pasigaw na tanong ni Sonata at bigla nalang kaming nakakita ng pagliwanag. Napatingin ako kay Spencer at nakangisi na siya habang nakatingin sa labas habang ang dalawa niyang mga kasama ay seryoso paring nakatingin sa kani-kanilang pagkain pero hindi naman ginagalaw.
"Malas nga kayo." Sambit ni Menesis at tumakbo papalayo sa lamesa namin, hindi rin ako nakapagpigil at sumama na din ako. Ramdam kong nakasunod din ang dalawang babae kaya hindi ko na sila tinignan pa.
Pagkalabas namin ay hindi ko ininda ang napakalakas na hangin at napakalakas na ulan, basang-basa na ang damit ko dahil sa ulan at ganoon din ang mga kasama ko. Pansin kong nagmamadaling tumakbo si Menesis na parang may kailangan siyang gawin. Pamilyar ba sa kaniya ang liwanag na yun?
Hindi kami tumigil sa pagtakbo, hanggang sa umabot kami sa hardin na may nagkukumpulang estudyante, hindi iniinda ng iba ang lakas ng ulan, pansin kong gumagawa ng mga kani-kanilang mga barriers ang iba para hindi mabasa ng napakalakas na ulan.
Sumiksik ako sa mga nagkukumpulan at pansin kong ganun din ang ginagawa ni Menesis at hanggang sa maabutan namin ang mga wasak na mga bulaklak na hindi mo na talaga makikilala pa ang mga itsura nito dahil sa pagkasira. Habol-habol konpa ang hininga ko dahil sa pagtakbo.
"Bill." Dinig kong sambit ni Menesis kaya napatingin ako sa dalawang Diyos na nag-aaway.
Away na naman ng mga Diyos? Ano bang nangyayari at ganun nalang ang pagbabago ng mga Diyos ngayon?
Napansin kong hindi mapakali si Menesis, sa tingin ko ay ngayon niya nalang nakita si Bill matapos siyang iligtas nito sa mga atake ni Prinsipe Axial na hindi ko aakalain na magagawa niya ito. Tama pa bang tawagin ko siyang prinsipe? Tama pa bang respetuhin ko ang mga katulad nila dito sa Natharia? Bakit hindi nalang nila gayahin ang mga ugali ng mga taga-Satharia? Mababait ang mga Royals doon at hindi maaarte sa mukha at pananamit.
Napansin kong napalingon sa puwesto ni Menesis si Bill habang nakikipaglaban ito kay Cylechter.
Ano na naman ba ang pronlema nila?
"Menesis!" Dinig kong sigaw ni Cylechter kaya napansin kong nakatingin ang lahat sa puwesto ni Menesis. Nagtataka namang napatingin si Menesis kay Cylechter dahil sa pagsigaw nito sa kaniyang pangalan.
"Bakit hindi mo ako kayang mahalin? Am I not handsome for you? Am I not enough to love you?" Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa pinagsasabi ni Cylechter.
He loves my sister? Kailan pa? Bakit hindi ko alam to? Bakit walang sinasabi sa akin si Menesis? Bakit?
"A-Ano bang pinagsasabi mo Cylechter?!" Sigaw din pabalik sa kaniya ni Menesis at akmang sasagutin ulit siya nito pero bigla nalang itong natumba sa lupa dahil sa mabilis na pagsuntok ni Bill sa kaniya.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Hindi ka niya gusto!" Sigaw sa kaniya ni Bill, ewan ko pero marami na ata kaming nakakaalam o nakakakita dito na biglang humaba ang buhok ni Menesis dahil sa mga lalaking nagkakagusto sa kaniya.
Nag-aasaran pa nga kami noon dahil mahaba daw ang buhok ko dahil maraming nagkakagusto sa akin, binigyan ko lang siya ng ngiti nun at sinabing mas mahaba ang buhok niya kaysa sa akin at yun na nga, nagkatotoo talaga. Ang haba na ngayon ng buhok ni Menesis.
"Bakit ka ba nangingialam? Gusto mo din ba siya ah?!" Sigaw na tanong sa kaniya ni Cylechter habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng kaniyang labi. Tumayo pa ito na parang walang nangyari at naramdaman nalang namin ang pagbuhos ng mga malalaking butil ng ulan.
Napansin kong nahihirapan na ang dalawa kong kasama kaya gumawa ako ng barrier para sa amin, ang ulan na ito ay galing sa kapangyarihan ni Cylechter dahil nararamdaman ko ito. Kapag ordinaryong ulan lamang ito at makakalusot ito sa kahit anong barriers.
Hindi ko narinig na sumagot si Bill, nagpapalitan na sila ngayon ng mga suntok.
"Tama na yan!" Sigaw ni Menesis at sa sigaw na yun ay bigla nalang kaming napatingin sa kaniya.
Her voice, nagdalawa ang boses niya. Wala dapat makaalam kung ano talagang klase ang kapangyarihan namin. Wala dapat makaalam na kinakatakutan ang kapangyarihan namin, hindi rin ako natatakot sa kanila dahil kayang-kaya ko silang pabagsakin dito pero makakagamit ako ng napakaraming enerhiya galing sa katawan.
"Huwag mo akong tinatakot Menesis, mahal kita. Hindi mo ba ako kayang mahalin? Can't you love me? Gwapo naman ako, hindi na ako playboy! Nagbago na ako!" Dinig kong sigaw ni Cylechter.
Hindi naman kasi dapat pinipilit ang isang specialist na gustuhin sila, malay ba nating may iba silang mahal kaya hindi mo sila mapapayag sa gusto mo.
"Hindi minamadali ang lahat Cylechter! Hindi dapat dinidiktahan ang puso ng bawat isa! Hindi ako dumedepende sa mga gwapong lalaki! Hindi ako parehas sa iba diyan na walang ginawa kundi gwapo ang hanapin! Pero Cylechter, please! Tumigil ka na, hinding-hindi ko kayang pagbigyan ang gusto mo. M-May mahal na a-akong iba!" Hindi ko alam kung nagsisinungaling lang ba si Menesis pero sa boses niya ay nawala na ang pagiging dalawa nito. Bumalik na sa normal ang boses niya at parang nakarecover na ang lahat dahil nasa kay Cylechter na ang mga iba't-ibang uri ng mga mata.
"Bakit?! Bakit hindi ako?! Bakit may iba ka?! Letse naman oh!" Frustrated na sigaw ni Cylechter habang nakaluhod na sa harapan ni Menesis habang si Bill ay nakatingin lang sa mula sa likuran ni Cylechter.
"Anong bakit?! Anong bakit hindi ikaw?! Siyempre puso ko to Cylechter! Ako ang magdedesisyon dahil puso ko to! Bakit? Kapag nasaktan ba ako ikaw ang makakaramdam? Kapag umiyak ako ikaw ba ang luluha? Hindi naman diba? At bakit tanong ka ng tanong? Gago ka ba?! Mas lalo mong pinapalala ang sitwasyon! Mas lalo mong pinapalayo ang loob ko sayo!" Sigaw sa kaniya ni Menesis, hindi ko na nakayanan kaya lumapit na ako sa kaniya at hinawakan ang magkabilang balikat niya mula sa noo.
Hindi niya na ako tinignan dahil alam kong ramdam niya na ako ang nasa likuran niya, magkapatid kami at hindi lang yun, magkambal pa kaya alam na namin ang sarili naming mga presensiya. Alam na namin ang mga ikinikilos namin pero sadyang may mga sikreto lang talaga kami sa isa't-isa minsan na hindi namin sinasabi sa isa't-isa.
"Ganun ba?" Bigla nalang nagseryoso ang mukha ni Cylechter at bigla nalang lumamig ang boses nito kasabay ang paglakas pa ng ulan. Sumasabay na din ang malakas na hangin at nililipad na ang mga bulaklak na natira.
Napansin kong ang iba ay sumilong na pero nanunuod parin sa eksena. Wala man lang ba silang konsiderasyon? Alam nilang may nag-aaway pero hindi sila humingi ng tulong sa mas nakakataas dito sa Natharia Academia.
Ano bang mali sa pagmamahal? Ano bang mali sa hindi pagsusukli? Anong masama na hindi ka kayang bigyan ng importansiya dahil may mas higit pa sayo?
"Bill!" Dinig kong sigaw ni Menesis at nakita kong tinitira na ito ni Cylechter ng mga water daggers habang sinasangga lang ito ni Bill.
"Baliw ka ba?! Lumaban ka!" Sigaw ni Menesis kay Bill at nakita kong biglang mas nagseryoso ang mukha ni Cylechter pero mapapansin mo parin ang lungkot dito. May part sa akin na naaawa kay Cylechter.
"Bakit ba palagi ka nalang napapahamak Bill? At ako pa talaga ang dahilan?" I tap her back when she said that.
Mahirap pumili minsan kapag ayaw mong may nasasaktan, alam mo kasing hindi nila deserve na masaktan pero wala kang pagpipilian dahil mas masasaktan sila kapag pinatuloy ang walang kwentang pagmamahalan.
Gumagawa na din si Bill ng mga light daggers at binabato ito kay Cylechter na ngayon ay pilit paring lumalaban.
May naramdaman akong kaunting pagyanig at napatingin ako sa itaas ng nagsiliparan ang mga kakaibang ibon at bigla nalang akong napanganga, nanlaki ang mga mata dahil sa nakikita.
"Shit!" Dinig kong singhap ng iba.
"Tsunami!"
"Wah! Ang laki ng tubig!"
Natulala ako sa tubig na halos sakupin na ang Natharia Academia pero hindi nito masakop dahil sa barrier na nakaprotekta. Napansin kong nagpatuloy parin sa paglaban ang dalawa habang si Menesis ay gumagawa na ng paraan para matigil ang laban ng dalawa.
Wala akong pagpipilian kundi tumulong kay Menesis, hindi ko kaya ang napakalaking tsunami na yan na pumipilit pumasok sa Academia. Dahil sa galit ni Cylechter ay hindi niya alam na hindi niya na pala nakokontrol ng maayos ang kapangyarihan niya. Hindi niya na pala alam na nasosobrahan na siya sa paggamit ng napakalakas na kapangyarihan galing sa kaniyang sistema.
"Menesis!" Sigaw ko kaya napatingin siya sa akin, mukha niyang nagmumukhang pagod at stress dahil din sa napakalakas na ulan. Naaawa ako sa kapatid ko na wala namang ginawa kundi manahimik pero parang siya pa ang sinisisi ng lahat dahil siya daw ang ugat ng lahat nito.
"Ikaw na bahala sa malaking tubig, ako na sa kanilang dalawa." Sambit ko nalang at wala na siyang nagawa kundi tumango at lumapit sa napakalaking tubig na nagpupumilit pumasok sa barrier. Napapansin kong tumutulo na ang ibang butil dahil nakakalusot na ito sa barrier.
"Faster! Malapit ng pumasok!" Sigaw ko sa kaniya kaya tumango nalang siya at napansin kong ginamit niya ang bilis niya para makalapit agad sa tubig.
Nakatanaw lang ako sa dalawang nag-uubusan ng enerhiya sa katawan, hindi ko hahayaang may masaktan sa kanila at may mapahamak. Kailangan parin sila sa parating na labanan.
I feel the warm in my body, hindi ko ininda ang napakalakas na ulan na tumatama sa mukha ko. At sa isang iglap ay bigla nalang lumiwanag ang buo kong katawan kasabay nun ang pagwala ng mga ulirat ng lahat kung sino ang nakasaksi sa labanan na ito at ang pagtulog ng dalawang lalaki.
"Love is forbidden. Hindi yun basta-basta ibinibigay, dapat ay paghirapan."
Napalingon ako kay Menesis at gulat akong napatingin dahil may kalaban siya.
Ano bang nangyayari sa mga Diyos ngayon?! Ang lilikot ng mga utak nila at hindi nila naiisip na may ibang nasasaktan.
Tinignan ko ang ibang mga estudyante, I raised my hands at nagliwanag ito ng napakaliwanag. The energy is in it kaya mararamdaman agad ito ng kung sino man.
Unti-unting naglalaho ang mga estudyante pati na din silang Sonata at Senny na mahimbing na natutulog.
"Umuwi na muna kayo sa inyong mga dorms." Bulong ko.
Napatingin naman ako ngayon sa dalawang naglalaban, ano na naman bang problema ng babaeng to?
"Gusto mo siya? Edi kunin mo at ilamon mo sa bunganga mo! Akala ko napakabait mong babae ka! Walang-hiya ka!" Sigaw sa kaniya ni Menesis.
Nagulat nalang ako dahil bigla nalang siyang nagpalabas ng isang-wait-a wand? I-Isa siya E-Enchantress?
"Royal Moonlight!"
Bigla nalang lumiwanag ang kalangitan kasabay sa paglitaw ng isang napakalaking buwan na nagkukulay ube. Wala ng ulan, wala ng mabibigat na butil. Pero ramdam na ramdam ko ang napakalakas na kapangyarihan galing sa buwan.
"Sino ka ba talaga Wenessa?"
Hindi kaya siya ang may gawa nun?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro